< Exodo 5 >

1 Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.”
Depois entraram Moisés e Arão a Faraó, e lhe disseram: O SENHOR, o Deus de Israel, disse assim: Deixa ir meu povo a celebrar-me festa no deserto.
2 Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.”
E Faraó respondeu: Quem é o SENHOR, para que eu ouça sua voz e deixe ir a Israel? Não conheço o SENHOR, nem tampouco deixarei Israel ir.
3 Sinabi nila. “Ang Diyos ng mga Hebreo ay nakipagkita sa amin. Payagan mo kaming umalis at maglakbay ng tatlong araw doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na aming Diyos para hindi niya kami salakayin ng salot o may espada.”
E eles disseram: O Deus dos hebreus nos encontrou: iremos, pois, agora caminho de três dias pelo deserto, e sacrificaremos ao SENHOR nosso Deus; para que não venha sobre nós com pestilência ou com espada.
4 Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, “Moises at Aaron, bakit ninyo pinapaalis ang mga tao sa kanilang gawain? Bumalik kayo sa inyong gawain.”
Então o rei do Egito lhes disse: Moisés e Arão, por que fazeis cessar ao povo de sua obra? Ide a vossas cargas.
5 Sinabi rin niya, “Marami ng mga taong Hebreo ngayon sa aming lupain, at papatigilin mo sila sa kanilang gawain.”
Disse também Faraó: Eis que o povo da terra é agora muito, e vós lhes fazeis cessar de suas cargas.
6 Sa araw ding iyon, nagbigay ng utos si Paraon sa mga katiwala at mga mahihigpit na tagapangasiwa. Sinabi niya,
E mandou Faraó aquele mesmo dia aos capatazes do povo que o tinham à sua responsabilidade, e a seus governadores, dizendo:
7 “Hindi tulad noon, hindi na ninyo kailanman bibigyan ang mga tao ng dayami para gawing mga laryo. Pabayaan ninyong magtipon ng para sa kanilang sarili.
De aqui adiante não dareis palha ao povo para fazer tijolos, como ontem e antes de ontem; vão eles e recolham por si mesmos a palha;
8 Gayun pa man, dapat pa rin ninyong hihingiin sa kanila ang parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila noon. Huwag ninyong tanggapin ang anumang kakaunti, dahil sila ay tamad. Kaya nga sila ay tumatawag at sinasabing, 'Payagan ninyo kaming umalis at mag-alay sa aming Diyos.'
E haveis de pôr-lhes a tarefa dos tijolos que faziam antes, e não lhes diminuireis nada; porque estão ociosos, e por isso levantam a voz dizendo: Vamos e sacrificaremos a nosso Deus.
9 Dagdagan pa ang mga gawain ng mga kalalakihan para magpatuloy sila rito at hindi na papansinin ang mapanlinlang na mga salita.”
Agrave-se a servidão sobre eles, para que se ocupem nela, e não atendam a palavras de mentira.
10 Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo.
E saindo os capatazes do povo e seus governadores, falaram ao povo, dizendo: Assim disse Faraó: Eu não vos dou palha.
11 Kayo na sa inyong sarili ang umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahahanap, pero ang inyong gawain ay hindi mababawasan.”'
Ide vós, e recolhei palha de onde a achardes; que nada se diminuirá de vossa tarefa.
12 Kaya ang bayan ay nagsikalat sa buong lupain ng Ehipto para maka-ipon ng mga pinagputulan para sa dayami.
Então o povo se espalhou por toda a terra do Egito a colher restolho em lugar de palha.
13 Palagi silang hinihimok ng mahihigpit na tagapangasiwa at sinasabing, “Tapusin ninyo ang inyong trabaho, sa panahon na maibigay ang dayami sa inyo.”'
E os capatazes os apressavam, dizendo: Acabai vossa obra, a tarefa do dia em seu dia, como quando se vos dava palha.
14 Binubugbog ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ni Paraon ang mga katiwala na Israelita, iyon ding taong nilalagay nila bilang pinuno sa mga manggagawa. Palaging tinatanong ng mga mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila, “Bakit hindi ninyo naibibigay ang lahat ng hinihinging laryo sa inyo, maski kahapon at ngayon, na dati ninyong ginagawa?”
E açoitavam aos supervisores dos filhos de Israel, que os capatazes de Faraó haviam posto sobre eles, dizendo: Por que não cumpristes vossa tarefa de tijolos nem ontem nem hoje, como antes?
15 Kaya pumunta ang mga Israelitang katiwala kay Paraon at tumawag sa kaniya. Sinabi nila, “Bakit sa ganitong paraan ang pakikitungo mo sa iyong mga lingkod?
E os supervisores dos filhos de Israel vieram a Faraó, e se queixaram a ele, dizendo: Por que o fazes assim com teus servos?
16 Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan.”
Não se dá palha a teus servos, e, contudo, nos dizem: Fazei os tijolos. E eis que teus servos são açoitados, e teu povo cai em falta.
17 Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.'
E ele respondeu: Estais ociosos, sim, ociosos, e por isso dizeis: Vamos e sacrifiquemos ao SENHOR.
18 Kaya ngayon bumalik na kayo sa trabaho. Wala nang dayami ang ibibigay sa inyo, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo.”
Ide, pois, agora, e trabalhai. Não se vos dará palha, e haveis de dar a tarefa dos tijolos.
19 Nakita ng mga Israelitang katiwala na sila ay nasa panganib nang sinabihan silang, “Hindi ninyo babawasan ang araw-araw na bilang ng mga laryo.”
Então os supervisores dos filhos de Israel se viram em aflição, tendo lhes dito: Não se diminuirá nada de vossos tijolos, da tarefa de cada dia.
20 Nakipagkita sila kina Moises at Aaron na nakatayo sa labas ng palasyo, papalayo kay Paraon.
E encontrando a Moisés e a Arão, que estavam à vista deles quando saíam de Faraó,
21 Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
Disseram-lhes: Olhe o SENHOR sobre vós, e julgue; pois nos fizestes repulsivos diante de Faraó e de seus servos, dando-lhes a espada nas mãos para que nos matem.
22 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, “Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala?
Então Moisés se voltou ao SENHOR, e disse: Senhor, por que afliges a este povo? para que me enviaste?
23 Sa simula pa lang na pumunta ako kay Paraon para magsalita sa kaniya sa iyong pangalan, idinulot niya ang panganib para sa mga taong ito, at hindi mo pinalaya ang iyong bayan.”
Porque desde que vim a Faraó para falar-lhe em teu nome, afligiu a este povo; e tu tampouco livraste a teu povo.

< Exodo 5 >