< Exodo 16 >
1 Naglakbay ang mga tao mula sa Elim, at ang lahat ng komunidad ng mga Israelita ay nakarating sa ilang ng Sin, na nasa gitna ng Elim at Sinai, sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan pagkatapos ng kanilang pag-alis sa lupain ng Ehipto.
以色列全会众从以琳起行,在出埃及后第二个月十五日到了以琳和西奈中间、汛的旷野。
2 Ang buong komunidad ng mga Israelita ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron sa ilang.
以色列全会众在旷野向摩西、亚伦发怨言,
3 Sinabi sa kanila ng mga Israelita, “Kung namatay na lang sana kami sa kamay ni Yahweh sa lupain ng Ehipto nang kami ay nakaupo sa tabi ng mga palayok ng karne at kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog. Pagkat dinala ninyo kami palabas dito sa ilang para patayin sa gutom ang aming buong komunidad.”
说:“巴不得我们早死在埃及地、耶和华的手下;那时我们坐在肉锅旁边,吃得饱足。你们将我们领出来,到这旷野,是要叫这全会众都饿死啊!”
4 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Magpapaulan ako ng tinapay mula sa langit para sa inyo. Ang mga tao ay lalabas at magtitipon ng pang isang araw na bahagi sa bawat araw para masubukan ko sila para makita kung sila ay lalakad o hindi sa aking batas.
耶和华对摩西说:“我要将粮食从天降给你们。百姓可以出去,每天收每天的分,我好试验他们遵不遵我的法度。
5 Mangyayari na sa ikaanim na araw, na magtitipon sila ng makalawang dami ng kung ano ang tinipon nila sa bawat naunang araw, at lulutuin nila kung ano ang dala nila.”
到第六天,他们要把所收进来的预备好了,比每天所收的多一倍。”
6 Pagkatapos ay sinabi nina Moises at Aaron sa lahat ng bayan ng Israel, “Sa gabi ay malalaman ninyong si Yahweh ang siyang nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto.
摩西、亚伦对以色列众人说:“到了晚上,你们要知道是耶和华将你们从埃及地领出来的。
7 Sa umaga ay makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Yahweh, dahil naririnig niya ang inyong pagrereklamo laban sa kaniya. Sino ba kami para kayo ay magreklamo laban sa amin?”
早晨,你们要看见耶和华的荣耀,因为耶和华听见你们向他所发的怨言了。我们算什么,你们竟向我们发怨言呢?”
8 Sinabi rin ni Moises, “Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh.”
摩西又说:“耶和华晚上必给你们肉吃,早晨必给你们食物得饱;因为你们向耶和华发的怨言,他都听见了。我们算什么,你们的怨言不是向我们发的,乃是向耶和华发的。”
9 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'”
摩西对亚伦说:“你告诉以色列全会众说:‘你们就近耶和华面前,因为他已经听见你们的怨言了。’”
10 Nangyari na habang nagsasalita si Aaron sa buong komunidad ng bayan ng Israel, tumingin sila sa dako ng ilang, at pagmasdan, ang kaluwalhatian ni Yahweh ay lumitaw sa ulap.
亚伦正对以色列全会众说话的时候,他们向旷野观看,不料,耶和华的荣光在云中显现。
11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
耶和华晓谕摩西说:
12 “Narinig ko ang mga reklamo ng bayan ng Israel. Kausapin mo sila at sabihin, 'Sa gabi ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo ng tinapay. Pagkatapos malalaman ninyong ako ay si Yahweh, na inyong Diyos.'”
“我已经听见以色列人的怨言。你告诉他们说:‘到黄昏的时候,你们要吃肉,早晨必有食物得饱,你们就知道我是耶和华—你们的 神。’”
13 Nangyari sa gabi na may dumating na mga pugo at natabunan ang kampo. Sa umaga ang hamog ay nalatag sa palibot ng kampo.
到了晚上,有鹌鹑飞来,遮满了营;早晨在营四围的地上有露水。
14 Pagkawala ng hamog, doon sa ibabaw ng ilang ay may mga manipis na mumunting piraso na parang namuong hamog sa lupa.
露水上升之后,不料,野地面上有如白霜的小圆物。
15 Nang makita iyon ng bayan ng Israel, sinabi nila sa isa't isa, “Ano ito?” Hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang tinapay na bigay ni Yahweh sa inyo para kainin.
以色列人看见,不知道是什么,就彼此对问说:“这是什么呢?”摩西对他们说:“这就是耶和华给你们吃的食物。
16 Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh sa inyo: 'Kayo ay dapat magtipon, bawat isa sa inyo, ng dami na kailangan ninyong kainin, isang omer sa bawat tao mula sa bilang ng inyong mga tao. Ganito ninyo titipunin iyon: Magtipon ng tama lang para kainin ng bawat taong naninirahan sa inyong tolda.'”
耶和华所吩咐的是这样:你们要按着各人的饭量,为帐棚里的人,按着人数收起来,各拿一俄梅珥。”
17 Ginawa iyon ng bayan ng Israel. Ang ilan ay nagtipon ng mas marami, ang ilan ay nagtipon ng mas kaunti.
以色列人就这样行;有多收的,有少收的。
18 Nang sukatin nila iyon sa sukat ng omer, ang mga nagtipon ng mas marami ay walang anumang natira, ang mga nagtipon ng mas kaunti ay hindi nagkulang. Bawat tao ay nagtipon ng tama lamang para mapunan ang kanilang pangangailangan.
及至用俄梅珥量一量,多收的也没有余,少收的也没有缺;各人按着自己的饭量收取。
19 Pagkatapos sinabi ni Moises sa kanila, “Walang isa sa inyo ang dapat magtira ng anuman niyon hanggang umaga.
摩西对他们说:“所收的,不许什么人留到早晨。”
20 “Pero hindi sila nakinig kay Moises. Ang ilan sa kanila ay nagtira ng kaunti nito hanggang umaga, pero ito ay inuod at bumaho. Kaya nagalit sa kanila si Moises.
然而他们不听摩西的话,内中有留到早晨的,就生虫变臭了;摩西便向他们发怒。
21 Sila ay nagtipon niyon kada umaga. Bawat tao ay nagtipon ng tama lang kainin para sa araw na iyon. Nang uminit ang araw, ito ay natunaw.
他们每日早晨,按着各人的饭量收取,日头一发热,就消化了。
22 Nangyari na sa ikaanim na araw nagtipon sila ng dobleng dami ng tinapay, dalawang omer para sa bawat tao. Lahat ng mga pinuno ng komunidad ay pumunta at sinabi ito kay Moises.
到第六天,他们收了双倍的食物,每人两俄梅珥。会众的官长来告诉摩西;
23 Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'”
摩西对他们说:“耶和华这样说:‘明天是圣安息日,是向耶和华守的圣安息日。你们要烤的就烤了,要煮的就煮了,所剩下的都留到早晨。’”
24 Kaya itinabi nila ito hanggang umaga, katulad ng tagubilin ni Moises. Ito ay hindi bumaho ni nagkaroon ng anumang uod.
他们就照摩西的吩咐留到早晨,也不臭,里头也没有虫子。
25 Sinabi ni Moises, “Kainin ang pagkaing ito ngayon, pagkat ngayon ay isang araw na inilaan bilang Araw ng Pamamahinga para parangalan si Yahweh. Ngayon hindi kayo makakahanap nito sa mga bukid.
摩西说:“你们今天吃这个吧!因为今天是向耶和华守的安息日;你们在田野必找不着了。
26 Magtitipon kayo nito sa loob ng anim na araw, pero ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga. Sa Araw ng Pamamahinga ay walang manna.”
六天可以收取,第七天乃是安息日,那一天必没有了。”
27 Nangyari na sa ikapitong araw may ilan sa mga tao ang lumabas para magtipon ng manna, pero wala silang nahanap.
第七天,百姓中有人出去收,什么也找不着。
28 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gaano katagal kayong tatangging sundin ang aking mga kautusan at mga batas?
耶和华对摩西说:“你们不肯守我的诫命和律法,要到几时呢?
29 Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw.”
你们看!耶和华既将安息日赐给你们,所以第六天他赐给你们两天的食物,第七天各人要住在自己的地方,不许什么人出去。”
30 Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
于是百姓第七天安息了。
31 Tinawag ng mga tao ng Israel ang pagkaing iyon na “manna.” Ito ay maputi tulad ng buto ng kulantro at ang lasa ay parang apa na ginawang may pulot.
这食物,以色列家叫吗哪;样子像芫荽子,颜色是白的,滋味如同搀蜜的薄饼。
32 Sinabi ni Moises, “Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'”
摩西说:“耶和华所吩咐的是这样:‘要将一满俄梅珥吗哪留到世世代代,使后人可以看见我当日将你们领出埃及地,在旷野所给你们吃的食物。’”
33 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng palayok at maglagay ng isang omer ng manna sa loob nito. Panatilihin ito sa harap ni Yahweh para itago para sa buong salinlahi ng bayan.
摩西对亚伦说:“你拿一个罐子,盛一满俄梅珥吗哪,存在耶和华面前,要留到世世代代。”
34 Katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises, itinago iyon ni Aaron katabi ng mga kautusang tipan sa loob ng kaban.
耶和华怎么吩咐摩西,亚伦就怎么行,把吗哪放在法柜前存留。
35 Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.
以色列人吃吗哪共四十年,直到进了有人居住之地,就是迦南的境界。(
36 Ngayon ang omer ay ikasampung bahagi ng epa.
俄梅珥就是伊法十分之一。)