< Exodo 18 >

1 Narinig ni Jetro na pari ng Midian, na biyenan na lalaki ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita na kaniyang bayan. Narinig niya na dinala ni Yahweh palabas sa Ehipto ang Israel.
摩西的岳父,米甸祭司叶忒罗,听见 神为摩西和 神的百姓以色列所行的一切事,就是耶和华将以色列从埃及领出来的事,
2 Kinuha ni Jetro na biyenan ni Moises si Zippora na asawa ni Moises, matapos niyang pabalikin sa kanilang tahanan.
便带着摩西的妻子西坡拉,就是摩西从前打发回去的,
3 At ang kaniyang dalawang anak na lalaki; Ang Pangalan ng isa niyang anak ay si Gersom, dahil sinabi ni Moises, “Naging dayuhan ako sa isang dayuhang lupain.”
又带着西坡拉的两个儿子,一个名叫革舜,因为摩西说:“我在外邦作了寄居的”;
4 Ang isa niyang anak ay pinangalanang Eliezer, dahil sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ninuno ay aking saklolo. Niligtas niya ako mula sa espada ni Paraon.”
一个名叫以利以谢,因为他说:“我父亲的 神帮助了我,救我脱离法老的刀。”
5 Dumating si Jetro, na biyenan ni Moises, kasama ang mga anak na lalaki at asawa ni Moises sa ilang kung saan sila nagkampo sa bundok ng Diyos.
摩西的岳父叶忒罗带着摩西的妻子和两个儿子来到 神的山,就是摩西在旷野安营的地方。
6 Sinabi niya kay Moises, “Ako na iyong biyenan na si Jetro, kasama ang iyong asawa at ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay pupunta sa iyo.”
他对摩西说:“我是你岳父叶忒罗,带着你的妻子和两个儿子来到你这里。”
7 Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
摩西迎接他的岳父,向他下拜,与他亲嘴,彼此问安,都进了帐棚。
8 Isinalaysay ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki ang lahat ng ginawa ni Yahweh kay Paraon at sa mga taga-Ehipto alang-alang sa kapakanan ng Israel, tungkol sa lahat ng mga paghihirap na dumating sa kanilang paglalakbay, at kung paano sila niligtas ni Yahweh.
摩西将耶和华为以色列的缘故向法老和埃及人所行的一切事,以及路上所遭遇的一切艰难,并耶和华怎样搭救他们,都述说与他岳父听。
9 Nagalak si Jetro sa kabila ng lahat ng mabuting nagawa ni Yahweh para sa Israel, dahil niligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
叶忒罗因耶和华待以色列的一切好处,就是拯救他们脱离埃及人的手,便甚欢喜。
10 Sinabi ni Jetro, “Purihin nawa si Yahweh, dahil niligtas niya kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto at mula sa kamay ng Paraon, at pinalaya niya ang bayan mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
叶忒罗说:“耶和华是应当称颂的;他救了你们脱离埃及人和法老的手,将这百姓从埃及人的手下救出来。
11 Ngayon alam ko na si Yahweh ay dakila kaysa lahat ng mga diyos, dahil niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan nang pinagmalupitan ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
我现今在埃及人向这百姓发狂傲的事上得知,耶和华比万神都大。”
12 Nagdala si Jetro, na biyenan na lalaki ni Moises, ng sinunog na handog at alay para sa Diyos. Nagpunta si Aaron at lahat ng mga nakatatanda ng Israel para kumain kasama ang biyenan na lalaki ni Moises sa harap ng Diyos.
摩西的岳父叶忒罗把燔祭和平安祭献给 神。亚伦和以色列的众长老都来了,与摩西的岳父在 神面前吃饭。
13 Kinabukasan umupo si Moises para hatulan ang mga tao. Tumayo ang mga tao sa palibot ni Moises, mula umaga hanggang gabi.
第二天,摩西坐着审判百姓,百姓从早到晚都站在摩西的左右。
14 Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?”
摩西的岳父看见他向百姓所做的一切事,就说:“你向百姓做的是什么事呢?你为什么独自坐着,众百姓从早到晚都站在你的左右呢?”
15 Sinabi ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki, “Lumapit ang mga tao sa akin para hingin ang direksyon ng Diyos.
摩西对岳父说:“这是因百姓到我这里来求问 神。
16 Pumupunta sila sa akin kapag nagtatalo sila. Hinahatulan ko ang pagitan ng bawat isa, at itinuturo ko sa kanila ang mga kautusan at mga batas ng Diyos.”
他们有事的时候就到我这里来,我便在两造之间施行审判;我又叫他们知道 神的律例和法度。”
17 Sinabi ni Jetro kay Moises, “Hindi mabuti ang iyong ginagawa.
摩西的岳父说:“你这做的不好。
18 Tiyak na manghihina ka, ikaw at ang lahat ng taong pumupunta sa iyo, dahil ang pasanin na ito ay labis na napakabigat para sa iyo. Hindi mo ito kayang gawin sa pamamagitan ng iyong sarili.
你和这些百姓必都疲惫;因为这事太重,你独自一人办理不了。
19 Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya.
现在你要听我的话。我为你出个主意,愿 神与你同在。你要替百姓到 神面前,将案件奏告 神;
20 Dapat mong ituro sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga batas. Dapat mong ipakita sa kanila ang daang nararapat lakaran at gawain ang nararapat.
又要将律例和法度教训他们,指示他们当行的道,当做的事;
21 At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo.
并要从百姓中拣选有才能的人,就是敬畏 神、诚实无妄、恨不义之财的人,派他们作千夫长、百夫长、五十夫长、十夫长,管理百姓,
22 Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo.
叫他们随时审判百姓,大事都要呈到你这里,小事他们自己可以审判。这样,你就轻省些,他们也可以同当此任。
23 Kung gagawin mo ito, at kung inatasan ka ng Diyos na gawin ito, hindi ka mahihirapan at makakauwi na nasisiyahan ang bayan sa kanilang tahanan.”
你若这样行, 神也这样吩咐你,你就能受得住,这百姓也都平平安安归回他们的住处。”
24 Kaya nakinig si Moises sa mga salita ng kaniyang biyenan na lalaki at ginawa ang lahat ng kaniyang sinabi.
于是,摩西听从他岳父的话,按着他所说的去行。
25 Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
摩西从以色列人中拣选了有才能的人,立他们为百姓的首领,作千夫长、百夫长、五十夫长、十夫长。
26 Hinatulan nila ang mga tao sa mga karaniwang pangyayari. Dinala nila kay Moises ang mabigat na mga kaso, pero sila na mismo ang humahatol sa mga maliliit na mga kaso.
他们随时审判百姓,有难断的案件就呈到摩西那里,但各样小事他们自己审判。
27 Pagkatapos hinayaan ni Moises na umalis ang kaniyang biyenan na lalaki, at bumalik si Jetro sa kaniyang sariling lupain.
此后,摩西让他的岳父去,他就往本地去了。

< Exodo 18 >