< Exodo 34 >
1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Isusulat ko sa mga tipak na ito ang mga salita na nasa mga naunang tipak, ang tipak na iyong binasag.
The LORD said to Moses, “Chisel two stone tablets like the first. I will write on the tablets the words that were on the first tablets, which you broke.
2 Maghanda ka sa umaga at umakyat ka sa Bundok ng Sinai, at ipakita mo roon ang iyong sarili sa akin sa tuktok ng bundok.
Be ready by the morning, and come up in the morning to Mount Sinai, and present yourself there to me on the top of the mountain.
3 Walang sinumang aakyat kasama mo. Huwag mong hayaang kahit sino na makita kahit saan sa bundok. Walang mga kawan o pangkat ng mga hayop ang dapat manginain sa harap ng bundok”.
No one shall come up with you or be seen anywhere on the mountain. Do not let the flocks or herds graze in front of that mountain.”
4 Kaya pumutol si Moises ng dalawang tipak ng bato katulad sa mga nauna, at maaga siyang bumangon sa umaga at umakyat sa Bundok Sinai, ayon sa tagubilin ni Yahweh sa kaniya. Kinarga ni Moises ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang kamay.
He chiselled two tablets of stone like the first; then Moses rose up early in the morning, and went up to Mount Sinai, as the LORD had commanded him, and took in his hand two stone tablets.
5 Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.”
The LORD descended in the cloud, and stood with him there, and proclaimed the LORD’s name.
6 Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
The LORD passed by before him, and proclaimed, “The LORD! The LORD, a merciful and gracious God, slow to anger, and abundant in loving kindness and truth,
7 pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
keeping loving kindness for thousands, forgiving iniquity and disobedience and sin; and who will by no means clear the guilty, visiting the iniquity of the fathers on the children, and on the children’s children, on the third and on the fourth generation.”
8 Iniyuko agad ni Moses ang kaniyang ulo sa lupa at sumamba.
Moses hurried and bowed his head towards the earth, and worshipped.
9 “Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
He said, “If now I have found favour in your sight, Lord, please let the Lord go amongst us, even though this is a stiff-necked people; pardon our iniquity and our sin, and take us for your inheritance.”
10 Sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
He said, “Behold, I make a covenant: before all your people I will do marvels, such as have not been worked in all the earth, nor in any nation; and all the people amongst whom you are shall see the work of the LORD; for it is an awesome thing that I do with you.
11 Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Observe that which I command you today. Behold, I will drive out before you the Amorite, the Canaanite, the Hittite, the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite.
12 Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain kung saan kayo ay pupunta, o magiging patibong sila sa inyo.
Be careful, lest you make a covenant with the inhabitants of the land where you are going, lest it be for a snare amongst you;
13 Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
but you shall break down their altars, and dash in pieces their pillars, and you shall cut down their Asherah poles;
14 Hindi kayo dapat sumamba ng ibang diyos, dahil ako lang, si Yahweh, ang may pangalang 'Mapanibugho,' ako ang mapanibughong Diyos.
for you shall worship no other god; for the LORD, whose name is Jealous, is a jealous God.
15 Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
“Don’t make a covenant with the inhabitants of the land, lest they play the prostitute after their gods, and sacrifice to their gods, and one call you and you eat of his sacrifice;
16 Kahit kunin ninyo ang ilan sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, at ang kaniyang mga anak na babae ay gawing bayaran ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos, at ang inyong mga anak na lalaki ay gagawin nilang bayaran ang kanilang sarili para sa kanilang diyos.
and you take of their daughters to your sons, and their daughters play the prostitute after their gods, and make your sons play the prostitute after their gods.
17 Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
“You shall make no cast idols for yourselves.
18 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
“You shall keep the feast of unleavened bread. Seven days you shall eat unleavened bread, as I commanded you, at the time appointed in the month Abib; for in the month Abib you came out of Egypt.
19 Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa.
“All that opens the womb is mine; and all your livestock that is male, the firstborn of cow and sheep.
20 Dapat ninyong bilhin muli ang panganay na asno kasama ang kordero, pero kung hindi ninyo ito bibilhin ulit, kailangan baliin ninyo ang leeg nito. Dapat ninyong bilhin muli ang lahat ng panganay ninyong anak na lalaki. Walang haharap sa akin kahit isa na walang dala.
You shall redeem the firstborn of a donkey with a lamb. If you will not redeem it, then you shall break its neck. You shall redeem all the firstborn of your sons. No one shall appear before me empty.
21 Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
“Six days you shall work, but on the seventh day you shall rest: in ploughing time and in harvest you shall rest.
22 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga linggo kasama ang unang pag-aani ng trigo, at dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa huling araw ng taon.
“You shall observe the feast of weeks with the first fruits of wheat harvest, and the feast of harvest at the year’s end.
23 Dapat haharap sa akin ang lahat ng inyong lalaki, si Yahweh na Diyos ng Israel, tatlong beses sa bawat taon.
Three times in the year all your males shall appear before the Lord GOD, the God of Israel.
24 Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
For I will drive out nations before you and enlarge your borders; neither shall any man desire your land when you go up to appear before the LORD, your God, three times in the year.
25 Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.
“You shall not offer the blood of my sacrifice with leavened bread. The sacrifice of the feast of the Passover shall not be left to the morning.
26 Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”
“You shall bring the first of the first fruits of your ground to the house of the LORD your God. “You shall not boil a young goat in its mother’s milk.”
27 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel.”
The LORD said to Moses, “Write these words; for in accordance with these words I have made a covenant with you and with Israel.”
28 Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
He was there with the LORD forty days and forty nights; he neither ate bread, nor drank water. He wrote on the tablets the words of the covenant, the ten commandments.
29 Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos.
When Moses came down from Mount Sinai with the two tablets of the covenant in Moses’ hand, when he came down from the mountain, Moses didn’t know that the skin of his face shone by reason of his speaking with him.
30 Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, ang balat ng kaniyang mukha ay lumiliwanag, at natakot silang lumapit sa kaniya.
When Aaron and all the children of Israel saw Moses, behold, the skin of his face shone; and they were afraid to come near him.
31 Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang lahat ng pinuno sa komunidad ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos nakipag-usap si Moises sa kanila.
Moses called to them, and Aaron and all the rulers of the congregation returned to him; and Moses spoke to them.
32 Pagkatapos nito, ang lahat ng mga tao sa Israel ay lumapit kay Moises, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya sa Bundok ng Sinai.
Afterward all the children of Israel came near, and he gave them all the commandments that the LORD had spoken with him on Mount Sinai.
33 Nang natapos makipag-usap ni Moises sa kanila, naglagay siya ng takip sa kaniyang mukha.
When Moses was done speaking with them, he put a veil on his face.
34 Sa tuwing pupunta si Moises kay Yahweh para kausapin siya, inaalis niya ang takip. Pagkatapos ibabalik niya ang takip sa tuwing siya ay aalis. Lalabas siya sa kaniyang tolda at sasabihin sa mga Israelita kung ano ang mga naging tagubilin sa kaniya.
But when Moses went in before the LORD to speak with him, he took the veil off, until he came out; and he came out, and spoke to the children of Israel that which he was commanded.
35 Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.
The children of Israel saw Moses’ face, that the skin of Moses’ face shone; so Moses put the veil on his face again, until he went in to speak with him.