< Exodo 33 >
1 Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.'
Then spake Yahweh unto Moses—Get thee away, go up from hence, thou, and the people whom thou hast brought up out of the land of Egypt, —into the land of which I sware to Abraham to Isaac and to Jacob, saying, To thy seed, will I give it;
2 Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
And I will send before thee a messenger, -and will drive out the Canaanite, the Amorite, and the Hittite, and the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite;
3 Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan.”
into a land flowing with milk and honey, —for I will not go up in thy midst in that a stiff-necked people, thou art, lest I consume thee in the way.
4 Nang marinig ng mga tao ang mga nakakagambalang salitang ito, sila ay nagluksa, at walang ni isa man ang nagsuot ng anumang alahas.
And when the people heard these evil tidings, they afflicted themselves, —and they put not, any man, his ornaments upon him.
5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.'''
Then said Yahweh unto Moses—Say unto the sons of Israel, Ye, are a stiff-necked people, in one moment—if I should go up in thy midst, should I make an end of thee, —Now, therefore lay down thine ornaments from off thee, that I may see what I must do with thee.
6 Kaya walang suot na alahas ang mga Israelita pasulong mula sa Bundok Horeb.
So then the sons of Israel stripped themselves of their ornaments, [and moved on] from Mount Horeb.
7 Kinuha ni Moises ang isang tolda at itinayo ito sa labas ng kampo, nang may kalayuan sa kampo. Tinawag niya itong tolda ng pagpupulong. Ang sinumang magtanong kay Yahweh ng anumang bagay ay lalabas ng tolda ng pagpupulong, sa labas ng kampo.
And, Moses, proceeded to take a tent, and pitch it by itself outside the camp, afar off from the camp, and he called it, The Tent of Meeting, —and so it came to pass that whosoever was seeking Yahweh went out unto the tent of meeting, which was on the outside of the camp.
8 Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda, lahat ng tao ay tumatayo sa harap ng pasukan ng kanilang tolda at tinitingnan si Moises hanggang siya ay makapasok sa loob.
And it came about, that, when Moses went out unto the tent, all the people used to rise up, and station themselves every man at the opening of his tent, —and they watched Moses, until he entered the tent.
9 Kapag pumapasok si Moises sa tolda, ang haliging ulap ay bumababa at nananatili sa labas ng tolda, at nagsasalita si Yahweh kay Moises.
And it came to pass that when Moses entered the tent, the pillar of cloud came down, and stood at the opening of the tent, —and spake with Moses.
10 Kapag nakita ng mga tao ang haliging ulap na nananatili sa pasukan ng tolda, sila ay tumatayo at sumasamba, bawat lalaki sa kanilang sariling pasukan ng tolda.
And when all the people beheld the pillar of cloud, standing at the opening of the tent, then all the people rose up and bowed themselves down, every man at the entrance of his tent.
11 Kinakausap ni Yahweh si Moises ng harap-harapan, tulad ng isang lalaking nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos bumabalik si Moises sa kampo, pero ang kaniyang lingkod na si Josue anak ni Nun, isang binata, ay nananatili sa tolda.
Thus Yahweh used to speak unto Moses face to face, as a man speaketh unto his friend, —and when he returned unto the camp, his attendant Joshua son of Nun, a young man, moved not from the midst of the tent.
12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.'
Then said Moses, unto Yahweh, See! thou art saying unto me—Take up this people, and yet thou hast no let me know whom thou wilt send with me, —though thou thyself, didst say—I acknowledge thee by name, Yea, moreover, thou hast found favour in mine eyes.
13 Ngayon kung ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga paraan nang sa ganon ay makilala kita at patuloy na makatagpo ng pabor sa iyong paningin. Tandaan mo ang bayang ito ay iyong bayan.
Now, therefore, if, I pray thee, I have found favour in thine eyes, let me know, I beseech thee, thy way, that I may acknowledge thee, to the intent I may find favour in thine eyes, —see thou, therefore, that this nation is thine own people.
14 Sumagot si Yahweh, “Ang sarili kong presensiya ay sasama sa iyo, at bibigyan kita ng pahinga.”
So then he said, —Mine own presence, shall go on thus will I give thee rest.
15 Sinabi ni Moises sa kaniya, “Kung ang inyong presensiya ay hindi sasama sa amin, huwag mo kaming alisin mula rito.
And he said unto him, If thy presence is not going on, do not take us up from hence.
16 Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
Whereby, indeed, shall it be known then that I have found favour in thine eyes, I, and thy people? Shall it not be, by thy going on with us? So shall we be more distinguished, I, and thy people, than any people that are on the face of the ground.
17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin ko din ang bagay na ito na iyong hiniling, dahil ikaw ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin, at nakikilalamo ako sa pangalan.”
Then said Yahweh unto Moses: Even this thing, which thou hast spoken, will I do—For thou hast found favour in mine eyes, And I have acknowledged thee by name.
18 Sinabi ni Moises, “Pakiusap ipakita mo sa akin ang inyong kaluwalhatian.”
And he said, —Show me, I pray thee, thy glory.
19 Sinabi ni Yahweh, “Gagawin ko ang lahat ng aking kabutihan sa inyo, at ipapahayag ko ang aking pangalang 'Yahweh' sa inyo. Magiging maawain ako sa kaninoman na magiging maawain, at magpapakita ako ng habag sa kaninoman na magpapakita ng habag.”
And he said, —I, will cause all my goodness to pass before thee. And will proclaim myself by the name Yahweh, before thee, And will show favour, unto whom I may show favour, And will have compassion on whom I may have compassion.
20 Pero sinabi ni Yahweh, “Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.”
But he said—Thou canst not see my face, For no son of earth can see me, and live
21 Sinabi ni Yahweh, “Tingnan mo, dito ang isang lugar sa pamamagitan ko; tatayo ka sa batong ito.
And Yahweh, said, Lo! a place near me, —So then thou shalt station thyself upon the rock:
22 Habang dumaraan ang aking kaluwalhatian, ilalagay kita sa siwang ng bato at tatakpan kita gamit ang kamay ko hanggang sa makaraan ako.
And it shall be while my glory passeth by, I will put thee in the cleft of the rock, —and will cover thee with my hand while I pass by:
23 Pagkatapos aalisin ko ang aking kamay, at makikita mo ang aking likuran, pero hindi mo makikita ang aking mukha.
Then will I take away my hand, and thou shalt see behind me, But, my face, must not be seen.