< Ezekiel 33 >

1 dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
Et factum est verbum Domini ad me, dicens:
2 “Anak ng tao, ipahayag mo ito sa iyong mga tao; sabihin mo sa kanila, 'Kapag magdadala ako ng isang espada laban sa anumang lupain, at ang mga tao sa lupaing iyon ay kukuha ng isang lalaki mula sa kanila at gagawin siyang isang tagapagbantay para sa kanila.
Fili hominis, loquere ad filios populi tui, et dices ad eos: Terra, cum induxero super eam gladium, et tulerit populus terræ virum unum de novissimis suis, et constituerit eum super se speculatorem:
3 Titingnan niya kung may paparating na espada sa lupain, at hihipan niya ang kaniyang trumpeta upang bigyan ng babala ang mga tao!
et ille viderit gladium venientem super terram, et cecinerit buccina, et annuntiaverit populo:
4 Kung marinig ito ng mga tao at hindi nila binigyang pansin, at kung dumating ang espada at pinatay silang lahat, at ang dugo ng bawat isa ay nasa sarili na nitong ulo.
audiens autem quisquis ille est sonitum buccinæ, et non se observaverit, veneritque gladius, et tulerit eum: sanguis ipsius super caput ejus erit.
5 Kung sinumang makarinig sa tunog ng trumpeta ngunit hindi niya binigyang pansin, ang kaniyang dugo ay nasa sa kaniya; ngunit kung binigyan niya ng pansin, maililigtas niya ang sariling buhay.
Sonum buccinæ audivit, et non se observavit: sanguis ejus in ipso erit. Si autem se custodierit, animam suam salvabit.
6 Gayunman, kung makita ng tagapagbantay na paparating ang espada, ngunit hindi niya hinipan ang trumpeta, ang kahihinatnan nito ay hindi nabigyang babala ang mga tao, at kung dumating ang espada at kukunin ang buhay ng sinuman, kung gayon, namatay ang taong iyon sa kaniyang sariling kasalanan, ngunit hahanapin ko ang kaniyang dugo mula sa tagapagbantay.'
Quod si speculator viderit gladium venientem, et non insonuerit buccina, et populus se non custodierit, veneritque gladius, et tulerit de eis animam: ille quidem in iniquitate sua captus est; sanguinem autem ejus de manu speculatoris requiram.
7 Ngayon ikaw mismo, anak ng tao! Ginawa kitang isang tagapagbantay sa buong sambahayan ng Israel; mapapakinggan mo ang mga salita mula sa aking bibig at balaan mo sila sa halip na ako.
Et tu, fili hominis, speculatorem dedi te domui Israël: audiens ergo ex ore meo sermonem, annuntiabis eis ex me.
8 Kung sasabihin ko sa isang masamang tao, 'Masamang tao, ikaw ay tiyak na mamamatay!' ngunit kung hindi mo ito ipinahayag para bigyang babala ang masama tungkol sa kaniyang pamamaraan at siyang masama ay mamamatay sa kaniyang kasalanan, ngunit hahanapin ko ang kaniyang dugo mula sa iyong kamay!
Si me dicente ad impium: Impie, morte morieris: non fueris locutus ut se custodiat impius a via sua, ipse impius in iniquitate sua morietur; sanguinem autem ejus de manu tua requiram.
9 Ngunit ikaw, kung binalaan mo ang masama tungkol sa kaniyang pamamaraan, para sa ganoon ay matalikuran niya ito, at kung hindi niya tatalikuran ang kaniyang pamamaraan, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maliligtas mo ang iyong sariling buhay.
Si autem annuntiante te ad impium ut a viis suis convertatur, non fuerit conversus a via sua, ipse in iniquitate sua morietur, porro tu animam tuam liberasti.
10 Kaya ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Sinasabi ninyo ito: Ang aming pagsuway at ang aming mga kasalanan ay nasa amin, at nabubulok kami dahil dito! Paano kami mabubuhay?'
Tu ergo, fili hominis, dic ad domum Israël: Sic locuti estis, dicentes: Iniquitates nostræ et peccata nostra super nos sunt, et in ipsis nos tabescimus: quomodo ergo vivere poterimus?
11 Sabihin mo sa kanila, 'Buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—. Hindi ko ikinagagalak ang kamatayan ng masama, sapagkat kung pagsisisihan ng masama ang kaniyang pamamaraan, kung gayon mabubuhay siya! Magsisi kayo! Magsisi kayo mula sa mga masasama ninyong pamamaraan! Sapagkat bakit ninyo kailangang mamatay, sambahayan ng Israel?'
Dic ad eos: Vivo ego, dicit Dominus Deus, nolo mortem impii, sed ut convertatur impius a via sua, et vivat. Convertimini, convertimini a viis vestris pessimis, et quare moriemini, domus Israël?
12 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa iyong mga tao, 'Ang pagkamatuwid ng isang matuwid na tao ay hindi makapagliligtas sa kaniya kung magkakasala siya! At ang kasamaan ng masamang tao ay hindi magdudulot sa kaniya ng kamatayan kung pagsisisihan niya ang kaniyang kasalanan. Sapagkat ang taong matuwid ay hindi mabubuhay dahil sa kaniyang pagkamatuwid kung siya ay magkakasala.
Tu itaque, fili hominis, dic ad filios populi tui: Justitia justi non liberabit eum, in quacumque die peccaverit, et impietas impii non nocebit ei, in quacumque die conversus fuerit ab impietate sua: et justus non poterit vivere in justitia sua, in quacumque die peccaverit.
13 Kung sasabihin ko sa matuwid na “Tiyak na mabubuhay siya!” at kung magtitiwala siya sa sarili niyang pagkamatuwid at pagkatapos makagawa siya ng hindi makatarungan, hindi ko na iisipin pa ang anumang kaniyang pagkamatuwid, mamamatay siya sa kasamaan na kaniyang nagawa.
Etiamsi dixero justo quod vita vivat, et confisus in justitia sua fecerit iniquitatem, omnes justitiæ ejus oblivioni tradentur, et in iniquitate sua quam operatus est, in ipsa morietur.
14 At kung sasabihin ko sa masama, “siguradong mamamatay ka!” ngunit kung pagsisisihan niya ang kaniyang mga kasalanan at gagawin kung ano ang makatarungan at tama—
Si autem dixero impio: Morte morieris: et egerit pœnitentiam a peccato suo, feceritque judicium et justitiam,
15 kung isasauli niya ang garantiya ng sangla na sapilitang hiningi niya, o kung isasauli niya kung ano ang kaniyang ninakaw, at lalakad sa mga alituntunin ng batas na nagbibigay buhay at hindi na kailanman gagawa ng anumang kasalanan, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay.
et pignus restituerit ille impius, rapinamque reddiderit, in mandatis vitæ ambulaverit, nec fecerit quidquam injustum: vita vivet, et non morietur.
16 Wala na sa kaniyang mga nagawang kasalanan ang aking iisipin para sa kaniya. Kumilos siya ng makatarungan at makatuwiran, kaya siguradong mabubuhay siya!
Omnia peccata ejus quæ peccavit, non imputabuntur ei: judicium et justitiam fecit: vita vivet.
17 Ngunit sinasabi ng iyong mga tao, “Hindi patas ang kaparaanan ng Panginoon!” ngunit ang inyong mga kaparaanan ang hindi patas!
Et dixerunt filii populi tui: Non est æqui ponderis via Domini: et ipsorum via injusta est.
18 Kapag tinalikuran ng isang matuwid na tao ang kaniyang pagkamatuwid at gagawa ng kasalanan, kung gayon mamamatay siya dahil dito!
Cum enim recesserit justus a justitia sua, feceritque iniquitates, morietur in eis.
19 At kapag ang masama ay tumalikod sa kaniyang mga kasamaan at gawin ang makatarungan at matuwid, mabubuhay siya dahil sa mga bagay na iyon!
Et cum recesserit impius ab impietate sua, feceritque judicium et justitiam, vivet in eis.
20 Ngunit sinasabi ninyong mga tao, “Hindi patas ang kaparaanan ni Yahweh” Hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang kaparaanan, sambahayan ng Israel.
Et dicitis: Non est recta via Domini. Unumquemque juxta vias suas judicabo de vobis, domus Israël.
21 Nangyari ito sa ikalabindalawang taon, sa ikalimang araw sa ikasampung buwan ng ating pagkabihag, isang pugante ang dumating sa akin mula sa Jerusalem at sinabi, “Nabihag na ang lungsod!”
Et factum est in duodecimo anno, in decimo mense, in quinta mensis transmigrationis nostræ, venit ad me qui fugerat de Jerusalem, dicens: Vastata est civitas.
22 Nasa akin na ang kamay ni Yahweh sa gabi bago dumating ang pugante, at nabuksan ang aking bibig sa pagkakataon na dumating siya sa akin ng madaling araw. Kaya nabuksan ang aking bibig at nakakapagsalita na ako/hindi na ako pipi!
Manus autem Domini facta fuerat ad me vespere, antequam veniret qui fugerat: aperuitque os meum donec veniret ad me mane: et aperto ore meo, non silui amplius.
23 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
Et factum est verbum Domini ad me, dicens:
24 “Anak ng tao, nagsasalita at nagsasabi ang mga naninirahan sa lugar ng pagkawasak sa lupain ng Israel ay nagsasalita at sinasabi, 'Nag-iisang tao lamang si Abraham, at minana niya ang lupain, ngunit marami tayo! Ang lupain ay ibinigay na sa atin bilang isang ari-arian.'
Fili hominis, qui habitant in ruinosis his super humum Israël, loquentes aiunt: Unus erat Abraham, et hæreditate possedit terram: nos autem multi sumus: nobis data est terra in possessionem.
25 Kaya nga sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kumain kayo ng dugo at ibinaling ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diyus-diyosan at ibinuhos ninyo ang dugo ng mga tao. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?
Idcirco dices ad eos: Hæc dicit Dominus Deus: Qui in sanguine comeditis, et oculos vestros levatis ad immunditias vestras, et sanguinem funditis, numquid terram hæreditate possidebitis?
26 Nagtiwala kayo sa inyong mga espada at gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. Dinudungisan ng bawat lalaki ang asawang babae ng kanilang kapwa. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?'
stetistis in gladiis vestris, fecistis abominationes, et unusquisque uxorem proximi sui polluit: et terram hæreditate possidebitis?
27 Maaari mong sabihin ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Habang buhay ako, siguradong ang mga nasa wasak na lungsod ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ibibigay ko ang mga nasa parang sa mga nilalang na nabubuhay bilang pagkain at sa mga nasa tanggulan at mga kuweba ay mamamatay sa mga salot.
Hæc dices ad eos: Sic dicit Dominus Deus: Vivo ego, quia qui in ruinosis habitant, gladio cadent: et qui in agro est, bestiis tradetur ad devorandum: qui autem in præsidiis et speluncis sunt, peste morientur.
28 At gagawin kong isang malagim at isang katakot-takot ang lupain at matatapos ang pagmamataas nito, At magiging napabayaan ang mga kabundukan ng Israel, at walang sinuman ang dadaan sa mga ito.
Et dabo terram in solitudinem et in desertum, et deficiet superba fortitudo ejus: et desolabuntur montes Israël, eo quod nullus sit qui per eos transeat:
29 Kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag gagawin kong isang malagim ang lupain at katakot-takot dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginawa.
et scient quia ego Dominus, cum dedero terram eorum desolatam et desertam, propter universas abominationes suas quas operati sunt.
30 At ikaw, anak ng tao—nagsasabi ang iyong mga tao ng mga bagay tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga tarangkahan ng mga tahanan, at nagsasabi ang isa—sa bawat lalaki sa kapatid niyang lalaki, 'Pumaroon tayo at makinig sa salita ng propeta na mula kay Yahweh!'
Et tu, fili hominis, filii populi tui, qui loquuntur de te juxta muros et in ostiis domorum, et dicunt unus ad alterum, vir ad proximum suum, loquentes: Venite, et audiamus quis sit sermo egrediens a Domino.
31 Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang.
Et veniunt ad te, quasi si ingrediatur populus, et sedent coram te populus meus: et audiunt sermones tuos, et non faciunt eos: quia in canticum oris sui vertunt illos, et avaritiam suam sequitur cor eorum.
32 Sapagkat ikaw ay parang isang kaibig-ibig na awitin sa kanila, isang magandang tunog na maayos na tinutugtog sa isang instrumentong may kuwerdas, kaya makikinig sila sa iyong mga salita ngunit wala sa kanila ang susunod nito.
Et es eis quasi carmen musicum, quod suavi dulcique sono canitur: et audiunt verba tua, et non faciunt ea.
33 Kaya kapag mangyayari ang lahat ng ito—masdan! mangyayari ito! at malalaman nila na may isang propeta na kasama nila.”
Et cum venerit quod prædictum est (ecce enim venit), tunc scient quod prophetes fuerit inter eos.

< Ezekiel 33 >