< Exodo 11 >

1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mayroon pa rin akong isang salot na dadalhin kay Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos niyan, papayagan na niya kayong makaalis mula rito. Kapag ganap na pinayagan na niya kayong makaalis, itataboy niya kayo ng tuluyan.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y samasamang palalayasin niya rito.
2 Turuan mo ang mga tao na ang bawat mga lalaki at babae ay humingi sa kanilang kapitbahay ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto.”
Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.
3 Ngayon ginawang masabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Bukod dito, ang tauhan ni Moises ay talagang kahanga-hanga sa paningin ng mga alipin ni Paraon at mga tao sa Ehipto.
At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.
4 Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi.
At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:
5 Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka.
At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.
6 Pagkatapos magkakaroon ng isang matinding iyakan sa buong lupain ng Ehipto, tulad ng hindi pa kailanman nangyari at hindi na kailanman mangyayaring muli.
At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.
7 Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.'
Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.
8 Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.
9 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hindi makikinig si Paraon sa iyo. Ito ay mangyari para makagawa ako ng maraming kamangha-manghang mga bagay sa lupain ng Ehipto.”
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.
10 Ginawa lahat nina Moises at Aaron ang mga kababalaghan sa harapan ni Paraon. Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinayagan ni Paraon na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.
At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.

< Exodo 11 >