< Exodo 29 >
1 Ngayon ito ang dapat mong gawin sa pagtatalaga sa kanila sa akin para sila ay makapaglingkod bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang bahid,
Учинићеш им ово кад их станеш освештавати да ми врше службу свештеничку: узми теле и два овна здрава,
2 tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis. At saka kumuha ka ng apa na walang lebadurang pinahiran ng langis. Gawin mo ang mga apa gamit ang pino na trigong harina.
И хлебове пресне и колаче пресне замешене с уљем, и погаче пресне намазане уљем, од брашна пшеничног умеси их.
3 Dapat mo itong ilagay sa isang buslo, dalhin ang mga ito sa buslo, at ihandog mo kasama ang toro at dalawang lalaking tupa.
И метни их у једну котарицу, и принеси их у котарици с телетом и с два овна.
4 Dapat mong iharap si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Dapat mong paliguan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tubig.
И доведи Арона и синове његове пред врата шатора од састанка, и умиј их водом.
5 Dapat kang kumuha ng mga damit at damitan si Aaron kasama ang kapa, ang balabal ng efod, ang efod, at ang baluti, kabitan ng makinis na habing sinturon ng efod na nakapalibot sa kaniya.
И узевши хаљине обуци Арону кошуљу и плашт испод оплећка и оплећак и напрсник, и опаши га појасом од оплећка.
6 Dapat mong itakda ang turbante sa kaniyang ulo at ilagay ang banal na korona sa turbante.
И метни му капу на главу и свету плочу на капу.
7 Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.
И узми уље за помазање, и излиј му на главу, и помазаћеш га.
8 Dapat mong dalhin ang kaniyang mga anak na lalaki at ilagay ang mga kapa sa kanila.
И синове његове доведи и обуци им кошуље;
9 Dapat mong damitan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na may kasamang mga sintas at ilagay ang kanilang pamigkis sa ulo. Ang gawain ng pagkapari ay mabibilang na sa kanila sa pamamagitan ng palagiang batas. Sa ganitong paraan dapat mong gawing banal si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para sa kanilang paglilingkod sa akin.
И опаши их појасима, Арона и синове његове, и метни им капе на главе, да имају свештенство уредбом вечном. Тако ћеш посветити руке Арону и синовима његовим.
10 Dapat mong dalhin lahat ng toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
И доведи теле пред шатор од састанка, а Арон и синови његови нека метну руке телету на главу.
11 Dapat mong patayin ang mga toro sa aking harapan, si Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
И закољи теле пред Господом на вратима шатора од састанка.
12 Dapat mong kunin ang ilang dugo ng toro at ilagay mo ito sa sungay ng altar gamit ang iyong daliri, at dapat mong ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
И узевши крви од телета помажи рогове олтару прстом својим, а осталу крв сву пролиј на подножје олтару.
13 Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
И узми све сало по цревима, и мрежицу на јетри, и оба бубрега и сало око њих, и запали на олтару.
14 Pero ang laman ng mga toro, at ang balat at dumi, sunugin mo ito sa labas ng kampo. Ito ay handog para sa kasalanan.
А месо од телета и кожу и балегу спали огњем изван логора; то је жртва за грех.
15 Dapat mo ring kunin ang isang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
Потом узми овна једног, и на главу овну нека метну руке своје Арон и синови његови.
16 Dapat mong patayin ang lalaking tupa. Pagkatapos kunin ang dugo at isaboy ito sa magkabilang gilid ng altar.
И закољи овна и узми крви од њега и покропи олтар унаоколо.
17 Dapat mong hiwain ang lalaking tupa na pira-piraso at hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti, at ilagay mo ang lamang-loob, sabay ng pira-piraso at kasama ang ulo nito,
А овна изуди, и опери дроб и ноге, и метни их на удове његове и на главу.
18 sa altar. Pagkatapos sunugin ang buong lalaking tupa. Ito ay maging sinunog na handog sa akin, si Yahweh. Ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay magiging isang handog sa pamamagitan ng apoy.
И свега овна запали на олтару; то је жртва паљеница Господу, мирис угодан, жртва огњена Господу.
19 Dapat mong kunin ang iba pang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
Па узми и другог овна, и нека му метне Арон и синови његови руке своје на главу.
20 Pagkatapos dapat mong patayin ang lalaking tupa at kunin ang ilan sa dugo nito. Ilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, at sa dulo ng kanang tainga ng kaniyang mga anak na lalaki, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isaboy ang dugo sa magkabilang gilid ng altar.
И закољи тог овна, и узми крви од њега и помажи њом крај од десног уха Арону и крај од десног уха синовима његовим, и палац у десне руке њихове и палац у десне ноге њихове, а осталом крвљу покропи олтар унаоколо.
21 Dapat mong kunin ang ilan sa mga dugo na nasa altar at ilan sa binasbasang langis, at isaboy ang lahat ng ito kay Aaron at sa kaniyang mga damit, at saka sa kaniyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Ilalaan si Aaron para sa akin, at ang kaniyang mga damit, kasama niya ang kaniyang mga anak na lalaki at mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki.
И узми крви која буде на олтару и уља за помазање, и покропи Арона и хаљине његове, и синове његове и хаљине њихове, и биће свет он и хаљине његове и синови његови и хаљине њихове.
22 Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin.
Потом узми сало од овна и реп и сало што је по цревима и мрежицу на јетри и оба бубрега и сало око њих, и десно плеће; јер је ован посветни;
23 Kumuha ng isang tinapay, isang mamon ng tinapay na gawa sa langis, at isang apa sa labas ng buslo ng tinapay na walang lebadura na sa aking harapan, si Yahweh.
И један хлеб и један колач с уљем и једну погачу из котарице у којој буду пресни хлебови пред Господом.
24 Dapat mong ilagay ang mga ito sa kamay ni Aaron at sa kamay ng kaniyang mga anak na lalaki. Dapat nilang itaas ito sa aking harapan, si Yahweh, at ipapakita nila ito bilang paghahandog sa akin.
И то све метни у руке Арону и у руке синовима његовим, и обрћи тамо и амо, да буде жртва обртана пред Господом.
25 Dapat mong kunin ang mga pagkain galing sa kanilang mga kamay at sunugin ito sa altar kasama ang handog na susunugin. Ito ay magbibigay ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay handog na gawa sa apoy.
По том узми им то из руку, и запали на олтару сврх жртве паљенице, да буде мирис угодан пред Господом; то је жртва огњена Господу.
26 Dapat kang kumuha ng dibdib ng lalaking tupa na handog ni Aaron at itaas ito at ipapakita ito bilang handog para sa akin, si Yahweh. Pagkatapos ito ang bahagi na inyong kakainin.
И узми груди од овна посветног, који буде за Арона, и обртаћеш их тамо и амо, да буде жртва обртана пред Господом; и то ће бити твој део.
27 Dapat mong ihandog sa akin ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita— dibdib na itinaas at ang hita na ipinakita, kapwa nanggaling sa lalaking tupa para sa pagpapatunay kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin.
Тако ћеш осветити груди од жртве обртане и плеће од жртве подизане, шта је обртано и шта је подизано од овна посветног за Арона и за синове његове.
28 Ang mga bahagi ng laman na ito, na ibinigay ng mga Israelita, ay kailangang mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Sa pamamalakad para sa mga handog sa pagtitipon, ito ay maging handog para sa mga pari na kinuha mula sa mga handog ng mga Israelita na mga handog na ipinakita sa akin, si Yahweh.
И то ће бити Арону и синовима његовим уредбом вечном од синова Израиљевих, јер је жртва подизана. Кад је жртва подизана синова Израиљевих од њихових жртава захвалних, жртва подизана биће Господу.
29 Ang banal na mga damit ni Aaron ay dapat na isantabi para sa kaniyang mga anak na lalaki na susunod sa kaniya. Dapat silang basbasan at italaga ang mga ito sa akin.
А свете хаљине Аронове нека буду синовима његовим након њега да се помазују у њима и да им се у њима посвећују руке.
30 Ang pari na susunod sa kaniya mula sa kaniyang mga anak na lalaki, na nanggaling sa tolda ng pagpupulong para ako ay paglingkuran sa banal na lugar, ay kanilang isuot ang ganoong mga damit sa loob ng pitong araw.
Седам дана нека их облачи који на његово место буде свештеник између синова његових, који ће улазити у шатор од састанка да служи у светињи.
31 Dapat mong kunin ang lalaking tupa para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin at pakuluan ang laman nito sa banal na lugar.
А овна посветног узми и скувај месо од њега на месту светом.
32 Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang laman ng lalaking tupa at tinapay na nakalagay sa buslo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
И Арон и синови његови нека на вратима шатора од састанка једу месо од тог овна и хлеб што је у котарици.
33 Dapat nilang kainin ang laman at tinapay na binigay para pambayad ng kasalanan nila at sa pagtatalaga sa kanila, para ilaan sa akin. Walang ibang kakain ng pagkain, dahil dapat nila itong ituring na banal at ilaan para sa akin.
Нека га једу они за које је било очишћење да би им се посветиле руке да би били посвећени; а други да не једе, јер је ствар света.
34 Kung alinman sa laman ng itinalagang handog, o alinman sa tinapay ay maiwan sa susunod na umaga, dapat sunugin na ninyo ito. Hindi ito dapat kainin dahil ito ay itinalaga na sa akin.
Ако ли би остало шта меса посветног или хлеба до јутра, онда што остане сажежи огњем, а да се не једе, јер је ствар света.
35 Sa ganitong paraan, sa pagsunod sa lahat ng iniutos ko sa iyo na gawin, dapat mong pakitunguhan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Dapat kang kumuha ng pitong araw para italaga sila sa akin.
И тако учини Арону и синовима његовим по свему што ти заповедих; седам дана светићеш им руке.
36 Bawat araw dapat kang maghandog ng toro bilang isang handog pambayad para sa kasalanan. Dalisayin mo ang altar sa pamamagitan ng paggamit ng pambayad para sa kasalanan nito, at kailangan mo itong buhusan ng langis para sa pagtatalaga sa akin.
И сваки ћеш дан приносити на жртву теле за грех ради очишћења; и очистићеш олтар чинећи очишћење на њему, и помазаћеш га да се освети.
37 Sa pitong araw dapat kang gumawa ng pambayad para sa kasalanan para sa altar at italaga ito kay Yahweh. Pagkatapos ang altar ay ganap na italaga sa akin. Anumang paghahawak sa altar ay ibubukod para kay Yahweh.
Седам дана чинићеш очишћење на олтару и осветићеш га, те ће олтар бити светиња над светињама; шта се год дотакне олтара, биће свето.
38 Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
И ово ћеш приносити на олтару: два јагњета од године сваки дан без прекида.
39 Dapat kang maghandog ng isang tupa sa umaga, at ang isang tupa ay ihandog mo sa paglubog ng araw.
Једно јагње приноси јутром а друго приноси вечером,
40 Kasama ang unang tupa, maghandog ng ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ikaapat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog.
И још десетину ефе пшеничног брашна смешана с уљем цеђеним, ког да буде четврт ина, и налив вина, четврт ина на једно јагње.
41 Dapat kang maghandog ng pangalawang tupa sa paglubog ng araw. Dapat kang maghandog ng pagkaing butil sa umaga at parehong inuming handog. Ang mga ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ang magiging handog na gawa para sa akin sa apoy.
А друго јагње принеси увече; као са жртвом јутарњом и с наливом њеним тако и с овом чини да буде мирис угодан, жртва огњена Господу.
42 Ang mga ito ay magiging palagiang handog na susunugin sa buong salinlahi ng inyong bayan. Dapat mong gawin ang mga ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa aking harapan, si Yahweh, kung saan ako makikipagkita para makipag-usap sa iyo.
То нека буде жртва паљеница свагда од колена до колена вашег на вратима шатора од састанка пред Господом, где ћу се састајати с вама да говорим с тобом.
43 Doon kung saan ako makikipagkita sa mga Israelita; ang tolda ay ihihiwalay para sa akin sa aking kaluwalhatian.
И онде ћу се састајати са синовима Израиљевим, да се освећује славом мојом.
44 Itatalaga ko ang tolda ng pagpupulong at ang altar para ang mga ito ay mabilang sa akin lamang. Itatalaga ko rin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para maglingkod sa akin bilang mga pari.
И осветићу шатор од састанка и олтар; и Арона и синове његове осветићу да су ми свештеници.
45 Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at kanilang magiging Diyos.
И наставаћу међу синовима Израиљевим, и бићу им Бог.
46 Malalaman nila na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos, na kumuha sa kanila palabas mula sa lupain ng Ehipto kaya ako ay maninirahan kasama nila. Ako si Yahweh, kanilang Diyos.
И познаће да сам ја Господ Бог њихов, који сам их извео из земље мисирске да наставам међу њима, ја Господ Бог њихов.