< Ezekiel 41 >

1 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa banal na lugar ng templo at sinukat ang mga haligi ng pinto, anim na siko ang lawak sa magkabilang dako.
他領我到了聖所,量了壁柱,兩邊,各厚六肘;
2 Sampung siko ang lapad ng pintuan, limang siko ang haba ng pader sa bawat bahagi nito. Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang banal na lugar, apatnapung siko ang haba at dalawampung siko ang lawak.
門口寬十肘;門口兩邊的牆,各為五肘;他又量了聖所的長度為四十肘,寬為二十肘。
3 Pagkatapos, pumunta ang lalaki sa kabanal-banalang lugar at sinukat ang mga haligi ng pintuan, dalawang siko at anim na siko ang lawak ng pintuan. Pitong siko ang lawak ng mga pader sa magkabilang dako.
他進到裏面,量了門口的壁柱,厚二肘,入口六肘,門口總寬七肘。
4 Pagkatapos, sinukat niya ang haba ng silid, dalawampung siko. At ang luwang nito ay dalawampung siko patungo sa harap ng bulwagan ng templo. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Ito ang kabanal-banalang lugar.”
量了聖所的盡頭長二十肘,寬二十肘。以後對我說:「這是至聖所。」
5 Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang pader ng tahanan(bahay), anim na siko ang kapal nito. Apat na siko ang lapad ng mga tagilirang silid sa buong palibot ng tahanan(bahay).
他量了殿牆,厚六肘;沿殿周圍的廂房,寬四肘。
6 Mayroong tatlong palapag na mga tagilirang silid, sapagkat may mga silid sa ibabaw ng mga silid, tatlumpu sa bawat palapag. At may mga pasimano sa pader sa palibot ng tahanan(bahay) para sa mga tagilirang silid sa buong palibot upang maging suporta sa mga silid sa itaas, sapagkat walang inilagay na suporta sa pader ng tahanan(bahay).
廂房一層在另一層之上,共三層,每層三十間。廂房周圍靠著殿牆,有突出的牆,為銜接廂房,免得嵌在殿牆內。
7 Kaya pinaluwang ang mga tagilirang silid at paikot patungo sa itaas, sapagkat paikot ang tahanan(bahay) na pataas nang pataas sa buong palibot, pinaluwang ang mga silid habang pataas nang pataas ang tahanan(bahay). At papunta sa pinakamataas na palapag ang hagdanan sa pamamagitan ng gitnang palapag.
廂房越高越寬,因為周圍聖殿的牆越高越窄,為此上邊的房間較寬。人由下層可登至中層,再登往上層。
8 At may nakita akong tuntungan sa buong palibot ng tahanan(bahay), ang pundasyon para sa mga tagilirang silid, may sukat itong buong patpat na anim na siko ang taas.
我見殿周圍有一高台,為廂房的基礎,台腳高一竿,即六肘。
9 Limang siko ang lapad ng pader ng mga tagilirang silid sa labas. May isang bakanteng lugar sa labas ng mga silid na ito sa santuwaryo.
廂房的外牆厚五肘。在靠殿的廂房之前的人行道,也寬五肘。
10 Sa kabilang bahagi ng bakanteng lugar na ito ay ang mga panlabas na tagilirang silid ng mga pari. Ang lugar na ito ay may lawak na dalawampung siko sa buong palibot ng santuwaryo.
廂房之外有二十肘寬的空地,環繞著殿的四周。
11 May mga pinto patungo sa mga tagilirang silid mula sa isa pang bakanteng lugar. Ang isang pintuan ay nasa hilagang bahagi at ang isa ay nasa bahaging timog. Limang siko ang lapad ng bakanteng lugar na ito sa buong palibot.
廂房的門向著人行道:一朝北,一朝南;人行道寬五肘。
12 Pitumpung siko ang lawak ng gusali na nakaharap sa patyo sa dakong kanluran. Ang sukat ng pader nito sa buong palibot ay limang siko ang kapal at siyamnapung siko ang haba nito.
在空地的西面有一建築物:寬七十肘,長九十肘;這建築物周圍的牆厚五肘。
13 Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang santuwaryo, isandaang siko ang haba. At ang hiwalay na gusali, ang pader nito at ang patyo ay mayroon ding sukat na isandaang siko ang haba.
他量了聖殿,長一百肘:包括空地、建築物和牆,共長一百肘。
14 Isandaang siko rin ang lapad ng harapan ng patyo sa harap ng santuwaryo.
聖殿的前面和東邊的空地,共寬一百肘。
15 Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang haba ng gusali sa likod ng santuwaryo, patungo sa kanluran nito at ang mga galerya sa magkabilang bahagi ay isandaang siko. Ang banal na lugar at ang portiko,
他量了聖殿後邊的建築,連空地和牆在內,由這一端到另一端,共長一百肘。至於聖所內部和外邊的門廊、
16 ang panloob na mga pader at ang mga bintana kabilang ang masisikip na mga bintana at ang mga galerya sa buong palibot ng tatlong palapag ay nababalutan lahat ng tabla.
門框、帶櫺的窗和三面的圍牆,以及門限周圍都鑲上木板,由地到窗──窗是遮蔽的;
17 Sa itaas ng pasukan patungo sa santuwaryo at ang puwang sa tabi ng lahat ng pader na nakapalibot ay may mga nakaukit na kerubin at mga puno ng palmera, nagsasalitan ang bawat isa.
直到門上邊,以至殿的內部和外部;周圍所有的,裏面和外面的牆上,都有雕像,
18 At pinalamutian ito ng kerubin at mga puno ng palmera, may puno ng palmera sa pagitan ng bawat kerubin. At ang bawat kerubin ay may dalawang mukha.
雕刻著革魯賓和棕櫚枝,棕櫚枝在革魯賓與革魯賓之間;革魯賓有兩個面貌:
19 Ang mukha ng tao na nakatingin sa puno ng palmera sa isang dako at ang mukha ng isang batang leon na nakatingin sa puno ng palmera sa kabilang dako. Pinalamutian nito ang buong palibot ng tahanan,
人的面貌向著這邊的棕櫚枝,獅的面貌向著那邊的棕櫚枝;全殿四周都是這樣。
20 mula sa ibaba hanggang sa itaas ng pintuan ay mayroong mga palamuting kerubin at mga puno ng palmera sa pader ng templo.
由地到門上邊,聖所的牆上都雕刻著革魯賓和棕櫚枝。
21 Ang mga haligi ng tarangkahan ay parisukat at magkakatulad ang mga ito.
聖所的門框是方的。在至聖所前面,有一座看似木頭的祭壇:
22 Ang kahoy na altar sa harap ng banal na lugar ay tatlong siko ang taas at dalawang siko ang haba sa bawat bahagi. Ang mga panulukang haligi nito, pundasyon at balangkas ay gawa sa kahoy. Pagkatapos, sinabi sa akin ng lalaki, “Ito ang hapag na nakatayo sa harapan ni Yahweh.”
高三肘,長寬各二肘;角、底座和鑲板,都是木的。以後他對我說:「這是在上主前的祭桌。」
23 Mayroong dalawahang pinto para sa banal at kabanal-banalang lugar.
聖所與至聖所各有兩門,
24 May dalawang bisagra ang bawat isang pinto na ito, dalawang bisagra para sa isang pinto at dalawang bisagra para sa isa pa.
門各有兩扇,每扇又有兩頁;可以摺疊。每一扇門都有兩頁。
25 Iniukit sa mga pinto ng banal na lugar ang kerubin at mga puno ng palmera gaya ng ipinalamuti sa mga pader at mayroong kahoy na bubong sa ibabaw ng portiko sa harap.
門扇上都雕刻著革魯賓和棕櫚枝,像牆上刻的一樣。門廊外的前面有木做的飛簷。
26 Mayroong masisikip na mga bintana at mga puno ng palmera sa magkabilang bahagi ng portiko. Ito ang mga tagilirang silid ng tahanan(bahay) at mayroon din itong mga nakausling bubungan.
門廊兩邊與靠殿的廂房牆上,有有櫺的窗和棕櫚枝,還有飛簷。

< Ezekiel 41 >