< Ezekiel 3 >
1 Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, kainin mo kung ano ang natagpuan mo! Kainin mo itong kasulatang binalumbon, pagkatapos ay humayo sa sambahayan ng Israel at magsalita.”
I reče mi: “Sine čovječji, progutaj što je pred tobom! Pojedi taj svitak, te idi i propovijedaj domu Izraelovu!”
2 Kaya ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang kasulatang binalumbon.
Otvorih usta, a on mi dade da progutam svitak
3 Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pakainin mo ang iyong sikmura at busugin ang iyong tiyan sa pamamagitan ng kasulatang binalumbong ito na ibinigay ko sa iyo!” Kaya kinain ko ito, at ito ay kasintamis ng pulot-pukyutan sa aking bibig.
i reče: “Sine čovječji, nahrani trbuh i nasiti utrobu svitkom što ti ga dajem!” I pojedoh ga, i bijaše mi u ustima sladak kao med.
4 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pumunta ka sa sambahayan ng Israel at sabihin sa kanila ang aking mga salita.
Reče mi: “Sine čovječji, idi domu Izraelovu i prenesi mu moju poruku.
5 Sapagkat hindi ka isinugo sa mga taong may kakaibang salita o isang mahirap na wika, kundi sa sambahayan ng Israel—
Ne šaljem te k narodu nepoznata jezika i nerazumljiva govora, već te šaljem domu Izraelovu.
6 hindi sa makapangyarihang bansang may kakaibang salita o mahirap na wika, na ang mga salita ay hindi mo maintindihan! Kung isusugo kita sa kanila, makikinig sila sa iyo!
Ne šaljem te k mnogim narodima nepoznata jezika i nerazumljiva govora koje ti ne bi mogao razumjeti. A kad bih te k njima i poslao, oni bi te poslušali.
7 Ngunit ang sambahayan ng Israel ay hindi nahahandang makinig sa iyo, sapagkat sila ay hindi nahahandang makinig sa akin. Kaya lahat ng sambahayang Israel ay mataas ang kilay at matigas ang puso.
A dom te Izraelov neće poslušati, jer ni mene ne sluša, jer dom je Izraelov tvrde glave i okorjela srca.
8 Masdan mo! Ang iyong mukha ay ginawa kong kasintigas ng kanilang mga mukha at ang iyong kilay ay kasintigas ng kanilang mga kilay.
Evo, zato ću sada otvrdnuti tvoje lice kao što je i njihovo i glavu ću tvoju učiniti tvrdoglavom kao što je njihova.
9 Ginawa kong tulad ng isang diamante ang iyong kilay, mas matigas kaysa pingkian! Huwag kang matakot sa kanila o panghinaan ng loob sa pamamagitan ng kanilang mga mukha, yamang sila ay mga suwail na sambahayan.”
I ne boj ih se i ne plaši, jer oni su rod odmetnički!”
10 At sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ang lahat ng mga salitang ipinahayag ko sa iyo—ilagay mo ang mga ito sa iyong puso at pakinggan mo sila sa pamamagitan ng iyong mga tainga!
Reče mi: “Sine čovječji, sve riječi što ću ti reći uzmi k srcu i poslušaj ih svojim ušima.
11 At pumunta ka sa mga bihag, sa iyong mga kababayan, at magsalita ka sa kanila. Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh,' makinig man sila o hindi.”
I hajde izgnanicima, sinovima svojega naroda, i reci im: Ovako govori Jahve Gospod! - poslušali ili ne poslušali!”
12 Pagkatapos, itinaas ako ng Espiritu, at nakarinig ako ng tunog sa aking likuran na tulad ng isang malakas na lindol, na nagsasabi, “Pagpalain ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kaniyang lugar!”
Uto me duh podiže i ja za sobom čuh silnu tutnjavu. Slava se Jahvina podigla sa svojega mjesta.
13 Kaya narinig ko ang tunog ng mga pakpak ng mga buhay na mga nilalang habang sumasag sa isa't isa, at ang tunog ng mga gulong na nasa kanila, at ang tunog ng isang malakas na lindol!
Čuh lepet krila onih bića - udarahu jedno o drugo - i snažnu škripu točkova što se s njima kretahu i zaglušnu jeku jakoga glasa.
14 Itinaas ako ng Espiritu at dinala ako palayo; at pumunta akong may kapaitan sa galit ng aking espiritu, sapagkat ubod ng lakas na nakadiin sa akin ang kamay ni Yahweh!
Tada me duh prihvati i ponese. I ja iđah ogorčen i gnjevna srca, a ruka me Jahvina čvrsto pritisla.
15 Kaya pumunta ako sa mga bihag sa Tel Abib na nakatira sa tabi ng Ilog Kebar, at nananatili ako roon sa loob ng pitong araw, punong-puno ako ng pagkamangha kasama nila.
Tako stigoh u Tel Abib, k izgnanicima koji življahu na rijeci Kebaru - onamo gdje se bijahu nastanili - te ostadoh među njima sedam dana kao omamljen.
16 At nangyari na makalipas ang pitong araw ay dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Poslije sedam dana dođe mi opet riječ Jahvina:
17 Anak ng tao, ginawa kitang tagapagbantay para sa sambahayan ng Israel, kaya makinig ka sa salita mula sa aking bibig, at ibigay sa kanila ang aking babala!
“Sine čovječji, postavljam te za čuvara doma Izraelova. I ti ćeš riječi iz mojih usta slušati i opominjat ćeš ih u moje ime.
18 Kapag sinabi ko sa masama, 'Tiyak na mamamatay ka' at hindi mo siya binigyan ng babala o nagsabi ng isang babala sa masama tungkol sa kaniyang masamang mga gawa upang siya ay mabuhay—mamamatay ang masama sa kaniyang kasalanan, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
Kad bezbožniku reknem: 'Umrijet ćeš', a ti ga ne opomeneš i ne odvratiš od zla puta njegova kako bi mu život spasio, on će umrijeti sa svojega bezakonja, ali ću ja od tebe tražiti račun za krv njegovu.
19 Ngunit kung bibigyan mo ng babala ang masama, at hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kasamaan o sa kaniyang masasamang gawain, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maililigtas mo ang iyong sariling buhay.
A kad opomeneš bezbožnika, a on se ne odvrati od bezakonja i od zla puta svojega, on će umrijeti zbog svoje krivice, a ti ćeš spasiti svoj život.
20 At kung tatalikod ang isang matuwid na tao mula sa kaniyang pagiging matuwid at gumawa ng hindi makaturungan, maglalagay ako ng batong katitisuran sa kaniyang harapan, at mamamatay siya, dahil hindi mo siya binigyan ng babala. Mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, at hindi ko aalalahanin ang kaniyang mabuting mga gawa na kaniyang ginawa, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
Isto tako, odvrati li se pravednik od svoje pravednosti i stane činiti nepravdu, postavit ću mu zamku i umrijet će jer ga ti ne opomenu zbog njegova grijeha; umrijet će, i njegova se pravedna djela više neće spominjati, ali ću od tebe tražiti račun za krv njegovu.
21 Ngunit kung babalaan mo ang matuwid na tao na tumigil sa pagkakasala upang hindi na siya magkasala, tiyak na mabubuhay siya dahil nabigyan siya ng babala; at maililigtas mo ang iyong sariling buhay.”
Ako li ti pravednika opomeneš da ne griješi, i on zaista prestane griješiti, živjet će jer je prihvatio opomenu, a i ti ćeš spasiti život svoj.”
22 Kaya nasa akin doon ang kamay ni Yahweh, at sinabi niya sa akin, Tumayo ka! Pumunta sa kapatagan, at makikipag-usap ako sa iyo doon!
Ondje me opet zahvati ruka Jahvina i on mi reče: “Ustani i siđi u dolinu da ondje s tobom govorim!”
23 Bumangon ako at pumunta sa patag, at nanatili doon ang kaluwalhatian ni Yahweh, tulad ng kaluwalhatiang nakita ko sa gilid ng kanal Kebar; kaya nagpatirapa ako.
Ustadoh tada i siđoh u dolinu, i gle: Slava Jahvina stajaše ondje, slična Slavi koju vidjeh na rijeci Kebaru te padoh ničice.
24 Dumating sa akin ang Espiritu at itinayo ako sa aking mga paa; at nagsalita siya sa akin, at sinabi sa akin, “Pumunta ka at pagsarhan ang iyong sarili sa loob ng iyong bahay,
Jahvin duh uđe u me, osovi me na noge i reče: “Idi i zatvori se u domu svojemu!
25 kaya ngayon, anak ng tao, igagapos ka nila ng lubid at itatali ka upang hindi ka makapunta sa kanila.
Na te ću, evo, sine čovječji, staviti užad i svezati te i više nećeš izlaziti.
26 Gagawin kong nakadikit ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay magiging pipi at hindi mo sila mapagsasabihan, yamang sila ay mapanghimagsik silang sambahayan.
I jezik ću ti zalijepiti za nepce te ćeš onijemjeti i nećeš ih više karati, jer su rod odmetnički.
27 Ngunit kapag magsalita ako sa iyo, bubuksan ko ang iyong bibig upang sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh; Siya na makakarinig ay makinig; at siya na hindi makinig ay hindi makikinig, yamang sila ay suwail na sambahayan!”
A kad ti ja progovorim, otvorit ću ti usta i ti ćeš im reći: Ovako govori Jahve Gospod! I tko hoće slušati, neka sluša, a tko neće, neka ne sluša, jer su rod odmetnički.