< Ezekiel 22 >

1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi.
E la parola dell’Eterno mi fu rivolta in questi termini:
2 Ngayon ikaw, anak ng tao, hahatol ka ba? Hahatulan mo ba ang lungsod ng dugo? Ipaalam mo sa kaniya ang lahat ng kaniyang kasuklam-suklam na gawain.
“Ora, figliuol d’uomo, non giudicherai tu, non giudicherai tu questa città di sangue? Falle dunque conoscere tutte le sue abominazioni! e di’:
3 Dapat mong sabihing, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ito ang lungsod na nagpadanak ng dugo sa kaniyang kalagitnaan sa gayon ang kaniyang panahon ay dumating na; isang lungsod na gumagawa ng mga diyus-diyosan upang gawing marumi ang kaniyang sarili!
Così parla il Signore, l’Eterno: O città, che spandi il sangue in mezzo a te perché il tuo tempo giunga, e che ti fai degl’idoli per contaminarti!
4 Ikaw ay nagkasala sa dugo na iyong pinadanak, at naging marumi dahil sa mga diyus-diyosan na iyong ginawa! Sapagkat pinalalapit mo ang iyong mga araw at nalalapit na ang iyong mga huling taon. Kaya gagawin kitang kahihiyan sa mga bansa at isang kakutyaan sa paningin ng bawat lupain.
Per il sangue che hai sparso ti sei resa colpevole, e per gl’idoli che hai fatto ti sei contaminata; tu hai fatto avvicinare i tuoi giorni, e sei giunta al termine de’ tuoi anni, perciò io ti espongo al vituperio delle nazioni e allo scherno di tutti i paesi.
5 Ang mga malalapit at sila na malalayo ay parehong manlilibak sa iyo, ikaw na maruming lungsod, kasama ang karangalan na kilala sa bawat lugar bilang puno ng kaguluhan!'
Quelli che ti son vicini e quelli che son lontani da te si faran beffe di te, o tu contaminata di fama, e piena di disordine!
6 Masdan! ang mga pinuno ng Israel, bawat isa sa kaniyang kapangyarihan ay pumunta sa iyo upang magpadanak ng dugo!
Ecco, i principi d’Israele, ognuno secondo il suo potere, sono occupati in te a spandere il sangue;
7 Hindi na nila iginalang ang mga ama at mga ina na nasa iyo, at inapi nila ang mga dayuhan na nasa kalagitnaan ninyo. Inabuso nila ang mga ulila at mga balo na nasa iyo.
in te si sprezza padre e madre; in mezzo a te si opprime lo straniero; in te si calpesta l’orfano e la vedova.
8 Kinasuklaman ninyo ang aking mga banal na bagay at nilapastangan ninyo ang aking mga Araw ng Pamamahinga!
Tu disprezzi le mie cose sante, tu profani i miei sabati.
9 Pumunta ang mga kalalakihang maninirang puri sa inyo upang magpadanak ng dugo, at sila ay kakain sa mga bundok. Gagawa sila ng kasamaan sa iyong kalagitnaan!
In te c’è della gente che calunnia per spandere il sangue, in te si mangia sui monti, in mezzo a te si commettono scelleratezze.
10 Ang kahubaran ng isang ama ay inilantad sa iyo. Inabuso nila ang maruming babae sa kalagitnaan ng kaniyang pagreregla.
E in te si scoprono le vergogne del padre, in te si violenta la donna durante la sua impurità;
11 Mga kalalakihang gumagawa ng mga kasuklam -suklam sa asawa ng kanilang kapwa, at mga kalalakihang gumawa ng karumihang kahiya-hiya sa kani-kanilang mga manugang na babae, mga kalalakihang nang-abuso ng kanilang mga kapatid na babae, mga ama na nang-abuso sa kanilang mga anak na babae—ang lahat ng ito ay nasa iyo.
in te l’uno commette abominazione con la moglie del suo prossimo, l’altro contamina d’incesto la sua nuora, l’altro violenta la sua sorella, figliuola di suo padre.
12 Kumukuha ang mga kalalakihang ito ang mga suhol sa iyo upang magpadanak ng dugo. Kinuha ninyo ang tubo at labis na kinita, sinira mo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng panggigipit, at kinalimutan mo ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
In te si ricevono regali per spandere del sangue; tu prendi interesse, dài ad usura, trai guadagno dal prossimo con la violenza, e dimentichi me, dice il Signore, l’Eterno.
13 Kaya tumingin ka! Hinampas ko ng aking kamay ang kumikita sa pandaraya, at ang pagdanak ng dugo sa gitna mo.
Ma ecco, io batto le mani, a motivo del disonesto guadagno che fai, e del sangue da te sparso, ch’è in mezzo di te.
14 Matatag ba ang iyong puso, malakas ba ang iyong mga kamay sa panahon na ikaw ay aking haharapin? Ako, si Yahweh, na nagpapahayag nito, at gagawin ko ito.
Il tuo cuore reggerà egli, o le tue mani saranno esse forti il giorno che io agirò contro di te? Io, l’Eterno, son quegli che ho parlato, e lo farò.
15 Kaya ikakalat kita sa mga bansa at paghiwa-hiwalayin kita sa mga lupain. Sa paraang ito, papawiin ko ang karumihan mo.
Io ti disperderò fra le nazioni, ti spargerò per i paesi, e torrò via da te tutta la tua immondezza;
16 Kaya magiging marumi ka sa paningin ng mga tao. Sa ganoon malalaman mo na ako si Yahweh!”
e tu sarai profanata da te stessa agli occhi delle nazioni, e conoscerai che io sono l’Eterno”.
17 Sumunod nito dumating muli ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
E la parola dell’Eterno mi fu rivolta in questi termini:
18 “Anak ng tao, ang sambahayan ng Israel ay kalawang na sa akin. Lahat sila ay mga tira-tirang tanso at lata, bakal, at tingga sa iyong kalagitnaan. Sila ay magiging gaya ng kalawang ng tanso sa iyong pugon.
“Figliuol d’uomo, quelli della casa d’Israele mi son diventati tante scorie: tutti quanti non son che rame, stagno, ferro, piombo, in mezzo al fornello; son tutti scorie d’argento.
19 Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Dahil lahat kayo ay naging gaya ng latak, kaya masdan! Titipunin ko kayo sa gitna ng Jerusalem.
Perciò, così parla il Signore, l’Eterno: Poiché siete tutti diventati tante scorie, ecco, io vi raduno in mezzo a Gerusalemme.
20 Gaya ng naipong pilak at tanso, bakal, tingga at lata na nailagay sa gitna ng pugon ay dapat mahipan ang apoy nito, tutunawin ko kayo. Kaya iipunin ko kayo sa aking galit at poot. Ilalagay ko kayo doon at bubugahan ng apoy ito upang matunaw; Kaya iipunin kayo sa aking galit at poot, at ilalagay ko kayo doon at ibubuhos.
Come si raduna l’argento, il rame, il ferro, il piombo e lo stagno in mezzo al fornello e si soffia nel fuoco per fonderli, così, nella mia ira e nel mio furore io vi radunerò, vi metterò là, e vi fonderò.
21 Kaya iipunin ko kayo at bubugahan ng apoy ng aking poot kaya mabubuhos kayo sa kaniyang kalagitnaan.
Vi radunerò, soffierò contro di voi nel fuoco del mio furore e voi sarete fusi in mezzo a Gerusalemme.
22 Gaya ng natutunaw na pilak sa gitna ng pugon, matutunaw kayo sa gitna nito, at malalaman ninyo na ako, si Yahweh, ang nagbuhos ng aking galit laban sa inyo!””
Come l’argento è fuso in mezzo al fornello, così voi sarete fusi in mezzo alla città; e voi saprete che io, l’Eterno, sono quegli che riverso su di voi il mio furore”.
23 Dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinasabi,
E la parola dell’Eterno mi fu rivolta in questi termini:
24 “Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, ' Ikaw ang lupain na hindi pa nalilinis. Walang ulan sa araw ng poot!
“Figliuol d’uomo, dì a Gerusalemme: Tu sei una terra che non è stata purificata, che non è stata bagnata da pioggia in un giorno d’indignazione.
25 Mayroong sabwatan ang kaniyang mga propeta sa kaniyang kalagitnaan, tulad ng isang umaatungal na leon na nilalapa ang biktima; inuubos nila ang buhay at kinukuha ang mahahalagang yaman! Pinaparami nila ang mga balo sa kaniyang kalagitnaan!
V’è una cospirazione de’ suoi profeti in mezzo a lei; come un leone ruggente che sbrana una preda, costoro divorano le anime, piglian tesori e cose preziose, moltiplican le vedove in mezzo a lei.
26 Ang kaniyang mga pari ay gumagawa ng karahasan sa aking kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga banal na bagay. Hindi nila nalalaman ang pagkakaiba ng banal na mga bagay at sa mga bagay na kalapastangan, at hindi itinuro ang pagkakaiba ng marumi at ng malinis. Hindi nila binigyan pansin ang mga Araw ng Pamamahinga kaya hindi ako ginalang sa kanilang kalagitnaan!
I suoi sacerdoti violano la mia legge, e profanano le mie cose sante; non distinguono fra santo e profano, non fan conoscere la differenza che passa fra ciò ch’è impuro e ciò ch’è puro, chiudon gli occhi sui miei sabati, e io son profanato in mezzo a loro.
27 Ang kaniyang mga prinsipe na nasa kaniya ay tulad ng mga asong lobo na niluluray ang kanilang mga biktima. Pinapadanak nila ang dugo at sinisira nila ang buhay, para kumita sa pamamagitan ng pandaraya.
E i suoi capi, in mezzo a lei, son come lupi che sbranano la loro preda: spandono il sangue, perdono le anime per saziare la loro cupidigia.
28 At pinintahan pa siya ng kaniyang mga propeta gamit ang apog na pampinta; mga huwad ang kanilang mga pangitain at kasinungalingan ang kanilang mga ipinapahayag sa kanila, ang sinasabi nila “Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh” kahit hindi naman nagsalita si Yahwehi!
E i loro profeti intonacan loro tutto questo con malta che non regge: hanno delle visioni vane, pronostican loro la menzogna, e dicono: Così parla il Signore, l’Eterno mentre l’Eterno non ha parlato affatto.
29 Ang mga tao ng lupain ay nang-aapi sa pamamagitan ng panghuhuthut at pandarambong dahil sa pagnanakaw, at inaabuso ang mahihirap at mga kapos, at inapi ang mga dayuhan nang walang katarungan.
Il popolo del paese si dà alla violenza, commette rapine, calpesta l’afflitto e il povero, opprime lo straniero, contro ogni equità.
30 Kaya naghanap ako ng isang tao mula sa kanila na magtatayo ng pader at siyang tatayo sa harapan ko sa paglabag na ito para sa lupain upang hindi ko na sirain ito, ngunit wala akong natagpuan isa man.
Ed io ho cercato fra loro qualcuno che riparasse la cinta e stesse sulla breccia davanti a me in favore del paese, perché io non lo distruggessi; ma non l’ho trovato.
31 Kaya ibubuhos ko ang aking galit sa kanila! Tatapusin ko sila sa apoy ng aking galit at ilalagay sila sa paraan na kanilang sariling iniisip—ito ang Pahayag ng Panginoong Yahweh.”'
Perciò, io riverserò su loro la mia indignazione; io li consumerò col fuoco della mia ira, e farò ricadere sul loro capo la loro condotta, dice il Signore, l’Eterno”.

< Ezekiel 22 >