< Ezekiel 20 >

1 At nangyari nang ikapitong taon, sa ikasampung araw ng ikalimang buwan, dumating ang mga nakatatanda ng Israel upang sumangguni kay Yahweh at umupo sila sa aking harapan.
제 칠년 오월 십일에 이스라엘 장로 두어 사람이 여호와께 물으려고 와서 내 앞에 앉으니
2 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
3 “Anak ng tao, ihayag mo sa mga nakatatanda ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Pumarito ba kayo upang sumangguni sa akin? Habang ako ay nabubuhay, hindi ninyo ako mapagsasanggunian! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'
인자야 이스라엘 장로들에게 고하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 너희가 내게 물으려고 왔느냐 나 주 여호와가 말하노라 내가 나의 삶을 두고 맹세하노니 너희가 내게 묻기를 내가 용납지 아니하리라 하셨다 하라
4 Hahatulan mo ba sila? Hahatol ka ba, anak ng tao? Ipaalam mo sa kanila ang kasuklam-suklam na ginawa ng kanilang mga ama!
인자야 네가 그들을 국문하려느냐 네가 그들을 국문 하려하느냐 너는 그들로 그 열조의 가증한 일을 알게 하여
5 Sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sa araw na pinili ko ang Israel at itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ni Jacob, at ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila sa lupain ng Egipto, nang itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila. Sinabi ko, “Ako si Yahweh na inyong Diyos”—
이르기를 주 여호와의 말씀에 옛날에 내가 이스라엘을 택하고 야곱 집의 후예를 향하여 맹세하고 애굽 땅에서 그들에게 나타나서 맹세하여 이르기를 나는 여호와 너희 하나님이라 하였었노라
6 sa araw na iyon itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila na ilalabas ko sila sa lupain ng Egipto papunta sa isang lupain na maingat kong pinili para sa kanila. Ito ay dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan; ito ay pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain!
그 날에 내가 그들에게 맹세하기를 애굽 땅에서 인도하여 내어서 그들을 위하여 찾아 두었던 땅 곧 젖과 꿀이 흐르는 땅이요 모든 땅 중의 아름다운 곳에 이르게 하리라 하고
7 Sinabi ko sa kanila, “Hayaang itapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata at ang mga diyus-diyosan ng Egipto. Huwag ninyong gawing marumi ang inyong mga sarili; ako si Yahweh na inyong Diyos.”
또 그들에게 이르기를 너희는 눈을 드는바 가증한 것을 각기 버리고 애굽의 우상들로 스스로 더럽히지 말라 나는 여호와 너희 하나님이니라 하였으나
8 Ngunit naghimagsik sila laban sa akin at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi itinapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata, ni hindi nila tinalikuran ang mga diyus-diyosan ng Egipto, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot sa kanila sa kalagitnaan ng lupain ng Egipto.
그들이 내게 패역하여 내 말을 즐겨 듣지 아니하고 그 눈을 드는 바 가증한 것을 각기 버리지 아니하며 애굽의 우상들을 떠나지 아니하므로 내가 말하기를 내가 애굽 땅에서 나의 분을 그들의 위에 쏟으며 노를 그들에게 이루리라 하였었노라
9 Kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa kung saan sila nananatili. Ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila, sa kanilang mga mata, sa pamamagitan ng paglalabas ko sa kanila mula sa lupain ng Egipto.
그러나 내가 그들의 거하는 이방인의 목전에서 그들에게 나타나서 그들을 애굽 땅에서 인도하여 내었었나니 이는 내 이름을 위 함이라 내 이름을 그 이방인의 목전에서 더럽히지 않으려 하여 행하였음이로라
10 Kaya pinaalis ko sila sa lupain ng Egipto at dinala sila sa ilang.
그러므로 내가 그들로 애굽 땅에서 나와서 광야에 이르게 하고
11 Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanila ang aking mga kautusan at ipinaalam ko sa kanila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya.
사람이 준행하면 그로 인하여 삶을 얻을 내 율례를 주며 내 규례를 알게 하였고
12 Ibinigay ko rin sa kanila ang aking mga Araw ng Pamamahinga bilang palatandaan sa akin at sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh, na siyang naglaan sa kanila sa aking sarili.
또 나는 그들을 거룩하게 하는 여호와인 줄 알게 하려하여 내가 내 안식일을 주어 그들과 나 사이에 표징을 삼았었노라
13 Ngunit naghimagsik ang sambahayan ng Israel laban sa akin sa ilang. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan; sa halip, tinanggihan nila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Labis nilang nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga, kaya sinabi kong, ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking matinding galit upang tapusin sila.
그러나 이스라엘 족속이 광야에서 내게 패역하여 사람이 준행하면 그로 인하여 삶을 얻을 나의 율례를 준행치 아니하며 나의 규례를 멸시하였고 나의 안식일을 크게 더럽혔으므로 내가 이르기를 내가 내 분노를 광야에서 그들의 위에 쏟아 멸하리라 하였으나
14 Ngunit kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa, na nakakitang inilabas ko sila sa Egipto.
내가 내 이름을 위하여 달리 행하였었나니 내가 그들을 인도하여 내는 것을 목도한 열국 앞에서 내 이름을 더럽히지 아니하려 하였음이로라
15 Kaya itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila sa ilang na hindi ko sila dadalhin sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, na siyang pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain.
또 내가 광야에서 그들에게 맹세하기를 내가 그들에게 허한 땅 곧 젖과 꿀이 흐르는 땅이요 모든 땅 중의 아름다운 곳으로 그들을 인도하여 들이지 아니하리라 한 것은
16 Isinumpa ko ito dahil tinanggihan nila ang aking mga alituntunin at hindi sila lumakad sa aking mga kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga, sapagkat lumakad ang kanilang puso batay sa kanilang mga diyus-diyosan.
그들이 마음으로 우상을 좇아 나의 규례를 업신여기며 나의 율례를 행치 아니하며 나의 안식일을 더럽혔음이니라
17 Ngunit nahabag ang aking mata sa kanila dahil sa kanilang pagkawasak, kaya hindi ko sila pinuksa sa ilang.
그러나 내가 그들을 아껴 보아 광야에서 멸하여 아주 없이 하지 아니하였었노라
18 Sinabi ko sa kanilang mga anak na lalaki at babae sa ilang, “Huwag kayong lumakad ayon sa mga kautusan ng inyong mga magulang; huwag ninyong sundin ang kanilang mga alituntunin o lapastanganin ang inyong sarili sa mga diyus-diyosan.
내가 광야에서 그들의 자손에게 이르기를 너희 열조의 율례를 좇지 말며 그 규례를 지키지 말며 그 우상들로 스스로 더럽히지 말라
19 Ako si Yahweh na inyong Diyos! Lumakad kayo sa aking mga kautusan; ingatan ninyo ang aking mga alituntunin at sundin ang mga ito!
나는 여호와 너희 하나님이라 너희는 나의 율례를 좇으며 나의 규례를 지켜 행하고
20 Panatilihin ninyong banal ang aking mga Araw ng Pamamahinga upang ang mga ito ay maging palatandaan sa akin at sa inyo, upang malaman ninyo na ako si Yahweh na inyong Diyos.”
또 나의 안식일을 거룩하게 할지어다 이것이 나와 너희 사이에 표징이 되어 너희로 내가 여호와 너희 하나님인 줄 알게 하리라 하였었노라
21 Ngunit naghimagsik laban sa akin ang kanilang mga anak na lalaki at babae. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan o sinunod ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Nilapastangan nila ang aking Araw ng Pamamahinga, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot laban sa kanila sa ilang.
그러나 그 자손이 내게 패역하여 사람이 준행하면 그로 인하여 삶을 얻을 나의 율례를 좇지 아니하며 나의 규례를 지켜 행하지 아니하였고 나의 안식일을 더럽혔는지라 이에 내가 이르기를 내가 광야에서 내 분을 그들의 위에 쏟으며 내 노를 그들에게 이루리라 하였으나
22 Ngunit binawi ko ang aking kamay at kumilos ako alang-alang sa aking pangalan, upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa na siyang nakakita na inilabas ko ang mga Israelita.
내가 내 이름을 위하여 내 손을 금하고 달리 행하였었나니 내가 그들을 인도하여 내는 것을 목도한 열국 앞에서 내 이름을 더럽히지 아니하려 하였음이로다
23 Itinaas ko rin ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang manumpa na ikakalat ko sila sa mga bansa at ikakalat ko sila sa mga lupain.
또 내가 광야에서 그들에게 맹세하기를 내가 그들을 이방인 중에 흩으며 열방 중에 헤치리라 하였었나니
24 Ipinasya kong gawin ito sapagkat hindi nila sinunod ang aking mga alituntunin, at dahil tinanggihan nila ang aking mga kautusan at nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga. Nasasabik ang kanilang mga mata sa diyus-diyosan ng kanilang mga ama.
이는 그들이 나의 규례를 행치 아니하며 나의 율례를 멸시하며 내 안식일을 더럽히고 눈으로 그 열조의 우상들을 사모함이며
25 At binigyan ko rin sila ng mga hindi mabubuting utos, at mga alituntunin na hindi nila ikabubuhay.
또 내가 그들에게 선치 못한 율례와 능히 살게 하지 못할 규례를 주었고
26 Ginawa ko silang marumi sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob, nang ipinadaan nila sa apoy ang bawat panganay mula sa sinapupunan. Ginawa ko ito upang sindakin sila upang malaman nila na ako si Yahweh!'
그들이 장자를 다 화제로 드리는 그 예물로 내가 그들을 더럽혔음은 그들로 멸망케 하여 나를 여호와인 줄 알게하려 하였음이니라
27 Kung gayon, anak ng tao, ipahayag mo ito sa sambahayan ng Israel; sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Nilapastangan ako ng inyong mga ama sa pamamagitan ng pagtataksil laban sa akin. Ginawa nila ito sa ganitong paraan:
그런즉 인자야 이스라엘 족속에게 고하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 너희 열조가 또 내게 범죄하여 나를 욕되게 하였느니라
28 nang dinala ko sila sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanila, at nang nakita nila ang mga matatayog na burol at mga mayayabong na puno, at inialay nila ang kanilang mga handog doon at ginalit ako sa pamamagitan ng kanilang mga handog doon. Nagsunog din sila roon ng mabangong insenso at nagbuhos ng mga inuming handog.
내가 그들에게 주기로 맹세한 땅으로 그들을 인도하여 들였더니 그들이 모든 높은 산과 모든 무성한 나무를 보고 거기서 제사를 드리고 격노케 하는 제물을 올리며 거기서 또 분향하고 전제를 부어 드린지라
29 At sinabi ko sa kanila, “Ano itong matayog na lugar na inyong pinagdadalhan ng inyong mga handog?” Kaya ang pangalan ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.'
이에 내가 그들에게 이르기를 너희가 다니는 산당이 무엇이냐 하였노라 (그것을 오늘날까지 바마라 일컫느니라)
30 Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Bakit ninyo ginagawang marumi ang inyong mga sarili sa mga pamamaraan ng inyong mga ama? At bakit kayo kumikilos na tulad ng mga babaeng bayaran, naghahanap ng mga kasuklam-suklam na bagay?
그러므로 너는 이스라엘 족속에게 이르기를 주 여호와의 말씀에 너희가 열조의 풍속을 따라 스스로 더럽히며 그 모든 가증한 것을 좇아 행음하느냐
31 Sapagkat kapag iniaalay ninyo ang inyong mga kaloob at ipinapadaan ninyo sa apoy ang inyong mga anak na lalaki, ginagawa ninyong marumi ang inyong mga sarili dahil sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan hanggang sa araw na ito. Kaya dapat ba kayong sumangguni sa akin, sambahayan ng Israel? Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—hindi kayo makasasangguni sa akin!
너희가 또 너희 아들로 화제를 삼아 예물로 드려 오늘날까지 우상들로 스스로 더럽히느냐 이스라엘 족속아 너희가 내게 묻기를 내가 용납하겠느냐 나 주 여호와가 말하노라 내가 나의 삶을 두고 맹세하노니 너희가 내게 묻기를 내가 용납지 아니하리라
32 Ang kaisipang nabubuo sa inyong mga isipan ay magkakatotoo. Sinasabi ninyo, “Tularan natin ang ibang bansa, tulad ng mga angkan sa ibang mga lupaing sumasamba sa kahoy at bato!”
너희가 스스로 이르기를 우리가 이방인 곧 열국 족속 같이 되어서 목석을 숭배하리라 하거니와 너희 마음에 품은 것을 결코 이루지 못하리라
33 Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—tiyak na pamumunuan ko kayo nang may makapangyarihang kamay, nakataas na braso, at matinding galit na maibubuhos sa inyo!
나 주 여호와가 말하노라 내가 나의 삶을 두고 맹세하노니 내가 능한 손과 편 팔로 분노를 쏟아 너희를 단정코 다스릴지라
34 Ilalabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo mula sa mga bansa kung saan kayo nakakalat. Gagawin ko ito nang may makapangyarihang kamay at may buhos ng matinding galit.
능한 손과 편 팔로 분노를 쏟아 너희를 열국 중에서 나오게 하며 너희의 흩어진 열방 중에서 모아내고
35 Pagkatapos ay dadalhin ko kayo sa ilang ng ibang mga lahi, at doon ay hahatulan ko kayo nang harap-harapan.
너희를 인도하여 열국 광야에 이르러 거기서 너희를 대면하여 국문하되
36 Katulad ng paghatol ko sa inyong mga ama sa ilang sa lupain ng Egipto, gayon ko rin kayo hahatulan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
내가 애굽 땅 광야에서 너희 열조를 국문한 것 같이 너희를 국문하리라 나 주 여호와의 말이니라
37 Padadaanin ko kayo sa ilalim ng aking pamalo at dadalhin ko kayo sa bigkis ng tipan;
내가 너희를 막대기 아래로 지나게 하며 언약의 줄로 매려니와
38 Aalisin ko mula sa inyo ang mga mapanghimagsik at ang mga sumusuway laban sa akin. Paaalisin ko sila mula sa lupain kung saan sila naninirahan bilang mga dayuhan, ngunit hindi sila papasok sa lupain ng Israel. Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!
너희 가운데서 패역한 자와 내게 범죄한 자를 모두 제하여 버릴지라 그들을 그 우거하던 땅에서는 나오게 하여도 이스라엘 땅에는 들어가지 못하게 하리니 너희가 나를 여호와인 줄 알리라
39 Kaya sa iyo, sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang bawat isa sa inyo ay dapat pumunta sa kaniyang sariling diyus-diyosan. Sambahin ninyo sila kung ayaw ninyong makinig sa akin, ngunit hindi na ninyo dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng inyong mga kaloob at mga diyus-diyosan.
나 주 여호와가 말하노라 이스라엘 족속아 너희가 내 말을 듣지 아니하려거든 가서 각각 그 우상을 섬기고 이 후에도 그리하려무나마는 다시는 너희 예물과 너희 우상들로 내 거룩한 이름을 더럽히지 말지니라
40 Sapagkat sa aking banal na bundok, sa tuktok ng bundok ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—pupurihin ako ng lahat ng sambahayan ng Israel doon sa lupain. Malulugod akong hingin ang inyong mga handog doon, at gayon din ang mga unang bunga ng inyong kaloob kasama ng lahat ng inyong banal na bagay.
나 주 여호와가 말하노라 이스라엘 온 족속이 그 땅에 있어서 내 거룩한 산 곧 이스라엘의 높은 산에서 다 나를 섬기리니 거기서 내가 그들을 기쁘게 받을지라 거기서 너희 예물과 너희 천신하는 첫 열매와 너희 모든 성물을 요구하리라
41 Tatanggapin ko kayo na parang mabangong insenso kapag inilabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo palabas sa mga bansa kung saan kayo ikinalat. Ipapakita ko sa inyo ang aking sarili na banal upang makita ng mga bansa.
내가 너희를 인도하여 열국 중에서 나오게 하고 너희의 흩어진 열방 중에서 모아 낼 때에 내가 너희를 향기로 받고 내가 또 너희로 말미암아 내 거룩함을 열국의 목전에서 나타낼 것이며
42 Pagkatapos, kapag dinala ko kayo sa lupain ng Israel, sa lupain na pinagtaasan ko ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga ama, malalaman ninyo na ako si Yahweh.
내가 너희 열조에게 주기로 맹세한 땅 곧 이스라엘 땅으로 너희를 인도하여 들일 때에 너희가 나를 여호와인줄 알고
43 At maaalala ninyo roon ang inyong mga masasamang kaparaanan at ang lahat ng inyong gawaing nagparumi sa inyong mga sarili, at kamumuhian ninyo ang inyong sarili sa sarili ninyong paningin dahil sa lahat ng masamang gawain na inyong ginawa.
거기서 너희의 길과 스스로 더럽힌 모든 행위를 기억하고 이미 행한 모든 악을 인하여 스스로 미워하리라
44 Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh kapag ginawa ko ito sa inyo alang-alang sa aking pangalan, hindi dahil sa inyong mga masamang kaparaanan o sa inyong mga masasamang gawa, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
이스라엘 족속아 내가 너희의 악한 길과 더러운 행위대로 하지 아니하고 내 이름을 위하여 행한 후에야 너희가 나를 여호와인 줄 알리라 나 주 여호와의 말이니라 하셨다 하라
45 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
여호와의 말씀이 또 내게 임하여 가라사대
46 “Anak ng tao, humarap ka sa mga lupain sa timog at magsalita ka laban sa timog, maghayag ka ng propesiya laban sa kagubatan ng Negev.
인자야 너는 얼굴을 남으로 향하라 남으로 향하여 소리내어 남방들의 삼림을 쳐서 예언하라
47 Sabihin mo sa kagubatan ng Negev, 'Pakinggan mo ang pahayag ni Yahweh! Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Tingnan mo, magpapasiklab ako ng apoy sa iyo. Lalamunin nito ang bawat sariwang puno at bawat tuyong puno sa iyo. Hindi maaapula ang naglalagablab na apoy; ang bawat mukha mula sa timog at hilaga ay masusunog.
남방 삼림에게 이르기를 여호와의 말씀을 들을지어다 주 여호와의 말씀에 내가 너의 가운데 불을 일으켜 모든 푸른 나무와 모든 마른 나무를 멸하리니 맹렬한 불꽃이 꺼지지 아니하고 남에서 북까지 모든 얼굴이 그슬릴지라
48 Pagkatapos, makikita ng lahat ng laman na ako si Yahweh kapag sinindihan ko ang apoy, at ito ay hindi maaapula.'”
무릇 혈기 있는자는 나 여호와가 그 불을 일으킨 줄을 알리니 그것이 꺼지지 아니하리라 하셨다 하라 하시기로
49 At sinabi ko, “Ah! Panginoong Yahweh, sinasabi nila tungkol sa akin, 'Hindi ba isa lamang siyang tagasalaysay ng mga talinghaga?'”
내가 가로되 오호라 주 여호와여 그들이 나를 가리켜 말하기를 그는 비유로 말하는 자가 아니냐 하나이다 하니라

< Ezekiel 20 >