< Ezekiel 34 >

1 At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
2 “Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga pastol ng Israel! Magpahayag ka at sabihin sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga pastol. Sa Aba ng mga pastol ng Israel na ipinapastol ang kanilang mga sarili! Hindi ba ang mga pastol dapat ang magbabantay sa kawan?
인자야 너는 이스라엘 목자들을 쳐서 예언하라 그들 곧 목자들에게 예언하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 자기만 먹이는 이스라엘 목자들은 화 있을진저 목자들이 양의 무리를 먹이는 것이 마땅치 아니하냐?
3 Kinakain ninyo ang mga matatabang bahagi at nakadamit kayo ng lana! Kinatay ninyo ang mga pinatabang kawan! Hindi talaga kayo nagpapastol.
너희가 살진 양을 잡아 그 기름을 먹으며 그 털을 입되 양의 무리는 먹이지 아니하는도다
4 Hindi ninyo pinalakas ang mga may sakit, at hindi ninyo pinagaling ang mga may karamdaman. Hindi ninyo binendahan ang mga may pilay, at hindi ninyo pinanumbalik ang mga naitaboy o hinanap ang nawawala. Sa halip, pinamunuan ninyo sila sa pamamagitan ng lakas at karahasan.
너희가 그 연약한 자를 강하게 아니하며 병든 자를 고치지 아니하며 상한 자를 싸매어 주지 아니하며 쫓긴 자를 돌아오게 아니하며 잃어버린 자를 찾지 아니하고 다만 강포로 그것들을 다스렸도다
5 At nangagkalat sila na walang pastol, at sila ay naging pagkain para sa lahat ng mga mababangis na hayop na nabubuhay sa mga parang, pagkatapos na sila ay nangagkalat.
목자가 없으므로 그것들이 흩어지며 흩어져서 모든 들짐승의 밥이 되었도다
6 Ang aking kawan ay nagkalat sa lahat ng mga kabundukan at sa bawat mataas na burol, at nagkawatak-watak ang mga ito sa ibabaw ng buong mundo. Ngunit wala kahit isa ang naghahanap sa kanila.
내 양의 무리가 모든 산과 높은 멧부리에마다 유리되었고 내 양의 무리가 온 지면에 흩어졌으되 찾고 찾는 자가 없었도다
7 Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
그러므로 목자들아 여호와의 말씀을 들을지어다
8 Dahil buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—dahil ang aking kawan ay tinangay at naging pagkain ng lahat ng mga mababangis na hayop sa mga parang (dahil walang pastol at wala sa aking mga pastol ang humanap sa aking kawan, ngunit binantayan ng mga pastol ang kanilang mga sarili at hindi ang aking kawan ang ipinastol)—
주 여호와의 말씀에 내가 나의 삶을 두고 맹세하노라 내 양의 무리가 노략거리가 되고 모든 들짐승의 밥이 된 것은 목자가 없음이라 내 목자들이 양을 찾지 아니하고 자기만 먹이고 내 양의 무리를 먹이지 아니하였도다
9 Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
그러므로 너희 목자들아 여호와의 말씀을 들을지어다
10 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.
주 여호와의 말씀에 내가 목자들을 대적하여 내 양의 무리를 그들의 손에서 찾으리니 목자들이 양을 먹이지 못할 뿐 아니라 그들이 다시는 자기를 먹이지 못할지라 내가 내 양을 그들의 입에서 건져내어서 다시는 그 식물이 되지 않게 하리라
11 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahanap sa aking kawan at ako ang mag-aalaga sa kanila,
나 주 여호와가 말하노라 나 곧 내가 내 양을 찾고 찾되
12 tulad ng isang pastol na hinahanap ang kaniyang kawan sa araw na siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang nangagkalat na kawan. Ganoon ko hahanapin ang aking kawan, at sasagipin ko sila mula sa lahat ng mga lugar kung saan sila nangagkalat sa araw ng mga kaulapan at kadiliman.
목자가 양 가운데 있는 날에 양이 흩어졌으면 그 떼를 찾는 것 같이 내가 내 양을 찾아서 흐리고 캄캄한 날에 그 흩어진 모든 곳에서 그것들을 건져낼지라
13 At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.
내가 그것들을 만민 중에서 끌어내며 열방 중에서 모아 그 본토로 데리고 가서 이스라엘 산 위에와 시냇가에와 그 땅 모든 거주지에서 먹이되
14 Ilalagay ko sila sa magandang mga pastulan; ang mataas na kabundukan ng Israel ang magiging lugar na kanilang panginginainan. Hihiga sila roon sa mga magagandang lugar na panginainan, sa masasaganang mga pastulan, at sila ay manginginain sa mga kabundukan ng Israel.
좋은 꼴로 먹이고 그 우리를 이스라엘 높은 산 위에 두리니 그것들이 거기서 좋은 우리에 누워 있으며 이스라엘 산 위에서 살진 꼴을 먹으리라
15 Ako mismo ang magpapastol sa aking kawan, at ako mismo ang magpapahiga sa kanila—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—
나 주 여호와가 말하노라 내가 친히 내 양의 목자가 되어 그것들로 누워 있게 할지라
16 Hahanapin ko ang mga nawawala at panunumbalikin ang mga naitaboy; Bebendahan ko ang napilay na tupa at pagagalingin ang may sakit na tupa. At aking lilipulin ang mga pinataba at malalakas! Magpapastol ako nang may katarungan!
그 잃어버린 자를 내가 찾으며 쫓긴 자를 내가 돌아오게 하며 상한 자를 내가 싸매어 주며 병든 자를 내가 강하게 하려니와 살진자와 강한 자는 내가 멸하고 공의대로 그것들을 먹이리라
17 At kayo, aking kawan—ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh— masdan ninyo! Ako ang magiging hukom sa mga tupa, sa mga lalaking tupa, at sa mga kambing!
나 주 여호와가 말하노라 나의 양떼 너희여 내가 양과 양의 사이와 수양과 수염소의 사이에 심판하노라
18 Maliit na bagay ba ang maipastol sa magandang pastulan, kaya ninanais rin ninyong tapakan ng inyong mga paa kung ano ang natira sa pastulan? O maliit na bagay ba ang makainom mula sa mga malinaw na tubig, na kailangang gawin ninyong maputik ang mga ilog sa pamamagitan ng inyong mga paa?
너희가 좋은 꼴 먹은 것을 작은 일로 여기느냐 어찌하여 남은 꼴을 발로 밟았느냐? 너희가 맑은 물 마신 것을 작은 일로 여기느냐 어찌하여 남은 물을 발로 더럽혔느냐
19 Ngunit ang aking mga tupa ay ipinapastol ngayon kung saan tinapakan ng inyong mga paa; sila ngayon ay umiinom sa mga tubig na ginawa ninyong maputik gamit ang inyong mga paa!
나의 양은 너희 발로 밟은 것을 먹으며 너희 발로 더럽힌 것을 마시는도다 하셨느니라
20 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa kanila: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahatol sa pagitan ng matabang tupa at sa mapapayat,
그러므로 주 여호와께서 그들에게 대하여 말씀하시기를 나 곧 내가 살찐 양과 파리한 양 사이에 심판하리라
21 sapagkat tinulak ninyo sila gamit ang inyong mga tagiliran at mga balikat, at sinuwag ninyo ang lahat ng mga mahihina gamit ang inyong mga sungay hanggang sa naikalat ninyo sila palayo mula sa lupain!
너희가 옆구리와 어깨로 밀뜨리고 모든 병든 자를 뿔로 받아 무리로 밖으로 흩어지게 하는도다
22 Kaya ililigtas ko ang aking kawan; hindi na sila maitatangay. At ako ang hahatol sa mga tupa!
그러므로 내가 내 양떼를 구원하여 그들로 다시는 노략거리가 되지 않게 하고 양과 양 사이에 심판하리라
23 Hihirang ako ng isang pastol sa kanila, at siya ang magpapastol sa kanila— ang aking lingkod na si David! Siya ang magpapastol sa kanila; siya ang magiging pastol sa kanila!
내가 한 목자를 그들의 위에 세워 먹이게 하리니 그는 내 종 다윗이라 그가 그들을 먹이고 그들의 목자가 될지라
24 Sapagkat akong si Yahweh ang magiging Diyos nila, at ang aking lingkod na si David ang magiging tagapamuno sa kanilang kalagitnaan— Akong si Yahweh, ang nagpahayag nito!
나 여호와는 그들의 하나님이 되고 내 종 다윗은 그들 중에 왕이 되리라 나는 여호와의 말이니라
25 At gagawa ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila at aalisin ang mga masasama at mababangis na hayop mula sa lupain, kaya ang aking tupa ay mamumuhay ng ligtas sa ilang at matutulog sa mga kagubatan.
내가 또 그들과 화평의 언약을 세우고 악한 짐승을 그 땅에서 그치게 하리니 그들이 빈 들에 평안히 거하며 수풀 가운데서 잘찌라
26 Magdadala rin ako ng mga pagpapala sa kanila at ang aking nakapalibot na mga burol, sapagkat magpapadala ako ng mga ambon sa takdang panahon. Ito ay mga ambon ng pagpapala!
내가 그들에게 복을 내리며 내 산 사면 모든 곳도 복되게 하여 때를 따라 비를 내리되 복된 장마비를 내리리라!
27 At ang mga punongkahoy sa bukirin ay mamumunga, at ang lupa ang siyang mag-aani sa mga bunga nito. Ang aking tupa ay magiging matiwasay sa kanilang lupain; at malalaman nila na ako si Yahweh, kapag pinutol ko ang mga kabilya ng kanilang pamatok, at kapag sinagip ko sila mula sa kamay ng mga umalipin sa kanila.
그리한즉 밭에 나무가 열매를 맺으며 땅이 그 소산을 내리니 그들이 그 땅에서 평안할지라 내가 그들의 멍엣목을 꺾고 그들로 종을 삼은 자의 손에서 그들을 건져낸 후에 그들이 나를 여호와인 줄 알겠고
28 Hindi na sila madadambong pa ng mga bansa, at hindi na sila lalamunin ng mga mababangis na hayop sa lupa! Sapagkat sila ay mamumuhay nang matiwasay, at hindi na sila matatakot.
그들이 다시는 이방의 노략거리가 되지 아니하며 땅의 짐승의 삼킨바 되지 아니하고 평안히 거하리니 놀랠 사람이 없으리라
29 Sapagkat lilikha ako ng mapayapang lugar na taniman para sa kanila kaya hindi na sila mamamatay sa gutom sa lupain, at hindi na sila lalaitin pa ng mga bansa.
내가 그들을 위하여 유명한 종식할 땅을 일으키리니 그들이 다시는 그 땅에서 기근으로 멸망하지 아니할지며 다시는 열국의 수치를 받지 아니할지라
30 At malalaman nila na akong si Yahweh na kanilang Diyos ay kasama nila. Sila ay aking mga tao, ang sambahayan ng Israel— ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
그들이 나 여호와 그들의 하나님이 그들과 함께 있는 줄을 알며 그들 곧 이스라엘 족속이 내 백성인 줄 알리라 나 주 여호와의 말이라
31 Sapagkat kayo ay aking tupa, ang kawan ng aking pastulan, at aking mga tao! Ako ang magiging Diyos ninyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
내 양 곧 내 초장의 양, 너희는 사람이요 나는 너희 하나님이라 나 주 여호와의 말이니라

< Ezekiel 34 >