< Exodo 12 >
1 Nakipag-usap si Yahweh kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
And the Lord said to Moses and Aaron in the land of Egypt,
2 “Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
Let this month be to you the first of months, the first month of the year.
3 Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
Say to all the children of Israel when they are come together, In the tenth day of this month every man is to take a lamb, by the number of their fathers' families, a lamb for every family:
4 Kung ang sambahayan ay napakaliit para sa isang tupa, ang tao at sa kaniyang kapitbahay ay kukuha ng tupa o karne ng batang kambing na sapat para sa bilang ng tao. Dapat ito ay sapat para sa bawat isa na kakain, kaya kailangan nilang kumuha ng sapat na karne para ipakain sa kanilang lahat.
And if the lamb is more than enough for the family, let that family and its nearest neighbour have a lamb between them, taking into account the number of persons and how much food is needed for every man.
5 Ang inyong tupa o batang kambing ay dapat walang kapintasan, isang taong gulang na lalaki. Maaari ninyong kunin ang isa sa tupa o mga kambing.
Let your lamb be without a mark, a male in its first year: you may take it from among the sheep or the goats:
6 Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
Keep it till the fourteenth day of the same month, when everyone who is of the children of Israel is to put it to death between sundown and dark.
7 Kailangan ninyong kumuha ng ilang dugo at ipahid sa dalawang magkabilang poste ng pintuan at sa itaas ng balangkas ng pintuan ng mga bahay na kung saan kakainin ninyo ang karne.
Then take some of the blood and put it on the two sides of the door and over the door of the house where the meal is to be taken.
8 Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot.
And let your food that night be the flesh of the lamb, cooked with fire in the oven, together with unleavened bread and bitter-tasting plants.
9 Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
Do not take it uncooked or cooked with boiling water, but let it be cooked in the oven; its head with its legs and its inside parts.
10 Huwag ninyong hayaan na may matira nito hanggang umaga. Dapat ninyong sunugin ito anuman ang natira sa umaga.
Do not keep any of it till the morning; anything which is not used is to be burned with fire.
11 Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh.
And take your meal dressed as if for a journey, with your shoes on your feet and your sticks in your hands: take it quickly: it is the Lord's Passover.
12 Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
For on that night I will go through the land of Egypt, sending death on every first male child, of man and of beast, and judging all the gods of Egypt: I am the Lord.
13 Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
And the blood will be a sign on the houses where you are: when I see the blood I will go over you, and no evil will come on you for your destruction, when my hand is on the land of Egypt.
14 Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
And this day is to be kept in your memories: you are to keep it as a feast to the Lord through all your generations, as an order for ever.
15 Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
For seven days let your food be unleavened bread; from the first day no leaven is to be seen in your houses: whoever takes bread with leaven in it, from the first till the seventh day, will be cut off from Israel.
16 Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin.
And on the first day there is to be a holy meeting and on the seventh day a holy meeting; no sort of work may be done on those days but only to make ready what is necessary for everyone's food.
17 Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
So keep the feast of unleavened bread; for on this very day I have taken your armies out of the land of Egypt: this day, then, is to be kept through all your generations by an order for ever.
18 Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan.
In the first month, from the evening of the fourteenth day, let your food be unleavened bread till the evening of the twenty-first day of the month.
19 Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
For seven days no leaven is to be seen in your houses: for whoever takes bread which is leavened will be cut off from the people of Israel, if he is from another country or if he is an Israelite by birth.
20 Dapat kayong kumain ng walang lebadura. Saanman kayo manirahan, dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura.'”
Take nothing which has leaven in it; wherever you are living let your food be unleavened cakes.
21 Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga matatanda sa Israel at sinabi sa kanila, “Lumakad kayo at pumili ng mga tupa o mga maliliit na kambing na sapat para maipakain sa inyong mga pamilya at papatayin ang Paskuang tupa.
Then Moses sent for the chiefs of Israel, and said to them, See that lambs are marked out for yourselves and your families, and let the Passover lamb be put to death.
22 Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.
And take some hyssop and put it in the blood in the basin, touching the two sides and the top of the doorway with the blood from the basin; and let not one of you go out of his house till the morning.
23 Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
For the Lord will go through the land, sending death on the Egyptians; and when he sees the blood on the two sides and the top of the door, the Lord will go over your door and will not let death come in for your destruction.
24 Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan.
And you are to keep this as an order to you and to your sons for ever.
25 Kung kayo ay papasok sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo, tulad ng ipinangako niyang gagawin, dapat ninyong sundin ang pagsambang gawain na ito.
And when you come into the land which the Lord will make yours, as he gave his word, you are to keep this act of worship.
26 Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?'
And when your children say to you, What is the reason of this act of worship?
27 At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
Then you will say, This is the offering of the Lord's Passover; for he went over the houses of the children of Israel in Egypt, when he sent death on the Egyptians, and kept our families safe. And the people gave worship with bent heads.
28 Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
And the children of Israel went and did so; as the Lord had given orders to Moses and Aaron, so they did.
29 Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
And in the middle of the night the Lord sent death on every first male child in the land of Egypt, from the child of Pharaoh on his seat of power to the child of the prisoner in the prison; and the first births of all the cattle.
30 Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.
Then Pharaoh got up in the night, he and all his servants and all the Egyptians; and a great cry went up from Egypt; for there was not a house where someone was not dead.
31 Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, “Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
And he sent for Moses and Aaron by night, and said, Get up and go out from among my people, you and the children of Israel; go and give worship to the Lord as you have said.
32 Kunin na ninyo ang mga alagang hayop at mga kawan, tulad ng sinabi ninyo, at alis na, at pagpalain ninyo rin ako.”
And take your flocks and your herds as you have said, and be gone; and give me your blessing.
33 Ang mga taga-Ehipto ay nasa isang matinding pagmamadali para ipadala sila palabas ng lupain, dahil sinabi nila, “Lahat tayo ay taong patay na.”
And the Egyptians were forcing the people on, to get them out of the land quickly; for they said, We are all dead men.
34 Kaya kinuha ng mga tao ang kanilang masa na walang idinagdag na lebadura. Ang kanilang pinagmamasahang mangkok ay binalot nila sa kanilang mga damit na nakalagay sa kanilang mga balikat.
And the people took their bread-paste before it was leavened, putting their basins in their clothing on their backs.
35 Ginawa ngayon ng bayang Israelita ang ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. Humingi sila sa mga taga-Ehipto ng mga hiyas na pilak, ginto at damit.
And the children of Israel had done as Moses had said; and they got from the Egyptians ornaments of silver and of gold, and clothing:
36 Ginawang sabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Kaya binigay ng mga taga-Ehipto ang anumang hingin nila. Sa ganitong paraan, nakuha ng mga Israelita ang yaman ng mga taga-Ehipto.
And the Lord had given the people grace in the eyes of the Egyptians so that they gave them whatever was requested. So they took away all their goods from the Egyptians.
37 Naglakbay ang mga Israelita mula sa Rameses hanggang Sucot. Ang kanilang bilang ay 600, 000 na mga lalaki, dagdag pa rito ang mga babae at mga bata.
And the children of Israel made the journey from Rameses to Succoth; there were about six hundred thousand men on foot, as well as children.
38 Isang halu-halong pangkat ng hindi Israelita ay sumama rin sa kanila, kasama ang kanilang mga alagang hayop at mga kawan, isang malaking bilang ng mga baka.
And a mixed band of people went with them; and flocks and herds in great numbers.
39 Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain.
And they made unleavened cakes from the paste which they had taken out of Egypt; it was not leavened, for they had been sent out of Egypt so quickly, that they had no time to make any food ready.
40 Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon.
Now the children of Israel had been living in Egypt for four hundred and thirty years.
41 Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto.
And at the end of four hundred and thirty years, to the very day, all the armies of the Lord went out of the land of Egypt.
42 Ito ay isang gabing dapat manatiling gising, para ilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto. Ito ay gabi ni Yahweh na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga Israelita sa lahat ng salinlahi ng kanilang bayan.
It is a watch-night before the Lord who took them out of the land of Egypt: this same night is a watch-night to the Lord for all the children of Israel, through all their generations.
43 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito.
And the Lord said to Moses and Aaron, This is the law of the Passover: no man who is not an Israelite is to take of it:
44 Kahit na, ang bawat alipin ng mga Israelita, na binili ng pera, ay maaaring makakain nito matapos ninyo silang tuliin.
But every man's servant, whom he has got for money, may take of it, when he has had circumcision.
45 Hindi makakain ang mga dayuhan at upahang lingkod ng alinmang pagkain.
A man from a strange country living among you, and a servant working for payment, may not take part in it.
46 Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.
It is to be taken in one house; not a bit of the flesh is to be taken out of the house, and no bone of it may be broken.
47 Dapat obsebahan ng lahat ng mga komunidad ng Israel ang pagdiriwang.
All Israel is to keep the feast.
48 Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
And if a man from another country is living with you, and has a desire to keep the Passover to the Lord, let all the males of his family undergo circumcision, and then let him come near and keep it; for he will then be as one of your people; but no one without circumcision may keep it.
49 Parehong batas ang siyang gagamitin sa kapwa katutubo o dayuhan na naninirahan kasama ninyong lahat.”
The law is the same for him who is an Israelite by birth and for the man from a strange country who is living with you.
50 Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
So the children of Israel did as the Lord gave orders to Moses and Aaron.
51 Dumating ang araw na iyon na dinala ni Yahweh ang Israel palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga armadong grupo.
And on that very day the Lord took the children of Israel out of the land of Egypt by their armies.