< Ezekiel 38 >

1 Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
POI la parola del Signore mi fu [indirizzata], dicendo:
2 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha kay Gog, ang lupain ng Magog, ang pinuno ng Mesech at Tubal; at magpahayag ka laban sa kaniya!
Figliuol d'uomo, volgi la tua faccia verso Gog, [verso il] paese di Magog, principe, [e] capo di Mesec, e di Tubal; e profetizza contro a lui; e di':
3 Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan mo! Ako ay laban sa iyo, Gog, ang pinuno ng Mesech at Tubal.
Così ha detto il Signore Iddio: Eccomi a te, o Gog, principe [e] capo di Mesec, e di Tubal.
4 Kaya, ihaharap kita at kakawitan sa iyong panga; Ipadadala ko kayo kasama ang lahat ng iyong hukbo, mga kabayo, at mangangabayo, lahat sila ay nakasuot ng buong baluti, isang napakaraming pulutong na may malalaki at maliliit na mga kalasag, lahat sila ay may hawak na mga espada!
E ti farò tornare indietro, e ti metterò de' graffi nelle mascelle, e ti trarrò fuori, con tutto il tuo esercito, cavalli, e cavalieri, tutti quanti perfettamente ben vestiti, gran raunata di [popolo, con] targhe, e scudi, i quali trattano le spade tutti quanti.
5 Ang Persia, ang Cush, at ang Put ay kasama nila, lahat sila ay may mga kalasag at mga helmet!
[E] con loro le gente di Persia, di Cus, e di Put, tutti [con] iscudi, ed elmi;
6 Ang Gomer at ang lahat ng kaniyang mga pangkat, at ang Beth-togarma, mula sa malayong bahagi ng hilaga, at ang lahat ng mga pangkat nito! Marami kang mga kasamang tao!
Gomer, e tutte le sue schiere; la casa di Togarma, dal fondo del Settentrione, insieme con tutte le sue schiere; molti popoli teco.
7 Maghanda ka! Oo, ihanda mo ang iyong sarili at tipunin mo ang iyong mga pangkat na kasama mo, at maging ang kanilang pinuno.
Mettiti in ordine, ed apparecchiati, tu, e tutta la tua gente, che si è radunata appresso di te; e sii loro per salvaguardia.
8 Tatawagin ka pagkalipas ng maraming araw, at pagkatapos ng ilang mga taon, pupunta ka sa isang lupain na nakabangon mula sa espada at tinipon mula sa mga maraming tao, tinipon pabalik sa mga bundok ng Israel sa patuloy na pagbagsak. Ngunit ang mga taong naninirahan sa lupain ay ilalabas sa mga tao, at mamumuhay silang lahat nang ligtas!
Tu sarai visitato dopo molti giorni; in su la fin degli anni tu verrai nel paese [del popolo] riscosso dalla spada, e raccolto da molti popoli, ne' monti d'Israele, i quali erano stati ridotti in deserto perpetuo; allora che [il popolo di] quel [paese], essendo stato ritratto d'infra i popoli, abiterà tutto in sicurtà.
9 Kaya sasalakay ka na gaya ng pagdating ng isang bagyo; magiging katulad ka ng isang ulap na babalot sa lupain, ikaw at ang lahat ng iyong mga pangkat, lahat ng napakaraming kawal na kasama mo.
E salirai, [e] verrai a guisa di ruinosa tempesta; tu sarai a giusa di nuvola, da coprir la terra; tu, e tutte le tue schiere, e molti popoli teco.
10 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: mangyayari ito sa araw na ang mga plano ay mabubuo sa inyong mga puso, at gagamit ka ng masasamang pamamaraan.'
Così ha detto il Signore Iddio: Egli avverrà in quel giorno, che [molte] cose ti saliranno nel cuore, e penserai un malvagio pensiero.
11 At sasabihin mo, 'Pupunta ako sa bukas na lupain; Pupunta ako sa mga taong namumuhay nang tahimik at ligtas, silang lahat na naninirahan kung saan walang mga pader o mga harang, at kung saan ang lungsod ay walang mga tarangkahan.
E dirai: Io salirò contro al paese delle villate; io verrò sopra la gente quieta, che abita in sicurtà (eglino abitano tutti in [luoghi] senza mura, e non han nè sbarre, nè porte);
12 Kukunin ko ang mga nasamsam at nanakawin ko ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang madala ko ang aking kamay laban sa mga lugar na winasak na ngayon ay tinitirahan, at laban sa mga taong tinipon mula sa mga bansa, mga taong maraming mga hayop at ari-arian, at silang mga nakatira sa gitna ng mundo.'
per ispogliare spoglie, e per predar preda; rimettendo la tua mano sopra i luoghi deserti, [di nuovo] abitati; e sopra il popolo raccolto dalle genti, che si adopererà intorno al bestiame, ed alle [sue] facoltà; [ed] abiterà nel bellico del paese.
13 Ang Sheba at Dedan, at ang mga mangangalakal ng Tarsis kasama ang lahat ng kanilang mga batang mandirigma—sasabihin nilang lahat sa iyo, 'Pumunta ka ba dito para kunin ang mga nasamsam? Tinipon mo ba ang iyong hukbo upang nakawin ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang magbuhat ng pilak at ginto, upang kumuha ng baka at ari-arian, upang kumuha pa ng mas maraming bagay na kinuha sa pagdarambong?'
Seba, e Dedan, e i mercatanti di Tarsis, e tutti i suoi leoncelli, ti diranno: Sei tu venuto per ispogliare spoglie? hai tu fatta la tua raunata per predar preda, per portarne via argento ed oro; per rapir bestiame, e facoltà; per ispogliar molte spoglie?
14 Kaya magpahayag ka, anak ng tao, at sabihin mo kay Gog, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na iyon, kapag ang mga tao kong Israelita ay namumuhay nang matiwasay, hindi mo kaya malalaman ang tungkol sa kanila?
Perciò, figliuol d'uomo, profetizza, e di' a Gog: Così ha detto il Signore Iddio: In quel giorno, quando il mio popolo Israele abiterà in sicurtà, nol saprai tu?
15 Pupunta ka mula sa iyong lugar sa dulong hilaga kasama ang napakalaking hukbo, lahat sila ay nakasakay sa mga kabayo, isang napakalaking pulutong, isang malaking hukbo?
E tu verrai dal tuo luogo, dal fondo del Settentrione; tu, e molti popoli teco, tutti montati sopra cavalli, gran raunata, e grosso esercito.
16 At sasalakayin mo ang mga tao kong Israelita na gaya ng isang ulap na bumabalot sa lupain. Mangyayari ito sa mga darating na araw, dadalhin ko kayo laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa kapag nakita na ni Gog ang aking kabanalan.
E salirai contro al mio popolo Israele, a guisa di nuvola, per coprir la terra; tu sarai in su la fine de' giorni, ed io ti farò venir sopra la mia terra; acciocchè le genti mi conoscano, quando io mi sarò santificato in te, nel cospetto loro, o Gog.
17 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi ba ikaw ang aking kinausap noong mga nakalipas na araw sa pamamagitan ng kamay ng aking mga lingkod, ang mga propeta ng Israel na nagpahayag sa kanilang sariling kapanahunan sa loob ng maraming taon na dadalhin ko kayo laban sa kanila?
Così ha detto il Signore Iddio: Non [sei] tu quello, del quale io parlai a' tempi antichi, per li profeti d'Israele, miei servitori, i quali profetizzarono in quei tempi, per [molti] anni, che io ti farei venir contro a loro?
18 Kaya darating ito sa araw na iyon kapag sasalakayin na ni Gog ang lupain ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang matindi kong galit ay lalabas sa mga butas ng aking ilong!
Ma egli avverrà in quel giorno, nel giorno che Gog sarà venuto sopra il paese d'Israele, dice il Signore Iddio, che l'ira mi salirà nelle nari.
19 Sapagkat inihayag ko ito sa alab ng aking galit at sa nag-aapoy kong poot: tiyak na magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa araw na iyon sa lupain ng Israel.
Ed io ho parlato nella mia gelosia, nel fuoco della mia indegnazione: Se in quel giorno non [vi] è un gran tremoto nel paese d'Israele.
20 Manginginig sila sa aking harapan—ang isda sa dagat at ang mga ibon sa mga kalangitan, ang mga mababangis na hayop sa mga kaparangan, at ang lahat ng mga gumagapang sa kalupaan, at ang bawat tao na nasa ibabaw ng lupain. Guguho ang mga bundok at babagsak ang mga matatarik na dalisdis, hanggang ang bawat pader ay babagsak sa kalupaan.
E i pesci del mare, e gli uccelli del cielo, e le fiere della campagna, ed ogni rettile che va serpendo sopra la terra, ed ogni uomo che [è] sopra la terra, tremeranno per la mia presenza; e i monti saranno diroccati e i balzi caderanno, e ogni muro ruinerà a terra.
21 Sapagkat ipatatawag ko ang isang espada laban sa kaniya sa lahat ng aking mga bundok—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang bawat espada ng isang tao ay laban sa kaniyang kapatid.
Ed io chiamerò la spada contro a lui, per tutti i miei monti, dice il Signore Iddio; la spada di ciascun [di loro] sarà contro al suo fratello.
22 At hahatulan ko sila sa pamamagitan ng salot, dugo, napakalakas na mga ulan, at malalaking yelo ng apoy. Pauulanin ko ng asupre sa kaniya at sa kaniyang mga pangkat at sa maraming mga tao na kasama niya.
E verrò a giudicio con lui con pestilenza, e con sangue; e farò piover sopra lui, e sopra le sue schiere, e sopra i molti popoli, che [saranno] con lui, una pioggia strabocchevole, pietre di gragnuola, fuoco, e zolfo.
23 Sapagkat ipapakita ko ang aking kadakilaan at ang aking kabanalan at ipakikilala ko ang aking sarili sa mga mata ng maraming bansa, at malalaman nila na ako si Yahweh!”'
Ed io mi magnificherò, e mi santificherò, e sarò conosciuto nel cospetto di molte genti; e conosceranno che io [sono] il Signore.

< Ezekiel 38 >