< Ezekiel 14 >

1 Pumunta sa akin ang ilang mga nakatatanda ng Israel at umupo sa aking harapan.
Potom přišedše ke mně muži z starších Izraelských, seděli přede mnou.
2 At dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
I stalo se slovo Hospodinovo ke mně, řkoucí:
3 “Anak ng tao, taglay ng mga kalalakihang ito ang kanilang mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mga sariling mukha. Dapat ba silang sumangguni sa akin?
Synu člověčí, muži tito složili ukydané bohy své v srdci svém, a nepravost, kteráž jim k urážce jest, položili před tváři své. Zdaliž se upřímě radí se mnou?
4 Kaya ipahayag mo ito sa kanila at sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: 'Ang bawat tao sa sambahayan ng Israel na nagtataglay ng kaniyang diyus-diyosan sa kaniyang puso o ang naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa kaniyang harapan at ang pupunta sa propeta—ako si Yahweh, sasagutin ko siya ayon sa bilang ng kaniyang mga diyus-diyosan.
Protož mluv jim a rci jim: Takto praví Panovník Hospodin: Kdo by koli z domu Izraelského složil ukydané bohy své v srdci svém, a nepravost, kteráž mu k urážce jest, položil před tvář svou, a přišel by k proroku: já Hospodin odpovídati budu tomu, kterýž přišel, o množství ukydaných bohů jeho,
5 Gagawin ko ito upang mabawi ko ang sambahayan ng Israel, ang kanilang mga puso na inilayo sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan!'
Abych polapil dům Izraelský v srdci jejich, že se odvrátili ode mne k ukydaným bohům svým všickni napořád.
6 Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Magsisi na kayo at talikuran na ninyo ang inyong mga diyus-diyosan! Tumalikod na kayo sa lahat ng inyong mga kasuklam-suklam na gawain!
Protož rci domu Izraelskému: Takto praví Panovník Hospodin: Obraťte se a odvraťte od ukydaných bohů vašich, a ode všech ohavností vašich odvraťte tvář svou.
7 Sapagkat ang bawat isa na mula sa sambahayan ng Israel at ang bawat isa na mga dayuhang naninirahan sa Israel na lumayo sa akin, na taglay ang kaniyang mga diyus-diyosan sa kaniyang puso at inilagay ang katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang sariling mukha, at pupunta sa isang propeta upang hanapin ako—Ako, si Yahweh ang mismong sasagot sa kaniya!
Nebo kdož by koli z domu Izraelského i z pohostinných, kteříž jsou pohostinu v Izraeli, odvrátil se od následování mne, a složil by ukydané bohy své v srdci svém, a nepravost, kteráž mu k urážce jest, položil by před tvář svou a přišel by k proroku, aby se mne tázal skrze něho: já Hospodin odpovím jemu o sobě,
8 Kaya haharap ako laban sa taong iyon at gagawin ko siyang isang tanda at isang kawikaan, sapagkat ihihiwalay ko siya sa kalagitnaan ng aking mga tao, at malalaman ninyo na Ako si Yahweh!
A obrátím tvář svou hněvivou proti muži tomu, a dám jej za znamení a za přísloví, a vytnu jej z prostřed lidu svého, i zvíte, že já jsem Hospodin.
9 Kapag nilinlang ang isang propeta at nagsabi ng isang mensahe, at ako, si Yahweh, lilinlangin ko ang propetang iyon, iuunat ko ang aking kamay laban sa kaniya at wawasakin ko siya sa kalagitnaan ng aking mga Israelita.
Prorok pak, dal-li by se přivábiti, aby mluvil slovo, já Hospodin přivábil jsem proroka toho. Než vztáhnuť ruku svou na něj, a vyhladím jej z prostřed lidu svého Izraelského.
10 At papasanin nila ang kanilang sariling kasamaan; ang kasamaan ng propeta ay magiging katulad ng kasamaan ng mga sumasangguni sa kaniya.
A tak ponesou nepravost svou. Jakáž pokuta na toho, kdož by se tázal, takováž pokuta na proroka bude,
11 Dahil dito, hindi na lilihis sa pagsunod sa akin ang sambahayan ng Israel o ni dudungisan ang kanilang mga sarili sa lahat ng kanilang mga pagsuway kailanman. Magiging mga tao ko sila at ako ang kanilang magiging Diyos—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
Aby nebloudili více dům Izraelský ode mne, a nepoškvrňovali se více žádnými převrácenostmi svými, aby byli lidem mým, a já abych byl jejich Bohem, praví Panovník Hospodin.
12 At dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Opět stalo se slovo Hospodinovo ke mně, řkoucí:
13 “Anak ng tao, kapag nagkasala ang isang lupain laban sa akin sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan upang iunat ko ang aking kamay laban dito at babaliin ang tungkod ng tinapay nito at magpapadala ako sa kaniya ng taggutom at papatayin ang tao at hayop mula sa lupain;
Synu člověčí, když by země zhřešila proti mně, dopouštějíc se přestoupení, tehdy vztáhl-li bych ruku svou na ni, a zlámal jí hůl chleba, a poslal bych na ni hlad, a vyhubil z ní lidi i hovada:
14 at kahit na ang tatlong kalalakihang ito—Noe, Daniel, at Job—ay nasa kalagitnaan ng lupain, maililigtas lamang nila ang sarili nilang buhay sa pamamagitan ng kanilang pagiging matuwid—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
By pak byli u prostřed ní tito tři muži, Noé, Daniel a Job, oni v spravedlnosti své vysvobodili by sami sebe, praví Panovník Hospodin.
15 Kung magpapadala ako ng mga mababangis na hayop sa lupain at gawin itong tigang upang maging kaparangan na walang mga tao ang makakadaan dahil sa mga mababangis na hayop,
Pakli bych zvěř lítou uvedl na zemi, tak že by ji na sirobu přivedla, a byla by pustá, aniž by kdo přes ni jíti mohl pro zvěř:
16 at kahit pa naroon ang mga dating tatlong kalalakihan na ito—habang ako ay nabubuhay, ang pahayag ng Panginoong Yahweh—hindi nila maililigtas kahit pa ang kanilang mga sariling anak na lalaki at babae, ang sariling buhay lamang nila ang maililigtas, ngunit magiging kaparangan ang lupain!
Živť jsem já, praví Panovník Hospodin, že byť tři muži tito u prostřed ní byli, nikoli by nevysvobodili synů ani dcer. Oni by sami vysvobozeni byli, země pak byla by pustá.
17 O kung magpapadala man ako ng espada laban sa lupain na iyon at sabihin, 'Espada, pumunta ka sa mga lupain at patayin mo ang tao at hayop mula rito'—
Aneb meč uvedl-li bych na zemi tu, a řekl bych meči: Projdi skrz zemi tu, abych vyhubil z ní lidi i hovada:
18 at kahit pa nasa kalagitnaan ng lupain ang tatlong kalalakihang ito—habang ako ay nabubuhay, ang pahayag ng Panginoong Yahweh—hindi nila maililigtas kahit pa ang kanilang mga sariling anak na lalaki at babae, ang sarili lamang nilang buhay ang kanilang maililigtas.
Živť jsem já, praví Panovník Hospodin, že byť pak tři muži tito byli u prostřed ní, nikoli by nevysvobodili synů ani dcer, ale oni sami by vysvobozeni byli.
19 O kung magpapadala man ako ng salot laban sa lupain na ito at ibubuhos ko ang aking matinding galit laban dito sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo upang patayin ang mga tao at hayop
Aneb mor poslal-li bych na zemi tu, a vylil prchlivost svou na ni k zhoubě, aby vyhlazeni byli z ní lidé i hovada:
20 at kahit pa nasa lupaing iyon sina Noe, Daniel, at Job—habang ako ay buhay, ang pahayag ng Panginoong Yahweh—hindi nila maililigtas kahit pa ang kanilang mga sariling anak na lalaki at babae, ang sarili lamang nilang buhay ang kanilang maililigtas sa pamamagitan ng kanilang pagiging matuwid.
Živť jsem já, praví Panovník Hospodin, že byť pak Noé, Daniel a Job u prostřed ní byli, nikoli by ani syna ani dcery nevysvobodili. Oni v spravedlnosti své vysvobodili by sami sebe.
21 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: tinitiyak kong magiging malala ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng ipapadala kong apat na kaparusahan—taggutom, espada, mababangis na hayop at salot—laban sa Jerusalem upang patayin ang mga tao at hayop mula sa kaniya.
Nýbrž takto praví Panovník Hospodin: Bych pak čtyři pokuty své zlé, meč a hlad, zvěř lítou a mor poslal na Jeruzalém, abych vyhubil z něho lidi i hovada,
22 Gayunman, tingnan mo! May mga matitira sa kaniya, mga nakaligtas na lalabas kasama ang mga anak na lalaki at babae. Tingnan mo! Lalabas sila mula sa iyo at makikita mo ang kanilang mga kaparaanan at mga kilos at maaaliw hinggil sa kaparusahan na aking ipinadala sa Jerusalem at tungkol sa lahat ng mga bagay na aking ipinadala laban sa lupain.
A aj, pozůstali-li by v něm, kteříž by toho ušli, a vyvedeni byli, synové neb dcery: aj, i oni musejí jíti k vám, a uzříte cestu jejich a skutky jejich, i potěšíte se nad tím zlým, kteréž uvedu na Jeruzalém, nade vším, což uvedu na něj.
23 Aaliwin ka ng mga nakaligtas kapag makikita mo ang kanilang mga kaparaanan at ang kanilang mga kilos kaya malalaman mo na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito laban sa kaniya na hindi ko ito ginawa sa kanila nang walang kabuluhan! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”
A tak potěší vás, když uzříte cestu jejich a skutky jejich. I zvíte, že jsem ne nadarmo učinil všecko to, což jsem učinil při něm, praví Panovník Hospodin.

< Ezekiel 14 >