< Exodo 30 >

1 Dapat kang gumawa ng altar para magsunog ng insenso. Dapat mong gawin ito sa kahoy ng akasya.
ועשית מזבח מקטר קטרת עצי שטים תעשה אתו
2 Ang haba nito ay dapat isang kubit, at ang lapad nito ay isang kubit. Ito ay dapat maging parisukat, at ang taas nito ay dapat dalawang kubit. Ang mga sungay nito ay dapat gawin bilang kaisang piraso nito.
אמה ארכו ואמה רחבו רבוע יהיה ואמתים קמתו ממנו קרנתיו
3 Dapat mong balutin ang altar ng insenso sa purong ginto—ang tuktok nito, ang mga gilid nito, at ang mga sungay nito. Dapat kang gumawa ng isang hangganang ginto sa palibot para dito.
וצפית אתו זהב טהור את גגו ואת קירתיו סביב--ואת קרנתיו ועשית לו זר זהב סביב
4 Dapat kang gumawa ng dalawang argolyang ginto para maisama dito sa ibaba ng hangganan nito sa dalawang magkabilang bahagi nito. Ang mga argolya ay dapat maging mga lalagyan ng mga baras para madala ang altar.
ושתי טבעת זהב תעשה לו מתחת לזרו על שתי צלעתיו--תעשה על שני צדיו והיה לבתים לבדים לשאת אתו בהמה
5 Dapat ninyong gawin ang mga baras sa kahoy ng akasya, at dapat ninyong balutin ang mga ito sa ginto.
ועשית את הבדים עצי שטים וצפית אתם זהב
6 Dapat ninyong ilagay ang altar ng insenso bago sa kurtina na nasa kaban ng mga kautusang tipan. Ito ay bago sa takip ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng mga kautusang tipan, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo.
ונתתה אתו לפני הפרכת אשר על ארן העדת--לפני הכפרת אשר על העדת אשר אועד לך שמה
7 Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
והקטיר עליו אהרן קטרת סמים בבקר בבקר בהיטיבו את הנרת--יקטירנה
8 Kapag sisindihan ni Aaron ang mga lampara muli sa gabi, dapat siyang magsunog ng insenso sa altar ng insenso. Dapat itong maging isang palagiang pagsusunog ng insenso sa harap ko, si Yahweh, sa buong salinlahi ng inyong bayan.
ובהעלת אהרן את הנרת בין הערבים יקטירנה--קטרת תמיד לפני יהוה לדרתיכם
9 Pero kayo ay mag-aalay ng walang ibang insenso sa altar ng insenso, o anumang pagsusunog ng alay o handog na pagkaing butil. Dapat mong buhusan ng walang inuming handog dito.
לא תעלו עליו קטרת זרה ועלה ומנחה ונסך לא תסכו עליו
10 Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
וכפר אהרן על קרנתיו אחת בשנה מדם חטאת הכפרים אחת בשנה יכפר עליו לדרתיכם--קדש קדשים הוא ליהוה
11 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
וידבר יהוה אל משה לאמר
12 “Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila.
כי תשא את ראש בני ישראל לפקדיהם ונתנו איש כפר נפשו ליהוה בפקד אתם ולא יהיה בהם נגף בפקד אתם
13 Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh.
זה יתנו כל העבר על הפקדים--מחצית השקל בשקל הקדש עשרים גרה השקל--מחצית השקל תרומה ליהוה
14 Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin.
כל העבר על הפקדים מבן עשרים שנה ומעלה--יתן תרומת יהוה
15 Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang.
העשיר לא ירבה והדל לא ימעיט ממחצית השקל--לתת את תרומת יהוה לכפר על נפשתיכם
16 Dapat mong tanggapin itong perang pambayad sa kasalanan mula sa mga Israelita at dapat mong ilaan ito para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ito ay dapat maging isang paalala sa mga Israelita sa akin, para gumawa ng pangtubos ng kasalanan para sa inyong mga buhay.”
ולקחת את כסף הכפרים מאת בני ישראל ונתת אתו על עבדת אהל מועד והיה לבני ישראל לזכרון לפני יהוה לכפר על נפשתיכם
17 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
וידבר יהוה אל משה לאמר
18 “Dapat ka ring gumawa ng isang malaking tansong palanggana na mayroong tansong tuntungan, isang palanggana para hugasan. Dapat mo itong ilagay sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at kailangan mo itong lagyan ng tubig.
ועשית כיור נחשת וכנו נחשת--לרחצה ונתת אתו בין אהל מועד ובין המזבח ונתת שמה מים
19 Si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat maghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa ng tubig nito.
ורחצו אהרן ובניו ממנו את ידיהם ואת רגליהם
20 Kapag pumasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod sa akin sa pagsusunog ng handog, dapat silang maghugas ng tubig sa gayon ay hindi sila mamatay.
בבאם אל אהל מועד ירחצו מים--ולא ימתו או בגשתם אל המזבח לשרת להקטיר אשה ליהוה
21 Dapat nilang hugasan ang kanilang mga kamay at paa para hindi sila mamatay. Dapat itong maging palagiang batas para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan sa buong salinlahi ng kanilang bayan.”
ורחצו ידיהם ורגליהם ולא ימתו והיתה להם חק עולם לו ולזרעו לדרתם
22 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
וידבר יהוה אל משה לאמר
23 “Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
ואתה קח לך בשמים ראש מר דרור חמש מאות וקנמן בשם מחציתו חמשים ומאתים וקנה בשם חמשים ומאתים
24 limandaang sekel ng kassia, sinukat sa timbang ng sekel ng santuwaryo, at isang hin ng langis ng olibo.
וקדה חמש מאות בשקל הקדש ושמן זית הין
25 Dapat kang gumawa ng banal na langis ng pagpapahid kasama ang mga sangkap na ito, ang gawa ng tagapagpabango. Ito ay magiging banal na langis ng pagpapahid, inilaan para sa akin.
ועשית אתו שמן משחת קדש--רקח מרקחת מעשה רקח שמן משחת קדש יהיה
26 Dapat mong basbasan ang tolda ng pagpupulong ng langis na ito, gayon din sa kaban ng kautusang tipan,
ומשחת בו את אהל מועד ואת ארון העדת
27 ang mesa at ang lahat ng mga kasangkapan nito, ang tuntungan ng ilaw at ng kasangkapan nito, ang altar ng insenso,
ואת השלחן ואת כל כליו ואת המנרה ואת כליה ואת מזבח הקטרת
28 ang altar para sa sinunog na mga alay kasama ng lahat ng mga kasangkapan nito, at ang palanggana kasama ng kaniyang tuntungan.
ואת מזבח העלה ואת כל כליו ואת הכיר ואת כנו
29 Dapat mong ilaan ang mga ito sa akin para ang mga ito ay ganap na mailaan sa akin. Ang anumang humawak sa kanila ay ibubukod din para sa akin.
וקדשת אתם והיו קדש קדשים כל הנגע בהם יקדש
30 Dapat mong basbasan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ilaan mo sila sa akin para sila ay maglingkod sa akin bilang mga pari.
ואת אהרן ואת בניו תמשח וקדשת אתם לכהן לי
31 Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Ito dapat ang langis ng pagpapahid na inilaan kay Yahweh sa buong salinlahi ng iyong bayan.
ואל בני ישראל תדבר לאמר שמן משחת קדש יהיה זה לי--לדרתיכם
32 Ito ay hindi dapat mailapat sa balat ng mga tao, o gumawa man lang kayo sa alinmang langis na kaparehong sangkap, dahil inilaan ito kay Yahweh. Dapat mong isaalang-alang ito sa ganitong paraan.
על בשר אדם לא ייסך ובמתכנתו לא תעשו כמהו קדש הוא קדש יהיה לכם
33 Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan.”
איש אשר ירקח כמהו ואשר יתן ממנו על זר--ונכרת מעמיו
34 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kumuha ng mga pampalasa—estacte, onycha, at galbano—matamis na mga pampalasa kasama ng purong kamanyang, ang bawat isa ay magsindami.
ויאמר יהוה אל משה קח לך סמים נטף ושחלת וחלבנה סמים ולבנה זכה בד בבד יהיה
35 Gawin ito sa paraan ng insenso, hinalo ng isang tagapagpabango, pinalasa ng asin, puro at inilaan sa akin.
ועשית אתה קטרת רקח מעשה רוקח ממלח טהור קדש
36 Gigilingin mo ito sa napakapinong paghalo. Maglagay ng bahagi nito sa harap ng kaban ng mga kautusang tipan, na nasa tolda ng pagpupulong, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo. Ituturing mo ito bilang ganap na pag-aalay sa akin.
ושחקת ממנה הדק ונתתה ממנה לפני העדת באהל מועד אשר אועד לך שמה קדש קדשים תהיה לכם
37 Bilang para sa insensong ito na iyong gagawin, hindi ka dapat gumawa ng anumang kaparehong mga sangkap para sa iyong sarili. Ito ay dapat maging pinakabanal sa iyo.
והקטרת אשר תעשה--במתכנתה לא תעשו לכם קדש תהיה לך ליהוה
38 Ang sinumang gumawa ng anumang gaya nito para gamitin bilang pabango ay dapat alisin mula sa kaniyang bayan.”
איש אשר יעשה כמוה להריח בה--ונכרת מעמיו

< Exodo 30 >