< Ezekiel 18 >

1 Ang salita ni Yahweh ay muling dumating sa akin at sinabi,
主の言葉がわたしに臨んだ、
2 “Ano ang ibig mong sabihin, ikaw na gumamit ng kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel at nagsasabi, 'Ang mga ama na kumain ng mga maaasim na ubas, at ang ngipin ng mga anak ay nangilo?'
「あなたがたがイスラエルの地について、このことわざを用い、『父たちが、酢いぶどうを食べたので子供たちの歯がうく』というのはどんなわけか。
3 Habang Ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—tiyak na hindi na magkakaroon pa ng anumang okasyon upang gamitin ninyo ang kawikaang ito sa Israel.
主なる神は言われる、わたしは生きている、あなたがたは再びイスラエルでこのことわざを用いることはない。
4 Tingnan mo! Ang bawat buhay ay sa akin! At gayon din ang buhay ng ama at ang buhay ng anak sila ay sa akin! Ang taong nagkakasala ay mamamatay!
見よ、すべての魂はわたしのものである。父の魂も子の魂もわたしのものである。罪を犯した魂は必ず死ぬ。
5 Sapagkat ang tao, kung siya ay matuwid at taglay ang katarungan at katuwiran—
人がもし正しくあって、公道と正義とを行い、
6 kung hindi siya kumain sa mga dambana sa bundok, at hindi itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel— kung hindi niya dinungisan ang asawa ng kaniyang kapitbahay, o ni hindi lumapit sa isang babae sa panahong siya ay may regla—
山の上で食事をせず、また目をあげてイスラエルの家の偶像を仰がず、隣り人の妻を犯さず、汚れの時にある女に近づかず、
7 kung wala siyang inaping sinuman sa halip ay nagsauli ng sangla sa umutang—kung hindi niya kinuha ang ninakaw, ngunit sa halip ay ibinibigay niya ang kaniyang pagkain sa mga nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad;
だれをもしえたげず、質物を返し、決して奪わず、食物を飢えた者に与え、裸の者に衣服を着せ、
8 kung hindi siya nagpapatong ng anumang tubo sa pagpaputang, o kumuha ng labis na kita— kung isinasagawa niya ang katarungan at pinatitibay ang katapatan sa pagitan ng mga tao—
利息や高利をとって貸さず、手をひいて悪を行わず、人と人との間に真実のさばきを行い、
9 kung lumalakad siya sa aking mga kautusan at sinusunod ang aking mga alituntunin upang kumilos nang tapat—ang taong ito ay matuwid; siya ay mabubuhay! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
わたしの定めに歩み、わたしのおきてを忠実に守るならば、彼は正しい人である。彼は必ず生きることができると、主なる神は言われる。
10 Subalit kung may anak siyang marahas na nagpapadanak ng dugo at ginagawa alinman sa mga bagay na ito—
しかし彼が子を生み、その子が荒い者で、人の血を流し、これらの義務の一つをも行わず、
11 kahit na hindi ginagawa ng kaniyang ama ang alinman sa mga bagay na ito— subalit kung ang kaniyang anak na lalaki ay kumain sa mga dambana sa bundok at sipingan ang asawa ng kapitbahay—
かえって山の上で食事をし、隣り人の妻を犯し、
12 kung inaapi niya ang mahirap at nangangailangan, kung sumasamsam siya at nagnanakaw at hindi ibinabalik ang sangla, kung itinataas niya ang kaniyang mga mata sa mga diyos-diyusan o gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain;
乏しい者や貧しい者をしえたげ、物を奪い、質物を返さず、目をあげて偶像を仰ぎ、憎むべき事をおこない、
13 at kung nagpapautang siya na nagpapabayad ng tubo at kumukuha ng hindi makatarungang kita, dapat ba siyang mabuhay? Siya ay hindi mabubuhay! Ginawa niya ang lahat ng kasuklam-suklam na ito. Siya ay tiyak na mamamatay; ang kaniyang dugo ay nasa kaniya.
利息や高利をとって貸すならば、その子は生きるであろうか。彼は生きることはできない。彼はこれらの憎むべき事をしたので、必ず死に、その血は彼自身に帰する。
14 Subalit tingnan mo! Kung magkaanak siya ng isang lalaking nakikita ang lahat ng kasalanang ginawa ng kaniyang ama, at kung siya mismo ay may takot sa Diyos at hindi ginagawa ang mga ganoong bagay—
しかし彼が子を生み、その子が父の行ったすべての罪を見て、恐れ、そのようなことを行わず、
15 at kung hindi siya kumain sa mga dambana sa bundok o itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel—kung hindi niya sumiping sa asawa ng kaniyang kapitbahay;
山の上で食事せず、目をあげてイスラエルの家の偶像を仰がず、隣り人の妻を犯さず、
16 Kung hindi niya inaapi ang sinuman, sinasamsam ang sangla, o kinukuha ang mga nakaw na bagay, ngunit sa halip ibinibigay ang kaniyang pagkain sa nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad—
だれをもしえたげず、質物をひき留めず、物を奪わず、かえって自分の食物を飢えた者に与え、裸の者に衣服を着せ、
17 kung iniurong niya ang kaniyang kamay sa paghatol sa mahirap at hindi kumukuha ng tubo o hindi makatarungang kita; kung sinusunod niya ang aking mga alituntunin at lumalakad ayon sa aking mga kautusan, hindi siya mamamatay para sa kasalanan ng kaniyang ama. Siya ay tiyak na mabubuhay!
その手をひいて悪を行わず、利息や高利をとらず、わたしのおきてを行い、わたしの定めに歩むならば、彼はその父の悪のために死なず、必ず生きる。
18 Ang kaniyang ama, sapagkat inapi niya ang iba sa pamamagitan ng pagkuha nang sapilitan at ninakawan ang kaniyang kapatid na lalaki, at ginawa ang hindi mabuti sa mga tao—tingnan mo, siya ay mamamatay sa kaniyang malaking kasalanan.
しかしその父は人をかすめ、その兄弟の物を奪い、その民の中で良くない事を行ったゆえ、見よ、彼はその悪のために死ぬ。
19 Subalit sinasabi mo, 'Bakit hindi magawang akuin ng anak ang katampalasan ng kaniyang ama?' Dahil isinasagawa ng lalaking anak ang katarungan at katuwiran; at iniingatan ang aking mga utos at ginagawa niya ang mga ito. Tiyak na mabubuhay siya!
しかしあなたがたは、『なぜ、子は父の悪を負わないのか』と言う。子は公道と正義とを行い、わたしのすべての定めを守っておこなったので、必ず生きるのである。
20 Ang siyang nagkasala, siya ang mamamatay. Hindi dadalhin ng anak ang kasalanan ng kaniyang ama, at hindi dadalhin ng ama ang kasalanan ng kaniyang anak. Ang katuwiran ng taong kumikilos nang makatarungan ay sa kaniyang sarili, at ang kasamaan ng masamang tao ay sa kaniyang sarili.
罪を犯す魂は死ぬ。子は父の悪を負わない。父は子の悪を負わない。義人の義はその人に帰し、悪人の悪はその人に帰する。
21 Ngunit kung ang taong makasalanan ay tatalikod sa lahat ng kaniyang mga ginawang kasalanan, at iingatan ang aking mga kautusan at isasagawa ang katarungan at katuwiran, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay.
しかし、悪人がもしその行ったもろもろの罪を離れ、わたしのすべての定めを守り、公道と正義とを行うならば、彼は必ず生きる。死ぬことはない。
22 Lahat ng pagsuway na kaniyang ginawa ay hindi na aalalahanin laban sa kanila. Siya ay mabubuhay sa pamamagitan ng katuwiran na kaniyang ginagawa na patuloy na ginagawa.
その犯したもろもろのとがは、彼に対して覚えられない。彼はそのなした正しい事のために生きる。
23 Labis ko bang ikinagagalak ang pagkamatay ng makasalanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at hindi ang kaniyang pagtalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang siya ay mabuhay?
主なる神は言われる、わたしは悪人の死を好むであろうか。むしろ彼がそのおこないを離れて生きることを好んでいるではないか。
24 Subalit kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran at isinagawa ang mga kasuklam-suklam tulad ng lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay ba siya? Lahat ng matuwid na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin kapag ipinagkanulo niya ako sa kaniyang kataksilan. Kaya siya ay mamamatay sa mga kasalanang kaniyang ginawa.
しかし義人がもしその義を離れて悪を行い、悪人のなすもろもろの憎むべき事を行うならば、生きるであろうか。彼が行ったもろもろの正しい事は覚えられない。彼はその犯したとがと、その犯した罪とのために死ぬ。
25 Subalit sinabi mo, 'Ang pamamaraan ng Panginoon ay hindi makatarungan! Makinig ka sambahayan ng Israel! Ang pamamaraan ko ba ay hindi makatarungan?
しかしあなたがたは、『主のおこないは正しくない』と言う。イスラエルの家よ、聞け。わたしのおこないは正しくないのか。正しくないのは、あなたがたのおこないではないか。
26 Kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran, at gumawa ng kasalanan at mamatay dahil sa mga ito, mamamatay siya sa kasalanang ginawa niya.
義人がその義を離れて悪を行い、そのために死ぬならば、彼は自分の行った悪のために死ぬのである。
27 Ngunit kapag ang masamang tao ay tumalikod sa kasamaang ginawa niya at gumawa ng katarungan at katuwiran, kung gayon pinangangalagaan niya ang kaniyang buhay!
しかし悪人がその行った悪を離れて、公道と正義とを行うならば、彼は自分の命を救うことができる。
28 Sapagkat nakita niya at tumalikod mula sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya. Siya ay mabubuhay; hindi siya mamamatay!
彼は省みて、その犯したすべてのとがを離れたのだから必ず生きる。死ぬことはない。
29 Sinabi ng sambahayang Israel, 'Ang kaparaanan ng Panginoon ay hindi makatarungan! Paanong ang aking kaparaanan ay hindi makatarungan, sambahayan ng Israel? At paanong ang iyong pamamaraan ay makatarungan?
しかしイスラエルの家は『主のおこないは正しくない』と言う。イスラエルの家よ、わたしのおこないは、はたして正しくないのか。正しくないのは、あなたがたのおこないではないか。
30 Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.
それゆえ、イスラエルの家よ、わたしはあなたがたを、おのおのそのおこないに従ってさばくと、主なる神は言われる。悔い改めて、あなたがたのすべてのとがを離れよ。さもないと悪はあなたがたを滅ぼす。
31 Itapon palayo mula sa inyong sarili ang lahat ng mga pagsuway na inyong ginawa; magkaroon kayo ng bagong puso at bagong espiritu para sa inyong sarili. Sapagkat bakit kayo mamamatay, sambahayan ng Israel?
あなたがたがわたしに対しておこなったすべてのとがを捨て去り、新しい心と、新しい霊とを得よ。イスラエルの家よ、あなたがたはどうして死んでよかろうか。
32 Sapagkat hindi ako nagagalak sa pagkamatay ng isang namatay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh- kaya magsisi at mabuhay!”
わたしは何人との死をも喜ばないのであると、主なる神は言われる。それゆえ、あなたがたは翻って生きよ」。

< Ezekiel 18 >