< Ezekiel 29 >
1 Sa ika-sampung taon, sa ika-siyam na buwan at ika-labing dalawang araw ng buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
제 십년 시월 십 이일에 여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
2 “Anak ng tao, ihanda mo ang iyong sarili laban sa Paraon, ang hari ng Egipto; magpahayag ka laban sa kaniya at laban sa lahat ng taga Egipto!
인자야 너는 애굽 왕 바로와 온 애굽으로 낯을 향하고 쳐서 예언하라
3 Ipahayag mo at sabihin, 'Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Masdan! Laban ako sa iyo, Paraon, hari ng Egipto! Ikaw, ang dambuhalang nilalang sa dagat na nakahiga sa ilalim ng ilog, na nagsasabi sa akin, “Pinagawa ko ang ilog para sa sarili ko!”
너는 말하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 애굽왕 바로야 내가 너를 대적하노라 너는 자기의 강들 중에 누운 큰 악어라 스스로 이르기를 내 이 강은 내 것이라 내가 나를 위하여 만들었다 하는도다
4 Dahil maglalagay ako ng pangawil sa iyong panga at ang mga isda ng iyong Nilo ay kakapit sa iyong mga kaliskis; iaangat kita paitaas mula sa gitna ng iyong ilog kasama ang lahat ng isda sa ilog na kumapit sa iyong kaliskis.
내가 갈고리로 네 아가미를 꿰고 네 강의 고기로 네 비늘에 붙게하고 네 비늘에 붙은 강의 모든 고기와 함께 너를 네 강들 중에서 끌어내고
5 Itatapon kita pababa sa ilang, ikaw at ang lahat ng isda mula sa iyong ilog. Malalaglag ka sa ibabaw ng parang, hindi ka pupulutin ni itataas. Ibibigay kita bilang pagkain ng mga nabubuhay na mga bagay sa mundong ito at mga ibon sa mga kalawakan!
너와 네 강의 모든 고기를 들에 던지리니 네가 지면에 떨어지고 다시는 거두거나 모음을 입지 못할 것은 내가 너를 들짐승과 공중의 새의 식물로 주었음이라
6 At malalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Egipto na ako si Yahweh, dahil sila ay naging tungkod na tambo sa sambahayan ng Israel!
애굽의 모든 거민이 나를 여호와인 줄 알리라 애굽은 본래 이스라엘 족속에게 갈대 지팡이라
7 Nang mahawakan ka nila sa kanilang kamay, nabali ka at nagkaputol-putol at tinusok mo ang kanilang balikat, at nang sumandal sila sa iyo, dinurug mo ang kanilang mga hita at pinanginig mo ang kanilang balakang.
그들이 너를 손으로 잡은즉 네가 부러져서 그들의 모든 어깨를 찢었고 그들이 너를 의지한즉 네가 부러져서 그들의 모든 허리로 흔들리게 하였느니라
8 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Masdan! Magdadala ako ng espada laban sa iyo; papatayin kong pareho mula sainyo ang tao at ang hayop.
그러므로 나 주 여호와가 말하노라 내가 칼로 네게 임하게 하여 네게서 사람과 짐승을 끊은즉
9 Kaya magigiba at masisira ang lupain ng Egipto; at malalaman nila na ako si Yahweh, dahil sinabi ng dambuhala sa dagat, “Ang ilog ay akin, dahil ako ang gumawa nito!''
애굽 땅이 사막과 황무지가 되리니 그들이 나를 여호와인 줄 알리라 네가 스스로 이르기를 이 강은 내 것이라 내가 만들었다 하도다
10 Kaya, masdan! Laban ako sa iyo at laban sa iyong ilog, kaya gagawin kong ilang ang lupain ng Egipto at hindi mapakinabangan, kaya ikaw ay magiging lupain na walang pakinabang magmula sa Migdol hanggang Sevene at sa mga hangganan ng Kush.
그러므로 내가 너와 네 강들을 쳐서 애굽 땅 믹돌에서부터 수에네 곧 구스 지경까지 황무한 황무지 곧 사막이 되게 하리니
11 Walang paa ng tao ang dadaan dito! Walang paa ng mga hayop ang dadaan dito! At hindi ito matitirahan ng apatnapung taon!
그 가운데로 사람의 발도 지나가지 아니하며 짐승의 발도 지나가지 아니하고 거접하는 사람이 없이 사십년이 지날지라
12 Dahil gagawin kong ilang sa gitna ng mga lupain ng Egipto na hindi natirahan at ang kaniyang mga lungsod sa gitna ng mga walang pakinabang na lungsod at magiging ilang ng apatnapung mga taon; pagkatapos ay ikakalat ko ang mga taga-Egipto sa mga bansa at paghihiwa-hiwalayin ko sila sa mga lupain.
내가 애굽땅으로 황무한 열국 같이 황무하게 하며 애굽 성읍도 사막이 된 열국의 성읍 같이 사십년 동안 황무하게 하고 애굽 사람들은 각국 가운데로 흩으며 열방 가운데로 헤치리라
13 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa pagtatapos ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Egipto mula sa mga tao kung saan sila ikinalat.
나 주 여호와가 말하노라 사십년 끝에 내가 만민 중에 흩은 애굽사람을 다시 모아 내되
14 Ibabalik ko ang mga kabuhayan sa Egipto at ibabalik ko sila sa lupain ng Patros, sa lupain kung saan sila nagmula. Pagkatapos sila ay magiging isang mababang kaharian doon.
애굽의 사로잡힌 자들을 돌이켜 바드로스 땅 곧 그 고토로 돌아가게 할 것이라 그들이 거기서 미약한 나라가 되되
15 At ito ang magiging pinakamababa sa mga kaharian at hindi na siya kailanman makakahigit sa ibang mga bansa. At babawasan ko sila upang hindi sila muling mamumuno sa mga bansa.
나라 중에 지극히 미약한 나라가 되어 다시는 열국 위에 스스로 높이지 못하리니 내가 그들을 감하여 다시는 열국을 다스리지 못하게 할 것임이라
16 At hindi na ang mga taga-Egipto ang idadahilan na sasandalan ng mga sambayanan ng Israel. Sa halip, ipaalaala nila sa mga sambayanan ni Israel ang kanilang nagawanng kasalanan noong sila ay nagpunta sa Egipto upang humingi ng tulong. Pagkatapos ay malalaman nila na Ako ang Panginoon Yahweh!””
그들이 다시는 이스라엘 족속의 의뢰가 되지 못할 것이요 이스라엘 족속은 돌이켜 그들을 바라보지 아니하므로 그 죄악이 기억나게 되지 아니하리니 그들이 나를 주 여호와인 줄 알리라 하셨다 하라
17 At nangyari na noong ika-dalawampu at pitong taon sa unang araw ng unang buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
제 이십 칠년 정월 초 일일에 여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
18 “Anak ng tao, inihanda na ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang kaniyang mga kawal upang gawin ang mabigat na gawain laban sa Tiro. Bawat ulo ay naahit at bawat balikat ay nalapnos ngunit kahit kailan wala silang bayad mula sa Tiro para sa kaniya at sa kaniyang hukbo sa mabigat na trabaho na ginawa nila laban sa Tiro.
인자야 바벨론 왕 느부갓네살이 그 군대로 두로를 치게 할 때에 크게 수고하여 각 머리털이 무지러졌고 각 어깨가 벗어졌으나 그와 군대가 그 수고한 보수를 두로에서 얻지 못하였느니라
19 Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Masdan! Ibibigay ko ang lupain ng Egipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia at hahakutin nila ang mga kayamanan nila at lilimasin ang mga ari-arian at dadalhin lahat ang kaniyang matagpuan doon; at iyan ang maging sahod ng kaniyang mga kawal!
그러므로 나 주 여호와가 말하노라 내가 애굽 땅을 바벨론 왕 느부갓네살에게 붙이리니 그가 그 무리를 옮겨가며 물건을 노략하며 빼앗아 갈 것이라 이것이 그 군대의 보수가 되리라
20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto para sa mga sahod sa ginawa nilang trabaho para sa akin - ito ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh.
그들의 수고는 나를 위하여 함인즉 그 보수로 내가 애굽 땅을 그에게 주었느니라 나 주 여호와의 말이니라
21 Sa araw na iyon ay palilitawin ko ang isang sungay para sa sambahayan ni Israel, at pagsasalitain ko kayo sa gitna nila, upang malaman nila na ako si Yahweh!”'
그 날에 내가 이스라엘 족속에게 한 뿔이 솟아나게 하고 내가 또 너로 그들 중에서 입을 열게 하리니 그들이 나를 여호와인줄 알리라