< Ezekiel 15 >

1 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
וַיְהִי דְבַר־יְהוָה אֵלַי לֵאמֹֽר׃
2 “Anak ng tao, paanong mas higit ang isang puno ng ubas kaysa sa anumang punong may mga sanga na nasa isang kagubatan?
בֶּן־אָדָם מַה־יִּֽהְיֶה עֵץ־הַגֶּפֶן מִכָּל־עֵץ הַזְּמוֹרָה אֲשֶׁר הָיָה בַּעֲצֵי הַיָּֽעַר׃
3 Makakakuha ba ng kahoy ang mga tao mula sa puno ng ubas upang gumawa ng anumang bagay? O makakagawa ba sila ng tulos mula dito upang pagsabitan ng anumang bagay?
הֲיֻקַּח מִמֶּנּוּ עֵץ לַעֲשׂוֹת לִמְלָאכָה אִם־יִקְחוּ מִמֶּנּוּ יָתֵד לִתְלוֹת עָלָיו כָּל־כֶּֽלִי׃
4 Tingnan mo! Kung ihahagis ito sa apoy bilang panggatong, at kung natupok na ng apoy ang magkabilang dulo nito, pati na ang gitna, may pakinabang pa ba ito?
הִנֵּה לָאֵשׁ נִתַּן לְאָכְלָה אֵת שְׁנֵי קְצוֹתָיו אָכְלָה הָאֵשׁ וְתוֹכוֹ נָחָר הֲיִצְלַח לִמְלָאכָֽה׃
5 Tingnan mo! Nang ito ay buo pa, walang magagawang anumang bagay dito, kapag nasunog ng apoy, tiyak na hindi pa rin ito mapakikinabangan!
הִנֵּה בִּֽהְיוֹתוֹ תָמִים לֹא יֵֽעָשֶׂה לִמְלָאכָה אַף כִּי־אֵשׁ אֲכָלַתְהוּ וַיֵּחָר וְנַעֲשָׂה עוֹד לִמְלָאכָֽה׃
6 Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, di gaya ng mga puno sa mga kagubatan, ibinigay ko ang puno ng ubas bilang panggatong sa apoy; ganoon ding paraan ang gagawin ko sa mga naninirahan sa Jerusalem.
לָכֵן כֹּה אָמַר אֲדֹנָי יְהוִה כַּאֲשֶׁר עֵץ־הַגֶּפֶן בְּעֵץ הַיַּעַר אֲשֶׁר־נְתַתִּיו לָאֵשׁ לְאָכְלָה כֵּן נָתַתִּי אֶת־יֹשְׁבֵי יְרוּשָׁלָֽ͏ִם׃
7 Sapagkat itatakda ko ang aking mukha laban sa kanila. Kahit na makalabas sila mula sa apoy, matutupok parin sila ng apoy, kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag itinakda ko ang aking mukha laban sa kanila.
וְנָתַתִּי אֶת־פָּנַי בָּהֶם מֵהָאֵשׁ יָצָאוּ וְהָאֵשׁ תֹּֽאכְלֵם וִֽידַעְתֶּם כִּֽי־אֲנִי יְהוָה בְּשׂוּמִי אֶת־פָּנַי בָּהֶֽם׃
8 At gagawin kong tinalikuran at walang naninirahan ang kanilang lupain dahil sa ginawa nilang kasalanan—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”
וְנָתַתִּי אֶת־הָאָרֶץ שְׁמָמָה יַעַן מָעֲלוּ מַעַל נְאֻם אֲדֹנָי יְהוִֽה׃

< Ezekiel 15 >