< Ezekiel 16 >

1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
Opět stalo se slovo Hospodinovo ke mně, řkoucí:
2 “Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang tungkol sa kaniyang mga gawang kasuklam-suklam,
Synu člověčí, oznam Jeruzalému ohavnosti jeho,
3 at ipahayag, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa Jerusalem: Nangyari ang iyong pasimula at kapanganakan sa lupain ng Canaan; isang Amoreo ang iyong ama at isang Heteo ang iyong ina.
A rci: Takto praví Panovník Hospodin dceři Jeruzalémské: Obcování tvé a rod tvůj jest z země Kananejské, otec tvůj jest Amorejský, a matka tvá Hetejská.
4 Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
Narození pak tvé: V den, v němž jsi se narodila, nebyl přiřezán pupek tvůj, a vodou nebylas obmyta, abys ošetřena byla, aniž jsi byla solí posolena, ani plénkami obvinuta.
5 Walang matang nahabag sa iyo upang gawin sa iyo ang alinman sa mga bagay na ito, ang mahabag sa iyo! Sa araw na ipinanganak ka, habang naliligo sa sarili mong dugo, mayroong nasuklam sa iyong buhay, itinapon ka sa isang malawak na kaparangan.
Neslitovalo se nad tebou oko, aťby v jednom z těch věcí posloužilo, maje lítost nad tebou, ale bylas povržena na svrchku pole, proto že jsi ošklivá byla v den, v kterémž jsi narodila se.
6 Ngunit nadaanan kita at nakita kitang naliligo sa iyong sariling dugo, kaya sinabi ko sa iyo habang duguan, “Mabuhay ka!”
A jda mimo tebe, a vida tě ku potlačení vydanou ve krvi tvé, řekl jsem tobě: Ve krvi své živa buď. Řekl jsem, pravím, tobě: Ve krvi své živa buď.
7 Pinalaki kitang katulad ng isang halaman sa isang kaparangan. Dumami ka at naging tanyag, at napalamutian ng mga hiyas. Namuo ang iyong dibdib at kumapal ang iyong buhok, ngunit ikaw ay hubo't hubad parin.
Rozmnožil jsem tě jako z rostliny polní, i rozmnožena jsi a zveličena, a přišlas k největší ozdobě. Prsy tvé oduly se, a vlasy tvé zrostly, ač jsi byla nahá a odkrytá.
8 Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.
Protož jda mimo tě, a vida tě, an aj, čas tvůj čas milování, vztáhl jsem křídlo své na tě, a přikryl jsem nahotu tvou, a přísahou zavázav se tobě, všel jsem v smlouvu s tebou, praví Panovník Hospodin, a tak jsi má učiněna.
9 Kaya hinugasan kita ng tubig at binanlawan ko ang iyong dugo mula sa iyo, at pinahiran kita ng langis.
I umyl jsem tě vodou, a splákl jsem krev tvou s tebe, a pomazal jsem tě olejem.
10 Dinamitan kita ng mga naburdahang damit at nilagyan ng balat na sandalyas ang iyong paa, binalot kita ng pinong lino at tinakpan ng sedang damit.
Nadto přioděl jsem tě rouchem krumpovaným, a obul jsem tě v drahé střevíce, a opásal jsem tě kmentem, a přioděl jsem tě rouchem hedbávným.
11 Ang sumunod, pinalamutian kita ng mga alahas at nilagyan ko ng pulseras ang iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg.
Ozdobil jsem tě také ozdobou, a dal jsem náramky na ruce tvé, a točenici na hrdlo tvé.
12 Nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong at tainga at isang magandang korona sa iyong ulo.
Dalť jsem ozdobu i na čelo tvé, a náušnice na uši tvé, a korunu krásnou na hlavu tvou.
13 Kaya napalamutian ka ng ginto at pilak at nadamitan ka ng pinong lino, sedang damit at mga binurdahang damit; kumain ka ng pinakamainam na harina, pulot-pukyutan, at langis, at napakaganda mo, at ikaw ay naging isang reyna.
A tak bylas ozdobena zlatem a stříbrem, a oděv tvůj byl kment a roucho hedbávné, a proměnných barev roucho. Běl a med a olej jídala jsi, a krásná jsi učiněna velmi velice, a šťastněť se vedlo v království,
14 Lumaganap ang iyong katanyagan sa mga bansa dahil sa iyong kagandahan, sapagkat ito ay ganap sa karangyaang ibinigay ko sa iyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Tak že se rozešla pověst o tobě mezi národy pro krásu tvou; nebo dokonalá byla, pro slávu mou, kterouž jsem byl vložil na tebe, praví Panovník Hospodin.
15 Ngunit nagtiwala ka sa iyong sariling kagandahan, at kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran dahil sa iyong katanyagan; ibinuhos mo ang iyong gawaing kahalayan sa sinumang dumaraan. Naging pag-aari ka ng mga kalalakihang iyon!
Ale úfalas v krásu svou, a smilnilas příčinou pověstí své; nebo jsi páchala smilství s každým mimo tebe jdoucím. Každý snadně užil krásy tvé.
16 Pagkatapos, hinubad mo ang iyong mga damit at gumawa kang kasama nila ng mga dambanang pinalamutian ng iba't ibang kulay, at kumilos ka sa kanilang tulad ng isang babaeng bayaran. Hindi ito dapat dumating! Hindi ito dapat nangyari!
A vzavši z roucha svého, nadělalas sobě výsostí rozličných barev, a páchalas smilství při nich, jemuž podobné nikdy nepřijde, aniž kdy potom bude.
17 Kinuha mo ang mga magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at gumawa ka ng mga anyong lalaki para sa iyong sarili, at gumawa kang kasama nila ng mga gawaing katulad ng ginagawa ng babaeng bayaran.
Nad to, vzavši přípravy ozdoby své z zlata mého a stříbra mého, kteréžť jsem byl dal, nadělalas sobě obrazů pohlaví mužského, a smilnilas s nimi.
18 Kinuha mo ang iyong mga naburdahang kasuotan at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo sa kanila ang aking mga langis at mga pabango.
Vzalas také roucha svá krumpovaná, a přiodílas je, olej můj i kadidlo mé kladlas před nimi.
19 At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Ano i chléb můj, kterýžť jsem byl dal, běl a olej i med, jímž jsem tě krmil, kladlas před nimi u vůni příjemnou, a bylo tak, praví Panovník Hospodin.
20 Pagkatapos ay kinuha mo ang iyong mga lalaki at babaeng anak na iyong isinilang para sa akin at iyong inialay sa mga imahe upang lamunin bilang pagkain. Maliit na bagay ba ang iyong ginagawang kahalayan?
Bralas i syny své a dcery své, kteréž jsi mně zplodila, a obětovalas jim k spálení. Cožť se ještě zdálo málo, taková smilství tvá,
21 Pinatay mo ang aking mga anak at inialay mo silang handog sa mga imahe sa pamamagitan ng apoy.
Žes i syny mé zabíjela a dávalas je, aby je provodili jim?
22 Sa lahat ng iyong gawaing kasuklam-suklam at kahalayan, hindi mo inisip ang tungkol sa mga araw ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo't hubad na nagugumon sa iyong dugo.
K tomu ve všech ohavnostech svých a smilstvích svých nerozpomenulas se na dny mladosti své, když jsi byla nahá a odkrytá, ku potlačení vydaná ve krvi své.
23 Kaawa-awa! Kaawa-awa ka! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—samakatuwid, dagdag pa sa lahat ng iyong kasamaan,
Ale stalo se přes všecku tuto nešlechetnost tvou, (běda, běda tobě), praví Panovník Hospodin,
24 nagtayo ka sa iyong sarili ng altar at gumawa ka ng dambana sa bawat pampublikong lugar.
Že jsi vystavěla sobě i vysoké místo, a vzdělalas sobě výsost v každé ulici.
25 Nagtayo ka ng mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at nilapastangan mo ang iyong kagandahan sapagkat ibinuka mo ang iyong mga hita sa bawat isang dumaraan at gumawa ka ng marami pang mga gawaing kahalayan.
Při všelikém rozcestí udělalas výsost svou, a zohavilas krásu svou, roztahujíc nohy své každému tudy jdoucímu, a příliš jsi smilnila.
26 Kumilos kang parang bayarang babae sa mga taga-Egipto, ang iyong karatig-bansang may labis na mahalay na pagnanasa, at gumawa ka ng maraming mga mahahalay na gawain upang galitin ako.
Nebo smilnila jsi s syny Egyptskými, sousedy svými velikého těla, a příliš jsi smilnila, abys mne k hněvu popouzela.
27 Kaya tingnan mo! Hahampasin kita gamit ang aking kamay at ititigil ko ang iyong pagkain. Ibibigay ko ang iyong buhay sa iyong mga kaaway, ang mga babaeng anak ng mga Filisteo, upang hiyain ka dahil sa iyong mahahalay na pag-uugali.
Protož aj, vztáhl jsem ruku svou na tebe, a ujal jsem vyměřeného pokrmu tvého, a vydal jsem tě k líbosti nenávidících tě dcer Filistinských, kteréžto styděly se za cestu tvou nešlechetnou.
28 Kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran kasama ang mga taga-Asiria sapagkat hindi ka nasiyahan. Kumilos ka tulad ng isang babaeng bayaran at hindi pa rin nasiyahan.
Smilnilas též s syny Assyrskými, proto že jsi nemohla nasytiti se, a smilnivši s nimi, aniž jsi tak se nasytila.
29 At patuloy kang gumawa ng marami pang kahalayan sa mga lupain ng mga mangangalakal ng Caldea, ngunit maging dito ay hindi ka nasiyahan.
A tak příliš jsi smilnila v zemi Kananejské s Kaldejskými, a aniž jsi tak se nasytila.
30 Bakit napakahina ng iyong puso? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang gawin mo ang mga bagay na ito, gawain ng isang mapangalunya at walang hiyang babae?
Jakť jest zmámeno srdce tvé, praví Panovník Hospodin, poněvadž se dopouštíš všech těchto skutků ženy nevěstky přenestydaté,
31 Noong itinayo mo ang mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at gumawa ka ng iyong mga dambana sa bawat pampublikong lugar, hindi ka talaga isang babaeng bayaran, sapagkat tumanggi kang magpabayad sa iyong mga ginawa!
Stavěje sobě vysoké místo na rozcestí všeliké silnice, a výsost sobě stroje i v každé ulici. Nýbrž pohrdaje darem, nejsi ani jako nevěstka,
32 Ikaw babaeng nakikiapid, tinatanggap mo ang mga hindi mo kilalang tao sa halip na ang iyong asawa!
A žena cizoložná, kteráž místo muže svého povoluje cizím.
33 Binabayaran ng mga tao ang bawat babaeng bayaran, ngunit ibinibigay mo ang iyong mga kinita sa iyong mga mangingibig at sinusuhulan mo sila upang pumunta sa iyo mula sa lahat ng dako para sa iyong mga mahahalay na gawain.
Všechněm nevěstkám dávají mzdu, ale ty dávalas mzdu svou všechněm frejířům svým, a darovalas je, aby vcházeli k tobě odevšad pro smilství tvá.
34 Kaya mayroon kang kaibahan sa ibang mga babaeng iyon, yamang walang tumatawag sa iyo upang makisiping sa kanila. Sa halip, binabayaran mo sila! Walang nagbabayad sa iyo.
A tak jest při tobě naproti obyčeji těch žen při smilstvích tvých, poněvadž tě k smilství nehledají, nýbrž ty dáváš dary, a ne tobě dar dáván bývá. A toť jest naopak.
35 Kung gayon, ikaw babaeng bayaran, makinig ka sa salita ni Yahweh!
Protož ó nevěstko, slyš slovo Hospodinovo:
36 Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Dahil ibinuhos mo ang iyong pagnanasa at inihayag mo ang iyong mga nakatagong bahagi sa pamamagitan ng iyong mahahalay na gawain kasama ang iyong mga mangingibig at ang iyong mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan, at dahil sa mga dugo ng iyong mga anak na ibinigay mo sa iyong mga diyus-diyosan;
Takto praví Panovník Hospodin: Proto že vylita jest mrzkost tvá, a odkrývána byla nahota tvá při smilstvích tvých s frejíři tvými, a se všemi ukydanými bohy ohavností tvých, též pro krev synů tvých, kteréž jsi dala jim:
37 kaya tingnan mo! Titipunin ko ang lahat ng mga nakilala mong mangingibig, lahat ng inibig mo at lahat ng kinamuhian mo, at titipunin ko sila laban sa iyo sa lahat ng dako. Ilalantad ko sa kanila ang mga pribado mong bahagi upang makita nila ang lahat ng iyong kahubaran!
Proto aj, já shromáždím všecky frejíře tvé, s nimiž jsi obcovala, a všecky, kteréž jsi milovala, se všechněmi, jichž jsi nenáviděla, a shromáždě je proti tobě odevšad, odkryji nahotu tvou před nimi, aby viděli všecku nahotu tvou.
38 Sapagkat parurusahan kita sa iyong pangangalunya at sa pagdanak ng dugo at dadalhin ko sa iyo ang dugo ng aking galit at paninibugho!
A budu tě souditi soudem cizoložnic, a těch, kteříž krev vylévají, a oddám tě k smrti, kteráž přijde na tě z prchlivosti a horlení.
39 Ibibigay kita sa kanilang mga kamay upang kanilang pabagsakin ang iyong mga altar at wasakin ang iyong mga dambana, pagkatapos ay huhubarin nila ang iyong damit at kukunin ang lahat ng iyong alahas, at iiwanan ka nilang hubo't hubad.
Nebo vydám tě v ruku jejich. I rozboří vysoké místo tvé, a rozválejí výsosti tvé, a svlekouce tě z roucha tvého, poberou přípravy ozdoby tvé, a nechají tě nahé a odkryté.
40 At magdadala sila ng maraming tao laban sa iyo at babatuhin ka ng mga bato, at hahatiin ka nila sa pamamagitan ng kanilang mga espada.
I přivedou proti tobě shromáždění, a uházejí tě kamením, a probodnou tě meči svými.
41 At susunugin nila ang iyong mga bahay at gagawa sila ng maraming pagpaparusa sa iyo sa harap ng maraming mga babae, sapagkat patitigilin ko na ang iyong pagbebenta ng aliw at hindi ka na muling magbabayad ng kahit sino pa sa kanila!
Popálí také domy tvé ohněm, a vykonají na tobě pomstu před očima žen mnohých, a tak přítrž učiním tvému smilství, a aniž budeš dávati daru více.
42 Pagkatapos, pahuhupain ko ang aking poot laban sa iyo, mawawala ang galit ko sa iyo, sapagkat ako ay masisiyahan at hindi na ako magagalit.
A tak odpočineť sobě hněv můj na tobě, a horlení mé odejde od tebe, abych upokojil se a nehněval se více,
43 Sapagkat hindi mo inalala ang mga araw ng iyong kabataan nang hinayaan mong manginig ako sa galit sa lahat ng mga bagay na ito—pagmasdan! Ako mismo ang magdadala ng kaparusahan sa ikinilos mo sa sarili mong ulo dahil sa iyong gawain—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang hindi ka na muling gagawa ng mga kasamaan sa lahat ng iyong kasuklam-suklam na kaparaanan!
Proto žes se nerozpomenula na dny mladosti své, ale postavovalas se proti mně ve všem tom. Aj hle, já také cestu tvou na hlavu tvou obrátil jsem, praví Panovník Hospodin, tak že nebudeš páchati nešlechetnosti, ani kterých ohavností svých.
44 Masdan ninyo! Bawat isang nagsasabi ng mga kawikaan tungkol sa iyo ay magsasabing, “Katulad ng ina, gayon din ang kaniyang anak.”
Aj, kdožkoli užívá přísloví, o tobě užive přísloví, řka: Jakáž matka, takáž dcera její.
45 Ikaw ang babaeng anak ng iyong ina, na kinamuhian ang kaniyang asawa at mga anak; at ikaw ang kapatid ng mga babae mong kapatid na kinamuhian ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak. Isang Heteo ang iyong ina at isang Amoreo ang iyong ama.
Dcera matky své jsi, té, kteráž sobě zošklivila muže svého a dítky své, a sestra obou sestr svých jsi, kteréž zošklivily sobě muže své a dítky své. Matka vaše jest Hetejská, a otec váš Amorejský.
46 Ang Samaria ang iyong nakatatandang kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay ang mga naninirahan sa hilaga, habang ang iyong nakababatang kapatid na babae ay ang naninirahan sa katimugan mong bahagi, na ang Sodoma at ang kaniyang mga anak babae.
Sestra pak tvá starší, kteráž sedí po levici tvé, jest Samaří a dcery její, a sestra tvá mladší, kteráž sedí po pravici tvé, jest Sodoma a dcery její.
47 Ngayon, huwag ka nang lumakad sa kanilang mga pamamaraan o batay sa kanilang mga ginagawang kasuklam-suklam, na para bang napakaliliit na bagay ang mga iyon. Totoo ngang sa lahat ng iyong kaparaanan, naging mas masahol ka pa kaysa sa kanila.
Nýbrž aniž jsi po cestách jejich chodila, ani podlé ohavností jejich činila, zošklivivši sobě jako věc špatnou, pročež pokazilas se více než ony na všech cestách svých.
48 Ako ay buhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—Sodoma, ang iyong mga kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay hindi gumawa ng kasamaang higit kaysa sa mga ginawa mo at ng iyong mga anak na babae!
Živť jsem já, praví Panovník Hospodin, že Sodoma sestra tvá i dcery její nečinily, jako jsi ty činila s dcerami svými.
49 Pakinggan mo! Ito ang naging kasalanan ng Sodoma na iyong kapatid: malaya siyang nagmataas, walang malasakit at walang pakialam sa anumang bagay. Hindi niya pinalakas ang mga kamay ng mga mahihirap at mga taong nangangailangan.
Aj, tatoť byla nepravost Sodomy sestry tvé: Pýcha, sytost chleba a hojnost pokoje. To ona majíc i dcery její, ruky však chudého a nuzného neposilňovala.
50 Siya ay nagmataas at gumawa ng mga gawaing kasuklam-suklam sa aking harapan, kaya inalis ko sila gaya ng nakita mo.
Ale pozdvihše se, páchaly ohavnost přede mnou; protož sklidil jsem je, jakž mi se vidělo.
51 Hindi gumawa ang Samaria ni kahit kalahati man lang ng iyong mga kasalanan; sa halip, mas marami ka pang ginawang kasuklam-suklam na bagay kaysa sa kanila, at ipinakita mong mas mabuti pa sa iyo ang mga kapatid mong babae dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyong ginagawa!
Samaří také ani polovice hříchů tvých nenahřešila. Nebo jsi rozhojnila ohavnosti své nad ně, a tak jsi spravedlivější býti ukázala sestry své všemi ohavnostmi svými, kteréž jsi páchala.
52 Lalong lalo ka na, ipakita mo ang sarili mong kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo, dahil sa lahat ng mga ginawa mong kasuklam-suklam na pagkakasala. Ang iyong mga kapatid ay parang mas mabuti sa iyo. Lalong lalo ka na, ipinakita mo ang iyong sariling kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo.
Nesiž i ty také potupu svou, kterouž jsi přisoudila sestrám svým, pro hříchy své, kteréž jsi ohavně páchala více než ony. Spravedlivějšíť byly než ty. I ty, pravím, styď se, a nes potupu svou, poněvadž spravedlivější býti ukazuješ sestry své.
53 Sapagkat ibabalik ko ang kanilang mga kayamanan—ang mga kayamanan ng Sodoma at ng kaniyang mga babaeng anak, at ang mga kayamanan ng Samaria at ng kaniyang mga babaeng anak; ngunit ang iyong kayamanan ay nasa kanilang kalagitnaan.
Přivedu-li zase zajaté jejich, totiž zajaté Sodomy a dcer jejich, též zajaté Samaří a dcer jejich, takéť zajetí zajatých tvých u prostřed nich,
54 Sa pananagutan ng mga bagay na ito, ipapakita mo ang iyong kahihiyan, mapapahiya ka dahil sa lahat ng mga bagay na iyong ginawa, at sa ganitong paraan, magiging kaaliwan ka para sa kanila.
Proto, abys musila nésti potupu svou a hanbiti se za všecko, což jsi páchala, jsuc jejich potěšením.
55 Kaya ang iyong kapatid na Sodoma at ang kaniyang mga babaeng anak ay maibabalik sa kanilang dating kalagayan, at maibabalik sa Samaria at sa kaniyang mga babaeng anak ang kanilang dating kayamanan. Pagkatapos, ikaw at ang iyong mga babaeng anak ay maibabalik sa inyong dating kalagayan.
Jestližeť sestry tvé, Sodoma a dcery její, navrátí se k prvnímu způsobu svému, též Samaří a dcery její navrátí-li se k prvnímu způsobu svému: i ty také s dcerami svými navrátíte se k prvnímu způsobu svému.
56 Ang Sodoma na iyong kapatid ay hindi man lang nabanggit ng iyong bibig sa mga araw na ikaw ay nagmataas,
Poněvadž nebyla Sodoma sestra tvá pověstí v ústech tvých v den zvýšení tvého,
57 bago naihayag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, ikaw ay tampulan ng pagkasuklam sa mga babaeng anak ng Edom at ng lahat ng mga babaeng anak ng mga Filisteo sa kaniyang palibot. Kinamumuhian ka ng lahat ng tao.
Prvé než zjevena byla zlost tvá, jako za času útržky od dcer Syrských a všech, kteříž jsou vůkol nich, dcer Filistinských, kteréž tě hubily se všech stran:
58 Ipapakita mo ang iyong kahihiyan at ang iyong mga kasuklam-suklam na kilos! —ito ang pahayag ni Yahweh!
Nešlechetnost svou a ohavnosti své poneseš, praví Hospodin.
59 Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Ituturing kita katulad ng pagturing ko sa sinumang taong lumimot sa kaniyang sinumpaang pangako upang sirain ang isang tipan.
Nebo takto praví Panovník Hospodin: Tak učiním tobě, jakž jsi učinila, když jsi pohrdla přísahou, a zrušila smlouvu.
60 Ngunit aalalahanin ko sa aking isipan ang ginawa kong kasunduan sa iyo noong bata ka pa, at gagawa ako sa iyo ng isang kasunduang walang hanggan.
A však rozpomenu se na smlouvu svou s tebou ve dnech mladosti tvé, potvrdím, pravím, tobě smlouvy věčné.
61 Pagkatapos, maaalala mo ang iyong dating pamumuhay at mapapahiya kapag tinanggap mo ang iyong mga nakatatanda at nakababatang kapatid na babae. Ibibigay ko sila sa iyo bilang mga babaeng anak, ngunit hindi dahil sa iyong tipan.
I rozpomeneš se na cesty své, a hanbiti se budeš, když přijmeš sestry své starší, nežli jsi ty, i mladší, nežli jsi ty, a dám je tobě za dcery, ale ne podlé smlouvy tvé.
62 Itatatag ko mismo ang aking kasunduan sa iyo at malalaman mong ako si Yahweh!
A tak utvrdím smlouvu svou s tebou, i zvíš, že já jsem Hospodin,
63 Dahil sa mga bagay na ito, maaalala mo ang lahat ng bagay sa iyong isipan at mapapahiya ka, kaya hindi mo na muling maibubuka ang iyong bibig upang magsalita dahil sa iyong kahihiyan, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong ginawa—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
Abys se rozpomenula a styděla, a nemohla více úst otevříti pro hanbu svou, když tě očistím ode všeho, což jsi činila, praví Panovník Hospodin.

< Ezekiel 16 >