< Ezekiel 25 >

1 Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabing,
וַיְהִי דְבַר־יְהוָה אֵלַי לֵאמֹֽר׃
2 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga tao ng Ammon at magpropesiya ka laban sa kanila.
בֶּן־אָדָם שִׂים פָּנֶיךָ אֶל־בְּנֵי עַמּוֹן וְהִנָּבֵא עֲלֵיהֶֽם׃
3 Sabihin mo sa mga mamamayan ng Ammon, 'Pakingggan ang salita ng Panginoong Yahweh. Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sinabi ninyo, “Aha” laban sa aking santuwaryo nang lapastanganin ito, at laban sa lupain ng Israel nang pinabayaan ito, at laban sa sambahayan ng Juda nang sila ay dalhing bihag.
וְאָֽמַרְתָּ לִבְנֵי עַמּוֹן שִׁמְעוּ דְּבַר־אֲדֹנָי יְהוִה כֹּה־אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה יַעַן אָמְרֵךְ הֶאָח אֶל־מִקְדָּשִׁי כִֽי־נִחָל וְאֶל־אַדְמַת יִשְׂרָאֵל כִּי נָשַׁמָּה וְאֶל־בֵּית יְהוּדָה כִּי הָלְכוּ בַּגּוֹלָֽה׃
4 Kaya masdan ninyo! ibibigay ko kayo sa mga tao sa silangan bilang kanilang mga pag-aari; maghahanda sila ng mga kampamento laban sa inyo at gagawa ng mga tolda sa inyo. Kakainin nila ang inyong prutas, at iinumin nila ang inyong mga gatas!
לָכֵן הִנְנִי נֹתְנָךְ לִבְנֵי־קֶדֶם לְמֽוֹרָשָׁה וְיִשְּׁבוּ טִירֽוֹתֵיהֶם בָּךְ וְנָתְנוּ בָךְ מִשְׁכְּנֵיהֶם הֵמָּה יֹאכְלוּ פִרְיֵךְ וְהֵמָּה יִשְׁתּוּ חֲלָבֵֽךְ׃
5 At gagawin kong isang pastulan si Rabba ng mga kamelyo at ang mga mamamayan ng Ammon ay isang pastulan ng mga tupa, kaya inyong malalaman na ako si Yahweh!
וְנָתַתִּי אֶת־רַבָּה לִנְוֵה גְמַלִּים וְאֶת־בְּנֵי עַמּוֹן לְמִרְבַּץ־צֹאן וִֽידַעְתֶּם כִּֽי־אֲנִי יְהוָֽה׃
6 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ipinalakpak ninyo ang inyong mga kamay at ipinadyak ang inyong mga paa, at nagalak sa lahat ng mga paghamak sa inyo laban sa lupain ng Israel.
כִּי כֹה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה יַעַן מַחְאֲךָ יָד וְרַקְעֲךָ בְּרָגֶל וַתִּשְׂמַח בְּכָל־שָֽׁאטְךָ בְּנֶפֶשׁ אֶל־אַדְמַת יִשְׂרָאֵֽל׃
7 Kaya masdan ninyo! Hahampasin ko kayo ng aking kamay at ibibigay ko kayo bilang mga samsam sa mga bansa. Ihihiwalay ko kayo mula sa mga tao at kayo lamang ang pupuksain mula sa maraming mga bansa! Wawasakin ko kayo, at inyong malalaman na ako si Yahweh!'
לָכֵן הִנְנִי נָטִיתִי אֶת־יָדִי עָלֶיךָ וּנְתַתִּיךָֽ־לבג לְבַז לַגּוֹיִם וְהִכְרַתִּיךָ מִן־הָעַמִּים וְהַאֲבַדְתִּיךָ מִן־הָאֲרָצוֹת אַשְׁמִידְךָ וְיָדַעְתָּ כִּֽי־אֲנִי יְהוָֽה׃
8 Ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Dahil sinasabi ng Moab at Seir, “Masdan ninyo! Ang sambahayan ni Juda ay tulad ng ibang mga bansa!”
כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה יַעַן אֲמֹר מוֹאָב וְשֵׂעִיר הִנֵּה כְּכָֽל־הַגּוֹיִם בֵּית יְהוּדָֽה׃
9 Kaya nga masdan ninyo! bubuksan ko ang libis ng Moab, simula sa mga hangganan ng kaniyang mga lunsod— Ang karangyaan ng Beth-jesimot, Baal-meon, at
לָכֵן הִנְנִי פֹתֵחַ אֶת־כֶּתֶף מוֹאָב מֵהֶעָרִים מֵֽעָרָיו מִקָּצֵהוּ צְבִי אֶרֶץ בֵּית הַיְשִׁימֹת בַּעַל מְעוֹן וקריתמה וְקִרְיָתָֽיְמָה׃
10 Kiryataim—Sa mga tao ng silangan na laban sa mga tao ng Ammon. Ibibigay ko sila na parang isang pag-aari kaya hindi na maaalala pa ang mga mamamayan ng Ammon sa mga bansa.
לִבְנֵי־קֶדֶם עַל־בְּנֵי עַמּוֹן וּנְתַתִּיהָ לְמֽוֹרָשָׁה לְמַעַן לֹֽא־תִזָּכֵר בְּנֵֽי־עַמּוֹן בַּגּוֹיִֽם׃
11 Kaya magsasagawa ako ng mga kahatulan laban sa Moab, at kanilang malalaman na ako si Yahweh!'
וּבְמוֹאָב אֶעֱשֶׂה שְׁפָטִים וְיָדְעוּ כִּֽי־אֲנִי יְהוָֽה׃
12 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Maghihiganti ang Edom laban sa sambahayan ng Juda at sa nakagawa rin ng pagkakamali na gawin ito.
כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה יַעַן עֲשׂוֹת אֱדוֹם בִּנְקֹם נָקָם לְבֵית יְהוּדָה וַיֶּאְשְׁמוּ אָשׁוֹם וְנִקְּמוּ בָהֶֽם׃
13 Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hahampasin ko ang Edom ng aking kamay at wawasakin ang bawat tao at hayop doon. Gagawin ko silang isang sira, iniwang lugar, mula sa Teman at Dedan. Sila ay mahuhulog sa pamamagitan ng mga espada!
לָכֵן כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה וְנָטִתִי יָדִי עַל־אֱדוֹם וְהִכְרַתִּי מִמֶּנָּה אָדָם וּבְהֵמָה וּנְתַתִּיהָ חָרְבָּה מִתֵּימָן וּדְדָנֶה בַּחֶרֶב יִפֹּֽלוּ׃
14 Sa ganitong pamamaraan maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking mamamayang Israel, at gagawin nila sa Edom ang ayon sa aking poot at matinding galit! Kaya malalaman nila ang aking paghihiganti! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'
וְנָתַתִּי אֶת־נִקְמָתִי בֶּאֱדוֹם בְּיַד עַמִּי יִשְׂרָאֵל וְעָשׂוּ בֶאֱדוֹם כְּאַפִּי וְכַחֲמָתִי וְיָֽדְעוּ אֶת־נִקְמָתִי נְאֻם אֲדֹנָי יְהוִֽה׃
15 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'naghiganti ang mga Filisteo ng may masamang hangarin at mula sa kanilang mga sarili paulit-ulit nilang sinubukang wasakin ang Juda.
כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה יַעַן עֲשׂוֹת פְּלִשְׁתִּים בִּנְקָמָה וַיִּנָּקְמוּ נָקָם בִּשְׁאָט בְּנֶפֶשׁ לְמַשְׁחִית אֵיבַת עוֹלָֽם׃
16 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Iaabot ko ang aking kamay laban sa mga Filisteo, at ihihiwalay ko ang mga taga-Creta at wawasakin ang mga nalabi na nasa gilid ng baybayin ng dagat!
לָכֵן כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה הִנְנִי נוֹטֶה יָדִי עַל־פְּלִשְׁתִּים וְהִכְרַתִּי אֶת־כְּרֵתִים וְהַאֲבַדְתִּי אֶת־שְׁאֵרִית חוֹף הַיָּֽם׃
17 Maghihiganti ako ng labis sa kanila na may matinding galit ng kaparusahan, kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag isinagawa ko ang paghihiganti sa kanila!”
וְעָשִׂיתִי בָם נְקָמוֹת גְּדֹלוֹת בְּתוֹכְחוֹת חֵמָה וְיָֽדְעוּ כִּֽי־אֲנִי יְהוָה בְּתִתִּי אֶת־נִקְמָתִי בָּֽם׃

< Ezekiel 25 >