< Ezekiel 10 >

1 At tumingin ako sa pabilog na bubong na nasa itaas ng ulo ng kerubin; may lumitaw sa itaas nila tila isang sapiro na may anyong gaya ng isang trono.
καὶ εἶδον καὶ ἰδοὺ ἐπάνω τοῦ στερεώματος τοῦ ὑπὲρ κεφαλῆς τῶν χερουβιν ὡς λίθος σαπφείρου ὁμοίωμα θρόνου ἐπ’ αὐτῶν
2 At nagsalita si Yahweh sa lalaking nakasuot ng lino at sinabi, “Pumunta ka sa pagitan ng mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at pareho mong punuin ang iyong mga kamay ng mga nagliliyab na baga mula sa pagitan ng kerubin at ikalat ang mga ito sa buong lungsod.” At pumasok ang lalaki habang ako ay nakatingin.
καὶ εἶπεν πρὸς τὸν ἄνδρα τὸν ἐνδεδυκότα τὴν στολήν εἴσελθε εἰς τὸ μέσον τῶν τροχῶν τῶν ὑποκάτω τῶν χερουβιν καὶ πλῆσον τὰς δράκας σου ἀνθράκων πυρὸς ἐκ μέσου τῶν χερουβιν καὶ διασκόρπισον ἐπὶ τὴν πόλιν καὶ εἰσῆλθεν ἐνώπιόν μου
3 Tumayo ang kerubin sa kanang bahagi ng tahanan nang pumasok ang lalaki, at pinuno ng ulap ang dakong loob ng patyo.
καὶ τὰ χερουβιν εἱστήκει ἐκ δεξιῶν τοῦ οἴκου ἐν τῷ εἰσπορεύεσθαι τὸν ἄνδρα καὶ ἡ νεφέλη ἔπλησεν τὴν αὐλὴν τὴν ἐσωτέραν
4 Pumaitaas ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kerubin at tumayo sa bungad ng pintuan ng bahay; pinuno nito ang tahanan ng ulap, at puno ng liwanag ang patyo ng kaluwalhatian ni Yahweh.
καὶ ἀπῆρεν ἡ δόξα κυρίου ἀπὸ τῶν χερουβιν εἰς τὸ αἴθριον τοῦ οἴκου καὶ ἔπλησεν τὸν οἶκον ἡ νεφέλη καὶ ἡ αὐλὴ ἐπλήσθη τοῦ φέγγους τῆς δόξης κυρίου
5 At narinig ko ang tunog ng mga pakpak ng kerubin sa labas ng patyo, tulad sa tinig ng Makapangyarihang Diyos kapag siya ay nagsasalita.
καὶ φωνὴ τῶν πτερύγων τῶν χερουβιν ἠκούετο ἕως τῆς αὐλῆς τῆς ἐξωτέρας ὡς φωνὴ θεοῦ Σαδδαι λαλοῦντος
6 At nangyari ito nang inutusan ng Diyos ang lalaking nakasuot ng lino at sinabi, “Kumuha ka ng apoy mula sa pagitan ng dalawang gulong na nasa pagitan ng kerubin,” at pumasok ang lalaki at tumayo sa tabi ng isang gulong.
καὶ ἐγένετο ἐν τῷ ἐντέλλεσθαι αὐτὸν τῷ ἀνδρὶ τῷ ἐνδεδυκότι τὴν στολὴν τὴν ἁγίαν λέγων λαβὲ πῦρ ἐκ μέσου τῶν τροχῶν ἐκ μέσου τῶν χερουβιν καὶ εἰσῆλθεν καὶ ἔστη ἐχόμενος τῶν τροχῶν
7 Inabot ng isang kerub ang kaniyang kamay sa pagitan ng kerubin sa apoy na nasa gitna ng kerubin, at itinaas ito at inalagay ito sa mga kamay ng isang nakasuot ng lino. Kinuha ito ng lalaki at nagpunta sa labas.
καὶ ἐξέτεινεν τὴν χεῖρα αὐτοῦ εἰς μέσον τοῦ πυρὸς τοῦ ὄντος ἐν μέσῳ τῶν χερουβιν καὶ ἔλαβεν καὶ ἔδωκεν εἰς τὰς χεῖρας τοῦ ἐνδεδυκότος τὴν στολὴν τὴν ἁγίαν καὶ ἔλαβεν καὶ ἐξῆλθεν
8 Nakita ko sa kerubin ang isang bagay na tulad ng isang kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
καὶ εἶδον τὰ χερουβιν ὁμοίωμα χειρῶν ἀνθρώπων ὑποκάτωθεν τῶν πτερύγων αὐτῶν
9 Kaya tumingin ako, at hala! Apat na gulong ang nasa tabi ng kerubin—isang gulong bawat kerub—at ang anyo ng mga gulong ay tulad ng isang batong berila.
καὶ εἶδον καὶ ἰδοὺ τροχοὶ τέσσαρες εἱστήκεισαν ἐχόμενοι τῶν χερουβιν τροχὸς εἷς ἐχόμενος χερουβ ἑνός καὶ ἡ ὄψις τῶν τροχῶν ὡς ὄψις λίθου ἄνθρακος
10 Lumitaw silang apat na may pagkakahawig, tulad ng isang gulong na pinagsalikupan sa isa pang gulong.
καὶ ἡ ὄψις αὐτῶν ὁμοίωμα ἓν τοῖς τέσσαρσιν ὃν τρόπον ὅταν ᾖ τροχὸς ἐν μέσῳ τροχοῦ
11 Kapag gumalaw sila, pumunta sila sa kahit saanmang dako; hindi sila lumingon nang sila ay gumalaw sapagkat gumalaw sila patungo sa lugar kung saan nakaharap ang ulo. Hindi sila lumilingon kapag gumalaw na sila.
ἐν τῷ πορεύεσθαι αὐτὰ εἰς τὰ τέσσαρα μέρη αὐτῶν ἐπορεύοντο οὐκ ἐπέστρεφον ἐν τῷ πορεύεσθαι αὐτά ὅτι εἰς ὃν ἂν τόπον ἐπέβλεψεν ἡ ἀρχὴ ἡ μία ἐπορεύοντο καὶ οὐκ ἐπέστρεφον ἐν τῷ πορεύεσθαι αὐτά
12 Ang kanilang buong katawan—kasama ang kanilang mga likod, mga kamay, at mga pakpak—ay natakpan ng mga mata, at tinakpan din ng mga mata ang palibot ng apat na mga gulong.
καὶ οἱ νῶτοι αὐτῶν καὶ αἱ χεῖρες αὐτῶν καὶ αἱ πτέρυγες αὐτῶν καὶ οἱ τροχοὶ πλήρεις ὀφθαλμῶν κυκλόθεν τοῖς τέσσαρσιν τροχοῖς αὐτῶν
13 Habang nakikinig ako, tinawag ang mga gulong na, “Umiikot.”
τοῖς δὲ τροχοῖς τούτοις ἐπεκλήθη Γελγελ ἀκούοντός μου
14 May apat na mukha ang bawat isa; ang unang mukha ay mukha ng isang kerub, ang ikalawang mukha ay mukha ng isang tao, ang ikatlo ay mukha ng isang leon, at ang ika-apat ay mukha ng isang agila.
15 At pumaitaaas ang kerubin—ito ang mga nabubuhay na nilalang na nakita ko sa Ilog Kebar.
καὶ ἦραν τὰ χερουβιν τοῦτο τὸ ζῷον ὃ εἶδον ἐπὶ τοῦ ποταμοῦ τοῦ Χοβαρ
16 Kapag gumalaw ang kerubin, ang mga gulong ay sumasama sa kanilang tabi; at kapag itataas ng kerubin ang kanilang mga pakpak upang pumaitaas mula sa lupa, hindi umiikot ang mga gulong. Nananatili ang mga ito sa kanilang tabi.
καὶ ἐν τῷ πορεύεσθαι τὰ χερουβιν ἐπορεύοντο οἱ τροχοί καὶ οὗτοι ἐχόμενοι αὐτῶν καὶ ἐν τῷ ἐξαίρειν τὰ χερουβιν τὰς πτέρυγας αὐτῶν τοῦ μετεωρίζεσθαι ἀπὸ τῆς γῆς οὐκ ἐπέστρεφον οἱ τροχοὶ αὐτῶν
17 Kapag nakatayo pa rin ang mga kerubin, nananatili din ang mga gulong, at kapag pumapaitaas sila, pumapaitaas din ang mga gulong kasama nila, sapagkat ang espiritu ng nabubuhay na nilalang ay nasa mga gulong.
ἐν τῷ ἑστάναι αὐτὰ εἱστήκεισαν καὶ ἐν τῷ μετεωρίζεσθαι αὐτὰ ἐμετεωρίζοντο μετ’ αὐτῶν διότι πνεῦμα ζωῆς ἐν αὐτοῖς ἦν
18 At umalis ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa ibabaw ng bungad ng pintuan ng bahay at tumayo sa ibabaw ng kerubin.
καὶ ἐξῆλθεν δόξα κυρίου ἀπὸ τοῦ οἴκου καὶ ἐπέβη ἐπὶ τὰ χερουβιν
19 Itinaas ng kerubin ang kanilang mga pakpak at pumaitaas mula sa lupa sa aking paningin nang sila ay lumabas, at ganoon din ang ginawa ng mga gulong sa kanilang tabi. Tumayo sila sa silanganang pasukan sa tahanan ni Yahweh, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay dumating sa kanila mula sa itaas.
καὶ ἀνέλαβον τὰ χερουβιν τὰς πτέρυγας αὐτῶν καὶ ἐμετεωρίσθησαν ἀπὸ τῆς γῆς ἐνώπιον ἐμοῦ ἐν τῷ ἐξελθεῖν αὐτὰ καὶ οἱ τροχοὶ ἐχόμενοι αὐτῶν καὶ ἔστησαν ἐπὶ τὰ πρόθυρα τῆς πύλης οἴκου κυρίου τῆς ἀπέναντι καὶ δόξα θεοῦ Ισραηλ ἦν ἐπ’ αὐτῶν ὑπεράνω
20 Ito ang mga nabubuhay na nilalang na nakita ko sa ibaba ng Diyos ng Israel sa kanal Kebar, kaya alam kong mga kerubin sila!
τοῦτο τὸ ζῷόν ἐστιν ὃ εἶδον ὑποκάτω θεοῦ Ισραηλ ἐπὶ τοῦ ποταμοῦ τοῦ Χοβαρ καὶ ἔγνων ὅτι χερουβιν ἐστίν
21 Mayroon silang apat na mukha bawat isa at apat na mga pakpak, at ang pagkakahawig ng mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak;
τέσσαρα πρόσωπα τῷ ἑνί καὶ ὀκτὼ πτέρυγες τῷ ἑνί καὶ ὁμοίωμα χειρῶν ἀνθρώπου ὑποκάτωθεν τῶν πτερύγων αὐτῶν
22 at ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha na nakita ko sa pangitain sa kanal Kebar, at naunang pumaroon ng tuwiran ang bawat isa sa kanila.
καὶ ὁμοίωσις τῶν προσώπων αὐτῶν ταῦτα τὰ πρόσωπά ἐστιν ἃ εἶδον ὑποκάτω τῆς δόξης θεοῦ Ισραηλ ἐπὶ τοῦ ποταμοῦ τοῦ Χοβαρ καὶ αὐτὰ ἕκαστον κατὰ πρόσωπον αὐτῶν ἐπορεύοντο

< Ezekiel 10 >