< Ezekiel 20 >

1 At nangyari nang ikapitong taon, sa ikasampung araw ng ikalimang buwan, dumating ang mga nakatatanda ng Israel upang sumangguni kay Yahweh at umupo sila sa aking harapan.
And it came to pass in the seventh year, on the fifteenth day of the month, there came men of the elders of the house of Israel to enquire of the Lord, and they sat before me.
2 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
And the word of the Lord came to me, saying,
3 “Anak ng tao, ihayag mo sa mga nakatatanda ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Pumarito ba kayo upang sumangguni sa akin? Habang ako ay nabubuhay, hindi ninyo ako mapagsasanggunian! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'
Son of man, speak to the elders of the house of Israel, and thou shalt say to them, Thus saith the Lord; Are ye come to enquire of me? [As] I live, I will not be enquired of by you, saith the Lord.
4 Hahatulan mo ba sila? Hahatol ka ba, anak ng tao? Ipaalam mo sa kanila ang kasuklam-suklam na ginawa ng kanilang mga ama!
Shall I utterly take vengeance on them, son of man? testify to them of the iniquities of their fathers:
5 Sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sa araw na pinili ko ang Israel at itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ni Jacob, at ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila sa lupain ng Egipto, nang itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila. Sinabi ko, “Ako si Yahweh na inyong Diyos”—
and thou shalt say to them, Thus saith the Lord; From the day that I chose the house of Israel, and became known to the seed of the house of Jacob, and was known to them in the land of Egypt, and helped them with my hand, saying, I am the Lord your God;
6 sa araw na iyon itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila na ilalabas ko sila sa lupain ng Egipto papunta sa isang lupain na maingat kong pinili para sa kanila. Ito ay dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan; ito ay pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain!
in that day I helped them with my hand, to bring them out of the land of Egypt into the land which I prepared for them, a land flowing with milk and honey, it is abundant beyond every land.
7 Sinabi ko sa kanila, “Hayaang itapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata at ang mga diyus-diyosan ng Egipto. Huwag ninyong gawing marumi ang inyong mga sarili; ako si Yahweh na inyong Diyos.”
And I said to them, Let every one cast away the abominations of his eyes, and defile not yourselves with the devices of Egypt: I am the Lord your God.
8 Ngunit naghimagsik sila laban sa akin at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi itinapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata, ni hindi nila tinalikuran ang mga diyus-diyosan ng Egipto, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot sa kanila sa kalagitnaan ng lupain ng Egipto.
But they revolted from me, and would not hearken to me: they cast not away the abominations of their eyes, and forsook not the devices of Egypt: then I said that I would pour out my wrath upon them, to accomplish my wrath upon them in the midst of Egypt.
9 Kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa kung saan sila nananatili. Ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila, sa kanilang mga mata, sa pamamagitan ng paglalabas ko sa kanila mula sa lupain ng Egipto.
But I wrought [so] that my name should not be at all profaned in the sight of the Gentiles, in the midst of whom they are, among whom I was made known to them in their sight, to bring them out of the land of Egypt.
10 Kaya pinaalis ko sila sa lupain ng Egipto at dinala sila sa ilang.
And I brought them into the wilderness.
11 Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanila ang aking mga kautusan at ipinaalam ko sa kanila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya.
And I gave them my commandments, and made known to them mine ordinances, all which [if] a man shall do, he shall even live in them.
12 Ibinigay ko rin sa kanila ang aking mga Araw ng Pamamahinga bilang palatandaan sa akin at sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh, na siyang naglaan sa kanila sa aking sarili.
And I gave them my sabbaths, that they should be for a sign between me and them, that they should know that I am the Lord that sanctify them.
13 Ngunit naghimagsik ang sambahayan ng Israel laban sa akin sa ilang. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan; sa halip, tinanggihan nila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Labis nilang nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga, kaya sinabi kong, ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking matinding galit upang tapusin sila.
And I said to the house of Israel in the wilderness, Walk ye in my commandments: but they walked not [in them], and they rejected mine ordinances, which [if] a man shall do, he shall even live in them; and they grievously profaned my sabbaths: and I said that I would pour out my wrath upon them in the wilderness, to consume them.
14 Ngunit kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa, na nakakitang inilabas ko sila sa Egipto.
But I wrought [so] that my name should not be at all profaned before the Gentiles, before whose eyes I brought them out.
15 Kaya itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila sa ilang na hindi ko sila dadalhin sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, na siyang pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain.
But I lifted up my hand against them in the wilderness once for all, that I would not bring them into the land which I gave them, a land flowing with milk and honey, it is sweeter than all lands:
16 Isinumpa ko ito dahil tinanggihan nila ang aking mga alituntunin at hindi sila lumakad sa aking mga kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga, sapagkat lumakad ang kanilang puso batay sa kanilang mga diyus-diyosan.
because they rejected mine ordinances, and walked not in my commandments, but profaned my sabbaths, and went after the imaginations of their hearts.
17 Ngunit nahabag ang aking mata sa kanila dahil sa kanilang pagkawasak, kaya hindi ko sila pinuksa sa ilang.
Yet mine eyes spared them, so as [not] to destroy them utterly, and I did not make an end of them in the wilderness.
18 Sinabi ko sa kanilang mga anak na lalaki at babae sa ilang, “Huwag kayong lumakad ayon sa mga kautusan ng inyong mga magulang; huwag ninyong sundin ang kanilang mga alituntunin o lapastanganin ang inyong sarili sa mga diyus-diyosan.
And I said to their children in the wilderness, Walk not ye in the customs of your fathers, and keep not their ordinances, and have no fellowship with their practices, nor defile yourselves [with them].
19 Ako si Yahweh na inyong Diyos! Lumakad kayo sa aking mga kautusan; ingatan ninyo ang aking mga alituntunin at sundin ang mga ito!
I [am] the Lord your God; walk in my commandments, and keep mine ordinances, and do them;
20 Panatilihin ninyong banal ang aking mga Araw ng Pamamahinga upang ang mga ito ay maging palatandaan sa akin at sa inyo, upang malaman ninyo na ako si Yahweh na inyong Diyos.”
and hallow my sabbaths, and let them be a sign between me and you, that ye may know that I am the Lord your God.
21 Ngunit naghimagsik laban sa akin ang kanilang mga anak na lalaki at babae. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan o sinunod ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Nilapastangan nila ang aking Araw ng Pamamahinga, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot laban sa kanila sa ilang.
But they provoked me, and their children walked not in my commandments, and they took no heed to mine ordinances to do them, which [if] a man shall do, he shall even live in them, and they profaned my sabbaths: then I said that I would pour out my wrath upon them in the wilderness, to accomplish mine anger upon them.
22 Ngunit binawi ko ang aking kamay at kumilos ako alang-alang sa aking pangalan, upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa na siyang nakakita na inilabas ko ang mga Israelita.
But I wrought so that my name might not be at all profaned before the Gentiles; and I brought them out in their sight.
23 Itinaas ko rin ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang manumpa na ikakalat ko sila sa mga bansa at ikakalat ko sila sa mga lupain.
I lifted up my hand against them in the wilderness, that I would scatter them among the Gentiles, [and] disperse them in the countries;
24 Ipinasya kong gawin ito sapagkat hindi nila sinunod ang aking mga alituntunin, at dahil tinanggihan nila ang aking mga kautusan at nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga. Nasasabik ang kanilang mga mata sa diyus-diyosan ng kanilang mga ama.
because they kept not mine ordinances, and rejected my commandments, and profaned my sabbaths, and their eyes went after the imaginations of their fathers.
25 At binigyan ko rin sila ng mga hindi mabubuting utos, at mga alituntunin na hindi nila ikabubuhay.
So I gave them commandments [that were] not good, and ordinances in which they should not live.
26 Ginawa ko silang marumi sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob, nang ipinadaan nila sa apoy ang bawat panganay mula sa sinapupunan. Ginawa ko ito upang sindakin sila upang malaman nila na ako si Yahweh!'
And I will defile them by their [own] decrees, when I pass through upon every one that opens the womb, that I may destroy them.
27 Kung gayon, anak ng tao, ipahayag mo ito sa sambahayan ng Israel; sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Nilapastangan ako ng inyong mga ama sa pamamagitan ng pagtataksil laban sa akin. Ginawa nila ito sa ganitong paraan:
Therefore, son of man, speak to the house of Israel, and thou shalt say to them, Thus saith the Lord: Hitherto have your fathers provoked me in their trespasses in which they transgressed against me.
28 nang dinala ko sila sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanila, at nang nakita nila ang mga matatayog na burol at mga mayayabong na puno, at inialay nila ang kanilang mga handog doon at ginalit ako sa pamamagitan ng kanilang mga handog doon. Nagsunog din sila roon ng mabangong insenso at nagbuhos ng mga inuming handog.
Whereas I brought them into the land concerning which I lifted up mine hand to give it them; and they looked upon every high hill, and every shady tree, and they sacrificed there to their gods, and offered there sweet-smelling savour, and there they poured out their drink-offerings.
29 At sinabi ko sa kanila, “Ano itong matayog na lugar na inyong pinagdadalhan ng inyong mga handog?” Kaya ang pangalan ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.'
And I said to them, What is Abama, that ye go in thither? and they called its name Abama, until this day.
30 Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Bakit ninyo ginagawang marumi ang inyong mga sarili sa mga pamamaraan ng inyong mga ama? At bakit kayo kumikilos na tulad ng mga babaeng bayaran, naghahanap ng mga kasuklam-suklam na bagay?
Therefore say to the house of Israel, Thus saith the Lord, Do ye pollute yourselves with the iniquities of your fathers, and do ye go a-whoring after their abominations,
31 Sapagkat kapag iniaalay ninyo ang inyong mga kaloob at ipinapadaan ninyo sa apoy ang inyong mga anak na lalaki, ginagawa ninyong marumi ang inyong mga sarili dahil sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan hanggang sa araw na ito. Kaya dapat ba kayong sumangguni sa akin, sambahayan ng Israel? Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—hindi kayo makasasangguni sa akin!
and [do ye pollute yourselves] with the first-fruits of your gifts, in the offerings wherewith ye pollute yourselves in all your imaginations, until this day; and shall I answer you, O house of Israel? [As] I live, saith the Lord, I will not answer you, neither shall this thing come upon your spirit.
32 Ang kaisipang nabubuo sa inyong mga isipan ay magkakatotoo. Sinasabi ninyo, “Tularan natin ang ibang bansa, tulad ng mga angkan sa ibang mga lupaing sumasamba sa kahoy at bato!”
And it shall not be as ye say, We will be as the nations, and as the tribes of the earth, to worship stocks and stones.
33 Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—tiyak na pamumunuan ko kayo nang may makapangyarihang kamay, nakataas na braso, at matinding galit na maibubuhos sa inyo!
Therefore, [as] I live, saith the Lord, I will reign over you with a strong hand, and with a high arm, and with outpoured wrath:
34 Ilalabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo mula sa mga bansa kung saan kayo nakakalat. Gagawin ko ito nang may makapangyarihang kamay at may buhos ng matinding galit.
I will bring you out from the nations, and will take you out of the lands wherein ye were dispersed, with a strong hand, and with a high arm, and with outpoured wrath.
35 Pagkatapos ay dadalhin ko kayo sa ilang ng ibang mga lahi, at doon ay hahatulan ko kayo nang harap-harapan.
And I will bring you into the wilderness of the nations, and will plead with you there face to face.
36 Katulad ng paghatol ko sa inyong mga ama sa ilang sa lupain ng Egipto, gayon ko rin kayo hahatulan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
As I pleaded with your fathers in the wilderness of the land of Egypt, so will I judge you, saith the Lord.
37 Padadaanin ko kayo sa ilalim ng aking pamalo at dadalhin ko kayo sa bigkis ng tipan;
And I will cause you to pass under my rod, and I will bring you in by number.
38 Aalisin ko mula sa inyo ang mga mapanghimagsik at ang mga sumusuway laban sa akin. Paaalisin ko sila mula sa lupain kung saan sila naninirahan bilang mga dayuhan, ngunit hindi sila papasok sa lupain ng Israel. Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!
And I will separate from among you the ungodly and the revolters; for I will lead them forth out of their place of sojourning, and they shall not enter into the land of Israel: and ye shall know that I am the Lord, [even] the Lord.
39 Kaya sa iyo, sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang bawat isa sa inyo ay dapat pumunta sa kaniyang sariling diyus-diyosan. Sambahin ninyo sila kung ayaw ninyong makinig sa akin, ngunit hindi na ninyo dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng inyong mga kaloob at mga diyus-diyosan.
And [as to] you, O house of Israel, thus saith the Lord, [even] the Lord; Put away each one his [evil] practices, and hereafter if ye hearken to me, then shall ye no more profane my holy name by your gifts and by devices.
40 Sapagkat sa aking banal na bundok, sa tuktok ng bundok ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—pupurihin ako ng lahat ng sambahayan ng Israel doon sa lupain. Malulugod akong hingin ang inyong mga handog doon, at gayon din ang mga unang bunga ng inyong kaloob kasama ng lahat ng inyong banal na bagay.
For upon my holy mountain, on the high mountain, saith the Lord, [even] the Lord, there shall all the house of Israel serve me for ever: and there will I accept [you], and there will I have respect to your first-fruits, and the first-fruits of your offerings, in all your holy things.
41 Tatanggapin ko kayo na parang mabangong insenso kapag inilabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo palabas sa mga bansa kung saan kayo ikinalat. Ipapakita ko sa inyo ang aking sarili na banal upang makita ng mga bansa.
I will accept you with a sweet-smelling savour, when I bring you out from the nations, and take you out of the countries wherein ye have been dispersed; and I will be sanctified among you in the sight of the nations.
42 Pagkatapos, kapag dinala ko kayo sa lupain ng Israel, sa lupain na pinagtaasan ko ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga ama, malalaman ninyo na ako si Yahweh.
And ye shall know that I am the Lord, when I have brought you into the land of Israel, into the land concerning which I lifted up my hand to give it to your fathers.
43 At maaalala ninyo roon ang inyong mga masasamang kaparaanan at ang lahat ng inyong gawaing nagparumi sa inyong mga sarili, at kamumuhian ninyo ang inyong sarili sa sarili ninyong paningin dahil sa lahat ng masamang gawain na inyong ginawa.
And ye shall there remember your ways, and your devices wherewith ye defiled yourselves; and ye shall bewail yourselves for all your wickedness.
44 Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh kapag ginawa ko ito sa inyo alang-alang sa aking pangalan, hindi dahil sa inyong mga masamang kaparaanan o sa inyong mga masasamang gawa, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
And ye shall know that I am the Lord, when I have done thus to you, that my name may not be profaned in your evil ways, and in your corrupt devices, saith the Lord.
45 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
And the word of the Lord came to me, saying,
46 “Anak ng tao, humarap ka sa mga lupain sa timog at magsalita ka laban sa timog, maghayag ka ng propesiya laban sa kagubatan ng Negev.
Son of man, set thy face against Thaeman, and look toward Darom, and prophesy against the chief forest of Nageb,
47 Sabihin mo sa kagubatan ng Negev, 'Pakinggan mo ang pahayag ni Yahweh! Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Tingnan mo, magpapasiklab ako ng apoy sa iyo. Lalamunin nito ang bawat sariwang puno at bawat tuyong puno sa iyo. Hindi maaapula ang naglalagablab na apoy; ang bawat mukha mula sa timog at hilaga ay masusunog.
and thou shalt say to the forest of Nageb, Hear the word of the Lord; thus saith the Lord, [even] the Lord; Behold, I [will] kindle a fire in thee, and it shall devour in thee every green tree, and every dry tree: the flame that is kindled shall not be quenched, and every face shall be scorched with it from the south to the north.
48 Pagkatapos, makikita ng lahat ng laman na ako si Yahweh kapag sinindihan ko ang apoy, at ito ay hindi maaapula.'”
And all flesh shall know that I the Lord have kindled it: it shall not be quenched.
49 At sinabi ko, “Ah! Panginoong Yahweh, sinasabi nila tungkol sa akin, 'Hindi ba isa lamang siyang tagasalaysay ng mga talinghaga?'”
And I said, Not so, O Lord God! they say to me, Is not this that is spoken a parable?

< Ezekiel 20 >