< Ezekiel 35 >
1 At dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
καὶ ἐγένετο λόγος κυρίου πρός με λέγων
2 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Bundok ng Seir at magpahayag(magpropesiya) ka laban dito.
υἱὲ ἀνθρώπου ἐπίστρεψον τὸ πρόσωπόν σου ἐπ’ ὄρος Σηιρ καὶ προφήτευσον ἐπ’ αὐτὸ
3 Sabihin mo rito, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan mo! Ako ay laban sa iyo, Bundok ng Seir, at hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at gagawin kitang isang mapanglaw at isang katatakutan.”
καὶ εἰπόν τάδε λέγει κύριος κύριος ἰδοὺ ἐγὼ ἐπὶ σέ ὄρος Σηιρ καὶ ἐκτενῶ τὴν χεῖρά μου ἐπὶ σὲ καὶ δώσω σε ἔρημον καὶ ἐρημωθήσῃ
4 Wawasakin ko ang iyong mga lungsod, at ikaw mismo ay magiging mapanglaw; at malalaman mong Ako si Yahweh.
καὶ ταῖς πόλεσίν σου ἐρημίαν ποιήσω καὶ σὺ ἔρημος ἔσῃ καὶ γνώσῃ ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος
5 Dahil napopoot ka lagi sa mga Israelita, at dahil ibinuhos mo sila sa mga kamay ng espada sa panahon ng kanilang paghihirap, sa panahon na nasa sukdulan sila ng kaparusahan,
ἀντὶ τοῦ γενέσθαι σε ἐχθρὰν αἰωνίαν καὶ ἐνεκάθισας τῷ οἴκῳ Ισραηλ δόλῳ ἐν χειρὶ ἐχθρῶν μαχαίρᾳ ἐν καιρῷ ἀδικίας ἐπ’ ἐσχάτῳ
6 samakatwid dahil Ako ay buhay, ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh, ihahanda kita para sa pagdanak ng dugo, at hahabulin ka ng pagdanak ng dugo! Yamang hindi mo kinamuhian ang pagdanak ng dugo, susundan ka ng pagdanak ng dugo.
διὰ τοῦτο ζῶ ἐγώ λέγει κύριος κύριος εἰ μὴν εἰς αἷμα ἥμαρτες καὶ αἷμά σε διώξεται
7 Gagawin kong isang mapanglaw ang Bundok ng Seir, isang mapanglaw kapag papatayin ko mula rito ang sinumang dumadaan at muling bumabalik.
καὶ δώσω τὸ ὄρος Σηιρ εἰς ἔρημον καὶ ἠρημωμένον καὶ ἀπολῶ ἀπ’ αὐτοῦ ἀνθρώπους καὶ κτήνη
8 At pupunuin ko ang mga bundok nito ng mga patay. Ang iyong matataas na mga burol at mga kapatagan, at lahat ng iyong batis, mahuhulog sa mga ito ang mga napatay sa pamamagitan ng espada.
καὶ ἐμπλήσω τῶν τραυματιῶν σου τοὺς βουνοὺς καὶ τὰς φάραγγάς σου καὶ ἐν πᾶσι τοῖς πεδίοις σου τετραυματισμένοι μαχαίρᾳ πεσοῦνται ἐν σοί
9 Gagawin kitang mapanglaw habang-buhay. Hindi na matitirhan ang iyong mga lungsod, ngunit malalaman mong Ako si Yahweh.
ἐρημίαν αἰώνιον θήσομαί σε καὶ αἱ πόλεις σου οὐ μὴ κατοικηθῶσιν ἔτι καὶ γνώσῃ ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος
10 Iyong sinabi, “Itong dalawang bansa at itong dalawang lupain ay magiging akin, at aangkinin namin ang mga ito,” nang kasama nila si Yahweh.
διὰ τὸ εἰπεῖν σε τὰ δύο ἔθνη καὶ αἱ δύο χῶραι ἐμαὶ ἔσονται καὶ κληρονομήσω αὐτάς καὶ κύριος ἐκεῖ ἐστιν
11 Kaya, dahil ako ay buhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—Kaya gagawin ko ayon sa iyong galit at ayon sa iyong paninibughong nasa iyong pagkapoot sa Israel, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanila kapag hinatulan na kita.
διὰ τοῦτο ζῶ ἐγώ λέγει κύριος καὶ ποιήσω σοι κατὰ τὴν ἔχθραν σου καὶ γνωσθήσομαί σοι ἡνίκα ἂν κρίνω σε
12 Kaya malalaman mong Ako si Yahweh! Narinig ko lahat ang iyong pang-aalipusta nang magsalita ka laban sa mga kabundukan ng Israel at sinabi, “Sila ay mapanglaw! Ibinigay sila sa atin upang lamunin.”
καὶ γνώσῃ ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος ἤκουσα τῆς φωνῆς τῶν βλασφημιῶν σου ὅτι εἶπας τὰ ὄρη Ισραηλ ἔρημα ἡμῖν δέδοται εἰς κατάβρωμα
13 Narinig kita nang magmalaki ka laban sa akin sa pamamagitan ng iyong bibig; nagsalita ka ng maraming bagay laban sa akin. Narinig ko ang mga ito.
καὶ ἐμεγαλορημόνησας ἐπ’ ἐμὲ τῷ στόματί σου ἐγὼ ἤκουσα
14 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Gagawin kitang isang mapanglaw, habang nagagalak ang buong mundo.
τάδε λέγει κύριος ἐν τῇ εὐφροσύνῃ πάσης τῆς γῆς ἔρημον ποιήσω σε
15 Kung gaano ka nagalak sa buong mana ng mga Israelita dahil sa pagkawasak nito, ganito rin ang gagawin ko sa iyo. Ikaw ay magiging mapanglaw, Bundok ng Seir, at buong Edom, lahat ng ito! At malalaman nilang Ako si Yahweh!'”
ἔρημον ἔσῃ ὄρος Σηιρ καὶ πᾶσα ἡ Ιδουμαία ἐξαναλωθήσεται καὶ γνώσῃ ὅτι ἐγώ εἰμι κύριος ὁ θεὸς αὐτῶν