< Ezekiel 24 >
1 Muling dumating ang salita ni Yahweh sa akin sa ika-siyam na taon, ang ika-sampung buwan sa ika-sampung araw ng buwan, at sinabi,
W dziewiątym roku, w dziesiątym miesiącu, dziesiątego [dnia] tego miesiąca, znowu doszło do mnie słowo PANA mówiące:
2 “Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng araw na ito para sa iyo, ang mismong araw na ito; sapagkat ang mismong araw na ito, sinalakay ng hari ng Babilonia ang Jerusalem.
Synu człowieczy, napisz sobie datę tego dnia, tego właśnie dnia. W tym dniu [bowiem] król Babilonu obległ Jerozolimę.
3 At magsalita ng kawikaan laban sa mapanghimagsik na bahay na ito, isang talinghaga, at sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ilagay ang lutuang palayok! Ilagay ito! Lagyan din ng tubig ang loob nito!
I opowiedz przypowieść temu domowi buntowniczemu. Powiedz do niego: Tak mówi Pan BÓG: Postaw kocioł, postaw i nalej do niego wody.
4 Pagsama-samahin ang mga sangkap ng pagkain sa loob nito, bawat magagandang bahagi—ang hita at ang balikat; punuin ito nang pinakamainam na mga buto!
Włóż do niego kawałki [mięsa], każdy dobry kawałek, udziec i łopatkę, napełnij [go] najlepszymi kośćmi.
5 Kunin ang pinakamainam na kawan at ibunton ang mga buto sa ilalim nito; pakuluan ito ng maigi at lutuin din ang mga buto na nasa gitna nito.
Weź [to], co najlepsze ze stada, rozpal pod nim ogień z kości, aby wrzało i kipiało, i niech się ugotują w nim kości.
6 Samakatuwid sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Aba sa lungsod ng dugo, isang lutuang palayok na may kalawang sa loob nito at hindi matatanggal ang kalawang na iyon! Tanggalin man ito ng pira-piraso, ngunit huwag magsapalaran para rito.
Dlatego tak mówi Pan BÓG: Biada miastu krwawemu, kotłowi, w którym jest jego szumowina i z którego szumowina nie wychodzi. Wyciągaj z niego kawałek po kawałku, niech nie padnie na niego los.
7 Sapagkat ang kaniyang dugo ay nasa kaniyang kalagitnaan! Inilagay niya ito sa makinis na bato; hindi niya ito ibinuhos sa lupa upang matakpan ito ng alikabok,
W nim bowiem jest krew przelana przez niego; wystawiono ją na wierzchu skały, nie wylano jej na ziemię, aby była przykryta prochem;
8 kaya magdadala ito nang matinding galit upang maging ganap na paghihiganti! Inilagay ko ang kaniyang dugo sa makinis na bato upang hindi ito matakpan!
Aby rozniecić zapalczywość dla dokonania zemsty. Wystawiłem [więc] jego krew na wierzchu skały, aby nie była przykryta.
9 Samakatuwid, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Aba sa lungsod ng dugo! Lalakihan ko rin ang bunton ng kahoy!
Dlatego tak mówi Pan BÓG: Biada miastu krwawemu! Ja ułożę wielki stos [drew].
10 Dadamihan ang kahoy! Sindihan ng apoy! Lutuin ang karne nang maigi at lagyan ng pampalasa? ang sabaw! At hayaang masunog nang mabuti ang mga buto!
Nakładaj drwa, rozniecaj ogień, ugotuj mięso i przypraw korzeniem, niech kości się spalą.
11 Pagkatapos, ilagay ang palayok na walang laman sa uling, upang painitin at sunugin ang tanso nito, upang malusaw ang karumihan nito, masisira nito ang kalawang!'
Potem postaw pusty kocioł na węglach, aby się rozgrzał i rozpaliła jego miedź, by się roztopiła w nim jego nieczystość i jego szumowina była zniszczona.
12 Siya ay mapapagod dahil sa mabigat na trabaho, ngunit ang kaniyang kalawang ay hindi matanggal sa kaniya sa pamamagitan ng apoy.
Zmęczyła się [swymi] kłamstwami, a ogrom jej szumowiny nie wychodzi z niej, jej szumowina [będzie strawiona] w ogniu.
13 Ang iyong nakakahiyang pag-uugali ay nasa iyong karumihan, dahil nilinis kita, ngunit nanatili ka paring marumi. Hindi ka parin magiging malaya mula sa iyong karumihan hanggang humupa ang matinding galit ko sa iyo.
W twojej nieczystości [jest] rozwiązłość. Ponieważ [chciałem] cię oczyścić, a nie dałaś się oczyścić, to już nie będziesz oczyszczona ze swojej nieczystości, aż uśmierzę na tobie swoją zapalczywość.
14 Ako, si Yahweh, ipinahayag na mangyayari ito, at gagawin ko ito! Hindi ako magbabalik-loob ni manghihinayang dito. Gaya ng inyong mga pamamaraan, at ayon sa iyong mga gawain, hahatulan ka nila! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Ja, PAN, powiedziałem. Przyjdzie [to] i dokonam [tego], nie cofnę się i nie zlituję się ani nie będę żałował; według twoich dróg i według twoich czynów będę cię sądzić, mówi Pan BÓG.
15 Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
I doszło do mnie słowo PANA mówiące:
16 “Anak ng tao, masdan! Aalisin ko ang nais ng iyong mga mata sa pamamagitan ng isang salot, ngunit hindi ka dapat tumangis ni umiyak at hindi dapat umagos ang iyong mga luha.
Synu człowieczy, oto zabiorę ci nagle rozkosz twoich oczu, ale ty nie lamentuj ani nie płacz, niech twoje łzy się nie wylewają.
17 Dapat kang maghinagpis nang tahimik. Huwag magsagawa ng pagluluksa para sa patay. Itali ang iyong turbante at isuot mo ang sandalyas sa iyong paa, ngunit huwag mong takpan ng belo ang iyong balbas o kainin ang tinapay ng mga kalalakihang nagdadalamhati sapagkat namatay ang kanilang mga asawa.”
Zaniechaj zawodzenia, nie urządzaj żałoby [po] zmarłej; zawiąż sobie zawój, nałóż obuwie na nogi, nie zasłaniaj warg i nie jedz niczyjego chleba.
18 Kaya nakipag-usap ako sa mga tao sa umaga, at kinagabihan namatay ang aking asawa. At ginawa ko kinabukasan ang iniutos sa akin.
Rano przemówiłem więc do ludu, a wieczorem umarła moja żona; i uczyniłem rano, jak mi rozkazano.
19 Tinanong ako ng mga tao, “Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito, ang mga bagay na iyong ginagawa?”
I lud zapytał mnie: Czy nie powiesz nam, co [znaczą] dla nas te rzeczy, które czynisz?
20 Kaya sinabi ko sa kanila “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
Wtedy odpowiedziałem im: Słowo PANA doszło do mnie mówiące:
21 'Sabihin mo sa sambahayan ng Israel, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Masdan! Ang kapalaluan ng inyong lakas, ang nais ng inyong mga mata, at ang inyong mga pagnanasa ang dumudungis sa aking santuwaryo! Kaya ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae na inyong iniwan ay babagsak sa pamamagitan ng espada.
Powiedz domowi Izraela: Tak mówi Pan BÓG: Oto zbezczeszczę swoją świątynię, chlubę waszej potęgi, rozkosz waszych oczu i miłość waszej duszy, a wasi synowie i wasze córki, które pozostawiliście, polegną od miecza.
22 At gagawin ninyo ang mismong ginawa ko: hindi ninyo tatakpan ng belo ang inyong balbas, ni kumain ng mga tinapay ng mga kalalakihang nagluluksa!
I uczynicie tak, jak ja uczyniłem: nie zasłonicie warg i nie będziecie jeść niczyjego chleba;
23 Sa halip, ang inyong mga turbante ay ilalagay sa inyong mga ulo at ang inyong mga sandalyas sa inyong mga paa; hindi kayo tatangis ni iiyak, sapagkat matutunaw kayo sa inyong mga kasamaan at ang bawat kalalakihan ay maghihinagpis para sa kaniyang kapatid na lalaki.
Wasze zawoje [będą] na waszych głowach i wasze obuwie na nogach; nie będziecie zawodzić ani płakać, lecz będziecie schnąć z powodu waszych nieprawości i będziecie wzdychać jeden do drugiego.
24 Kaya si Ezekiel ay magiging tanda para sa inyo, ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa ay inyong gagawin kapag ito ay dumating. At malalaman ninyo na ako ang Panginoong Yahweh!”'
I Ezechiel będzie dla was znakiem: wszystko, co on uczynił, wy będziecie czynić. [A] gdy to nastąpi, poznacie, że ja jestem Panem BOGIEM.
25 “Ngunit ikaw, anak ng tao, sa araw na mabibihag ko ang kanilang templo, na kanilang kagalakan, ang kanilang kapalaluan at kung ano ang kanilang nakikita at hinahangad—at kapag kinuha ko ang kanilang mga anak na lalaki at mga babae—
A ty, synu człowieczy, czy w tym dniu, w którym zabiorę im ich moc, radość ich chluby, rozkosz ich oczu i tęsknotę duszy, ich synów i córki;
26 sa araw na iyon, isang nakatakas ang pupunta sa inyo upang ipaalam sa inyo ang balita!
[Czy] w tym dniu nie przyjdzie do ciebie ten, co ucieknie, aby przynieść wieść dla twoich uszu?
27 Sa araw na iyon, bubuka ang iyong bibig sa nakatakas na iyon at ikaw ay magsasalita—hindi ka na mananahimik kailanman. Ikaw ay magiging tanda sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh!”
W tym dniu otworzą się twoje usta przed tym, który uszedł, i będziesz mówił, a nie będziesz już niemy. Będziesz dla nich znakiem i poznają, że ja jestem PANEM.