< Ezekiel 16 >

1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
Hina Gode da nama bu amane sia: i,
2 “Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang tungkol sa kaniyang mga gawang kasuklam-suklam,
“Dunu egefe! Yelusaleme fi ilia wadela: i hou hamoi, amo ilima olelema.
3 at ipahayag, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa Jerusalem: Nangyari ang iyong pasimula at kapanganakan sa lupain ng Canaan; isang Amoreo ang iyong ama at isang Heteo ang iyong ina.
Ilima Ouligisudafa Hina Gode Ea sia: amane adosima, “Di da Ga: ina: ne soge ganodini lalelegei. Dia ada da A: moulaide dunu amola dia ame da Hidaide uda galu.
4 Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
Di da lalelegeloba, enoga da dia semogofo i hame damui, amola hano hame unasi, amola sali legele hame doga: i, amola abulaga hame sosonesi.
5 Walang matang nahabag sa iyo upang gawin sa iyo ang alinman sa mga bagay na ito, ang mahabag sa iyo! Sa araw na ipinanganak ka, habang naliligo sa sarili mong dugo, mayroong nasuklam sa iyong buhay, itinapon ka sa isang malawak na kaparangan.
Eno dunu da dima hame asigiba: le, amo liligi dima hame hamoi. Di lalelegeloba, enoga dima hame asigisu. Ilia da di hame fufuaga galagai.
6 Ngunit nadaanan kita at nakita kitang naliligo sa iyong sariling dugo, kaya sinabi ko sa iyo habang duguan, “Mabuhay ka!”
Amalalu, Na baligisa ba: loba, di da dia maga: me da: iya soiya lalebe ba: i. Di da maga: mega dedeboi, be Na da di bogoma: ne hame yolesi.
7 Pinalaki kitang katulad ng isang halaman sa isang kaparangan. Dumami ka at naging tanyag, at napalamutian ng mga hiyas. Namuo ang iyong dibdib at kumapal ang iyong buhok, ngunit ikaw ay hubo't hubad parin.
Di da sagai noga: le alebe amo defele alema: ne, Na da di fidisu. Di da noga: le dene, gasa hamone, a:fini noga: i agoane dei. Dia dodo da noga: le misi ba: i, amola dia dialuma hinabo da heda: i ba: i, be di da: i nabado fawane ba: i.
8 Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.
Na da bu baligisa ba: loba: , di da gawa fimu eso da doaga: i dagoi ba: i. Na da dia da: i nabado amo Na abulaga dedebosili, di lamusa: ilegei. Dafawane! Na da di lamusa: dafawane dima ilegei amola di da bu Na fi hamoi.” Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa.
9 Kaya hinugasan kita ng tubig at binanlawan ko ang iyong dugo mula sa iyo, at pinahiran kita ng langis.
“Amalalu, Na da hano dili, dia da: iba: le maga: me amo dodofei dagoi. Amalu, Na olife susuligi dia da: iba: le unasi.
10 Dinamitan kita ng mga naburdahang damit at nilagyan ng balat na sandalyas ang iyong paa, binalot kita ng pinong lino at tinakpan ng sedang damit.
Na da abula nodomene dedei dima gaga: nesi, amola emo salasu bulamagau gadofoga hamoi, amola abula odagia ga: su, amola abula enemei dima i.
11 Ang sumunod, pinalamutian kita ng mga alahas at nilagyan ko ng pulseras ang iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg.
Na da di nina: hamoma: ne, igi ida: iwane amoga hahamoi galogoa ga: si, amola lobo fasele fei dima i.
12 Nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong at tainga at isang magandang korona sa iyong ulo.
Na dima migibi amola gegalu i, amola habuga ida: iwane figima: ne i.
13 Kaya napalamutian ka ng ginto at pilak at nadamitan ka ng pinong lino, sedang damit at mga binurdahang damit; kumain ka ng pinakamainam na harina, pulot-pukyutan, at langis, at napakaganda mo, at ikaw ay naging isang reyna.
Na da silifa amola gouli nina: hamosu liligi, amola abula nodomene dedei dima i. Di da agi ida: iwane amola agime hano amola olife susuligi amola hahawane nasu. Dia nina: hamoi da nenemegi hadigi agoai ba: i. Amola di da hina bagade uda agoane ba: i.
14 Lumaganap ang iyong katanyagan sa mga bansa dahil sa iyong kagandahan, sapagkat ito ay ganap sa karangyaang ibinigay ko sa iyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Na da di noga: ledafa nina: hamoi dagoiba: le, fifi asi gala huluane da dima nodosu.” Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa.
15 Ngunit nagtiwala ka sa iyong sariling kagandahan, at kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran dahil sa iyong katanyagan; ibinuhos mo ang iyong gawaing kahalayan sa sinumang dumaraan. Naging pag-aari ka ng mga kalalakihang iyon!
“Be dia da dia nina: hamoi dawa: beba: le, amoga hidale, dunuga hanama: ne dunu bagohame gilisili golasu.
16 Pagkatapos, hinubad mo ang iyong mga damit at gumawa kang kasama nila ng mga dambanang pinalamutian ng iba't ibang kulay, at kumilos ka sa kanilang tulad ng isang babaeng bayaran. Hindi ito dapat dumating! Hindi ito dapat nangyari!
Di da dia abula ida: iwane mogili, amoga dia ogogosu sia: ne gadosu sogebi amo nina: hamosu. Amola di da hina: da: i bidi lasu uda defele, dia da: i amo dunu bagohame ilima iasu.
17 Kinuha mo ang mga magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at gumawa ka ng mga anyong lalaki para sa iyong sarili, at gumawa kang kasama nila ng mga gawaing katulad ng ginagawa ng babaeng bayaran.
Silifa amola gouli ida: iwane Na dima i, amo di da lale, dunu agoaila hahamone, amoga wadela: i adole lasu hou hamosu.
18 Kinuha mo ang iyong mga naburdahang kasuotan at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo sa kanila ang aking mga langis at mga pabango.
Di da abula nodomene dedei Na dima i, amo lale, ogogole loboga hamoi ogogosu ‘gode’ ilima idiniginisi. Amola olife susuligi amola gabusiga: manoma Na dima i, amo di da ogogosu loboga hamoi ‘gode’ ilima i dagoi.
19 At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Na da noga: idafa ha: i manu amo agi amola olife susuligi amola gabusiga: manoma dima i. Be amo di da ogogosu loboga hamoi ‘gode’ dima nodoma: ne, gobele salasu hou hamosu.” Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa,
20 Pagkatapos ay kinuha mo ang iyong mga lalaki at babaeng anak na iyong isinilang para sa akin at iyong inialay sa mga imahe upang lamunin bilang pagkain. Maliit na bagay ba ang iyong ginagawang kahalayan?
“Amalalu, di da dunu mano amola uda mano lalelegei (amo mano da Na mano galu) amo lale, ogogosu ‘gode’ ilima gobele salasu. Di da Na yolesiagaiba: le, amo hou da wadela: idafa.
21 Pinatay mo ang aking mga anak at inialay mo silang handog sa mga imahe sa pamamagitan ng apoy.
Be di da amo hou baligili, Na manolali lale, ogogosu ‘gode’ ilima gobele salasu, amo da baligiliwane wadela: idafa.
22 Sa lahat ng iyong gawaing kasuklam-suklam at kahalayan, hindi mo inisip ang tungkol sa mga araw ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo't hubad na nagugumon sa iyong dugo.
Di manohadi esoga, di da da: i nabado, amola dia maga: me da: iya soiya lalebe ba: i. Be di da wadela: i adole lasu bagade hamoi amola amo esoga, dia manohadi eso hou gogolei.
23 Kaawa-awa! Kaawa-awa ka! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—samakatuwid, dagdag pa sa lahat ng iyong kasamaan,
Ouligisu Hina Gode da amane sia: i, “Di da dafawane wadela: lesi dagoi ba: mu! Di da amo wadela: i hou huluane hamoi.
24 nagtayo ka sa iyong sarili ng altar at gumawa ka ng dambana sa bawat pampublikong lugar.
Amalalu, di da logo huluane ilia bega: , ogogosu ‘gode’ma sia: ne gadosu sogebi gagui amola wadela: i adole lasu hou hamosu.
25 Nagtayo ka ng mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at nilapastangan mo ang iyong kagandahan sapagkat ibinuka mo ang iyong mga hita sa bawat isang dumaraan at gumawa ka ng marami pang mga gawaing kahalayan.
Di da dia nina: hamoi amo fafu da: iya hiougili asi. Dunu huluane di baligisia, dina: da: i ilima iasu. Amola eso huluane baligili adole lasu hou hamosu.
26 Kumilos kang parang bayarang babae sa mga taga-Egipto, ang iyong karatig-bansang may labis na mahalay na pagnanasa, at gumawa ka ng maraming mga mahahalay na gawain upang galitin ako.
Di da hi hanai bagade hamosu Idibidi dunu, ilia di amola gilisili golama: ne, logo doasi. Amola Na ougima: ne, wadela: i adole lasu hamosu.
27 Kaya tingnan mo! Hahampasin kita gamit ang aking kamay at ititigil ko ang iyong pagkain. Ibibigay ko ang iyong buhay sa iyong mga kaaway, ang mga babaeng anak ng mga Filisteo, upang hiyain ka dahil sa iyong mahahalay na pag-uugali.
Wali Na da dilima se ima: ne, amola dilima Na hahawane fidisu hou bu samogema: ne, Na da Na lobo gaguia gadoi dagoi. Filisidini dunu da dilia wadela: i houba: le, dili higasa. Na da dili ilia lobo da: iya yolesi dagoi.
28 Kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran kasama ang mga taga-Asiria sapagkat hindi ka nasiyahan. Kumilos ka tulad ng isang babaeng bayaran at hindi pa rin nasiyahan.
Di da eno dunuma gilisili golai. Be dia hanai da hame gumiba: le, di da Asilia dunu ilima gilisili golamusa: asi. Di da ilima gilisili golai, be ilia da dia hanai amo hame gumi.
29 At patuloy kang gumawa ng marami pang kahalayan sa mga lupain ng mga mangangalakal ng Caldea, ngunit maging dito ay hindi ka nasiyahan.
Di da bidi lasu Ba: bilone dunu amola gilisili golai. Be amoga amola di da gumi hame ba: i.
30 Bakit napakahina ng iyong puso? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang gawin mo ang mga bagay na ito, gawain ng isang mapangalunya at walang hiyang babae?
Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa, “Di da amo hou mae gogosiane, hina: da: i bidi lasu uda defele hamosu.
31 Noong itinayo mo ang mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at gumawa ka ng iyong mga dambana sa bawat pampublikong lugar, hindi ka talaga isang babaeng bayaran, sapagkat tumanggi kang magpabayad sa iyong mga ginawa!
Moilai logo huluane amoga di da ogogosu ‘gode’ sia: ne gadosu sogebi gagusa, amola wadela: i adole lasu hou hamosa. Be di da hina: da: i bidi lasu uda, amo defele, muni lamusa: , hame hamosa.
32 Ikaw babaeng nakikiapid, tinatanggap mo ang mga hindi mo kilalang tao sa halip na ang iyong asawa!
Di da uda amo da egoa ema mae magesa: ili, degabo ba: i ga fi dunu amola gilisili golasa, amo defele hamosa.
33 Binabayaran ng mga tao ang bawat babaeng bayaran, ngunit ibinibigay mo ang iyong mga kinita sa iyong mga mangingibig at sinusuhulan mo sila upang pumunta sa iyo mula sa lahat ng dako para sa iyong mga mahahalay na gawain.
Dunu eno da hina: da: i bidi lasu uda ema bidi iaha. Be di da eno dunu amola ga fi dunu sedaga esala, amo ilia dima misini, gilisili golama: ne, liligi amola bidi amola ilima iasu.
34 Kaya mayroon kang kaibahan sa ibang mga babaeng iyon, yamang walang tumatawag sa iyo upang makisiping sa kanila. Sa halip, binabayaran mo sila! Walang nagbabayad sa iyo.
Di da sasagesu uda hisu agoane gala. Di da amo hou hamoma: ne, dunu eno da hame logei. Amoga dia da bidi hame lai. Di da eno dunu di wadela: ma: ne, ilima bidi iasu. Dafawane! Di da hisu!”
35 Kung gayon, ikaw babaeng bayaran, makinig ka sa salita ni Yahweh!
Wali Yelusaleme, sasagesu uda di! Hina Gode Ea sia: be nabima!
36 Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Dahil ibinuhos mo ang iyong pagnanasa at inihayag mo ang iyong mga nakatagong bahagi sa pamamagitan ng iyong mahahalay na gawain kasama ang iyong mga mangingibig at ang iyong mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan, at dahil sa mga dugo ng iyong mga anak na ibinigay mo sa iyong mga diyus-diyosan;
Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa, “Di da hina: da: i lasu uda defele, dia abula huluane gisa: le, dima hanai dunu amola dia wadela: idafa loboga hamoi ‘gode’ ilima dia da: i udigili iasu. Amola dia mano amo gobele salimusa: , medole legei.
37 kaya tingnan mo! Titipunin ko ang lahat ng mga nakilala mong mangingibig, lahat ng inibig mo at lahat ng kinamuhian mo, at titipunin ko sila laban sa iyo sa lahat ng dako. Ilalantad ko sa kanila ang mga pribado mong bahagi upang makita nila ang lahat ng iyong kahubaran!
Dia amo hamobeba: le, Na da musa: dima hanai dunu, amo mogili dia hanai amola mogili dia higa: i, amo gilisilisimu. Ilia da di sisiga: le, lelefulia, Na da di nabado leloma: ne, dia abula gisa: mu.
38 Sapagkat parurusahan kita sa iyong pangangalunya at sa pagdanak ng dugo at dadalhin ko sa iyo ang dugo ng aking galit at paninibugho!
Di da wadela: i adole lasu hou amola medole legesu hou hamobeba: le, Na da baligiliwane ougili, dima fofada: nanu, di bogoma: ne se imunu.
39 Ibibigay kita sa kanilang mga kamay upang kanilang pabagsakin ang iyong mga altar at wasakin ang iyong mga dambana, pagkatapos ay huhubarin nila ang iyong damit at kukunin ang lahat ng iyong alahas, at iiwanan ka nilang hubo't hubad.
Na da di ilia lobo da: iya yolesimu. Ilia sogebi amoga di da wadela: i adole lasu amola ogogosu ‘gode’ ilima sia: ne gadosu hamosu, amo ilia da gadelale salimu. Ilia da dia abula amola nina: hamoma: ne igi noga: i, amo lale gasea, di da da: i nabadodafa yolesi ba: mu
40 At magdadala sila ng maraming tao laban sa iyo at babatuhin ka ng mga bato, at hahatiin ka nila sa pamamagitan ng kanilang mga espada.
Ilia da di igiga medoma: ne, dunu gilisili ougima: ne ha lamu. Ilia da ilia gobiheiga, di dadamuni fofonobomu.
41 At susunugin nila ang iyong mga bahay at gagawa sila ng maraming pagpaparusa sa iyo sa harap ng maraming mga babae, sapagkat patitigilin ko na ang iyong pagbebenta ng aliw at hindi ka na muling magbabayad ng kahit sino pa sa kanila!
Ilia da dilia diasu huluane gobele salimu. Amola uda bagohame da dia se nabasu ba: ma: ne, ilia da logo doasimu. Na da dia wadela: i adole lasu logo hedofamu amola dia dima hanai dunu ilima liligi imunu logo hedofamu.
42 Pagkatapos, pahuhupain ko ang aking poot laban sa iyo, mawawala ang galit ko sa iyo, sapagkat ako ay masisiyahan at hindi na ako magagalit.
Amasea, Na ougi da gumi dagoi ba: mu, amola Na da olofole esalumu. Na da bu ougi amola mudasu hame hamomu.
43 Sapagkat hindi mo inalala ang mga araw ng iyong kabataan nang hinayaan mong manginig ako sa galit sa lahat ng mga bagay na ito—pagmasdan! Ako mismo ang magdadala ng kaparusahan sa ikinilos mo sa sarili mong ulo dahil sa iyong gawain—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang hindi ka na muling gagawa ng mga kasamaan sa lahat ng iyong kasuklam-suklam na kaparaanan!
Di da a: finia, Na da dima hou noga: iwane hamoi. Be di da amo gogolei. Be dia hamobeba: le, Na da ougi ba: i. Amaiba: le, Na da dia hamobeba: le, dima se dabe iasu. Di da wadela: i hou bagade hamoi dagoi. Be abuliba: le wadela: i adole lasu hou amola gilisili hamobela: ?” Ouligisu Hina Gode da sia: i dagoi.
44 Masdan ninyo! Bawat isang nagsasabi ng mga kawikaan tungkol sa iyo ay magsasabing, “Katulad ng ina, gayon din ang kaniyang anak.”
Hina Gode da amane sia: i, “Yelusaleme fi! Dunu eno da dia hou dawa: beba: le, amo malasu sia: mu, “Idiwi da eme defele ba: sa.
45 Ikaw ang babaeng anak ng iyong ina, na kinamuhian ang kaniyang asawa at mga anak; at ikaw ang kapatid ng mga babae mong kapatid na kinamuhian ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak. Isang Heteo ang iyong ina at isang Amoreo ang iyong ama.
Yelusaleme! Di da dafawane dia ame ea mano esala! E da ea egoama amola manoma baligiliwane hagasu. Di da dia dalusi ilia hou defele, egoa amola mano hagasu. Di amola dia dalusi moilai bai bagade da Hidaide eme amola A: moulaide eda esalu.
46 Ang Samaria ang iyong nakatatandang kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay ang mga naninirahan sa hilaga, habang ang iyong nakababatang kapatid na babae ay ang naninirahan sa katimugan mong bahagi, na ang Sodoma at ang kaniyang mga anak babae.
Dia aba da Samelia moilai bai bagade gadi (north) gala. E da moilai fonobahadi amola gilisili esala. Amola diaeya da Sodame moilai bai bagade goegadi (south) gala. E amola da moilai fonobahadi gilisili esala.
47 Ngayon, huwag ka nang lumakad sa kanilang mga pamamaraan o batay sa kanilang mga ginagawang kasuklam-suklam, na para bang napakaliliit na bagay ang mga iyon. Totoo ngang sa lahat ng iyong kaparaanan, naging mas masahol ka pa kaysa sa kanila.
Di da elea hou amoma fa: no bobogele, ela wadela: i hou defele hamosu. Be amo baligili, di da elea wadela: i hou bagade baligisu.”
48 Ako ay buhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—Sodoma, ang iyong mga kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay hindi gumawa ng kasamaang higit kaysa sa mga ginawa mo at ng iyong mga anak na babae!
Ouligisudafa Hina Gode da amane sia: sa, ‘Dafawane! Na da Fifi Ahoanusu Gode! Amola Na da dafawane sia: sa! Dia wadela: i hou da diaeya Sodame, amola ea uda mano (moilai fonobahadi sisiga: le diala) ilia wadela: i hou amo bagadewane baligi dagoi.
49 Pakinggan mo! Ito ang naging kasalanan ng Sodoma na iyong kapatid: malaya siyang nagmataas, walang malasakit at walang pakialam sa anumang bagay. Hindi niya pinalakas ang mga kamay ng mga mahihirap at mga taong nangangailangan.
Sodame moilai bai bagade amola ea uda mano ilia da ha: i manu bagade gaguiba: le, amola olofole esalebeba: le, bagade gasa fili hidasu. Be ilia da hame gagui dunu amo noga: le hame ouligisu.
50 Siya ay nagmataas at gumawa ng mga gawaing kasuklam-suklam sa aking harapan, kaya inalis ko sila gaya ng nakita mo.
Di noga: le dawa: ! Ilia da hidale, hou amoma Na da higasa, amola hame nabasu hou hamobeba: le, Na da ili gugunufinisi dagoi.
51 Hindi gumawa ang Samaria ni kahit kalahati man lang ng iyong mga kasalanan; sa halip, mas marami ka pang ginawang kasuklam-suklam na bagay kaysa sa kanila, at ipinakita mong mas mabuti pa sa iyo ang mga kapatid mong babae dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyong ginagawa!
Samelia da wadela: le hamoi. Be dia wadela: i hou da ea wadela: i hou bagadedafa baligi. Dia wadela: i hou amola dia dalusi elea hou defele ba: sea, elea hou da fedege agoane noga: i ba: sa, be dia hou da wadela: idafa ba: sa.
52 Lalong lalo ka na, ipakita mo ang sarili mong kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo, dahil sa lahat ng mga ginawa mong kasuklam-suklam na pagkakasala. Ang iyong mga kapatid ay parang mas mabuti sa iyo. Lalong lalo ka na, ipinakita mo ang iyong sariling kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo.
Wali di da bagade gogosia: i dagoi. Amola di da gogosia: i mae fisili, ahoanumu. Dia wadela: i hou amola dia dalusi elea hou defele ba: sea, elea hou da fedege agoane noga: i ba: sa, be dia hou da wadela: idafa ba: sa. Amaiba: le, di gogosiane dialuma fili sa: ili, masa. Bai dia hamobeba: le, dia dalusi ela wadela: i hou defemusa: ba: sea, elea hou da noga: iwane ba: sa.
53 Sapagkat ibabalik ko ang kanilang mga kayamanan—ang mga kayamanan ng Sodoma at ng kaniyang mga babaeng anak, at ang mga kayamanan ng Samaria at ng kaniyang mga babaeng anak; ngunit ang iyong kayamanan ay nasa kanilang kalagitnaan.
Hina Gode da Yelusaleme amoma amane sia: i, “Na da Sodame amola ea sisiga: i moilai, amola Samelia amola ea sisiga: i moilai, amo bu gagui gadole ela da bu bagade gagui agoane ba: mu. Dafawane! Na da di amola gagui gadole, di da bu bagade gagui ba: mu.
54 Sa pananagutan ng mga bagay na ito, ipapakita mo ang iyong kahihiyan, mapapahiya ka dahil sa lahat ng mga bagay na iyong ginawa, at sa ganitong paraan, magiging kaaliwan ka para sa kanila.
Di da dia hou dawa: beba: le, bagade gogosiamu. Amasea, dia gogosia: i amola da: i nabado ba: beba: le, dia dalusi ela da bagade gagui agoane esalebe amo dawa: beba: le, hahawane ba: mu.
55 Kaya ang iyong kapatid na Sodoma at ang kaniyang mga babaeng anak ay maibabalik sa kanilang dating kalagayan, at maibabalik sa Samaria at sa kaniyang mga babaeng anak ang kanilang dating kayamanan. Pagkatapos, ikaw at ang iyong mga babaeng anak ay maibabalik sa inyong dating kalagayan.
Ela da bu bagade gagui agoane ba: mu. Amola Na da di amola dia sisiga: le dialebe moilai amola gaguia gadomu.
56 Ang Sodoma na iyong kapatid ay hindi man lang nabanggit ng iyong bibig sa mga araw na ikaw ay nagmataas,
Dia gasa fi esalebe eso amoga, di da Sodame amoma lalasogole oufesega: su.
57 bago naihayag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, ikaw ay tampulan ng pagkasuklam sa mga babaeng anak ng Edom at ng lahat ng mga babaeng anak ng mga Filisteo sa kaniyang palibot. Kinamumuhian ka ng lahat ng tao.
Amo esoga, dia wadela: i hou da wamolegei dialu. Be wali dia hou da odagiaba: le, di da Sodame fi defele ba: sa. Amola wali Idome dunu amola Filisidini dunu, amola dia eno na: iyado fi amolalia dima higasa, amo ilia da dima lalasogole oufesega: sa.
58 Ipapakita mo ang iyong kahihiyan at ang iyong mga kasuklam-suklam na kilos! —ito ang pahayag ni Yahweh!
Di da wadela: idafa hou amola iyasu hou hamobeba: le, se nabimu,” Hina Gode da sia: i dagoi.
59 Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Ituturing kita katulad ng pagturing ko sa sinumang taong lumimot sa kaniyang sinumpaang pangako upang sirain ang isang tipan.
Ouligisu Hina Gode da amane sia: sa, “Na da dia hamobe defele, dima se bidi imunu. Bai di da dia sia: i ilegei amo fisu amola Na gousa: su wadela: lesi.
60 Ngunit aalalahanin ko sa aking isipan ang ginawa kong kasunduan sa iyo noong bata ka pa, at gagawa ako sa iyo ng isang kasunduang walang hanggan.
Be di da a: finia, Na da dima gousa: su hamoi. Amo Na da hame fimu. Amola Na da gaheabolo gousa: su amo da mae dagole dialoma: ne, dima hamomu.
61 Pagkatapos, maaalala mo ang iyong dating pamumuhay at mapapahiya kapag tinanggap mo ang iyong mga nakatatanda at nakababatang kapatid na babae. Ibibigay ko sila sa iyo bilang mga babaeng anak, ngunit hindi dahil sa iyong tipan.
Na da dia aba amola diaeya dima bu iasea, di da dia musa: wadela: i hou hamobe dawa: beba: le, gogosiamu. Na da dima gousa: su hamoi amo ganodini agoane hame sia: i. Be Na da dia aba amola diaeya amo dima uda mano agoane esaloma: ne, dima imunu.
62 Itatatag ko mismo ang aking kasunduan sa iyo at malalaman mong ako si Yahweh!
Na da dima gousa: su hamoi amo gaheabolo agoane bu hahamomu. Amasea, Na da Hina Gode, amo di da dawa: mu.
63 Dahil sa mga bagay na ito, maaalala mo ang lahat ng bagay sa iyong isipan at mapapahiya ka, kaya hindi mo na muling maibubuka ang iyong bibig upang magsalita dahil sa iyong kahihiyan, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong ginawa—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
Na da dia wadela: i hou hamoi huluane, amo gogolema: ne olofomu. Be di da amo bu dawa: le, gogosiabeba: le, dia lafi dagamu gogolemu.” Ouligisudafa Hina Gode da sia: i dagoi.

< Ezekiel 16 >