< Ezekiel 39 >
1 Ngayon, ikaw, anak ng tao, magpahayag ka ng propesiya laban sa Gog at magsabi, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Masdan mo! Laban ako sa iyo, Gog na pinuno ng Meshec at Tubal.
“人子啊,你要向歌革发预言攻击他,说主耶和华如此说:罗施、米设、土巴的王歌革啊,我与你为敌。
2 Palilikuin kita at pangungunahan kita. Iaangat kita mula sa malayong hilaga at dadalhin kita sa mga kabundukan ng Israel.
我必调转你,领你前往,使你从北方的极处上来,带你到以色列的山上。
3 At ilalaglag ko ang iyong pana mula sa iyong kaliwang kamay at ibabagsak ko ang mga palaso mula sa iyong kanang kamay.
我必从你左手打落你的弓,从你右手打掉你的箭。
4 Mamamatay ka sa mga kabundukan ng Israel, ikaw at ang lahat ng iyong mga hukbo at mga kawal na kasama mo. Ibibigay kita sa mga ibong mandaragit at sa mga mababangis na hayop sa kaparangan upang maging pagkain.
你和你的军队,并同着你的列国人,都必倒在以色列的山上。我必将你给各类的鸷鸟和田野的走兽作食物。
5 Mamamatay ka sa ibabaw ng bukid, sapagkat ako mismo ang nagpahayag nito. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
你必倒在田野,因为我曾说过。这是主耶和华说的。
6 Pagkatapos, susunugin ko ang Magog at ang mga nabubuhay nang ligtas sa mga baybayin at makikilala nila na ako si Yahweh.
我要降火在玛各和海岛安然居住的人身上,他们就知道我是耶和华。
7 Sapagkat ipakikilala ko ang aking banal na pangalan sa kalagitnaan ng aking mga taong Israel at hindi ko na hahayaang lapastanganin ang aking banal na pangalan. Makikilala ng mga bansa na ako si Yahweh, ang Isang Banal ng Israel.
“我要在我民以色列中显出我的圣名,也不容我的圣名再被亵渎,列国人就知道我是耶和华—以色列中的圣者。
8 Masdan ninyo! Parating na ang araw na ipinahayag ko at magaganap ito. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
主耶和华说:这日事情临近,也必成就,乃是我所说的日子。
9 Lalabas ang mga naninirahan sa mga lungsod ng Israel at susunugin ang mga sandata, mga maliliit at malalaking kalasag, mga pana, mga palaso, mga pamalo at mga sibat. Susunugin nila sa apoy ang mga ito sa loob ng pitong taon.
“住以色列城邑的人必出去和捡器械,就是大小盾牌、弓箭、梃杖、枪矛,都当柴烧火,直烧七年,
10 Hindi sila magtitipon ng mga kahoy mula sa mga bukirin o puputol ng mga punong kahoy sa kagubatan, yamang susunugin nila ang mga sandata. Kukuha sila mula sa mga kumuha mula sa kanila, sasamsamin nila ang mga nagsamsam sa kanila. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
甚至他们不必从田野捡柴,也不必从树林伐木;因为他们要用器械烧火,并且抢夺那抢夺他们的人,掳掠那掳掠他们的人。这是主耶和华说的。”
11 At mangyayari ito sa araw na iyon na gagawa ako ng isang lugar para sa Gog, isang libingan sa Israel, isang lambak para sa mga naglalakbay sa silangan ng dagat. Hahadlangan nito ang mga nagnanais na makatawid. Ililibing nila doon ang Gog kasama ang lahat ng kaniyang napakaraming mga tao. Tatawagin nila itong lambak ng Hamon Gog.
“当那日,我必将以色列地的谷,就是海东人所经过的谷,赐给歌革为坟地,使经过的人到此停步。在那里人必葬埋歌革和他的群众,就称那地为哈们·歌革谷。
12 Sa loob ng pitong buwan, ililibing sila ng sambahayan ng Israel upang dalisayin ang lupain.
以色列家的人必用七个月葬埋他们,为要洁净全地。
13 Sapagkat ililibing sila ng lahat ng tao sa lupain. Magiging isang hindi makakalimutang araw ito para sa kanila kapag linuwalhati ako. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
全地的居民都必葬埋他们。当我得荣耀的日子,这事必叫他们得名声。这是主耶和华说的。
14 Pagkatapos, magtatalaga sila ng ilang mga kalalakihan para sa tungkulin ng pagdaan sa mga lupain upang ilibing ang mga natitira sa balat ng lupa, upang dalisayin ito. Sisimulan nila ang tungkuling ito pagkatapos ng ika-pitong buwan.
他们必分派人时常巡查遍地,与过路的人一同葬埋那剩在地面上的尸首,好洁净全地。过了七个月,他们还要巡查。
15 Habang dumadaan sa lupain ang mga kalalakihang ito, kapag nakakita sila ng anumang buto ng tao, lalagyan nila ito ng palatandaan, hanggang sa dumating ang mga tagapaghukay ng libingan at ilibing ito sa lambak ng Hamon Gog.
巡查遍地的人要经过全地,见有人的骸骨,就在旁边立一标记,等葬埋的人来将骸骨葬在哈们·歌革谷。
16 May lungsod doon na ang pangalan ay Hamonah. Sa ganitong paraan nila dadalisayin ang lupain.'
他们必这样洁净那地,并有一城名叫哈摩那。
17 Ngayon sa iyo, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sabihin mo sa lahat ng mga ibong may pakpak at sa lahat ng mga mababangis na hayop sa mga bukirin, 'Halikayo at magtipun-tipon! Magtipun-tipon mula sa lahat ng dako patungo sa handog na ako mismo ang gumagawa para sa inyo, isang malaking handog sa mga kabundukan ng Israel upang maaari ninyong kainin ang laman at inumin ang dugo.
“人子啊,主耶和华如此说:你要对各类的飞鸟和田野的走兽说:你们聚集来吧,要从四方聚到我为你们献祭之地,就是在以色列山上献大祭之地,好叫你们吃肉、喝血。
18 Kakainin ninyo ang laman ng mga mandirigma at iinumin ninyo ang dugo ng mga prinsipe sa daigdig; magiging mga lalaking tupa sila, mga kordero, mga kambing at mga toro, pinataba silang lahat sa Bashan.
你们必吃勇士的肉,喝地上首领的血,就如吃公绵羊、羊羔、公山羊、公牛,都是巴珊的肥畜。
19 At kakain kayo ng taba hanggang sa mabusog kayo; Iinom kayo ng dugo hanggang sa malasing kayo, ito ang magiging alay na aking kakatayin para sa inyo.
你们吃我为你们所献的祭,必吃饱了脂油,喝醉了血。
20 Mabubusog kayo sa aking hapag ng kabayo, karwahe, mandirigma at sa bawat lalaki sa digmaan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
你们必在我席上饱吃马匹和坐车的人,并勇士和一切的战士。这是主耶和华说的。”
21 At ipapakita ko ang aking kaluwahatian sa mga bansa at makikita ng lahat ng bansa ang paghatol na aking ginawa at ang aking kamay na inihanda ko laban sa kanila.
“我必显我的荣耀在列国中;万民就必看见我所行的审判与我在他们身上所加的手。
22 Mula sa araw na iyon, makikilala ng sambahayan ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos.
这样,从那日以后,以色列家必知道我是耶和华—他们的 神。
23 At malalaman ng mga bansa na nabihag ang sambahayan ng Israel dahil sa kanilang mabigat na kasalanan kung saan pinagtaksilan nila ako, kaya itinago ko ang aking mukha mula sa kanila at ipinasakamay sila sa kanilang mga kaaway upang mamatay silang lahat sa pamamagitan ng espada.
列国人也必知道以色列家被掳掠是因他们的罪孽。他们得罪我,我就掩面不顾,将他们交在敌人手中,他们便都倒在刀下。
24 Ginawa ko ito sa kanila ayon sa kanilang mga karumihan at sa kanilang mga kasalanan kapag itinago ko ang aking mukha mula sa kanila.
我是照他们的污秽和罪过待他们,并且我掩面不顾他们。”
25 Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ngayon panunumbalikin ko ang mga kayamanan ni Jacob at kahahabagan ko ang buong sambahayan ng Israel, kapag kumilos ako nang masigasig para sa aking banal na pangalan!
主耶和华如此说:“我要使雅各被掳的人归回,要怜悯以色列全家,又为我的圣名发热心。
26 At makakalimutan nila ang kanilang kahihiyan at ang lahat ng kanilang kataksilan kung saan pinagtaksilan nila ako. Makakalimutan nila ang lahat ng ito kapag mamamahinga sila nang ligtas sa kanilang lupain na walang sinumang makapagbibigay ng takot sa kanila.
他们在本地安然居住,无人惊吓,是我将他们从万民中领回,从仇敌之地召来。我在许多国的民眼前,在他们身上显为圣的时候,他们要担当自己的羞辱和干犯我的一切罪。
27 Kapag pinanumbalik ko sila mula sa mga tao at tinipon sila mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, ipapakita ko ang aking sarili na banal sa paningin ng maraming bansa.
28 At makikilala nila na ako si Yahweh na kanilang Diyos, sapagkat pinabihag ko sila sa mga bansa, gayunpaman, tinipon ko silang muli pabalik sa kanilang lupain. Wala akong iniwan ni isa man sa kanila sa mga bansa.
因我使他们被掳到外邦人中,后又聚集他们归回本地,他们就知道我是耶和华—他们的 神;我必不再留他们一人在外邦。
29 Hindi ko na itatago ang aking mukha mula sa kanila kapag ibinuhos ko ang aking Espiritu sa sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
我也不再掩面不顾他们,因我已将我的灵浇灌以色列家。这是主耶和华说的。”