< Ezekiel 19 >
1 “Kaya ikaw! Maghayag ka ng isang panaghoy laban sa mga pinuno ng Israel
And thou, —do thou lift up a lamentation for the princes of Israel,
2 at sabihin mo, 'Sino ang iyong ina? Isang babaing leon, namuhay siya kasama ng lalaking anak ng leon; sa kalagitnaan ng mga batang leon, inalagaan niya ang kaniyang mga anak.
And say, What a noble lioness was thy mother! among lions did she lie down, in the midst of young lions did she raise her whelps!
3 At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak upang maging batang leon na natutong lumapa ng kaniyang mga biktima. Nilamon niya ang mga tao.
And she brought up one of her whelps: he became a young lion, and he learned to tear in pieces the prey; [even] men he devoured.
4 Pagkatapos ay narinig ng mga bansa ang tungkol sa kaniya. Nahuli siya sa kanilang patibong, at dinala siya sa lupain ng Egipto gamit ang mga kawit.
And when nations heard of him, he was caught in their pit, and they brought him with nose-rings unto the land of Egypt.
5 At nakita niya na kahit naghintay siya para sa kaniyang pagbabalik, wala na ngayon ang kaniyang pag-asa, kaya kumuha siya ng isa pa sa kaniyang mga anak at pinalaki niya ito upang maging isang batang leon.
Now when she saw that she had long waited, [that] her hope was lost, she took another one of her whelps, and made him a young lion.
6 Nagpagala-gala ang batang leon na ito sa kalagitnaan ng mga leon. Siya ay isang batang leon at natutong lumapa ng kaniyang mga biktima; nilamon niya ang mga tao.
And he went up and down in the midst of lions, he became a young lion; and he learned to tear in pieces the prey; even men he devoured.
7 At hinalay niya ang kanilang mga balo at winasak ang kanilang mga lungsod. Ang lupain at ang kabuuan nito ay iniwan dahil sa tunog ng kaniyang atungal!
And he broke down their palaces, and their cities laid he in ruins: and then was terrified the land, with all that filled it, because of the noise of his roaring.
8 Ngunit dumating laban sa kaniya ang mga bansang mula sa mga nakapalibot na probinsiya; inilatag nila ang kanilang lambat sa ibabaw niya. Nahuli siya sa kanilang patibong.
Then set themselves the nations against him on every side from the provinces; and they spread over him their net: in their pit was he caught.
9 Inilagay siya sa kulungan na may mga kawit at dinala siya sa hari ng Babilonia. Dinala nila siya sa bundok na tanggulan upang hindi na muling marinig ang kaniyang tinig sa mga kabundukan ng Israel.
And they put him in a cage with nose-rings [in his nose], and they brought him to the king of Babylon: they brought him into strong-holds, in order that his voice should no more be heard on the mountains of Israel.
10 Ang iyong ina ay tulad ng isang puno ng ubas na nakatanim sa iyong dugo sa tabi ng tubig. Mabunga siya at puno ng mga sanga dahil sa kasaganaan ng tubig.
Thy mother was like a vine, if I compare thee to aught, planted by the waters: fruitful and full of boughs was she by reason of many waters.
11 Mayroon siyang mga matitibay na sanga para sa mga setro ng mga pinuno at hinangaan ang kaniyang taas sa gitna ng mga sanga ng kasukalan.
And she had strong branches [fit] for the sceptres of rulers, and her stature grew up high between the thick-branched [trees], and she was seen through her height by means of the multitude of her tendrils.
12 Ngunit binunot ang puno ng ubas dahil sa matinding galit at itinapon sa lupa, at tinuyo ng hanging mula sa silangan ang kaniyang bunga. Nabali at nalanta ang kaniyang mga matitibay na sanga; tinupok sila ng apoy.
But she was plucked up in fury, to the ground was she cast down, and the east wind dried up her fruit: and torn off and dried up were her strong branches, a fire consumed them.
13 Kaya ngayon, nakatanim siya sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.
And now is she planted in the wilderness, in a dry and thirsty land.
14 Sapagkat lumabas ang apoy mula sa kaniyang mga malalaking sanga at tinupok ang mga bunga nito. Walang matibay na sanga sa kaniya, walang setro upang mamuno.' Ito ay isang panaghoy at ito ay aawitin bilang isang panaghoy.”
And fire is gone out of a branch of her boughs, and hath devoured her fruit, so that there is no more on her a strong branch for a sceptre to rule. This is a lamentation, and it is become a lamentation.