< Exodo 4 >
1 Sumagot si Moises, “Pero paano kung hindi sila maniwala o makinig sa akin pero sa halip na sabihin, 'Si Yahweh ay hindi nagpakita sa iyo'?”
“Pero, ¿qué pasa si no me creen o no escuchan lo que digo?” Preguntó Moisés. “Podrían decir: ‘El Señor no se te apareció’”.
2 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ano iyang nasa kamay mo?” Sinabi ni Moises, “Isang tungkod.”
El Señor le preguntó: “¿Qué tienes en la mano?” “Un bastón”, respondió Moisés.
3 Sinabi ni Yahweh, “Ihagis mo ito sa lupa.” Inihagis ito ni Moises sa lupa, at ito ay naging isang ahas. Tumakbo si Moises palayo dito.
“Tíralo al suelo”, le dijo a Moisés. Así lo hizo Moisés. Se transformó en una serpiente y Moisés huía de ella.
4 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Damputin mo at hawakan ito sa buntot.” Kaya dinampot niya at hinawakan ang ahas. Naging tungkod ito muli sa kaniyang kamay.
“Ahora extiende la mano y agárrala por la cola”, le dijo el Señor a Moisés. Moisés lo hizo y se convirtió en un bastón en su mano.
5 “Ito ay para maniwala sila na si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob, ang nagpakita sa iyo.”
“Debes hacer esto para que crean que yo, el Señor, me aparecí delante de ti. E Dios de sus padres, el Dios de Abraham, Isaac y Jacob”.
6 Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, “Ngayon ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang ilabas niya ito, namasdan, na ang kaniyang kamay ay naging ketong, kasing puti ng niyebe.
El Señor le dijo: “Pon tu mano dentro de tus ropas cerca de tu pecho”. Así que Moisés hizo lo que se le dijo. Cuando sacó su mano, estaba blanca como la nieve, con una enfermedad de la piel.
7 Sinabi ni Yahweh, “Ilagay mo ulit ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal, at ng inilabas niya ito, nakita niya na naging malusog ito muli, tulad ng kaniyang ibang laman.
“Vuelve a meter la mano dentro de tu ropa”, dijo el Señor. Y Moisés lo hizo. Cuando la sacó de nuevo, su mano había vuelto a la normalidad.
8 Sinabi ni Yahweh, “Kung hindi sila maniniwala sa iyo—kung hindi nila bibigyang pansin ang unang palatandaan ng aking kapangyarihan o maniniwala dito, pagkatapos paniniwalaan nila ang ikalawang palatandaan.
“Si no te creen y no les convence la primera señal, creerán por la segunda señal”, explicó el Señor.
9 At kung hindi sila maniniwala kahit sa dalawang palatandaan ng aking kapangyarihan, o makikinig sa iyo, pagkatapos kumuha ka ng kaunting tubig mula sa ilog at ibuhos ito sa tuyong lupa. Ang tubig na iyong kinuha ay magiging dugo sa tuyong lupa.”
“Pero si todavía no te creen o no te escuchan debido a estos dos signos, entonces debes tomar un poco de agua del Nilo y ponerla en el suelo. El agua del Nilo se convertirá en sangre en el suelo”.
10 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, “Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila.”
Entonces Moisés dijo al Señor: “Discúlpame, pero no soy bueno con las palabras, ni lo he sido en el pasado, ni desde que comenzaste a hablar conmigo, tu siervo. Soy de hablar lento y no digo las cosas bien”.
11 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sino ba itong gumawa ng bibig ng tao? Sino bang gumawa sa taong pipi o bingi, nakakakita o bulag? Hindi ba ako, si Yahweh?
“¿Quién le dio la boca a la gente?” le preguntó el Señor. “¿Quién hace a la gente sorda o muda, capaz de ver o ciega? Soy yo, el Señor, quien lo hace.
12 Kaya ngayon lumakad ka at kasama mo ako sa iyong pananalita at tuturuan kita kung ano ang sasabihin.”
Ahora ve, y yo mismo seré tu boca, y te diré lo que debes decir”.
13 Pero sinabi ni Moises, “Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala.”
“Por favor, Señor, ¡envía a otra persona!” respondió Moisés.
14 Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso.
El Señor se enojó con Moisés y le dijo: “Ahí está tu hermano Aarón, el levita. Sé que habla bien. Viene camino para encontrarse contigo y se alegrará mucho de verte.
15 Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
Habla con él y dile qué decir. Yo seré tu boca y la suya, y te diré lo que debes hacer.
16 Magsasalita siya sa mga tao para sa iyo. Siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw sa kaniya ay magiging tulad ko, parang Diyos.
Aarón hablará en tu nombre al pueblo, como si fuera tu boca, y tú estarás en el lugar de Dios para él.
17 Dadalhin mo ang tungkod na ito sa iyong kamay. Sa pamamagitan nito gagawin mo ang mga palatandaan.”
Asegúrate de llevar tu bastón contigo para que puedas usarlo para hacer la señales”.
18 Kaya bumalik si Moises kay Jetro ang kaniyang biyenang lalaki, at sinabi sa kaniya, “Payagan mo akong umalis para makabalik sa aking mga kamag-anak na nasa Ehipto at makita ko kung buhay pa ba sila.” Sinabi ni Jetro kay Moises, “Lumakad ka nang may kapayapaan.”
Entonces Moisés regresó donde Jetro su suegro y le dijo: “Por favor, permíteme volver con mi propio pueblo en Egipto para ver si alguno de ellos sigue vivo”. “Ve con mi bendición”, respondió Jetro.
19 Sinabi ni Yahweh kay Moises sa Midian, “Lumakad ka, bumalik ka sa Ehipto, dahil lahat ng mga taong nagnanais kunin ang iyong buhay ay patay na.”
Mientras Moisés estaba en Madián, el Señor le dijo: “Vuelve a Egipto porque todos los que querían matarte han muerto”.
20 Dinala ni Moises ang kaniyang asawa at mga anak na lalaki at isinakay niya sila sa asno. Bumalik siya sa lupain ng Ehipto, at dinala niya ang tungkod ng Diyos na nasa kaniyang kamay.
Moisés puso a su esposa e hijos sobre un asno y regresó a Egipto, llevando el bastón que Dios había usado para hacer milagros.
21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
El Señor le dijo a Moisés: “Cuando regreses a Egipto, asegúrate de ir al Faraón y realizar los milagros que te he enseñado para que los hagas. Lo volveré terco y no dejará ir al pueblo.
22 Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
Pero esto es lo que debes decirle al Faraón: ‘Esto es lo que dice el Señor: Israel es mi hijo primogénito.
23 At sasabihin ko sa iyo, “Payagan mo ang aking anak na umalis, kaya siya ay sasamba sa akin.” Pero dahil ikaw ay tumangging paalisin siya, tiyak na papatayin ko ang iyong anak, ang iyong panganay.”'
Te ordené que dejaras ir a mi hijo para que pueda adorarme. Pero te negaste a liberarlo, así que ahora mataré a tu hijo primogénito’”.
24 Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
Pero mientras iban de camino, el Señor llegó al lugar donde se encontraban, queriendo matar a Moisés.
25 Pagkatapos kumuha si Zepora ng batong matulis at pinutol niya ang unahang balat ng kaniyang anak na lalaki, at inilapat ito sa paa ni Moises. Pagkatapos sinabi niya, “Sigurado ako na ikaw ang lalaking ikakasal sa akin sa pamamagitan ng dugo.”
Sin embargo, Séfora usó un cuchillo de pedernal para cortar el prepucio de su hijo. Le tocó los pies con él y le dijo: “Para mí eres un marido de sangre”.
26 Kaya hinayaan siya ni Yahweh na mag-isa. Sinabi niya, “Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo” dahil sa pagtutuli.
(Llamarlo marido de sangre se refiere a la circuncisión). Después de esto el Señor dejó a Moisés tranquilo.
27 Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Pumunta ka doon sa ilang para makipagkita kay Moises.” Pumunta si Aaron, at nakipagkita sa kaniya sa bundok ng Diyos, at hinalikan siya.
El Señor le había dicho a Aarón: “Ve a encontrarte con Moisés en el desierto”. Así que Aarón fue y se encontró con Moisés en el monte de Dios y lo saludó con un beso.
28 Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng mga salita ni Yahweh na ipinadala niya para sabihin at tungkol sa lahat ng mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh na iniutos niya na kaniyang gagawin.
Entonces Moisés le explicó a Aarón todo lo que el Señor le había mandado a decir, y todos los milagros que le había ordenado hacer.
29 Pagkatapos pumunta at tinipon nina Moises at Aaron ang lahat ng mga nakatatanda ng mga Israelita.
Moisés y Aarón viajaron a Egipto. Allí reunieron a todos los ancianos israelitas.
30 Sinabi ni Aaron ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh kay Moises. Ipinakita niya rin ang mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh sa paningin ng mga tao.
Aarón compartió con ellos todo lo que el Señor le había dicho a Moisés, y Moisés realizó los milagros para que pudieran verlos.
31 Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
Los israelitas estaban convencidos. Cuando oyeron que el Señor había venido a ellos, y que había sido tocado por su sufrimiento, inclinaron sus cabezas y adoraron.