< Exodo 18 >

1 Narinig ni Jetro na pari ng Midian, na biyenan na lalaki ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita na kaniyang bayan. Narinig niya na dinala ni Yahweh palabas sa Ehipto ang Israel.
When Iethro the Priest of Midian Moses father in lawe heard all that God had done for Moses, and for Israel his people, and howe the Lord had brought Israel out of Egypt,
2 Kinuha ni Jetro na biyenan ni Moises si Zippora na asawa ni Moises, matapos niyang pabalikin sa kanilang tahanan.
Then Iethro the father in lawe of Moses, tooke Zipporah Moses wife, (after he had sent her away)
3 At ang kaniyang dalawang anak na lalaki; Ang Pangalan ng isa niyang anak ay si Gersom, dahil sinabi ni Moises, “Naging dayuhan ako sa isang dayuhang lupain.”
And her two sonnes, (whereof the one was called Gershom: for he sayd, I haue bene an aliant in a strange land:
4 Ang isa niyang anak ay pinangalanang Eliezer, dahil sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ninuno ay aking saklolo. Niligtas niya ako mula sa espada ni Paraon.”
And the name of the other was Eliezer: for the God of my father, said he, was mine helpe, and deliuered me from the sword of Pharaoh)
5 Dumating si Jetro, na biyenan ni Moises, kasama ang mga anak na lalaki at asawa ni Moises sa ilang kung saan sila nagkampo sa bundok ng Diyos.
And Iethro Moses father in law came with his two sonnes, and his wife vnto Moses into the wildernes, where he camped by ye mout of God.
6 Sinabi niya kay Moises, “Ako na iyong biyenan na si Jetro, kasama ang iyong asawa at ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay pupunta sa iyo.”
And he said to Moses, I thy father in law Iethro am come to thee, and thy wife and her two sonnes with her.
7 Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
And Moses went out to meete his father in law, and did obeisance and kissed him, and eche asked other of his welfare: and they came into the tent.
8 Isinalaysay ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki ang lahat ng ginawa ni Yahweh kay Paraon at sa mga taga-Ehipto alang-alang sa kapakanan ng Israel, tungkol sa lahat ng mga paghihirap na dumating sa kanilang paglalakbay, at kung paano sila niligtas ni Yahweh.
Then Moses told his father in law all that the Lord had done vnto Pharaoh, and to the Egyptians for Israels sake, and all the trauaile that had come vnto them by the way, and howe the Lord deliuered them.
9 Nagalak si Jetro sa kabila ng lahat ng mabuting nagawa ni Yahweh para sa Israel, dahil niligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
And Iethro reioyced at all the goodnesse, which the Lord had shewed to Israel, and because he had deliuered them out of the hande of the Egyptians.
10 Sinabi ni Jetro, “Purihin nawa si Yahweh, dahil niligtas niya kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto at mula sa kamay ng Paraon, at pinalaya niya ang bayan mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
Therfore Iethro sayd, Blessed be the Lord who hath deliuered you out of the hande of the Egyptians, and out of the hand of Pharaoh: who hath also deliuered the people from vnder the hand of the Egyptians.
11 Ngayon alam ko na si Yahweh ay dakila kaysa lahat ng mga diyos, dahil niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan nang pinagmalupitan ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
Now I know that the Lord is greater then all the gods: for as they haue dealt proudly with them, so are they recompensed.
12 Nagdala si Jetro, na biyenan na lalaki ni Moises, ng sinunog na handog at alay para sa Diyos. Nagpunta si Aaron at lahat ng mga nakatatanda ng Israel para kumain kasama ang biyenan na lalaki ni Moises sa harap ng Diyos.
Then Iethro Moses father in lawe tooke burnt offerings and sacrifices to offer vnto God. And Aaron and all the Elders of Israel came to eat bread with Moses father in law before God.
13 Kinabukasan umupo si Moises para hatulan ang mga tao. Tumayo ang mga tao sa palibot ni Moises, mula umaga hanggang gabi.
Now on the morow, when Moses sate to iudge the people, the people stoode about Moses from morning vnto euen.
14 Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?”
And when Moses father in law saw all that he did to the people, he sayde, What is this that thou doest to the people? why sittest thou thy selfe alone, and all the people stande about thee from morning vnto euen?
15 Sinabi ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki, “Lumapit ang mga tao sa akin para hingin ang direksyon ng Diyos.
And Moses sayd vnto his father in law, Because the people come vnto me to seeke God.
16 Pumupunta sila sa akin kapag nagtatalo sila. Hinahatulan ko ang pagitan ng bawat isa, at itinuturo ko sa kanila ang mga kautusan at mga batas ng Diyos.”
When they haue a matter, they come vnto me, and I iudge betweene one and another, and declare the ordinances of God, and his lawes.
17 Sinabi ni Jetro kay Moises, “Hindi mabuti ang iyong ginagawa.
But Moses father in law said vnto him, The thing which thou doest, is not well.
18 Tiyak na manghihina ka, ikaw at ang lahat ng taong pumupunta sa iyo, dahil ang pasanin na ito ay labis na napakabigat para sa iyo. Hindi mo ito kayang gawin sa pamamagitan ng iyong sarili.
Thou both weariest thy selfe greatly, and this people that is with thee: for the thing is too heauie for thee: thou art not able to doe it thy selfe alone.
19 Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya.
Heare nowe my voyce, (I will giue thee counsell, and God shalbe with thee) be thou for the people to Godwarde, and report thou the causes vnto God,
20 Dapat mong ituro sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga batas. Dapat mong ipakita sa kanila ang daang nararapat lakaran at gawain ang nararapat.
And admonish them of the ordinances, and of the lawes, and shew them the way, wherein they must walke, and the worke that they must do.
21 At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo.
Moreouer, prouide thou among al the people men of courage, fearing God, men dealing truely, hating couetousnesse: and appoynt such ouer them to be rulers ouer thousandes, rulers ouer hundreths, rulers ouer fifties, and rulers ouer tennes.
22 Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo.
And let them iudge the people at all seasons: but euery great matter let them bring vnto thee, and let them iudge all small causes: so shall it be easier for thee, when they shall beare the burden with thee.
23 Kung gagawin mo ito, at kung inatasan ka ng Diyos na gawin ito, hindi ka mahihirapan at makakauwi na nasisiyahan ang bayan sa kanilang tahanan.”
If thou do this thing, (and God so command thee) both thou shalt be able to endure, and all this people shall also go quietly to their place.
24 Kaya nakinig si Moises sa mga salita ng kaniyang biyenan na lalaki at ginawa ang lahat ng kaniyang sinabi.
So Moses obeyed the voyce of his father in law, and did all that he had sayd:
25 Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
And Moses chose men of courage out of all Israel, and made them heads ouer the people, rulers ouer thousandes, rulers ouer hundreths, rulers ouer fifties, and rulers ouer tennes.
26 Hinatulan nila ang mga tao sa mga karaniwang pangyayari. Dinala nila kay Moises ang mabigat na mga kaso, pero sila na mismo ang humahatol sa mga maliliit na mga kaso.
And they iudged the people at all seasons, but they brought the hard causes vnto Moses: for they iudged all small matters themselues.
27 Pagkatapos hinayaan ni Moises na umalis ang kaniyang biyenan na lalaki, at bumalik si Jetro sa kaniyang sariling lupain.
Afterward Moses let his father in law depart, and he went into his countrey.

< Exodo 18 >