< Ezekiel 32 >

1 At nangyari ito sa unang araw ng ikalabindalawang buwan ng ikalabindalawang taon, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi.
茲にまた十二年の十二月の一日にヱホバの言我にのぞみて言ふ
2 “Anak ng tao, managhoy ka tungkol kay Faraon, ang hari ng Egipto; sabihin mo sa kaniya, 'Para kang isang batang leon sa gitna ng mga bansa, parang isang dambuhala sa mga karagatan; pinalalabo mo ang tubig, pinapagalaw mo ang mga tubig sa pamamagitan ng iyong mga paa at pinapaputik mo ang kanilang mga tubig!
人の子よエジプトの王パロのために哀の詞を述て彼に言ふべし汝は自ら萬國の中の獅子に擬へたるが汝は海の鱷の如くなり汝河の中に跳起き足をもて水を濁しその河々を蹈みだす
3 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kaya ilaladlad ko sa iyo ang aking lambat sa kapulungan ng maraming tao, at iaahon ka nila sa aking lambat!
主ヱホバかく言たまふ我衆多の國民の中にてわが網を汝に打掛け彼らをしてわが網にて汝を引あげしめん
4 Pababayaan kita sa lupain! Ihahagis kita sa isang parang at padadapuin ko sa iyo ang lahat ng mga ibon sa kalangitan; ang pagka-gutom ng lahat ng mga nabubuhay na mga hayop sa lupa ay mabubusog sa iyo.
而して我汝を地上に投すて汝を野の面に擲ち空の諸の鳥をして汝の上に止らしめ全地の獸をして汝に飽しむべし
5 Sapagkat ilalagay ko ang iyong mga laman sa mga kabundukan at pupunuin ko ang mga lambak ng mga inuuod mong bangkay!
我汝の肉を山々に遺て汝の屍を堆くして谷々を埋むべし
6 Pagkatapos ibubuhos ko ang iyong dugo sa mga kabundukan at mapupuno ang mga sapa ng iyong dugo!
我汝の溢るる血をもて地を濕し山にまで及ぼさん谷川には汝盈べし
7 At kapag patayin ko ang iyong ilawan, tatakpan ko ang kalangitan at padidilimin ko ang mga bituin nito. Tatakpan ko ang araw sa pamamagitan ng mga ulap, at hindi magliliwanag ang buwan!
我汝を滅する時は空を蔽ひその星を暗くし雲をもて日を掩はん月はその光を發たざるべし
8 padidilimin ko sa iyo ang lahat ng maningning na liwanag sa kalangitan at ilalagay ko ang kadiliman sa iyong lupain! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
我空の照る光明を盡く汝の上に暗くし汝の地を黑暗となすべし主ヱホバこれを言ふ
9 Kaya sisindakin ko ang puso ng maraming tao sa mga lupain na hindi mo nakikilala, kapag dadalhin ko ang iyong pagkabagsak sa mga bansa.
我なんぢの滅亡を諸の民汝の知ざる國々の中に知しめて衆多の民をして心を傷ましめん
10 Gugulatin ko ang maraming mga tao tungkol sa iyo; ang kanilang mga hari ay mangangatog sa takot tungkol sa iyo kapag aking ikakampay ang aking espada sa kanilang harapan. Bawat sandali, manginginig ang bawat isa dahil sa iyo, sa araw ng iyong pagkabagsak.
我衆多の民をして汝に驚かしめんその王等はわが其前にわれの劍を振ふ時に戰慄かん汝の仆るる日には彼ら各人その生命のために絕ず發振ん
11 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang espada ng hari ng Babilonia ay darating laban sa iyo!
即ち主ヱホバかく言たまふバビロンの王の劍汝に臨まん
12 Pababagsakin ko ang iyong mga tagapaglingkod sa pamamagitan ng mga espada ng mga mandirigma—kakila-kilabot sa mga bansa ang bawat mandirigma! Ganap na sisirain ng mga mandirigmang ito ang kaluwalhatian ng Egipto at ang lahat ng mga tao nito!
我汝の群衆をして勇士の劍に仆れしめん彼等は皆國々の暴き者なり彼らエジプトの驕傲を絕さん其の群衆は皆ほろぼさるべし
13 Sapagkat wawasakin ko ang lahat ng mga alagang hayop mula sa tabi ng mga saganang tubig; hindi na kailanman pagagalawin ng paa ng tao ang mga tubig, o kaya pagagalawin ng mga ito sa kuko ng baka!
我その家畜を盡く多の水の傍より絕去ん人の足再び之を濁すことなく家畜の蹄これを濁すことなかるべし
14 Pagkatapos pakakalmahin ko ang kanilang mga tubig at padadaluyin ko ang kanilang mga ilog na parang langis. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!
我すなはちその水を淸しめ其河々をして油のごとく流れしめん主ヱホバこれを云ふ
15 Kapag gagawin ko ang lupain ng Egipto—ang lupaing puno— isang lugar ng pagkawasak, isang lugar na pinabayaan; kapag sasalakayin ko ang lahat na naninirahan dito, saka nila malalaman na ako si Yahweh!
我エジプトの國を荒地となしてその國荒てこれが富を失ふ時また我その中に住る者を盡く撃つ時人々我のヱホバなるを知ん
16 Magkakaroon ng isang panaghoy! Sapagkat mananaghoy sa kaniya ang mga anak na babae ng mga bansa; mananaghoy sila para sa Egipto. Mananaghoy sila para sa lahat ng mga tagapaglingkod nito! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
是哀の詞なり人悲みてこれを唱へん國々の女等悲みて之を唱ふべし即ち彼等エジプトとその諸の群衆のために悲みて之を唱へん主ヱホバこれを言ふ
17 At nangyari ito sa ikalabindalawang taon, sa ikalabinlimang araw ng buwan, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
十二年の月の十五日にヱホバの言また我に臨みて言ふ
18 “Anak ng tao, tumangis ka para sa mga tagapaglingkod ng Egipto at ihagis mo sila pababa, siya at ang mga anak na babae ng maharlikang mga bansa—sa pinakamababang bahagi ng lupa kasama ang mga bumaba na sa hukay!
人の子よエジプトの群衆のために哀き是と大なる國々の女等とを下の國に投くだし墓にくだる者と共ならしめよ
19 Tanungin mo sila, 'Talaga bang mas maganda kayo kaysa sa sinuman? Bumaba kayo at humiga kasama ang mga hindi tuli!'
汝美しき事誰に勝るや下りて割禮なき者とともに臥せよ
20 Babagsak sila sa gitna ng mga pinatay sa pamamagitan ng espada! Ibinigay ang Egipto sa espada; sasakupin siya ng kaniyang mga kaaway at ang kaniyang mga tagapaglingkod!
彼らは劍に殺さるる者の中に仆るべし劍已に付してあり是とその諸の群衆を曳下すべし
21 Ang pinakamalakas na mandirigma sa sheol ay magpapahayag tungkol sa Egipto at sa kaniyang mga kaanib, 'Bumababa na sila rito! Hihiga sila kasama ang mga hindi tuli na namatay sa pamamagitan ng espada!' (Sheol h7585)
勇士の強き者陰府の中より彼にその助者と共に言ふ割禮を受ざる者劍に殺されたる者彼等下りて臥す (Sheol h7585)
22 Naroon ang Asiria kasama ang lahat ng kaniyang kapulungan! Nakapalibot ang kanilang mga libingan sa kaniya; lahat sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada.
彼處にアツスリアとその凡の群衆をりその周圍に之が墓あり彼らは皆殺され劍に仆れたる者なり
23 Sa mga libingan na nakatalaga sa pinakamalalim na hukay ay nandoon, kasama ang lahat ng kaniyang kapulungan. Nakapalibot sa kaniyang libingan ang lahat ng pinatay, at bumagsak sa pamamagitan ng espada, Sa mga nagdala ng kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay!
かれの墓は穴の奧に設けてありその群衆墓の四周にあり是皆殺されて劍に仆れたる者生者の地に畏怖をおこせし者なり
24 Naroon si Elam kasama ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan; lahat sila ay pinatay! Sa mga bumagsak sa pamamagitan ng espada, sa mga hindi tuli na bumaba sa pinakamababang bahagi ng lupa, na siyang nagdala ng kanilang kakila-kilabot/matinding takot sa lupain ng buhay at ngayon ay dala-dala nila ang kanilang kahihiyan, sila ay pababa sa hukay!
彼處にエラムありその凡の群衆その墓の周圍にあり是皆ころされて劍に仆れ割禮を受ずして下の國に下りし者生者の地に畏怖をおこせし者にて夫穴に下れる者等とともに恥辱を蒙るなり
25 Naglatag sila ng isang nirolyong/binilot na higaan para kay Elam at lahat niyang mga lingkod sa gitna/kalagitnaan ng mga pinatay; Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan! Silang lahat ay mga hindi tuli, silang mga pinatay sa pamamagitan ng espada, sila na nagdala ng kanilang mga kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! Kaya dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan na nasa kanila, kasama ang mga bumababa sa hukay sa gitna ng mga pinatay, iyong mga pababa sa hukay. Si Elam ay nasa gitna ng lahat ng mga pinatay.
殺されたる者の中にその床を置きてその凡の群衆と共にすその墓周圍にあり彼等は皆割禮を受ざる者にして劍に殺さる彼ら生者の地に畏怖をおこしたれば穴に下れる者とともに恥辱を蒙るなり彼は殺されし者の中に置る
26 Sina Mesech, Tubal at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod ay naroon! Ang kanilang mga libingan ay nakapalibot sa kanila! Lahat sila ay hindi tuli, na pinatay sa pamamagitan ng espada, dahil dinala nila ang kanilang mga kakila-kilabot sa lupain ng buhay.
彼處にメセクとトバルおよびその凡の群衆ありその墓周圍にあり彼らは皆割禮を受ざる者にして劍に殺さる是生者の地に畏怖をおこしたればなり
27 Hindi ba sila hihiga kasama ng mga bumagsak na mandirigma na hindi tuli na bumaba sa sheol dala-dala ang lahat ng kanilang mga sandata sa pakikipagdigma, at ang kanilang mga espada na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga ulo? Ang kanilang mga kalasag ay nakalagay sa ibabaw ng kanilang mga buto. Sapagkat sila ang mga mandirigmang kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! (Sheol h7585)
彼らは割禮を受ずして仆れたる勇士とともに臥さず是等はその武器を持て陰府に下りその劍を枕にすその罪は骨にあり是生者の地に於て勇士を畏れしめたればなり (Sheol h7585)
28 Kaya ikaw, Egipto ay mawawasak sa gitna ng mga hindi tuli! At ikaw ay hihiga kasama ng mga pinatay sa pamamagitan ng espada!
汝は割禮を受ざる者の中に打碎け劍に殺されたる者とともに臥ん
29 Ang Edom ay naroon kasama ang kaniyang mga hari at lahat ng kaniyang mga pinuno. Makapangyarihan sila, ngunit nakahiga sila ngayon kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada, kasama ang hindi tuli, sila na bumaba na sa hukay.
彼處にエドムとその王等とその諸の君等あり彼らは勇力をもちながら劍に殺さるる者の中に入り割禮なき者および穴に下れる者とともに臥すべし
30 Ang mga prinsipe ng hilaga ay naroon—silang lahat at lahat ng mga taga-Sidon na bumaba kasama ang mga patay! Makapangyarihan sila at nagagawang takutin ang iba, ngunit ngayon nakahiga sila roon na kahiyahiya, sa mga hindi tuli kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada. Dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan, kasama ang mga iba pang bumababa sa hukay.
彼處に北の君等皆あり又シドン人皆あり彼らは殺されし者等とともに下り人を怖れしむる勇力をもちて羞辱を受く彼處に彼らは割禮を受ずして劍に殺されたる者とともに臥し穴に下れる者とともに恥辱を蒙る
31 Makikita ng Faraon at mapapanatag tungkol sa lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod na pinatay sa pamamagitan ng espada. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
パロかれらを見その諸の群衆の事につきて心を安めんパロとその軍勢皆劍に殺さる主ヱホバこれを言ふ
32 Pinahintulutan ko siyang gumawa ng kakila-kilabot sa lupain ng buhay, ngunit hihiga siya sa gitna ng mga hindi tuli, kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”
我かれをして生者の地に畏怖をおこさしめたりパロとその諸の群衆は割禮をうけざる者の中にありて劍に殺されし者とともに臥す主ヱホバこれを言ふ

< Ezekiel 32 >