< Ezekiel 27 >
1 Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
2 “Ngayon ikaw, anak ng tao, magsimula ka ng panaghoy tungkol sa Tiro,
인자야 너는 두로를 위하여 애가를 지으라
3 at sabihin sa Tiro, 'Ikaw na nananahan sa pasukan ng dagat, mga mangangalakal ng mga tao sa maraming mga isla, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tiro! Sinabi mo, “Wala akong kapintasan sa kagandahan!”
너는 두로를 향하여 이르기를 바다 어귀에 거하여 여러 섬 백성과 통상하는 자여 주 여호와의 말씀에 두로야 네가 말하기를 나는 온전히 아름답다 하였도다
4 Nasa pusod ng mga karagatan ang iyong mga hangganan; ginawang walang kapintasan ng iyong mga manggagawa ang iyong kagandahan.
네 지경이 바다 가운데 있음이여 너를 지은 자가 네 아름다움을 온전케 하였도다
5 Ginawa nila ang iyong mga tabla mula sa mga pirs na galing sa Bundok ng Hermon; kumuha sila ng sedar mula sa Lebanon upang makagawa ng poste ng barko para sa iyo.
스닐의 잣나무로 네 판자를 만들었음이여 너를 위하여 레바논 백향목을 가져 돛대를 만들었도다
6 Ginawa nila ang iyong mga sagwan mula sa mga owk mula sa Bashan; ginawa nila ang iyong mga palapag mula sa kahoy na galing sa Cyprus at pinalamutian nila ito ng garing.
바산 상수리나무로 네 노를 만들었음이여 깃딤섬 황양목에 상아로 꾸며 갑판을 만들었도다
7 Makukulay na lino ang iyong mga layag na galing sa Egipto na parang inyong mga bandera!
애굽의 수 놓은 가는 베로 돛을 만들어 기를 삼았음이여 엘리사 섬의 청색 자색 베로 차일을 만들었도다
8 Ang mga taong naninirahan sa Sidon at Arvad ay ang iyong mga taga-sagwan; ang mga taga-Tiro ay nasa sa iyo; sila ang iyong mga kapitan.
시돈과 아르왓 거민들이 네 사공이 되었음이여 두로야 네 가운데 있는 박사가 네 선장이 되었도다
9 Ang iyong mga lamat ay pinunan ng mga bihasang manggagawa; dala-dala ng lahat ng mga barko sa dagat at ng kanilang mga manlalayag ang iyong mga kalakal na pangkalakal!
그발의 노인과 박사들이 네 가운데서 배의 틈을 막는 자가 되었음이여 바다의 모든 배와 그 사공들은 네 가운데서 무역하였도다
10 Nasa iyong hukbo ang mga taga-Persia, Lydia at Libya, ang iyong mga mandirigma! Isinabit nila sa iyo ang mga kalasag at mga helmet; ipinakita nila ang iyong kaluwalhatian!
바사와 룻과 붓이 네 군대 가운데서 병정이 되었음이여 네 가운데서 방패와 투구를 달아 네 영광을 나타내었도다
11 Nakapalibot sa iyong mga pader ang mga kalalakihan ng Arvad at Helec sa iyong hukbo at ang mga tao sa Gamad ay nasa iyong mga tore! Isinabit nila ang kanilang mga kalasag sa iyong mga pader sa palibot mo! Kinumpleto nila ang iyong kagandahan!
아르왓 사람과 네 군대는 네 사면 성 위에 있었고 용사들은 네 여러 망대에 있었음이여 네 사면 성 위에 방패를 달아 네 아름다움을 온전케 하였도다
12 Naging suki mo ang Tarsis dahil sa napakaraming uri ng kayamanan: pilak, bakal, lata, at tingga. Binili at ibinenta nila ang iyong mga paninda!
다시스는 각종 보화가 풍부하므로 너와 통상하였음이여 은과 철과 상납과 납을 가지고 네 물품을 무역하였도다
13 Ang Javan, Tubal, at Meshec—nagpalitan sila ng mga alipin at mga kagamitang gawa sa tanso. Sila ang namahala sa iyong mga kalakal.
야완과 두발과 메섹은 네 장사가 되었음이여 사람과 놋그릇을 가지고 네 상품을 무역하였도다
14 Nagbigay ang Beth-Togarma ng mga kabayo, mga lalaking kabayo at mola bilang iyong mga pangkalakal.
도갈마 족속은 말과 전마와 노새를 가지고 네 물품을 무역하며
15 Ang mga kalalakihan ng Rodes ang iyong naging mga mangangalakal sa maraming mga baybayin. Nasa iyong mga kamay ang mga kalakal; nagpadala sila pabalik ng mga sungay, garing, at itim na kahoy bilang pagpaparangal!
드단 사람은 네 장사가 되었음이여 여러 섬이 너와 통상하여 상아와 오목을 가져 네 물품을 무역하였도다
16 Naging mangangalakal mo ang Aram sa karamihan ng iyong produkto; nagbigay sila ng mga esmeralda, mga telang kulay lila, pinong tela, mga perlas at mga pulang rubi bilang iyong mga kalakal.
너의 제조품이 풍부하므로 아람은 너와 통상하였음이여 남보석과 자색 베와 수 놓은 것과 가는 베와 산호와 홍보석을 가지고 네 물품을 무역하였도다
17 Nakikipagpalitan sa iyo ang Juda at ang lupain ng Israel. Nagbibigay sila ng trigo mula sa Minith, trigo, pulot, langis at balsamo bilang iyong mga kalakal.
유다와 이스라엘 땅 사람이 네 장사가 되었음이여 민닛 밀과 과자와 꿀과 기름과 유향을 가지고 네 물품을 무역하였도다
18 Ang Damasco ay iyong mangangalakal sa lahat ng iyong mga produkto, lahat ng iyong napakalaking kayamanan, at ng alak ng Helbon at lana ng Zahar.
너의 제조품이 많고 각종 보화가 풍부하므로 다메섹이 너와 통상하였음이여 헬본 포도주와 흰 양털을 가지고 너와 무역하였도다
19 Binigyan ka ng mga taga-Dan at mga taga-Javan na mula sa Uzal ng mga kalakal na yari sa bakal, kanela at kalamo.
워단과 야완은 길쌈하는 실로 네 물품을 무역하였음이여 백철과 육계와 창포가 네 상품중에 있었도다
20 Naging kalakal ang mga ito para sa iyo. Mga pinong upuang kumot naman ang kinakalakal sa iyo ng Dedan.
드단은 네 장사가 되었음이여 탈 때 까는 담으로 너와 무역하였도다
21 Ang Arabia at ang lahat ng mga pinuno ng Kedar ay mga nakikipagkalakalan sa iyo; sa kanila nanggagaling ang mga tupa, mga lalaking tupa at mga kambing.
아라비아와 게달의 모든 방백은 네 수하에 상고가 되어 어린 양과 수양과 염소들 그것으로 너와 무역하였도다
22 Pumupunta sa iyo ang mga mangangalakal ng Seba at Raama upang ibenta sa iyo ang bawat pinakamasasarap na pampalasa at ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato; at nakikipagkalakalan sila ng ginto para sa iyong mga kalakal.
스바와 라아마의 장사들도 너의 장사들이 됨이여 각종 상등 향재료와 각종 보석과 황금으로 네 물품을 무역하였도다
23 Nakikipagkalakalan sa iyo ang Haran, Canne at ang Eden, kasama ng Seba, Assur at Kilmad.
하란과 간네와 에덴과 스바와 앗수르와 길맛의 장사들도 너의 장사들이라
24 Ito ang mga nangangalakal sa iyo ng pinalamutiang balabal na kulay lila ang tela na may makukulay na habi at mga sari-saring kulay ng mga kumot, naburdahan at telang pulido ang pagkakahabi sa iyong mga pamilihan.
이들이 아름다운 물화 곧 청색 옷과 수놓은 물품과 빛난 옷을 백향목 상자에 담고 노끈으로 묶어 가지고 너와 통상하여 네 물품을 무역하였도다
25 Ang mga barko ng Tarsis ang mga tagapagdala ng iyong mga kalakal! Kaya ikaw ay napuno lulan ng mabibigat na mga kalakal sa pusod ng mga karagatan!
다시스의 배는 떼를 지어 네 물화를 실었음이여 네가 바다 중심에서 풍부하여 영화가 극하였도다
26 Dinala ka ng iyong mga tagasagwan sa mga malalawak na karagatan; winasak ka ng hangin ng silangan sa kanilang kalagitnaan.
네 사공이 너를 인도하여 큰 물에 이름이여 동풍이 바다 중심에서 너를 파하도다
27 Ang iyong kayamanan, produkto at mga kalakal; ang iyong mga marino, mandaragat, at mga manggagawa ng barko; ang iyong mga mangangalakal ng mga produkto at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigmang nasa iyo at lahat ng iyong mga tauhan - lulubog sila sa kailaliman ng dagat sa araw ng iyong pagkawasak.
네 재물과 상품과 무역한 물건과 네 사공과 선장과 네 배의 틈을 막는 자와 네 장사와 네 가운데 있는 모든 용사와 네 가운데 있는 모든 무리가 네 패망하는 날에 다 바다 중심에 빠질 것임이여
28 Yayanig ang mga lungsod sa karagatan sa tunog ng sigaw ng iyong kapitan;
네 선장의 부르짖는 소리에 물결이 흔들리리로다
29 Bababa ang lahat ng mga humahawak ng sagwan mula sa kanilang mga barko; tatayo sa lupa ang mga marino at bawat manlalayag ng dagat.
무릇 노를 잡은 자와 사공과 바다의 선장들이 다 배에 내려 언덕에 서서
30 Pagkatapos ay ipaparinig nila sa iyo ang kanilang mga boses at mananaghoy ng buong kapaitan; lalagyan nila ng alikabok ang kanilang mga ulo. Gugulong-gulong sila sa mga abo.
너를 위하여 크게 소리질러 통곡하고 티끌을 머리에 무릎쓰며 재 가운데 굶이여
31 Kakalbuhin nila ang kanilang mga ulo para sa iyo at babalutin ang kanilang mga sarili gamit ang sako, at tatangis sila nang may pait at sila ay sisigaw.
그들이 다 너를 위하여 머리털을 밀고 굵은 베로 띠를 띠고 마음이 아프게 슬피 통곡하리로다
32 Lalakasan nila ang kanilang pagdaing ng panaghoy para sa iyo at aawit ng panambitan sa iyo, Sino ang tulad ng Tiro, na ngayon ay nadala sa katahimikan sa kalagitnaan ng dagat?
그들이 통곡할 때에 너를 위하여 애가를 불러 조상하는 말씀이여 두로 같이 바다 가운데서 적막한 자 누구인고
33 Nang dumaong ang iyong mga kalakal mula sa dagat, nasiyahan ang maraming tao; pinayaman mo ang mga hari ng mundo sa iyong labis na kayamanan at kalakal!
네 물품을 바다로 실어 낼 때에 네가 여러 백성을 풍족하게 하였음이여 네 재물과 무역품이 많으므로 세상 열왕을 풍부케 하였었도다
34 Ngunit nang mawasak ka ng karagatan, sa pamamagitan ng mga katubigan, lumubog ang iyong mga kalakal at ang lahat ng iyong mga tripulante!
네가 바다 깊은데서 파선한 때에 네 무역품과 네 승객이 다 빠졌음이여
35 Nanlumo sa iyo ang lahat ng mga naninirahan sa mga baybayin at nanginig sa takot ang kanilang mga hari! Nanginig ang kanilang mga mukha!
섬의 거민들이 너를 인하여 놀라고 열왕이 심히 두려워하여 얼굴에 근심이 나타나도다
36 Pinalatakan ka ng mga mangangalakal ng mga tao; ikaw ay naging isang katatakutan at hindi ka na muling mabubuhay kailanman.'”
열국의 상고가 다 너를 비웃음이여 네가 경계거리가 되고 네가 영원히 다시 있지 못하리라 하리로다 하셨다 하라