< Ezekiel 43 >

1 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa tarangkahan na nakabukas sa silangan.
以后,他带我到一座门,就是朝东的门。
2 Masdan mo! Dumating mula sa silangan ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel. Ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming tubig at nagniningning ang lupa dahil sa kaniyang kaluwalhatian!
以色列 神的荣光从东而来。他的声音如同多水的声音;地就因他的荣耀发光。
3 At katulad ito ng pangitaing nakita ko nang dumating siya upang wasakin ang lungsod at katulad ng pangitain na nakita ko sa ilog Kebar at nagpatirapa ako!
其状如从前他来灭城的时候我所见的异象,那异象如我在迦巴鲁河边所见的异象,我就俯伏在地。
4 Kaya dumating ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tahanan sa pamamagitan ng tarangkahan na nakabukas sa silangan.
耶和华的荣光从朝东的门照入殿中。
5 Pagkatapos, itinayo ako ng Espiritu at dinala ako sa panloob na patyo. Masdan mo! Pinupuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan!
灵将我举起,带入内院,不料,耶和华的荣光充满了殿。
6 Nakatayo sa aking tabi ang lalaki at narinig ko na may isa pang kumakausap sa akin na mula sa bahay.
我听见有一位从殿中对我说话。有一人站在我旁边。
7 Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ito ang lugar ng aking trono at ang lugar na tuntungan ng aking mga paa, kung saan ako maninirahan magpakailanman sa kalagitnaan ng mga tao ng Israel. Hindi na lalapastanganin ng sambahayan ng Israel ang aking banal na pangalan, sila o ang kanilang mga hari dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya o sa 'mga bangkay' ng kanilang mga hari sa kanilang mga dambana.
他对我说:“人子啊,这是我宝座之地,是我脚掌所踏之地。我要在这里住,在以色列人中直到永远。以色列家和他们的君王必不再玷污我的圣名,就是行邪淫、在锡安 的高处葬埋他们君王的尸首,
8 Hindi na nila lalapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pintuan ng kanilang dambana sa tabi ng aking pintuan at ang mga haligi ng tarangkahan ng kanilang mga dambana sa tabi ng mga haligi ng aking sariling tarangkahan na walang namamagitan sa amin kundi pader. Nilapastangan nila ang banal kong pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklam-suklam na gawain, kaya nilipol ko sila ng aking galit.
使他们的门槛挨近我的门槛,他们的门框挨近我的门框;他们与我中间仅隔一墙,并且行可憎的事,玷污了我的圣名,所以我发怒灭绝他们。
9 Ngayon, hayaan silang alisin ang kanilang kawalan ng pananampalataya, ang 'mga bangkay' ng kanilang mga hari sa aking harapan at maninirahan ako sa kanilang kalagitnaan magpakailanman!
现在他们当从我面前远除邪淫和他们君王的尸首,我就住在他们中间直到永远。
10 Anak ng tao, ikaw mismo ang dapat magsabi sa sambahayan ng Israel tungkol sa tahanang ito upang mahiya sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Dapat nilang isipin ang tungkol sa paglalarawang ito.
“人子啊,你要将这殿指示以色列家,使他们因自己的罪孽惭愧,也要他们量殿的尺寸。
11 Sapagkat kung mahihiya sila dahil sa lahat ng kanilang ginawa, ihayag mo sa kanila ang disenyo ng tahanan, ang mga detalye nito, ang mga labasan nito, ang mga pasukan nito, ang lahat ng detalye nito at ang lahat ng atas at patakaran nito. Pagkatapos, isulat mo ito sa harapan ng kanilang mga mata upang maigatan nila ang lahat ng disenyo at lahat ng patakaran nito upang masunod nila ang mga ito.
他们若因自己所行的一切事惭愧,你就将殿的规模、样式、出入之处,和一切形状、典章、礼仪、法则指示他们,在他们眼前写上,使他们遵照殿的一切规模典章去做。
12 Ito ang alituntunin para sa tahanan. Mula sa tuktok ng burol patungo sa lahat ng nakapalibot na hangganan dito ay magiging kabanal-banalan. Tingnan mo! Ito ang alituntunin para sa tahanan.
殿的法则乃是如此:殿在山顶上,四围的全界要称为至圣。这就是殿的法则。”
13 Ito ang magiging sukat ng altar sa mahabang siko, ang bawat mahabang siko sa pangkaraniwan ay isang siko at isang kamay ang haba. Kaya ang kanal sa palibot ng altar ay isang siko ang lalim at isang siko din ang lapad. At ang gilid sa palibot ng dulo nito ay isang dangkal. Ito ang magiging tuntungan ng altar.
以下量祭坛,是以肘为度(这肘是一肘零一掌)。底座高一肘,边宽一肘,四围起边高一掌,这是坛的座。
14 Mula sa kanal sa lupa pataas sa mas mababang pasimano ng altar ay dalawang siko at ang pasimano mismo ay dalawang siko ang lawak. At mula sa maliit na pasimano hanggang sa malaking pasimano ng altar, ito ay apat na siko at ang malaking pasimano ay isang siko ang lawak.
从底座到下层磴台,高二肘,边宽一肘。从小磴台到大磴台,高四肘,边宽一肘。
15 Ang sunugan sa altar ng mga sinusunog na alay ay apat na siko ang taas at mayroong apat na sungay na nakaturo sa itaas sa sunugan.
坛上的供台,高四肘。供台的四拐角上都有角。
16 Labindalawang siko ang haba ng sunugan at labindalawang siko ang lawak, isang parisukat.
供台长十二肘,宽十二肘,四面见方。
17 Labing apat na siko ang haba ng hangganan nito at labing apat na siko ang lawak ng bawat isa sa apat nitong bahagi at ang gilid nito ay kalahating siko ang lawak. Ang kanal ay isang siko ang lawak sa buong palibot na may mga baitang na nakaharap sa silangan.”
磴台长十四肘,宽十四肘,四面见方。四围起边高半肘,底座四围的边宽一肘。台阶朝东。
18 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh. Ito ang mga alituntunin para sa altar sa araw na gawin nila ito, para sa paghahandog ng mga alay na susunugin dito at para sa pagwiwisik ng dugo dito.
他对我说:“人子啊,主耶和华如此说:建造祭坛,为要在其上献燔祭洒血,造成的时候典章如下:
19 Ikaw ay magbibigay ng toro mula sa mga baka bilang alay para sa kasalanan sa mga paring Levita na mga kaapu-apuhan ni Zadok, ang mga lumalapit sa akin upang paglingkuran ako. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
主耶和华说,你要将一只公牛犊作为赎罪祭,给祭司利未人撒督的后裔,就是那亲近我、事奉我的。
20 Pagkatapos, ikaw ay kukuha ng kaunting dugo nito at ilalagay ito sa apat na sungay ng altar, sa apat na sulok ng dulo nito at sa gilid sa palibot nito. Lilinisin mo ito at gagawing kabayaran para sa kasalanan.
你要取些公牛的血,抹在坛的四角和磴台的四拐角,并四围所起的边上。你这样洁净坛,坛就洁净了。
21 Pagkatapos, kunin mo ang toro para sa alay para sa kasalanan at sunugin mo ito sa inilaang bahagi ng templo sa labas ng santuwaryo.
你又要将那作赎罪祭的公牛犊烧在殿外、圣地之外预定之处。
22 At sa ikalawang araw, ikaw ay mag-aalay ng lalaking kambing na walang kapintasan mula sa mga kambing bilang handog para sa kasalanan. Lilinisin ng mga pari ang altar gaya ng paglilinis nila sa pamamagitan ng toro.
次日,要将无残疾的公山羊献为赎罪祭;要洁净坛,像用公牛犊洁净的一样。
23 Kapag natapos mo ang paglilinis dito, mag-alay ka ng walang kapintasang toro mula sa mga baka at walang kapintasang lalaking tupa mula sa kawan.
洁净了坛,就要将一只无残疾的公牛犊和羊群中一只无残疾的公绵羊
24 Ialay mo ang mga ito kay Yahweh, sasabuyan ng mga pari ang mga ito ng asin at itataas nila ang mga ito kay Yahweh bilang alay na susunugin.
奉到耶和华前。祭司要撒盐在其上,献与耶和华为燔祭。
25 Ikaw ay dapat maghanda ng lalaking tupa bilang alay para sa kasalanan araw-araw sa loob ng pitong araw at dapat ding maghanda ang mga pari ng walang kapintasang toro mula sa mga baka at walang kapintasang lalaking tupa mula sa kawan.
七日内,每日要预备一只公山羊为赎罪祭,也要预备一只公牛犊和羊群中的一只公绵羊,都要没有残疾的。
26 Dapat silang mag-alay para sa altar sa loob ng pitong araw at dalisayin ito at sa ganitong paraan dapat nila itong gawing banal.
七日祭司洁净坛,坛就洁净了;要这样把坛分别为圣。
27 Dapat nilang buuin ang mga araw na ito, sa ikawalong araw at sa susunod pang araw ay mangyayaring ihahanda ng mga pari ang inyong mga alay na susunugin at ang inyong mga alay para sa kapayapaan sa altar at tatanggapin ko kayo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
满了七日,自八日以后,祭司要在坛上献你们的燔祭和平安祭;我必悦纳你们。这是主耶和华说的。”

< Ezekiel 43 >