< Ezekiel 31 >
1 At nangyari ito sa ikalabing isang taon sa unang araw ng ikatlong buwan na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
És volt a tizenegyedik évben, a harmadik hóban, a hónap elsején, lett hozzám az örökkévaló igéje, mondván:
2 “Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, ang hari ng Egipto, at sa kaniyang mga tagapaglingkod na nakapalibot sa kaniya, 'Sa iyong kadakilaan, sino ang katulad mo?
Ember fia: Szólj Fáraóhoz, Egyiptom királyához és az ő sokaságához: kihez hasonlítottál nagyságodban?
3 Masdan ninyo! Ang Asiria ay isang punong sedar sa Lebanon na may mga magagandang sanga, mayayabong na lilim, at napakataas! At ang dulo nito ay nasa itaas ng mga sanga.
Íme Assúr czédrus volt a Libánonon, szép lombú, árnyékos bozót és magas termetű: és lombozat között volt a sudara.
4 Pinataas ito ng maraming tubig; pinalaki ito ng mga malalalim na tubig. Umaagos ang mga ilog sa lahat ng palibot nito kung saan ito nakatanim, sapagkat ang kanilang mga lagusan ay umaabot sa lahat ng mga punongkahoy sa parang.
Vizek növesztették, az ár magasra nevelte: folyóival jár ültetvénye körül és csatornáit bocsátja a mező minden fáihoz.
5 Ang labis na taas nito ay higit sa kahit na anong punongkahoy sa parang, at naging napakarami ang mga sanga nito; humaba ang mga sanga nito dahil sa maraming tubig habang lumalaki ang mga ito.
Azért magasabb lett a termete a mező minden fáinál és megsokasodtak ágai és hosszura nőttek gallyai a sok víztől midőn kibocsátotta.
6 Pinamugaran ng lahat ng ibon sa kalangitan ang mga sanga nito, habang ang lahat ng nabubuhay sa parang ay nagsisilang ng kanilang mga anak sa ilalim ng mga dahon nito. Nakatira ang lahat ng maraming bansa sa ilalim ng lilim nito.
Ágain fészkeltek mind az ég madarai, és gallyai alatt szült a mező minden vadja; árnyékában pedig lakik sok mindenféle nemzet.
7 Sapagkat ang kagandahan nito ay sa kalakihan at sa haba ng mga sanga nito, sapagkat ang mga ugat nito ay nasa maraming tubig!
Szép volt nagyságában, gallyainak hosszságában, mert gyökere a nagy vizek mellett volt.
8 Hindi ito kayang tumbasan ng mga punong sedar sa halamanan ng Diyos! Wala sa mga punong abeto ang makapapantay sa mga sanga nito, at walang anumang mga punongkahoy ang makatutumbas sa mga sanga nito. Walang punongkahoy sa halamanan ng Diyos ang makatutumbas sa ganda nito!
Czédrusok nem homályosították el Isten kertjében, cziprusok nem hasonlítottak ágaihoz és gesztenyefák nem voltak olyanok, mint az ő gallyai: semmi fa az Isten kertjében nem hasonlított hozzá szépségében.
9 Pinaganda ko ito sa kaniyang maraming mga sanga; at kinaiingitan ito ng lahat ng mga punongkahoy sa Eden na nasa halamanan ng Diyos.
Szépnek alkottam ágainak sokasága által, és megirigyelték Éden minden fái, az Isten kertjében levők.
10 Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sa napakataas nito, at dahil sa itinaas niya ang dulo ng kaniyang punongkahoy sa itaas ng mga sanga at itinaas niya ang kaniyang puso sa taas na iyon—
Azért így szól az Úr, az Örökkévaló: Mivel hogy termetre magas voltál; sudarát a lombozat közé nyújtotta és fölemelkedett a szíve magassága miatt,
11 kaya ibinigay ko siya sa kamay ng mga pinaka-makapangyarihang pinuno ng mga bansa! Kumilos ang pinunong ito laban sa kaniya at pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan!
adom őt tehát nemzetek hatalmasának kezébe; el fog bánni vele, gonoszsága szerint kiűztem őt.
12 Pinutol siya ng mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa at pagkatapos ay iniwan siya. Ang mga sanga nito ay nagsihulog sa mga bundok at sa mga lambak, at nasira ang mga sanga nito sa lahat ng mga batis sa mundo. At lumabas ang lahat ng mga bansa sa mundo mula sa lilim nito at iniwan siya.
És kivágták idegenek, a nemzetek legerőszakosabbjai és leterítették; a hegyekre és minden völgybe estek az ágai és eltörtek gallyai mind az ország medreiben, és elszálltak árnyékából mind a föld népei és ott hagyták.
13 At nagpahinga sa mga puno nito ang lahat ng mga ibon sa mga kalangitan, at umupo sa mga sanga nito ang lahat ng mga mababangis na hayop sa parang.
Ledőlt törzsökén lakik az ég minden madara, és gallyain van a mező minden vadja.
14 Nangyari ito upang walang mga punongkahoy na sagana sa tubig ang lalago nang ganoong kataas, upang hindi nila itaas ang kanilang mga dulo sa itaas ng mga dahon, sapagkat wala ng iba pang punongkahoy na nakainom ng tubig ang muling lalago nang ganoong kataas. Sapagkat ipinasakamay silang lahat sa kamatayan hanggang sa pinakamababang bahagi ng mundo, sa gitna ng mga tao ng sangkatauhan na bumaba sa hukay.
Azért. hogy magasakká ne legyenek termetükkel a víz minden fái és sudarukat ne nyújtsák a lombozat közé és ne álljanak meg hatalmasaik magasságukban mind a vizet ivók; mert mindnyájan a halálnak adattak az alvilág országába az ember fiai közé, a gödörbe szállókhoz.
15 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya. (Sheol )
Így szól az Úr, az Örökkévaló: A mely napon leszállt az alvilágba, gyászoltattam, eltakartam miatta a mélységet és visszatartottam folyamait és elzárultak a nagy vizek; és elsötétíttem miatta, a Libánont, és mind a mező fái elepedtek miatta. (Sheol )
16 Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig! (Sheol )
Ledőltének zajától megrendítettem nemzeteket, midőn leszállítottam őt a gödörbe az alvilágba szállókkal, úgy hogy megvigasztalódtak az alvilág országában Éden minden fái, a Libánonnak választottja és java, mind a vizet ivók. (Sheol )
17 Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim. (Sheol )
Ők is vele együtt leszálltak az alvilágba a kard megöltjeihez, és segítői, a kik árnyékában ültek a nemzetek között. (Sheol )
18 Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
Kihez hasonlítottál ilyképen dicsőségben és nagyságban az Éden fái között? Leszállíttatol tehát Éden fáival együtt az alvilág országába, a körülmetéletlenek között fogsz feküdni, a kard megöltjeivel együtt. Az Fáraó és egész sokasága, úgymond az Úr, az Örökkévaló.