< Exodo 15 >
1 Pagkatapos inawit nina Moises at ng bayan ng Israel ang awiting ito para kay Yahweh. Inawit nila, “Umaawit ako kay Yahweh, dahil sa maluwalhating tagumpay; ang kabayo at ang tagasakay nito ay itinapon sa dagat.
Then sang Moses and the children of Israel this song unto the Lord, and thus did they say, I will sing unto the Lord, for he hath triumphed gloriously: the horse and his rider hath he thrown into the sea.
2 Si Yahweh ang aking lakas at awitin, at siya ang aking naging kaligtasan. Ito ang aking Diyos, at siya ay aking pupurihin, Diyos ng aking ama, at siya ay aking dadakilain.
My strength and song is the Lord, and he is become my salvation: he is my God, and I will declare his praise, the God of my father, and I will exalt him.
3 Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang pangalan niya.
The Eternal is the Lord of war; the Eternal is his name.
4 Ang mga karwahe at hukbo ng Paraon, sa dagat ay kaniyang itinapon. Ang mga piniling opisyal ni Paraon, sa Dagat ng mga Tambo sila ay nalunod.
The chariots of Pharaoh and his host hath he hurled into the sea; and the chosen of his captains are sunk in the Red Sea.
5 Sila ay tinabunan ng kailaliman; sila ay tumungo sa kailaliman na tulad ng isang bato.
The depths have covered them; they went down to the bottom as a stone.
6 Ang iyong kanang kamay, Yahweh, ay maluwalhati sa kapangyarihan; ang iyong kanang kamay, Yahweh, ang dumurog sa mga kaaway.
Thy right hand, O Lord, is become glorious in power; thy right hand, O Lord, hath dashed in pieces the enemy.
7 Sa dakilang kaluwalhatian iyong ibinabagsak ang mga bumabangon laban sa iyo. Inilabas mo ang iyong poot; tinupok mo sila gaya ng pinaggapasan.
And in the greatness of thy excellency hast thou overthrown those that rose up against thee; thou didst send forth thy wrath, it consumed them as stubble.
8 Sa pamamagitan ng bugso ng butas ng iyong ilong ang mga tubig ay nagtipon; ang mga dumadaloy na tubig ay tumayong matuwid na isang bunton; ang malalim na tubig ay namuo sa puso ng dagat.
And with the breath of thy nostrils the waters were heaped up together, the floods stood upright as a wall; congealed were the depths in the heart of the sea.
9 Sinabi ng kaaway, 'Hahabol ako, mangunguna ako, ipamamahagi ko ang nasamsam ko; masisiyahan sila sa ang aking ninanais; Bubunutin ko ang aking espada; ang aking kamay ang sisira sa kanila.'
The enemy said, I will pursue, I will overtake, I will divide the spoil; my desire shall be satisfied upon them; I will draw my sword, my hand shall destroy them.
10 Pero ipinaihip mo ang iyong hangin at tinakpan sila ng dagat; at sa malakas na mga tubig lumubog sila na parang tingga.
Thou didst blow with thy wind, the sea covered them: they sunk as lead in mighty waters.
11 Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
Who is like unto thee, O Lord, among the mighty? who is like unto thee, glorious in holiness, fearful in praises, doing wonders?
12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at sila ay nilamon ng lupa.
Thou didst stretch out thy right hand, the earth swallowed them.
13 Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
Thou leadest forth in thy kindness the people thou hast redeemed; thou guidest it in thy strength unto the habitation of thy holiness.
14 Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia.
Nations hear it and tremble: sorrow seizeth the inhabitants of Palestine.
15 Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho.
Then were troubled the dukes of Edom; the mighty men of Moab, trembling seizeth them; faint-hearted become all the inhabitants of Canaan. l
16 Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
Fear and dread shall fall upon them; by the greatness of thy arm they shall be still as a stone: till thy people pass over, O Lord, till this people pass over, which thou hast purchased.
17 Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
Thou wilt bring them, and plant them on the mountain of thy inheritance, the place, O Lord, which thou hast wrought for thy residence, the sanctuary, O Lord, which thy hands have established.
18 Maghahari si Yahweh sa magpakailanman pa man.”
The Lord will reign for ever and ever.
19 Dahil lumakad ang mga kabayo ni Paraon kasama ng kaniyang mga karwahe at mga mangangabayo sa dagat. Dinala pabalik ni Yahweh ang mga tubig ng dagat sa kanila. Pero ang mga Israelita ay naglakad sa gitna ng dagat sa mga tuyong lupa.
For the horse of Pharaoh went in with his chariots and with his horsemen into the sea, and the Lord brought again upon them the waters of the sea; but the children of Israel went on dry ground through the midst of the sea.
20 Si Miriam, ang babaeng propeta, na kapatid na babae ni Aaron, ay dumampot ng tamburin, at lumabas ang lahat ng mga kababaihan na may mga tamburin, sabay na sumasayaw kasama niya.
Then took Miriam the prophetess, the sister of Aaron, a timbrel in her hand; and all the women went out after her with timbrels and with dances.
21 Inawit ni Miriam sa kanila: “Umawit kay Yahweh, dahil siya ay maluwalhating nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang kabayo at ang kaniyang mangangabayo.”
And Miriam began her song to them, Sing ye to the Lord, for he hath triumphed gloriously: the horse and his rider hath he thrown into the sea.
22 Pagkatapos pinangunahan ni Moises ang Israel pasulong mula dagat ng mga Tambo. Lumabas sila sa ilang ng Shur. Naglakbay sila ng tatlong araw sa loob ng ilang at walang nahanap na tubig.
And Moses caused Israel to depart from the Red Sea, and they went out into the wilderness of Shur; and they went three days in the wilderness, and found no water.
23 Pagkatapos nakarating sila sa Mara, pero hindi nila mainom ang tubig doon dahil mapait ito. Kaya tinawag nilang Mara ang lugar na iyon.
And they came to Marah; but they could not drink the waters of Marah, for they were bitter; therefore they called its name Marah.
24 Kaya nagreklamo ang mga tao kay Moises at sinabing, “Ano ang aming iinumin?”
And the people murmured against Moses, saying, What shall we drink?
25 Umiyak si Moises kay Yahweh at may ipinakitang puno si Yahweh sa kaniya. Hinagis ito ni Moises sa tubig at naging matamis na maiinom ang tubig. Sa lugar na iyon nagbigay si Yahweh sa kanila ng mahigpit na kautusan at doon din niya sila sinubukan.
And he cried unto the Lord; and the Lord showed him a tree, which he cast into the waters, and the waters were made sweet: there he made for them a statute and an ordinance, and there he proved them.
26 Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
And he said, If thou wilt diligently hearken to the voice of the Lord thy God, and wilt do that which is right in his eyes, and wilt give ear to his commandments, and wilt keep all his statutes: I will put none of those diseases upon thee, which I have brought upon the Egyptians; for I the Lord am thy physician.
27 Pagkatapos dumating ang mga tao sa Elim, kung saan mayroong labing-dalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma. Nagkampo sila doon sa may tubig.
And they came to Elim, and there were twelve wells of water, and seventy palm-trees: and they encamped there by the water.