< Exodo 7 >

1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.
ヱホバ、モーセに言たまひけるは視よ我汝をしてパロにおけること神のごとくならしむ汝の兄弟アロンは汝の預言者となるべし
2 Sasabihin mo ang lahat ng inutos kong sabihin mo. Ang kapatid mong si Aaron ay makikipag-usap kay Paraon para payagan niya ang bayan ng Israel na umalis mula sa kaniyang lupain.
汝はわが汝に命ずる所を盡く宣べし汝の兄弟アロンはパロに告ることを爲べし彼イスラエルの子孫をその國より出すに至らん
3 Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
我パロの心を剛愎にして吾徴と奇跡をエジプトの國に多くせん
4 Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa.
然どパロ汝に聽ざるべし我すなはち吾手をエジプトに加へ大なる罰をほどこして吾軍隊わが民イスラエルの子孫をエジプトの國より出さん
5 Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako si Yahweh kapag iniabot ko ang aking kamay sa Ehipto at inilabas ang mga Israelita mula sa kanila.”
我わが手をエジプトの上に伸てイスラエルの子孫をエジプト人の中より出す時には彼等我のヱホバなるを知ん
6 Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila.
モーセとアロン斯おこなひヱホバの命じたまへる如くに然なしぬ
7 Si Moises ay walumpung taong gulang, at si Aaaron ay walumpu't tatlong taong gulang nang nakipag-usap sila kay Paraon.
そのパロと談論ける時モーセは八十歳アロンは八十三歳なりき
8 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
ヱホバ、モーセとアロンに告て言たまひけるは
9 “Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'”
パロ汝等に語りて汝ら自ら奇蹟を行へと言時には汝アロンに言べし汝の杖をとりてパロの前に擲てよと其は蛇とならん
10 Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.
是に於てモーセとアロンはパロの許にいたりヱホバの命じたまひしごとくに行へり即ちアロンその杖をパロとその臣下の前に擲しに蛇となりぬ
11 Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka.
斯在しかばパロもまた博士と魔術士を召よせたるにエジプトの法術士等もその秘術をもてかくおこなへり
12 Bawat isang lalaki ay itinapon ang kaniyang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron ay nilamon ng kanilang mga ahas.
即ち彼ら各人その杖を投たれば蛇となりけるがアロンの杖かれらの杖を呑つくせり
13 Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh.
然るにパロの心剛愎になりて彼らに聽ことをせざりきヱホバの言たまひし如し
14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Matigas ang puso ni Paraon, at tumatanggi siyang payagang umalis ang ang mga tao.
ヱホバ、モーセに言たまひけるはパロは心頑にして民を去しむることを拒むなり
15 Pumunta ka kay Paraon sa umaga kapag lumabas siya papunta sa tubig. Tumayo ka sa pampang ng ilog para salabungin siya, at hawakan ang tungkod na naging ahas sa iyong kamay.
朝におよびて汝パロの許にいたれ視よ彼は水に臨む汝河の邊にたちて彼を逆ふべし汝かの蛇に化し杖を手にとりて居り
16 Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay pinadala ako sa iyo para sabihin, “Payagan mong umalis ang aking bayan, para sambahin nila ako sa ilang. Hanggang ngayon ay hindi ka nakikinig.”
彼に言ふべしヘブル人の神ヱホバ我を汝につかはして言しむ吾民を去しめて曠野にて我に事ふることを得せしめよ視よ今まで汝は聽入ざりしなり
17 Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo.
ヱホバかく言ふ汝これによりて我がヱホバなるを知ん視よ我わが手の杖をもて河の水を撃ん是血に變ずべし
18 Ang mga isda na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay mangangamoy. Ang mga taga-Ehipto ay hindi makakainom ng tubig mula sa ilog.”
而して河の魚は死に河は臭くならんエジプト人は河の水を飮ことを厭ふにいたるべし
19 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'”
ヱホバまたモーセに言たまはく汝アロンに言へ汝の杖をとりて汝の手をエジプトの上に伸べ流水の上河々の上池塘の上一切の湖水の上に伸て血とならしめよエジプト全國に於て木石の器の中に凡て血あるにいたらん
20 Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo.
モーセ、アロンすなはちヱホバの命じたまへるごとくに爲り即ち彼パロとその臣下の前にて杖をあげて河の水を撃しに河の水みな血に變じたり
21 Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto.
是において河の魚死て河臭くなりエジプト人河の水を飮ことを得ざりき斯エジプト全國に血ありき
22 Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
エジプトの法術士等もその秘術をもて斯のごとく行へりパロは心頑固にして彼等に聽ことをせざりきヱホバの言たまひし如し
23 Pagkatapos tumalikod si Paraon at nagpunta sa kaniyang bahay. Hindi man lamang niya binigyang pansin ito.
パロすなはち身をめぐらしてその家に入り此事にも心をとめざりき
24 Lahat ng mga taga-Ehipto ay naghukay sa palibot ng ilog para sa tubig na maiinom, pero hindi nila mainom ang mismong tubig ng ilog.
エジプト人河の水を飮ことを得ざりしかば皆飮水を得んとて河のまはりを掘たりヱホバ河を撃たまひてより後七日たちぬ
25 Pitong araw ang lumipas matapos salakayin ni Yahweh ang ilog.

< Exodo 7 >