< Ezekiel 17 >

1 Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
2 “Anak ng tao, maghayag ka ng isang bugtong at magsalita ka ng isang talinghaga sa sambahayan ng Israel.
인자야 너는 수수께끼와 비유를 이스라엘 족속에게 베풀어
3 Sabihin mo, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang isang malaking agila na may malaki at mahabang pakpak, makapal ang mga balahibo, at may ibat' ibang kulay ay nagtungo sa Lebanon at dumapo sa itaas na bahagi ng puno ng sedar.
이르기를 주 여호와의 말씀에 채색이 구비하고 날개가 크고 깃이 길고 털이 숱한 큰 독수리가 레바논에 이르러 백향목 높은 가지를 취하되
4 Pinutol nito ang mga dulo ng mga sanga at dinala ang mga ito sa lupain ng Canaan; itinanim niya ito sa lungsod ng mga mangangalakal.
그 연한 가지 끝을 꺾어 가지고 장사하는 땅에 이르러 상고의 성읍에 두고
5 Kumuha rin siya ng ilang binhi sa lupa at itinanim ito sa lupang handa nang taniman. Itinanim niya ito sa tabi ng malawak na bahagi ng tubig katulad ng punong kahoy na tinatawag na wilow.
또 그 땅의 종자를 취하여 옥토에 심되 수양버들 가지처럼 큰 물가에 심더니
6 At pagkatapos tumubo ito at naging isang gumagapang na baging pababa sa lupa. Ang bawat mga sanga nito ay patungo sa kaniya, at ang mga ugat nito ay lumago sa ilalim nito. Kaya ito ay naging isang baging at nagkaroon ng mga sanga at umusbong.
그것이 자라며 퍼져서 높지 아니한 포도나무 곧 굵은 가지와 가는 가지가 난 포도나무가 되어 그 가지는 독수리를 향하였고 그 뿌리는 독수리의 아래 있었더라
7 Subalit may isa pang napakalaking agila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo. At tingnan mo! Ang baging at ang kaniyang mga ugat ay humarap sa agila, at kumalat ang mga sanga patungo sa agila mula sa lugar kung saan ito nakatanim upang ito ay matubigan.
또 날개가 크고 털이 많은 큰 독수리에게 물을 받으려고 그 심긴 두둑에서 그를 향하여 뿌리가 발하고 가지가 퍼졌도다
8 Ito ay nakatanim sa magandang lupa sa tabi ng malawak na bahagi ng tubig upang ito ay magkaroon ng maraming sanga at mamunga, upang maging kahangahangang baging!
그 포도나무를 큰 물 가 옥토에 심은 것은 가지를 내고 열매를 맺어서 아름다운 포도나무를 이루게 하려 하였음이니라
9 Sabihin mo sa mga tao, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ito ba ay yayabong? Hindi ba niya bubunutin ang mga ugat at pipitasin ang mga bunga nito kaya ang lahat ng malagong mga dahon ay matutuyo? Walang malakas na braso o maraming tao ang mga makakabunot ng mga ugat nito.
너는 이르기를 주 여호와의 말씀에 그 나무가 능히 번성하겠느냐 이 독수리가 어찌 그 뿌리를 빼고 실과를 따며 그 나무로 시들게 하지 아니하겠으며 그 연한 잎사귀로 마르게 하지 아니하겠느냐 많은 백성이나 강한 팔이 아니라도 그 뿌리를 뽑으리라
10 Kaya tingnan mo! Pagkatapos itong maitanim, lalago ba ito? hindi ba ito malalanta kapag ito ay dadampian ng hanging mula sa silangan? Ito ay ganap na matutuyo sa kaniyang kinatataniman.'”
볼지어다 그것이 심겼으나 번성하겠느냐 동풍이 부딪힐 때에 아주 마르지 아니하겠느냐 그 자라던 두둑에서 마르리라 하셨다 하라
11 Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
여호와의 말씀이 또 내게 임하여 가라사대
12 “Sabihin mo sa mga mapanghimagsik na sambahayan, 'Hindi ba ninyo alam ang ibig sabihin ng mga bagay na ito? Tingnan mo! Ang hari ng Babilonia ay nagpunta sa Jerusalem at kinuha ang hari at ang kaniyang mga prinsipe at dinala sila sa kaniya sa Babilonia.
너는 패역한 족속에게 묻기를 너희가 이 비유를 깨닫지 못하겠느냐 하고 그들에게 고하기를 바벨론 왕이 예루살렘에 이르러 왕과 방백을 사로잡아 바벨론 자기에게로 끌어가고
13 Pagkatapos ay kumuha siya ng maharlikang kaapu-apuhan at gumawa sila ng kasunduan, at pinanumpa siya nito. At dinala niya ang mga makapangyarihang tao sa lupain,
그 왕족 중에 하나를 택하여 언약을 세우고 그로 맹세케 하고 또 그 땅의 능한 자들을 옮겨 갔나니
14 upang ang kaharian ay maging mababa at hindi na nito maibangon ang sarili. Sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang kasunduan ang lupain ay makaliligtas.
이는 나라를 낮추어 스스로 서지 못하고 그 언약을 지켜야 능히 서게 하려 하였음이어늘
15 Ngunit ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik laban sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at ng hukbo. Siya ba ay magtatagumpay? Makatatakas ba ang taong gumagawa ng mga bagay na ito? Kung lalabagin niya ang kasunduan, makatatakas ba siya?
그가 사자를 애굽에 보내어 말과 군대를 구함으로 바벨론 왕을 배반하였으니 형통하겠느냐 이런 일을 행한 자가 피하겠느냐 언약을 배반하고야 피하겠느냐
16 Habang ako ay nabubuhay! — ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— siya ay tiyak na mamamatay sa lupain ng hari na gumawa sa kaniya bilang hari, ang hari na siyang gumawa ng panunumpang hinamak niya at sa kasunduan na hindi niya sinunod. Siya ay mamamatay sa gitna ng Babilonia!
나 주 여호와가 말하노라 내가 나의 삶을 두고 맹세하노니 바벨론 왕이 그를 왕으로 세웠거늘 그가 맹세를 업신여겨 언약을 배반하였은즉 그 왕의 거하는 곳 바벨론 중에서 왕과 함께 있다가 죽을 것이라
17 At ang Paraon, kasama ang kaniyang malakas na hukbo at ang pagtitipon ng maraming kalalakihan para sa digmaan ay hindi siya kayang protektahan sa labanan, kapag ang hukbo ng Babilonia ay gagawa ng tambak ng lupa at mga pader upang sirain ang maraming buhay.
대적이 토성을 쌓으며 운제를 세우고 많은 사람을 멸절하려 할 때에 바로가 그 큰 군대와 많은 무리로도 그 전쟁에 그를 도와 주지 못하리라
18 Sapagkat hinamak ng hari ang kaniyang panunumpa sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa kasunduan. Tingnan mo, iniabot niya ang kaniyang kamay upang mangako, subalit ginawa niya ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi siya makatatakas.
그가 이미 손을 내어 밀어 언약하였거늘 맹세를 업신여겨 언약을 배반하고 이 모든 일을 행하였으니 피하지 못하리라
19 Kung gayon—ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh—habang Ako ay nabubuhay, hindi ba ang aking panunumpa na kaniyang hinamak at hindi sinunod at kasunduan na kaniyang hindi tinupad na inyong winasak? Kaya dadalhin ko ang kaparusahan niya sa kaniyang ulo!
그러므로 나 주 여호와가 말하노라 내가 나의 삶을 두고 맹세하노니 그가 내 맹세를 업신여기고 내 언약을 배반하였은즉 내가 그 죄를 그 머리에 돌리되
20 Ilalatag ko ang aking lambat sa kaniya at mahuhuli siya sa aking lambat. Pagkatapos ay dadalhin ko siya sa Babilonia at hahatulan ko siya doon dahil ang pagtataksil na ginawa niya nang ipagkanulo niya ako!
내 그물을 그 위에 베풀며 내 올무에 걸리게 하여 끌고 바벨론으로 가서 나를 반역한 그 반역을 거기서 국문할지며
21 At lahat ng mga bihag sa kaniyang mga hukbo ay babagsak sa pamamagitan ng espada, at ang mga matitira ay kakalat sa lahat ng dako. At malalaman ninyo na ako si Yahweh; Ipinahayag ko na ito ay mangyayari!'
그 모든 군대에서 도망한 자들은 다 칼에 엎드러질 것이요 그 남은 자는 사방으로 흩어지리니 나 여호와가 이것을 말한 줄을 너희가 알리라
22 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Kaya ako mismo ang magtatanggal ng pinakamataas na bahagi ng puno ng sedar, at itatanim ko ito nang malayo ang mga malambot na sanga nito. Babaliin ko ito, at ako mismo ang magtatanim nito sa mataas na bundok!
나 주 여호와가 말하노라 내가 또 백향목 꼭대기에서 높은 가지를 취하여 심으리라 내가 그 높은 새 가지 끝에서 연한 가지를 꺾어 높고 빼어난 산에 심되
23 Itatanim ko ito sa mga bundok ng Israel kaya ito ay lalago magkakaroon ng mga sanga at mamumunga, at magiging kahanga-hangang sedar kaya mamumuhay sa ilalim nito ang mga ibon. Sila ay mamumugad sa lilim ng mga sanga nito.
이스라엘 높은 산에 심으리니 그 가지가 무성하고 열매를 맺어서 아름다운 백향목을 이룰 것이요 각양 새가 그 아래 깃들이며 그 가지 그늘에 거할지라
24 Pagkatapos lahat ng puno sa bukid ay malalaman na ako si Yahweh. Ibinababa ko ang mga matatayog na puno; Itinataas ko ang mga mababang puno! tinutuyo ko ang punong nadiligan Pinapayabong ko ang tuyong puno! Ako si Yahweh; ipinahayag ko na mangyayari ito at nagawa ko na ito!”'
들의 모든 나무가 나 여호와는 높은 나무를 낮추고 낮은 나무를 높이며 푸른 나무를 말리우고 마른 나무를 무성케 하는줄 알리라 나 여호와는 말하고 이루느니라 하라

< Ezekiel 17 >