< Ezekiel 23 >

1 Dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabing,
여호와의 말씀이 또 내게 임하여 가라사대
2 “Anak ng tao, mayroong dalawang babae, mga anak na babae na iisa ang kanilang ina.
인자야 두 여인이 있었으니 한 어미의 딸이라
3 Kumilos sila bilang mga nagbebenta ng aliw sa Egipto sa panahon ng kanilang kabataan. Nagbenta sila ng aliw roon. Pinisil ang kanilang mga suso at kinakarinyo roon ang kanilang mga birheng utong.
그들이 애굽에서 행음하되 어렸을 때에 행음하여 그들의 유방이 눌리며 그 처녀의 가슴이 어루만진 바 되었었나니
4 Ang kanilang mga pangalan ay sina Ohola—ang nakatatandang kapatid na babae—at si Oholiba—ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Pagkatapos naging akin sila at nanganak ng mga anak na lalake at mga anak na babae. Ito ang ibig sabihin ng kanilang mga pangalan: Samaria ang kahulugan ng Ohola, at Jerusalem ang kahulugan ng Oholiba.
그 이름이 형은 오홀라요 아우는 오홀리바라 그들이 내게 속하여 자녀를 낳았나니 그 이름으로 말하면 오홀라는 사마리아요 오홀리바는 예루살렘이니라
5 Ngunit kumilos si Ohola bilang isang nagbebenta ng aliw kahit nang siya ay akin pa; pinagnasahan niya ang kaniyang mga mangingibig, para sa mga taga-Asiria na makapangyarihan,
오홀라가 내게 속하였을 때에 행음하여 그 연애하는 자 곧 그 이웃 앗수르 사람을 사모하였나니
6 ang gobernador na nagsusuot ng kulay ube, at para sa kaniyang mga opisyal, na malalakas at makikisig, lahat sila ay mga kalalakihan na nakasakay sa mga kabayo!
그들은 다 자색 옷을 입은 방백과 감독이요 준수한 소년, 말 타는 자들이라
7 Kaya ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang isang nagbebenta ng aliw sa kanila, sa lahat ng pinakamahusay na kalalakihan ng Asiria! At ginagawa niyang marumi ang kaniyang sarili kasama ng bawat isa na kaniyang pinagnasaan, kasama ng kanilang mga diyus-diyosan na kaniyang pinagnasaan.
그가 앗수르 중에 잘 생긴 그 모든 자들과 행음하고 누구를 연애하든지 그들의 모든 우상으로 스스로 더럽혔으며
8 Sapagkat hindi niya iniwan ang kaniyang ugaling nagbebenta ng aliw sa Egipto, nang sumiping sila sa kaniya noong siya ay bata pa, nang una nilang sinimulang karinyuhin ang kaniyang birheng suso, nang una nilang sinimulang ibuhos ang kanilang walang kahihiyang pag-uugali sa kaniya.
그가 젊었을 때에 애굽사람과 동침하매 그 처녀의 가슴이 어루만진바 되며 그 몸에 음란을 쏟음을 당한바 되었더니 그가 그 때부터 행음함을 마지 아니하였느니라
9 Kaya ibinigay ko siya sa kamay ng kaniyang mga mangingibig, sa kamay ng mga taga-Asiria kung kanino siya nagnanasa!
그러므로 내가 그를 그 정든 자 곧 그 연애하는 앗수르 사람의 손에 붙였더니
10 Hubo't hubad nila siyang hinubaran. Kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at mga anak na babae, at pinatay siya sa pamamagitan ng espada, at naging kahiya-hiya siya sa ibang mga kababaihan, kaya hinatulan nila siya.
그들이 그 하체를 드러내고 그 자녀를 빼앗으며 칼로 그를 죽여 그 누명을 여자에게 드러내었나니 이는 그들이 그에게 심문을 행함이니라
11 Nakita ito ni Oholiba na kaniyang kapatid na babae, ngunit mas higit na mapusok siyang nagnasa kumilos ng parang isang nagbebenta ng aliw nang mas higit kaysa sa kaniyang kapatid na babae!
그 아우 오홀리바가 이것을 보고도 그 형보다 음욕을 더하며 그 형의 간음함보다 그 간음이 더 심하므로 그 형보다 더 부패하여 졌느니라
12 Pinagnasaan niya ang mga taga-Asiria, ang mga gobernador at ang mga makapangyarihan na mga pinuno na nagdamit ng kahanga-hanga, mga lalaking nakasakay sa mga kabayo! Malalakas silang lahat, makikisig na lalake!
그가 그 이웃 앗수르 사람을 연애하였나니 그들은 화려한 의복을 입은 방백과 감독이요 말타는 자들과 준수한 소년이었느니라
13 Nakita ko na ginawa niyang marumi ang kaniyang sarili. Magkapareho ito para sa dalawang magkapatid na babae.
그 두 여인이 한 길로 행하므로 그도 더러워졌음을 내가 보았노라
14 Pagkatapos dinagdagan pa niya ang pagbebenta niya ng aliw! Nakita niya ang mga kalalakihang nakaukit sa mga pader, anyo ng mga Caldeo na iginuhit ng kulay pula,
그가 음행을 더하였음은 붉은 것으로 벽에 그린 사람의 형상 곧 갈대아 사람의 형상을 보았음이니
15 nakasuot ng mga sinturon sa kanilang baywang, na may kasamang humahampay na turbante sa kanilang mga ulo! Nagpakita silang lahat na parang mga pinuno ng mga hukbo ng mga karwahe, mga kalalakihan sa Babilonia ang lugar ng kanilang kapanganakan.
그 형상은 허리를 띠로 동이고 머리를 긴 수건으로 쌌으며 용모는 다 존귀한 자 곧 그 고토 갈대아 바벨론 사람 같은 것이라
16 Nang makita agad sila ng kaniyang mga mata, pinagnasahan na niya sila, kaya nagsugo siya ng mga mensahero sa kanila sa Caldea.
그가 보고 곧 연애하여 사자를 갈대아 그들에게로 보내매
17 Pagkatapos dumating ang mga taga-Babilonia sa kaniya at sa kaniyang higaan ng pagnanasa, at ginawa nila siyang marumi sa pamamagitan nila na walang kahihiyan. Sa pamamagitan kung ano ang kaniyang ginawa siya ay naging marumi, kaya tumalikod siya palayo mula sa kanila dahil sa pagkayamot.
바벨론 사람이 나아와 연애하는 침상에 올라 음란으로 그를 더럽히매 그가 더럽힘을 입은 후에 그들을 싫어하는 마음이 생겼느니라
18 Ipinakita niya ang kaniyang mga gawa ng pagbebenta ng aliw at ipinakita niya ang kaniyang hubad na katawan, kaya tumalikod ang aking Espiritu mula sa kaniya, tulad lamang ng pagtalikod ng aking Espiritu mula sa kaniyang kapatid na babae!
그가 이와 같이 그 음행을 나타내며 그 하체를 드러내므로 내 마음이 그 형을 싫어한 것 같이 그를 싫어하였으나
19 At nakagawa siya ng napakaraming gawa ng pagbebenta ng aliw, na kaniyang inilagay sa kaniyang kaisipan at ginaya niya ang mga panahon ng kaniyang kabataan, Nang kumilos siya bilang isang nagbebenta ng aliw sa lupain ng Egipto!
그가 그 음행을 더하여 그 젊었을 때 곧 애굽 땅에서 음행하던 때를 생각하고
20 Kaya nagnasa siya para sa kaniyang mga mangingibig, na ang maselang bahagi ng katawan ay tulad ng sa asno, at ang lumalabas upang mag-kaanak ay tulad ng sa kabayo.
그 하체는 나귀 같고 그 정수는 말 같은 음란한 간부를 연애하였도다
21 At nakagawa siyang muli ng kahiya-hiyang pag-uugali sa kaniyang kabataan, nang kinakarinyo ang kaniyang mga suso ng mga taga-Egipto sapagkat nasa kasariwaan ang kaniyang mga suso!
네가 젊었을 때에 행음하여 애굽 사람에게 네 가슴과 유방이 어루만진바 되었던 것을 오히려 생각하도다
22 Kung gayon, Oholiba, ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Masdan ninyo, papatalikurin ko ang iyong mangingibig laban sa iyo, dadalhin ko sila laban sa iyo mula sa bawat dako!
그러므로 오홀리바야 나 주 여호와가 말하노라 내가 너의 연애하다가 싫어하던 자들을 격동시켜서 그들로 사방에서 와서 너를 치게 하리니
23 Sa mga Taga-Babilonia at sa lahat ng taga Caldeo! Pecod, Soa, at Koa! At sa lahat ng mga taga-Asiria na kasama nila! Malakas, makisig na kalalakihan! Mga gobernador at mga pinuno, lahat sila ay mga pinuno at mga kalalakihang may dangal! Nakasakay silang lahat sa mga kabayo!
그들은 바벨론 사람과 갈대아 모든 무리 브곳과 소아와 고아 사람과 또 그와 함께 한 모든 앗수르 사람 곧 준수한 소년이며 다 방백과 감독이며 귀인과 유명한 자, 다 말 타는 자들이라
24 Darating sila laban sa iyo na may mga sandata, at na may mga karwahe at mga karitob, at kasama ng napakaraming mga tao! Maghahanda sila ng malaking panangga, maliit na panangga, at mga helmet, laban sa inyong lahat na nakapalibot! Bibigyan ko sila ng pagkakataon upang parusahan kayo, at parurusahan nila kayo ayon sa inyong mga kinikilos!
그들이 병기와 병거와 수레와 크고 작은 방패를 이끌고 투구 쓴 군대를 거느리고 치러 와서 너를 에워쌀지라 내가 심문권을 그들에게 맡긴즉 그들이 그 심문권대로 너를 심문하리라
25 Dahil itatakda ko ang aking galit sa inyo, at pakikitunguhan nila kayo ng may matinding galit! Tatapyasin nila ang iyong mga ilong at inyong mga tenga, at ang mga natira sa inyo ay papatayin sa pamamagitan ng espada! Kukunin nila ang inyong mga anak na lalake at inyong mga anak na babae, kaya lalamunin ng apoy ang inyong mga kaapu-apuhan!
내가 너를 향하여 투기를 발하리니 그들이 분노로 네게 행하여 네 코와 귀를 깎아버리고 남은 자를 칼로 엎드러뜨리며 네 자녀를 빼앗고 그 남은 자를 불에 사르며
26 Huhubarin nila ang inyong mga kasuotan at kukunin ang lahat ng inyong mga alahas!
또 네 옷을 벗기며 네 장식품을 빼앗을지라
27 Kaya aalisin ko ang pag-uugaling kahiya-hiya mula sa inyo at ang inyong mga gawa ng pagbebenta ng aliw mula sa lupain ng Egipto. Hindi ninyo itataas ang inyong mga paningin sa harapan nila na may pananabik, at hindi na ninyo iisipan pa ang Egipto!
이와 같이 내가 네 음란과 애굽 땅에서부터 음행하던 것을 그치게 하여 너로 그들을 향하여 눈을 들지도 못하게 하며 다시는 애굽을 기억하지도 못하게 하리라
28 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Masdan ninyo! Ibibigay ko kayo sa kamay ng mga kinamumuhian ninyo, ibabalik sa kamay kung kanino kayo tumalikod!
나 주 여호와가 말하노라 내가 너의 미워하는 자와 네 마음에 싫어하는 자의 손에 너를 붙이리니
29 Pakikitunguhan nila kayo ng may pagkamuhi; Kukunin nila ang lahat ng inyong pag-aari at iiwan kayong walang kasuotan at hubad. Mahahayag ang hubad na kahihiyan ng inyong pagbebenta ng aliw, ang inyong kahiya-hiyang pag-uugali at kawalan ninyo ng delikadesa!
그들이 미워하는 마음으로 네게 행하여 네 모든 수고한 것을 빼앗고 너를 벌거벗겨 적신으로 두어서 네 음행의 벗은 몸 곧 네 음란하며 음행하던 것을 드러낼 것이라
30 Mangyayari ang mga bagay na ito sa inyo sa inyong pagkilos tulad ng isang nagbebenta ng aliw, nagnanasa sa mga bansa sa pamamagitan kung saan kayo naging marumi kasama ng kanilang mga diyus-diyosan.
네가 이같이 당할 것은 네가 음란히 이방을 좇고 그 우상들로 더럽혔음이로다
31 Lumakad kayo sa daan ng inyong mga kapataid na babae, kaya ilalagay ko ang saro ng kaparusahan sa inyong mga kamay!'
네가 네 형의 길로 행하였은즉 내가 그의 잔을 네 손에 주리라
32 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Iinum ka sa saro ng iyong kapatid na babae, kung saan ito ay malalim at malawak; magiging katatawanan ka at isang paksa para sa panunuya—naglalaman ang sarong ito ng napakarami!
나 주 여호와가 말하노라 깊고 크고 가득히 담긴 네 형의 잔을 네가 마시고 비소와 조롱을 당하리라
33 Mapupuno ka ng may kalasingan at kalumbayan, ang saro ng katatakutan at pagkawasak! Saro ito ng iyong kapatid na babaeng si Samaria!
네가 네 형 사마리아의 잔 곧 놀람과 패망의 잔에 넘치게 취하고 근심할지라
34 Iinumin mo ito at uubusin; at dudurugin mo ito at tatanggalin ang iyong mga suso ng pira-piraso. Dahil ito ang ipinahayag ko! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'
네가 그 잔을 다 기울여 마시고 그 깨어진 조각을 씹으며 네 유방을 꼬집을 것은 내가 이렇게 말하였음이니라 나 주 여호와의 말이니라
35 Samakatuwid, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh 'Sapagakat kinalimutan ninyo ako at tinalikuran ninyo ako, kaya dadalhin din ninyo ang kahihinatnan ng inyong kahiya-hiyang pag-uugali at mga gawa ng sekwal na imoralidad!”
그러므로 나 주 여호와가 말하노라 네가 나를 잊었고 또 나를 네 등 뒤에 버렸은즉 너는 네 음란과 네 음행의 죄를 담당할지니라 하시니라
36 Sinabi ni Yahweh sa akin, “Anak ng Tao, iyo bang hahatulan sina Ohola at Oholiba? Kaya ipakita mo sa kanila ang kanilang nakasusuklam na mga pagkilos,
여호와께서 또 내게 이르시되 인자야 네가 오홀라와 오홀리바를 국문하려느냐 그러면 그 가증한 일을 그들에게 고하라
37 yamang nakagawa sila ng pangangalunya, at mula noong may dugo sa kanilang mga kamay! Nakagawa sila ng pangangalunya, kasama ng kanilang mga diyus-diyosan at kahit na ipinasa nila ang kanilang mga anak na lalaki kung saan nayamot sila sa akin sa pamamagitan ng apoy upang masunog!
그들이 행음하였으며 피를 손에 묻혔으며 또 그 우상과 행음하며 내게 낳아준 자식들을 우상을 위하여 화제로 살랐으며
38 At nagpatuloy sila na gawin ito sa akin: Ginawa nilang marumi ang aking santuaryo, at sa araw ring iyon ay nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga!
이외에도 그들이 내게 행한 것이 있나니 당일에 내 성소를 더럽히며 내 안식일을 범하였도다
39 Dahil nang pinatay nila ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diyus-diyosan, pagkatapos pumunta sila sa aking santuaryo ng araw ding iyon upang lapastanganin ito! Kaya masdan ninyo! Ito ang kanilang ginawa sa kalagitnaan ng aking tahanan!
그들이 자녀를 죽여 그 우상에게 드린 당일에 내 성소에 들어와서 더럽혔으되 그들이 내 성전 가운데서 그렇게 행하였으며
40 Isinugo mo para sa mga kalalakihan na dumating mula sa malayo, kung kanino ang mga mensaherong isinugo—ngayon masdan mo! Sa katunayan dumating sila, sa kanilang iyong pinaliguan, iginuhit ang iyong mga mata, at pinaganda ang iyong mga sarili sa pamamagitan ng alahas.
또 사자를 원방에 보내어 사람을 불러오게 하고 그들이 오매 그들을 위하여 목욕하며 눈썹을 그리며 스스로 단장하고
41 At nakaupo ka sa ibabaw ng isang magandang higaan at isang dulang na nakagayak sa harapan nito. Pagkatapos inilagay ninyo ang aking insenso at aking langis sa ibabaw nito!
화려한 자리에 앉아 앞에 상을 베풀고 내 향과 기름을 그 위에 놓고
42 Kaya ang tinig ng maraming tao na may mga alalahanin ay kasama ninyo, at mga manginginom na dinala sa ilang na kasama ng ibang kalalakihan na walang halaga. Naglagay sila ng mga pulseras sa inyong mga kamay at mapalamuting mga korona sa inyong mga ulo.
그 무리와 편히 지껄이고 즐겼으며 또 광야에서 잡류와 술취한 사람을 청하여 오매 그들이 팔쇠를 그 손목에 끼우고 아름다운 면류관을 그 머리에 씌웠도다
43 Pagkatapos sinabi ko ang tungkol sa napagod sa mga gumagawa ng pangangalunya, 'Ngayon makikipagtalik sila sa kaniya, at siya ay makikipagtalik sa kanila.'
내가 음행으로 쇠한 여인을 가리켜 말하노라 그가 그래도 그들과 피차 행음하는도다
44 Pagkatapos pumunta sila at sumiping sa kaniya gaya ng nais nila sa sinumang nagbebenta ng aliw; sa ganoon ding pamamaraan sinipingan nila sina Ohola at Oholiba, mga babaeng nagkasala ng pangangalunya!
그들이 그에게 나아오기를 기생에게 나아옴 같이 음란한 여인 오홀라와 오홀리바에게 나아왔은즉
45 Ngunit hahatulan sila ng mga lalaking matuwid sa kaparusahan ng pangangalunya at kaparusahan sa mga nagbubo ng dugo, mula noong nagkasala sila ng pangangalunya at nagkaroon ng dugo sa kanilang mga kamay.
의인이 음부를 심문함 같이 심문하며 피를 흘린 여인을 심문함 같이 심문하리니 그들은 음부요 또 피가 그 손에 묻었음이니라
46 Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Magbabangon ako ng isang kapulungan laban sa kanila at ibibigay sila upang sindakin at nakawan.
나 주 여호와가 말하노라 내가 군대를 거느리고 와서 치게 하여 그들로 학대와 약탈을 당하게 하리니
47 Pagkatapos babatuhin sila ng bato ng kapulungan at tatagain sila ng mga espada. Papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at mga anak na babae at susunugin ang kanilang mga bahay!
그 군대가 그들을 돌로 치며 칼로 죽이고 그 자녀도 죽이며 그 집들을 불사르리라
48 Sapagkat aalisin ko ang nakahihiyang pag-uugali mula sa lupain at susupilin ang lahat ng mga kababaihan kaya hindi na sila gagawin ang tulad sa isang nagbebenta ng aliw.
이와 같이 내가 이 땅에서 음란을 그치게 한즉 모든 여인이 경성하여 너희 음행을 본받지 아니하리라
49 Kaya ihahanda nila ang inyong nakahihiyang pag-uugali laban sa inyo. Inyong dadalhin ang kahatulan ng inyong mga kasalanan kasama ng inyong mga diyus-diyosan, at sa pamamaraang ito malalaman ninyo na ako ang Panginoong Yahweh!”
그들이 너희 음란으로 너희에게 보응한즉 너희가 모든 우상을 위하던 죄를 담당할지라 너희가 나를 주 여호와인 줄 알리라 하시니라

< Ezekiel 23 >