< Ezekiel 11 >

1 Pagkatapos itinaas ako ng Espiritu at dinala sa silanganang tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na nakaharap sa silangan; at masdan ninyo! Sa pintuang-daanan ng tarangkahan ay may dalawampu't limang kalalakihan. Nakita ko si Jaazanias na anak na lalaki ni Azur, at Pelatia na anak na lalaki ni Benaias, mga pinuno ng mga tao ang nasa gitna nila.
I podniósł mię duch, a przywiódł mię do bramy domu Pańskiego wschodniej, która patrzy na wschód słońca; a oto w wejściu onej bramy było dwadzieścia i pięć mężów, między którymi widziałem Jazanijasza, syna Assurowego, i Pelatyjasza, syna Banaja szowego, książąt ludu;
2 Sinabi ng Diyos sa akin, “Anak ng tao, ito ang mga lalaking nag-iisip ng kasamaan, at ang nagpapasiya ng mga masasamang plano sa lungsod na ito.
Tedy mi rzekł: Synu człowieczy! onić to są mężowie, którzy zamyślają o nieprawości, a radzą złą radę w tem mieście,
3 Sinasabi nila, 'Ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay ay hindi rito; ang lungsod na ito ang palayok, at tayo ang karne.'
Mówiąc: Nie budujmy domów blisko; boby tak miasto było kotłem, a my mięsem.
4 Kaya magpropesiya ka laban sa kanila. Magpropesiya ka, anak ng tao!”
Dlatego prorokuj przeciwko nim, prorokuj, synu człowieczy!
5 Pagkatapos, bumaba ang Espiritu ni Yahweh sa akin at sinabi niya sa akin, “Sabihin mo: Ito ang sinasabi ni Yahweh: gaya ng iyong sinasabi, Sambahayan ng Israel; sapagkat alam ko ang mga bagay na naiisip ninyo.
Tedy przypadł na mię duch Pański, i rzekł do mnie: Mów: Tak mówi Pan: Takeście mówili, domie Izraelski! bo co wam kolwiek przychodzi na myśl, to Ja znam;
6 Pinarami ninyo ang mga taong inyong pinatay sa lungsod na ito at pinuno ninyo ang mga lansangan sa pamamagitan nila.
Wielkieście mnóstwo pobili w tem mieście, a napełniliście ulice jego pobitymi.
7 Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang mga taong pinatay ninyo, na inyong inalatag ang mga katawan sa gitna ng Jerusalem, ay ang mga karne, at ang lungsod na ito ay ang palayok. Ngunit palalayasin kayo mula sa gitna ng lungsod na ito.
Dlatego tak mówi panujący Pan: Którzy są pobici od was, którycheście składali w pośrodku jego, oni są mięsem, a miasto kotłem; ale was wywiodą z pośrodku jego.
8 Kinatakutan ninyo ang espada, kaya dadalhin ko ang espada sa inyo—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Baliście się miecza; ale miecz przywiodę na was, mówi panujący Pan.
9 Dadalhin ko kayo palabas sa gitna ng lungsod, at ibibigay sa mga kamay ng mga dayuhan, sapagkat magdadala ako ng hatol laban sa inyo.
A wywiodę was z pośrodku jego, a podam was w ręce obcych, i wykonam nad wami sądy.
10 Babagsak kayo sa pamamagitan ng espada. Hahatulan ko kayo sa loob ng mga hangganan ng Israel kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!
Od miecza polężecie, na granicach Izraelskich osądzę was, i dowiecie się, żem Ja Pan.
11 Ang lungsod na ito ay hindi ninyo magiging lutuang palayok, ni magiging karne kayo sa kaniyang kalagitnaan. Hahatulan ko kayo sa loob ng mga hangganan ng Israel.
Miasto nie będzie wam kotłem, ani wy będziecie w pośród jego mięsem; na granicach Izraelskich osądzę was,
12 At malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang kautusan na hindi ninyo nilakaran at ang mga utos na hindi ninyo tinupad. Sa halip, tinupad ninyo ang mga utos ng mga bansang nakapalibot sa inyo.”
I dowiecie się, żem Ja Pan; ponieważeście w ustawach moich nie chodzili, a sądów moich nie czynili, aleście według sądów tych narodów, którzy około was są, czynili.
13 At nangyari ito habang ako ay nagpapahayag, namatay si Pelatia na anak na lalaki ni Benaias. Kaya nagpatirapa ako at umiyak ng may isang malakas na tinig at sinabi, “O, Panginoong Yahweh! Ganap mo bang lilipulin ang nalalabi sa Israel?”
A gdym prorokował, tedy Pelatyjasz, syn Banajaszowy, umarł: dlatego upadłem na twarz moję, a wołając głosem wielkim, rzekłem: Ach, panujący Panie! do gruntu wygładzisz ostatki Izraelskie.
14 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
I stało się słowo Pańskie do mnie, mówiąc:
15 “Anak ng tao, ang iyong mga kapatid! Ang iyong mga kapatid! Ang mga kalalakihan sa inyong angkan at ang lahat ng sambahayan ng Israel! Silang lahat na nagsabing mga naninirahan sa Jerusalem, 'Malayo na sila kay Yahweh! Ibinigay ang lupaing ito sa atin bilang ating pag-aari!'
Synu człowieczy! bracia twoi, bracia twoi, powinowaci twoi, i wszystek dom Izraelski, wszystek mówię dom, cić są, którym mówili obywatele Jeruzalemscy: Oddalcie się od Pana; namci dana jest ta ziemia w osiadłość.
16 Kaya sabihin mong, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: bagaman inalis ko sila palayo sa mga bansa, at bagaman ikinalat ko sila sa mga lupain, gayunpaman ako ang naging isang santuwaryo para sa kanila sa isang sandali sa mga lupain kung saan sila pumunta.'
Przetoż mów: Tak mówi panujący Pan: Chociażem ich daleko zagnał między narody, i chociażem ich rozproszył po ziemiach, wszakże będę im świątnicą i przez ten mały czas w ziemiach, do których przyjdą.
17 Kaya sabihin mong, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Titipunin ko kayo mula sa mga tao, at iipunin mula sa mga lupain kung saan kayo ikinalat, at ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Israel!'
Przetoż mów: Tak mówi panujący Pan: Zgromadzę was z narodów, a zbiorę was z ziem, do którycheście rozproszeni, i dam wam ziemię Izraelską.
18 Pagkatapos, pupunta sila doon at tatanggalin ang bawat kamuhi-muhing bagay at pagkasuklam mula sa lugar na iyon.
I wnijdą tam, a zniosą wszystkie splugawienia jej, i wszystkie jej obrzydliwości z niej.
19 At bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ng bagong espiritu kapag lumapit sila sa akin; tatanggalin ko ang pusong bato mula sa kanilang laman at bibigyan ko sila ng isang pusong laman,
Bo im dam serce jedno, i ducha nowego dam do wnętrzności waszych, i odejmę sece kamienne z ciała ich, a dam im serce mięsiste,
20 upang lumakad sila sa aking mga kautusan, tutuparin nila ang aking utos at gawin ang mga ito. At magiging mga tao ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.
Aby w ustawach moich chodzili, a sądów moich strzegli, i czynili je; i będą ludem moim, a Ja będę Bogiem ich.
21 Ngunit sa mga lumalakad ng may pagkabighani tungo sa kanilang kamuhi-muhing mga bagay at kanilang mga pagkasuklam, dadalhin ko ang kanilang gawa sa sarili nilang mga ulo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Ale którychby serce chodziło za żądzami plugastw swoich, i obrzydliwości swoich, tych drogę obrócę na głowy ich, mówi panujący Pan.
22 At itinaas ng kerubin ang kanilang mga pakpak at ang mga gulong na nasa tabi nila, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay pumaitaas sa ibabaw nila.
Tedy podnieśli Cherubinowie skrzydła swoje, i koła z nimi, a chwała Boga Izraelskiego była nad nimi z wierzchu.
23 At umakyat ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa loob sa gitna ng lungsod at tumayo sa bundok sa silangan ng lungsod.
I odeszła chwała Pańska z pośrodku miasta, a stanęła na górze, która jest na wschód miasta.
24 At itinaas ako ng Espiritu at dinala sa Caldea, sa mga binihag, sa pangitain mula sa Espiritu ng Diyos. At ang pangitaing aking nakita ay umakyat mula sa akin.
A duch podniósł mię, i zaś mię przywiódł do ziemi Chaldejskiej do pojmanych, w widzeniu w Duchu Bożym. I odeszło odemnie widzenie, którem widział.
25 Pagkatapos, ihinayag ko sa mga bihag ang lahat ng mga bagay na ipinakita sa akin ni Yahweh.
I mówiłem do pojmanych te wszystkie rzeczy Pańskie, które mi ukazał.

< Ezekiel 11 >