< Exodo 32 >
1 Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, “Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.”
Le peuple, voyant que Moïse tardait à descendre de la montagne, s’attroupa autour d’Aaron et lui dit: "Allons! fais-nous un dieu qui marche à notre tête, puisque celui-ci, Moïse, l’homme qui nous a fait sortir du pays d’Égypte, nous ne savons ce qu’il est devenu."
2 Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
Aaron leur répondit: "Détachez les pendants d’or qui sont aux oreilles de vos femmes, de vos fils et de vos filles et me les apportez."
3 Kinuhang lahat ng mga tao ang mga gintong hikaw na nasa kanilang mga tainga at dinala ang mga ito kay Aaron.
Tous se dépouillèrent des pendants d’or qui étaient à leurs oreilles et les apportèrent à Aaron.
4 Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”
Ayant reçu cet or de leurs mains, il le jeta en moule et en fit un veau de métal; et ils dirent: "Voilà tes dieux, ô Israël, qui t’ont fait sortir du pays d’Égypte!"
5 Nang nakita ito ni Aaron, nagtayo siya ng isang altar sa harap ng guya at ginawa sa isang pagpapahayag, sinabi niya, “Bukas magkakaroon ng pagdiriwang sa karangalan ni Yahweh.
Ce que voyant, Aaron érigea devant lui un autel et il proclama: "A demain une solennité pour l’Éternel!"
6 Kinabukasan gumising ng maaga ang mga tao at nag-alay ng mga sinunog na handog at sama-samang nagdala ng mga alay. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom, at pagkatapos tumindig para makipag-inuman sa mahalay na pagdiriwang.
Ils s’empressèrent, dès le lendemain, d’offrir des holocaustes, d’amener des victimes rémunératoires; le peuple se mit à manger et à boire, puis se livra à des réjouissances.
7 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, “Umalis ka agad, dahil sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto, naging masama ang kanilang mga sarili.
Alors l’Éternel dit à Moïse: "Va, descends! car on a perverti ton peuple que tu as tiré du pays d’Égypte!
8 Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
De bonne heure infidèles à la voie que je leur avais prescrite, ils se sont fait un veau de métal et ils se sont courbés devant lui, ils lui ont sacrifié, ils ont dit: ‘Voilà tes dieux, Israël, qui t’ont fait sortir du pays d’Égypte!’"
9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Nakita ko ang bayang ito. Tingnan mo, sila ay mga taong mapagmatigas.
L’Éternel dit à Moïse: "Je vois que ce peuple est un peuple rétif.
10 Kaya pagkatapos, huwag mong subukang pigilan ko. Ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, kaya wawasakin ko sila. “Pagkatapos gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo.”
Donc, cesse de me solliciter, laisse s’allumer contre eux ma colère et que je les anéantisse, tandis que je ferai de toi un grand peuple!"
11 Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay?
Mais Moïse implora l’Éternel son Dieu, en disant:
12 Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan.
"Pourquoi, Seigneur, ton courroux menace-t-il ton peuple, que tu as tiré du pays d’Égypte avec une si grande force et d’une main si, puissante? Faut-il que les Égyptiens disent: ‘C’Est pour leur malheur qu’il les a emmenés, pour les faire périr dans les montagnes et les anéantir de dessus la face de la terre!’ Reviens de ton irritation et révoque la calamité qui menace ton peuple.
13 Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”
Souviens-toi d’Abraham, d’Isaac et d’Israël, tes serviteurs, à qui tu as juré par toi-même leur disant: Je ferai votre postérité aussi nombreuse que les étoiles du ciel; et tout ce pays que j’ai désigné, je le donnerai à votre postérité, qui le possédera pour jamais!"
14 Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.
L’Éternel révoqua le malheur qu’il avait voulu, infliger à son peuple.
15 Pagkatapos tumalikod si Moises at bumaba sa bundok, dala-dala ang dalawang tipak ng bato ng tipan ng kautusan sa kaniyang kamay. Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang gilid, sa harap at sa likuran.
Moïse redescendit de la montagne, les deux tables du Statut à la main, tables écrites sur leurs deux faces, d’un côté et de l’autre.
16 Ang mga tipak ng bato ay sariling gawa ng Diyos, at ang mga sulat ay sariling sulat ng Diyos, inukit sa mga tipak ng bato.
Et ces tables étaient l’ouvrage de Dieu; et ces caractères, gravés sur les tables, étaient des caractères divins.
17 Nang marinig ni Josue ang ingay ng mga tao na humihiyaw, sinabi niya kay Moises, “May ingay ng labanan doon sa kampo.”
Josué, entendant la clameur jubilante du peuple, dit à Moïse: "Des cris de guerre au camp!"
18 Pero sinabi ni Moises, “Hindi ito tunog ng isang tagumpay at hindi tunog ng natatalong mga tao, pero ang tunog ng umaawit ang aking naririnig.”
Moïse répondit: "Ce n’est point le bruit d’un chant de victoire, ce n’est point le cri annonçant une défaite; c’est une clameur affligeante que j’entends!"
19 Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
Or, comme il approchait du camp, il aperçut le veau et les danses. Le courroux de Moïse s’alluma; il jeta de ses mains les tables et les brisa au pied de la montagne.
20 Kinuha niya ang guya na ginawa ng mga tao, sinunog ito, dinurog ito para maging abo at ibinuhos ito sa tubig. Pagkatapos ipinainom niya ito sa bayan ng Israel.
Puis il prit le veau qu’on avait fabriqué, le calcina par le feu, le réduisit en menue poussière qu’il répandit sur l’eau et qu’il fit boire aux enfants d’Israël.
21 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?”
Moïse dit à Aaron: "Que t’avait fait ce peuple, pour que tu l’aies induit à une telle prévarication?"
22 Sinabi ni Aaron, “Huwag mong hayaan ang iyong galit ay sumiklab, aking panginoon. Alam mo ang mga taong ito, kung paano sila gumagawa ng kasamaan.
Aaron répondit: "Que mon seigneur ne se courrouce point; toi-même tu sais combien ce peuple est prompt au mal.
23 Sinabi nila sa akin, igawa mo kami ng diyos na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala palabas sa amin sa lupain ng Ehipto. hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
Ils m’ont dit: ‘Fabrique-nous un dieu qui marche à notre tête, puisque celui-ci, Moïse, l’homme qui nous a fait sortir du pays d’Égypte, nous ne savons ce qu’il est devenu.’
24 Kaya sinabi ko sa kanila, 'Kung sinuman ang mayroong anumang ginto, hayaang tanggalin niya ito. Binigay nila sa akin ang ginto at itinapon ko ito sa apoy, at ito ay naging isang guya.”
Je leur ai répondu: ‘Qui a de l’or?’ et ils s’en sont dépouillés et me l’ont livré; je l’ai jeté au feu et ce veau en est sorti."
25 Nakita ni Moises ang mga tao ay tumatakbo ng marahas, dahil hinayaan ni Aaron sila ay mawalan ng pagpipigil, para tuksuhin ang kanilang mga kaaway.
Moïse vit que le peuple était livré au désordre; qu’Aaron l’y avait abandonné, le dégradant ainsi devant ses ennemis
26 Pagkatapos tumayo si Moises sa pasukan ng kampo at sinabi, “Sinuman ang nasa panig ni Yahweh, pumunta sa akin.” Lahat ng mga Levita ay nagtipon sa paligid niya,
et Moïse se posta à la porte du camp et il dit: "Qui aime l’Éternel me suive!" Et tous les Lévites se groupèrent autour de lui.
27 Sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay.”
Il leur dit: "Ainsi a parlé l’Éternel, Dieu d’Israël: ‘Que chacun de vous s’arme de son glaive! passez, repassez d’une porte à l’autre dans le camp et immolez, au besoin, chacun son frère, son ami, son parent!’
28 Ginawa ng mga Levita ang inutos ni Moises. Sa araw na iyon ay mahigit tatlong libong lalaki mula sa bayan ang namatay,
Les enfants de Lévi se conformèrent à l’ordre de Moïse; et il périt dans le peuple, ce jour-là, environ trois mille hommes.
29 Sinabi ni Moises sa mga Levita, “Itinalaga kayo sa paglilingkod kay Yahweh sa araw na ito, dahil bawat isa sa inyo ay kumilos laban sa kaniyang anak na kaniyang kapatid na lalaki, kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng pagpapala sa araw na ito.”
Moïse dit: "Consacrez-vous dès aujourd’hui à l’Éternel, parce que chacun l’a vengé sur son fils, sur son frère et que ce jour vous a mérité sa bénédiction."
30 Kinabukasan sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng isang dakilang kasalanan. Ngayon aakyat ako kay Yahweh. Marahil maari akong gumawa ng pambayad sa inyong pagkakasala.”
Puis le lendemain, Moïse dit au peuple: "Pour vous, vous avez commis un grand péché! Et maintenant, je vais monter vers le Seigneur, peut-être obtiendrai-je grâce pour votre péché."
31 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan.
Moïse retourna vers le Seigneur et dit: "Hélas! Ce peuple est coupable d’un grand péché, ils se sont fait un dieu d’or;
32 Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat.”
et pourtant, si tu voulais pardonner à leur faute!… Sinon efface-moi du livre que tu as écrit."
33 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung sinuman ang nagkasala laban sa akin, ang taong iyon ay papawiin ko sa aking aklat.
Le Seigneur répondit à Moïse: "Celui qui a prévariqué envers moi, c’est lui que j’effacerai de mon livre.
34 Kaya ngayon lumakad ka, pangunahan mo ang bayan papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo. Tingnan, ang aking anghel ang mangunguna sa inyo. Pero sa araw na parusahan ko sila, paparusahan ko sila dahil sa kanilang pagkakasala.
Et maintenant va, conduis ce peuple où je t’ai dit; mon envoyé te précédera. Mais le jour où j’aurai à sévir, je leur demanderai compte de ce péché."
35 Pagkatapos nagpadala si Yahweh ng salot sa bayan dahil gumawa sila ng guya, ang isa na ginawa ni Aaron.
Ainsi l’Éternel châtia le peuple, comme auteur du veau qu’avait fabriqué Aaron.