< Exodo 28 >
1 Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
汝イスラエルの子孫の中より汝の兄弟アロンとその子等すなはちアロンとその子ナダブ、アビウ、エレアザル、イタマルを汝に至らしめて彼をして我にむかひて祭司の職をなさしむべし
2 Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
汝また汝の兄弟アロンのために聖衣を製りて彼の身に顯榮と榮光あらしむべし
3 Dapat mong sabihin sa lahat ng mga tao nang may katalinuhan sa puso, pinuno ko sila ng espiritu ng karunungan, para makagawa sila ng mga kasuotan ni Aaron para itakda siyang nakahiwalay para maglingkod sa akin bilang pari.
汝凡て心に智慧ある者すなはち我が智慧の霊を充しおきたる者等に語りてアロンの衣服を製しめ之を用てアロンを聖別て我に祭司の職をなさしむべし
4 Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
彼等が製るべき衣服は是なり即ち胸牌エポデ明衣間格の裏衣頭帽および帶彼等汝の兄弟アロンとその子等のために聖衣をつくりて彼をして祭司の職を我にむかひてなすことをえせしむべし
5 Dapat gumamit ang mga manggagawang lalaki ng pinong lino na ginto, asul, lilak at matingkad na pula.
即ち彼等金靑紫紅の糸および麻糸をとりて用ふべし
6 Dapat silang gumawa ng efod na ginto, asul, lilak at matingkad na pulang lana, at ng pinulupot na pinong lino. Dapat gawa ito ng isang bihasang manggagawang lalaki.
又金靑紫紅の線および麻の撚糸をもて巧にエポデを織なすべし
7 Dapat mayroon itong dalawang pirasong pambalikat na nakakabit sa itaas ng dalawang sulok.
エポデには二の肩帶をほどこしその兩の端を連ねて之を合すべし
8 Ang makinis na habing sinturon ay dapat kagaya ng efod; dapat gawa ito sa isang piraso kasama ng efod, na gawa sa nakapilipit na pinong lino na ginto, asul, lilak, at matingkad na pula.
エポデの上にありてこれを束ぬるところの帶はその物同うしてエポデの製のごとくにすべし即ち金靑紫紅の糸および麻の撚糸をもてこれを作るべし
9 Dapat kang kumuha ng dalawang batong oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel.
汝二箇の葱珩をとりてその上にイスラエルの子等の名を鐫つくべし
10 Anim sa kanilang mga pangalan ay dapat nasa isang bato, at ang anim na pangalan dapat ay nasa ibang bato, ayon sa kanilang kapanganakan.
即ち彼等の誕生にしたがひてその名六を一の玉に鐫りその遺餘の名六を外の玉に鐫べし
11 Sa pamamagitan ng gawa ng mang-uukit ng bato, kagaya ng pag-ukit sa isang selyo, dapat mong ipaukit ang dalawang bato kasama ng mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel. Dapat mong ilagay ang mga bato sa lalagyang ginto.
玉に雕刻する人の印を刻が如くに汝イスラエルの子等の名をその二の玉に鐫つけその玉を金の槽に嵌べし
12 Dapat mong ilagay ang dalawang bato sa mga pirasong pambalikat ng efod, para maging mga bato para magpapaalala kay Yahweh sa mga anak na lalaki ni Israel. Si Aaron ang magdadala ng kanilang mga pangalan sa harap ni Yahweh sa kaniyang dalawang balikat bilang isang paalala sa kaniya.
この二の玉をエポデの肩帶の上につけてイスラエルの子等の記念の玉とならしむべし即ちアロン、ヱホバの前において彼等の名をその兩の肩に負て記念とならしむべし
13 Dapat kang gumawa ng mga lalagyang ginto
汝金の槽を作るべし
14 at dalawang mga tinirintas na kadena sa purong ginto kagaya ng mga tali, at dapat mong ikabit ang mga kadena sa mga lalagyan.
而して純金を組て紐の如き二箇の鏈を作りその組る鏈をかの槽につくべし
15 Dapat kang gumawa ng isang baluti para sa paggawa ng desisyon, ang gawa ng isang bihasang manggagawang lalaki, gaya ng pagkakagawa ng efod. Gawin ito sa ginto, sa asul, lilak, at matingkad na pulang lana, at sa pinong lino.
汝また審判の胸牌を巧に織なしエポデの製のごとくに之をつくるべし即ち金靑紫紅の線および麻の撚糸をもてこれを製るべし
16 Ito ay parisukat. Dapat mong tiklupin ng doble ang baluti. Dapat isang dangkal ang haba at isang dangkal ang lapad nito.
是は四角にして二重なるべく其長は半キユビトその濶も半キユビトなるべし
17 Dapat mong ilagay ito sa apat na hanay ng mahalagang mga bato. Ang unang hanay ay dapat may isang rubi, isang topaz, at isang karbungko.
汝またその中に玉を嵌て玉を四行にすべし即ち赤玉黄玉瑪瑙の一行を第一行とすべし
18 Ang ikalawang hanay ay dapat may isang esmeralda, isang sapiro, at isang dyamante.
第二行は紅玉靑玉金剛石
19 Ang pangatlong hanay ay dapat may isang hasinto, isang agata, at isang amatista.
第三行は深紅玉 白瑪瑙 紫玉
20 Ang pang-apat na hanay ay dapat may isang berilo, isang oniks, at isang haspe. Dapat nakakabit ito sa mga lalagyang ginto.
第四行は黄緑玉 葱珩 碧玉 凡て金の槽の中にこれを嵌べし
21 Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi.
その玉はイスラエルの子等の名に循ひその名のごとくにこれを十二にすべし而してその十二の支派の各々の名は印を刻ごとくにこれを鐫つくべし
22 Dapat kang gumawa sa baluti ng mga kadena kagaya ng mga tali, tinirintas na gawa sa purong ginto.
汝純金を紐のごとくに組たる鏈を胸牌の上につくべし
23 Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto para sa baluti at kailangang ikabit ang mga ito sa dalawang dulo ng baluti.
また胸牌の上に金の環二箇を作り胸牌の兩の端にその二箇の環をつけ
24 Dapat mong ikabit ang dalawang kadenang ginto sa dalawang kanto ng baluti.
かの金の紐二條を胸牌の端の二箇の環につくべし
25 Dapat ikabit mo ang kabilang dulo ng dalawang kadenang tinirintas sa dalawang lalagyan. Pagkatapos dapat ikabit mo ang mga ito sa dalawang pambalikat sa harap ng efod.
而してその二條の紐の兩の端を二箇の槽に結ひエポデの肩帶の上につけてその前にあらしむべし
26 Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto, at dapat ilagay mo ang mga ito sa kabila ng dalawang kanto ng baluti, sa dulo ito bago sa panloob na hangganan.
又二箇の金の環をつくりて之を胸牌の兩の端につくべし即ちそのエポデに對ふところの内の邊に之をつくべし
27 Dapat kang gumawa ng dalawa pang singsing na ginto, at dapat mong ikabit ito sa ilalim ng dalawang pambalikat sa harap ng efod, malapit ito sa pinagtahian sa itaas ng pinong habing sintas sa baywang ng efod.
汝また金の環二箇を造りてこれをエポデの兩旁の下の方につけその前の方にてその聯接る處に對ひてエポデの帶の上にあらしむべし
28 Dapat talian ang baluti sa bawat mga singsing nito patungo sa mga singsing ng epod sa pamamagitan ng isang asul na tali, para ito ay maikabit sa itaas lamang ng habing sinturon sa baywang ng efod. Para hindi na matanggal ang baluti mula sa efod.
胸牌は靑紐をもてその環によりて之をエポデの環に結ひつけエポデの帶の上にあらしむべし然せば胸牌エポデを離るること無るべし
29 Kapag si Aaron ay papasok sa banal na lugar, dapat dalhin niya ang mga pangalan ng mga labindalawang anak na lalaki ni Israel sa baluti para gumawa ng mga desisyon sa kaniyang puso. Magsisilbi ito bilang isang palagiang paalala kay Yahweh.
アロン聖所に入る時はその胸にある審判の胸牌にイスラエルの子等の名を帶てこれをその心の上に置きヱホバの前に恒に記念とならしむべし
30 Dapat ang Urim at Tummim ay ilagay sa baluti para sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga ito ay dapat nasa dibdib ni Aaron kapag siya ay pupunta sa harap ni Yahweh, dapat palaging dala ni Aaron sa kaniyang dibdib ang paggawa ng mga desisyon para sa mga Israelita sa harap ni Yahweh.
汝審判の胸牌にウリムとトンミムをいれアロンをしてそのヱホバの前に入る時にこれをその心の上に置しむべしアロンはヱホバの前に常にイスラエルの子孫の審判を帶てその心の上に置べし
31 Dapat kang gumawa ng balabal ng epod na lahat ay galing sa telang lilak.
エポデに屬する明衣は凡てこれを靑く作るべし
32 Dapat mayroon itong isang bukasan sa gitna para sa ulo. Dapat habiin ang gilid ng bukasan paikot para hindi ito mapunit. Dapat gawa ito ng isang manghahabi.
頭をいるる孔はその眞中に設くべし又その孔の周圍には織物の縁をつけて鎧の領盤のごとくになして之を綻びざらしむべし
33 Sa dulo ng laylayan, dapat kang gumawa ng mga granada na asul, lilak, at matingkad na pulang tali sa lahat ng palibot. Mga gintong kampanilya ay dapat paikot sa pagitan nila.
その裾には靑紫紅の糸をもて石榴をつくりてその裾の周圍につけ又四周に金の鈴をその間々につくべし
34 Dapat mayroong isang gintong kampanilya at isang granada, isang gintong kampanilya at isang granada na magkakasunod-sunod sa palibot ng laylayan ng balabal.
即ち明衣の据には金の鈴に石榴又金の鈴に石榴とその周圍につくべし
35 Dapat isuot ni Aaron ang balabal kapag maglilingkod siya, para marinig ang tunog nito kapag papasok siya sa banal na lugar sa harap ni Yahweh at kapag aalis siya. Nang sa gayon, hindi siya mamamatay.
アロン奉事をなす時にこれを著べし彼が聖所にいりてヱホバの前に至る時また出きたる時にはその鈴の音聞ゆべし斯せば彼死ることあらじ
36 Dapat kang gumawa ng plato sa purong gintong at iukit dito, katulad ng nakaukit sa isang selyo, HANDOG KAY YAHWEH.
汝純金をもて一枚の前板を作り印を刻がごとくにその上にヱホバに聖と鐫つけ
37 Dapat mong ikabit ang plato na ito sa isang asul na tali patungo sa harap ng turbante.
之を靑紐につけて頭帽の上にあらしむべし即ち頭帽の前の方にこれをつくべし
38 Dapat nasa noo ito ni Aaron; dapat palaging siyang magdadala ng anumang pagkakasala na nakakabit sa pag-aalay ng banal na mga regalo ng mga Israelita na handog kay Yahweh. Dapat ang turbante ay palaging nasa noo niya para tanggapin ni Yahweh ang kanilang mga regalo.
是はアロンの額にあるべしアロンはイスラエルの子孫が献ぐるところの聖物すなはちその献ぐる諸の聖き供物の上にあるとこるの罪を負べしこの板をば常にアロンの額にあらしむべし是ヱホバの前に其等の受納られんためなり
39 Dapat kang gumawa ng kasuotang gawa sa pinong lino, at dapat kang gumawa ng isang turbante na pinong lino. Dapat ka ring gumawa ng isang sintas, na gawa ng isang taga-burda.
汝麻糸をもて裏衣を間格に織り麻糸をもて頭帽を製りまた帶を繍工に織なすべし
40 Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
汝またアロンの子等のために裏衣を製り彼らのために帶を製り彼らのために頭巾を製りてその身に顯榮と榮光あらしむべし
41 Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
而して汝これを汝の兄弟アロンおよび彼とともなるその子等に着せ膏を彼等に灌ぎこれを立てこれを聖別てこれをして祭司の職を我になさしむべし
42 Dapat mo silang igawa ng mga linong salawal para matakpan ang kanilang mga pribadong parte, salawal para takpan sila mula sa baywang hanggang sa mga hita.
又かれらのためにその陰所を蔽ふ麻の褌を製り腰より髀に達らしむべし
43 Dapat isuot ito ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki kapag papasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lalapit sila sa altar para maglingkod sa banal na lugar. Dapat nila itong gawin para hindi sila magdala ng pagkakasala at mamatay. Mananatili itong isang alituntunin para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan kasunod niya.
アロンとその子等は集會の幕屋に入る時又は祭壇に近づきて聖所に職事をなす時はこれを著べし斯せば愆をかうむりて死ることなからん是は彼および彼の後の子孫の永く守るべき例なり