< Exodo 27 >

1 Dapat kang gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya, limang kubit ang haba at limang kubit ang luwag. Dapat ang altar ay parisukat na may tatlong kubit na taas.
Facies et altare de lignis setim, quod habebit quinque cubitus in longitudine, et totidem in latitudine, id est, quadrum, et tres cubitos in altitudine.
2 Dapat kang gumawa ng karugtong na apat na mga sulok ng parisukat na mga anyong sungay. Gagawin ang mga sungay bilang isang bahagi ng altar, at dapat mong balutin ito ng tanso.
Cornua autem per quatuor angulos ex ipso erunt: et operies illud ære.
3 Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso.
Faciesque in usus ejus lebetes ad suscipiendos cineres, et forcipes atque fuscinulas, et ignium receptacula; omnia vasa ex ære fabricabis.
4 Dapat kang gumawa ng rehas na bakal para sa altar, tanso ang sangkap. Gumawa ng tansong argolya sa bawat apat na mga sulok ng rehas na bakal.
Craticulamque in modum retis æneam: per cujus quatuor angulos erunt quatuor annuli ænei.
5 Dapat kang maglagay ng rehas sa ilalim ng pasamano ng altar, kalahatian pababa hanggang ilalim.
Quos pones subter arulam altaris: eritque craticula usque ad altaris medium.
6 Dapat kang gumawa ng mga poste para sa altar, mga poste na kahoy ng akasya, at dapat mong balutin ang mga ito ng tanso.
Facies et vectes altaris de lignis setim duos, quos operies laminis æneis:
7 Dapat mailagay ang mga poste sa mga argolya, at ang mga poste ay dapat nasa dalawang tagiliran ng altar, para madala ito.
et induces per circulos, eruntque ex utroque latere altaris ad portandum.
8 Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.
Non solidum, sed inane et cavum intrinsecus facies illud, sicut tibi in monte monstratum est.
9 Dapat kang gumawa ng isang patyo para sa tabernakulo. Dapat may mga nakasabit sa bahaging timog ng patyo, mga nakasabit na pinong pinulupot na lino na isang daang kubit ang haba.
Facies et atrium tabernaculi, in cujus australi plaga contra meridiem erunt tentoria de bysso retorta: centum cubitos unum latus tenebit in longitudine.
10 Dapat ang mga nakasabit ay may dalawampung mga poste, na may dalawampung tansong mga pundasyon. Dapat mayroon ding mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at gayundin sa pilak na mga baras.
Et columnas viginti cum basibus totidem æneis, quæ capita cum cælaturis suis habebunt argentea.
11 Gayundin naman sa tabi ng hilagang bahagi, dapat mayroong mga nakasabit na isang daang kubit ang haba na may dalawampung mga poste, dalawampung tansong mga pundasyon, mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at pilak na mga baras.
Similiter et in latere aquilonis per longum erunt tentoria centum cubitorum, columnæ viginti, et bases æneæ ejusdem numeri, et capita earum cum cælaturis suis argentea.
12 Sa tabi ng patyo sa kanlurang bahagi dapat mayroong kurtinang limampung kubit ang haba. Dapat mayroong sampung mga poste at sampung mga pundasyon.
In latitudine vero atrii, quod respicit ad occidentem, erunt tentoria per quinquaginta cubitos, et columnæ decem, basesque totidem.
13 Ang patyo ay dapat ding limampung kubit ang haba sa silangang bahagi.
In ea quoque atrii latitudine, quæ respicit ad orientem, quinquaginta cubiti erunt.
14 Ang mga nakasabit para sa isang dako ng pasukan ay dapat labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste na may tatlong mga pundasyon,
In quibus quindecim cubitorum tentoria lateri uno deputabuntur, columnæque tres et bases totidem:
15 Ang ibang bahagi rin ay dapat mayroong mga nakasabit na labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste at tatlong mga pundasyon.
et in latere altero erunt tentoria cubitos obtinentia quindecim, columnæ tres, et bases totidem.
16 Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon.
In introitu vero atrii fiet tentorium cubitorum viginti ex hyacintho et purpura, coccoque bis tincto, et bysso retorta, opere plumarii: columnas habebit quatuor, cum basibus totidem.
17 Ang lahat ng mga poste ng patyo ay dapat mayroong pilak na mga baras, pilak na mga kalawit at tansong mga pundasyon.
Omnes columnæ atrii per circuitum vestitæ erunt argenteis laminis, capitibus argenteis, et basibus æneis.
18 Ang haba ng patyo ay dapat isang daang kubit, ang lapad ay limampung kubit at ang taas ay limang kubit na may pinong pinulupot na lino ang lahat ng mga nakasabit sa tabi at ang mga pundasyon ay tanso.
In longitudine occupabit atrium cubitos centum, in latitudine quinquaginta, altitudo quinque cubitorum erit: fietque de bysso retorta, et habebit bases æneas.
19 Lahat ng kasangkapan na gagamitin sa tabernakulo at ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay dapat gawa sa tanso.
Cuncta vasa tabernaculi in omnes usus et cæremonias, tam paxillos ejus quam atrii, ex ære facies.
20 Dapat mong utusan ang mga Israelita na magdala ng purong langis ng pinisang olibo para sa ilawan para magpapatuloy itong masunog.
Præcipe filiis Israël ut afferant tibi oleum de arboribus olivarum purissimum, piloque contusum, ut ardeat lucerna semper
21 Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na nasa harapan ng tipan ng kautusan, si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat panatilihin ang mga ilawan mula sa gabi hanggang sa umaga sa harapan ni Yahweh. Ang utos na ito ay magiging isang walang hanggang kautusan magpakailanman sa buong mga salinlahi sa bansa ng Israel.
in tabernaculo testimonii, extra velum quod oppansum est testimonio. Et collocabunt eam Aaron et filii ejus, ut usque mane luceat coram Domino. Perpetuus erit cultus per successiones eorum a filiis Israël.

< Exodo 27 >