< Exodo 2 >
1 Ngayon isang lalaki sa lipi ng mga Levi ang nakapag-asawa ng isang babaeng Levi.
有肋末家族的一個男子娶了肋末家族的一個女人為妻。
2 Nabuntis ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nang makita niya na malusog ang bata, itinago niya ito ng tatlong buwan.
這女人懷孕生了一個兒子,見他俊美,就把他藏了三個月。
3 Pero nang hindi na siya maitago nila, kumuha siya ng isang basket na papirus at sinelyohan ito ng aspalto at alkitran. Pagkatapos nilagay niya dito ang bata at inilagay ito sa mga tambo sa tubig sa tabi ng ilog.
以後不能再藏了,就拿了一個蒲草筐子,塗上瀝青和石漆,把孩子放在裏面,將筐放在尼羅河邊的蘆葦叢中。
4 Ang kaniyang kapatid na babae ay nakatayo sa may hindi kalayuan para tingnan kung anong mangyayari sa kaniya.
孩子的姐姐遠遠的站著,想知道孩子究竟怎樣。
5 Ang anak na babae ni Paraon ay nagpunta sa ilog para maligo doon habang naglalakad ang kaniyang mga katulong sa tabing ilog. Nakita niya ang basket kasama ng mga tambo at pinapuntahan niya sa kaniyang katulong para kunin ito.
當時法朗的一個公主下到尼羅河邊洗澡,使女們在河邊上徘徊。公主發現蘆葦叢中那個筐子,就吩咐自己的使女將筐子取來。
6 Nang buksan niya ito, nakita niya ang bata. Masdan ito, ang bata ay umiiyak. Siya ay nahabag sa kaniya at sinabing, “Ito ay tiyak na isa sa mga sanggol ng mga Hebreo.”
她打開一看,見有一個孩子正在哭涕,就動了可憐他的心說:「這必是一個希伯來人的孩子。」
7 Pagkatapos sinabi ng kapatid na babae ng bata sa anak na babae ni Paraon, “Maaari ba akong pumunta at kumuha ng isang babaeng Hebreo para alagaan ang sanggol para sa iyo?”
孩子的姐姐就對法朗的公主說:「你願意我從希伯來婦女中給你請一個奶媽,為你乳養這個孩子嗎﹖」
8 Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa kaniya, “Pumunta ka”. Kaya nagpunta ang batang babae at kinuha ang ina ng sanggol.
法兩的公主回答說:「你去罷! 」少女便去叫了孩子的母親來。
9 Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa ina ng bata, “Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at bibigyan kita ng mga kabayaran.” Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inalagaan siya.
法朗的公主對她說:「你將這孩子抱去,為我乳養他,我必給你工錢。」那婦人就接過去,乳養這個孩子。
10 Nang lumaki na ang sanggol, siya ay dinala niya sa anak na babae ni Paraon, at siya ay naging lalaking anak niya. Pinangalanan niya siyang Moises at sinabing, “Dahil inahon kita mula sa tubig”
孩子長大了,那婦人就把他帶到公主那裏;公主遂收他作自己的兒子,給他起名叫梅瑟,說:「因為我從水裏拉出了他。」梅瑟逃往米德楊
11 Nang lumaki na si Moises, pumunta siya sa kaniyang bayan at inobserbahan ang kanilang mahirap na gawain. Nakita niya ang isang taga-Ehipto na sinasaktan ang isang Hebreo, isa sa kaniyang sariling bayan.
過了許久梅瑟已經長大,有一次出去探望自己的同胞,看見他們作苦工,又見一個埃及人打他的一個同胞希伯來人;
12 Lumingon siya sa magkabilang banda, at nang makita niya na walang tao doon, pinatay niya ang taga-Ehipto at tinago ang kaniyang katawan sa buhangin.
他向四面一望,見沒有人,便將那埃及人打死,將他埋在沙土中。
13 Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?”
第二天他又出去,見兩個希伯來人打架,就對那無理的一方說:「你為什麼打你同族的人﹖」
14 Pero sinabi ng lalaki “Sino ang gumawa sa iyong pinuno at hatulan kami? Pinaplano mo ba akong patayin gaya ng iyong pagpatay sa taga-Ehipto?” Pagkatapos natakot si Moises at sinabing, “Anuman ang ginawa ko ay tiyak na nalaman ng iba.”
那人回答說:「誰立了你作我們的首領和判官﹖難到你想殺我,像殺那埃及仁一樣嗎﹖」梅瑟就害怕了,心裏想:「那事一定叫人知道了! 」
15 Ngayon nang marinig ni Paraon ang tungkol dito, sinubukan niyang patayin si Moises. Pero tumakas si Moises mula kay Paraon at nanatili sa lupain ng Midian. Umupo siya doon sa tabi ng isang balon.
法朗聽說這事,就想殺死梅瑟;而梅瑟卻離開法朗逃走,去了米德楊地,坐在井邊。
16 Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama.
米德楊的司祭有七個女兒,她們來打水,灌滿水槽,要飲父親的羊群。
17 Dumating ang mga pastol at sinubukang palayasin sila, pero lumapit si Moises at tinulungan sila. Pagkatapos pinainom niya ang kanilang mga kawan.
別的牧童來了,趕走了她們;,梅瑟便起來保護了她們,也飲了她們的羊。
18 Nang pumunta ang mga babae kay Reuel na kanilang ama, sinabi niya, “Bakit maaga kayong nakauwi ngayong araw?”
她們回到父親勒烏爾那裏,父親問她們說:「你們今天為什麼回來的這麼快﹖」
19 Sinabi nila, “Tinulungan kami ng isang taga-Ehipto mula sa mga pastol. Ipinag-igib pa nga niya kami ng tubig at pinainom ang mga kawan.”
她們回答說:「有一個埃及人救我們擺脫了牧童的手,還給我們打水飲了羊群。」
20 Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, “Kaya nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makasabay natin siyang kumain.”
他對女兒們說:「他在那裏﹖你們為什麼撇下他﹖去請他來吃飯! 」
21 Sumang-ayon si Moises na manatili siya kasama ang lalaki, na binigay rin ang kaniyang anak na babae na si Zipora para mapangasawa.
於是梅瑟決定住在那人那裏,那人將自己的女兒漆頗辣給了梅瑟為妻。
22 Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom; sinabi niya, “Ako ay naging isang mamamayan sa isang dayuhang lupain.”
她生了一個兒子,梅瑟給他起名叫革爾熊,因為他說:「我在外方作了旅客。」
23 Lumipas ang isang mahabang panahon, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang mga Israelita ay dumaing dahil sa kanilang pagkaalipin. Sila ay humingi ng tulong, at ang kanilang daing ay nakarating sa Diyos dahil sa kanilang pagkaalipin.
過了很久,埃及王死了。那時以色列子民由於勞苦工作,都嘆息唉號:他們因勞役所發出的求救聲,升到天主面前。
24 Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
天主聽見了他們的哀號,就記起了他與亞巴郎、依撒格和雅各伯所立的盟約。
25 Nakita ng Diyos ang mga Israelita, at naunawaan niya ang kanilang kalagayan.
天主遂眷顧了以色列子民,特別垂念她們。