< Exodo 1 >

1 Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel na sumama kay Jacob sa Ehipto, bawat isa sa kanilang sambahayan ay:
以色列的眾子,各帶家眷,和雅各一同來到埃及。他們的名字記在下面。
2 Ruben, Simeon, Levi at Juda.
有呂便、西緬、利未、猶大、
3 Isacar, Zebulun, at Benjamin,
以薩迦、西布倫、便雅憫、
4 Dan, Neftali, Gad at Asher.
但、拿弗他利、迦得、亞設。
5 Lahat ng ipinanganak mula kay Jacob ay pitumpu ang bilang. Si Jose ay nasa Ehipto.
凡從雅各而生的,共有七十人。約瑟已經在埃及。
6 Pagkatapos si Jose, lahat ng kaniyang mga lalaking kapatid, at lahat ng salinlahing iyon ay namatay.
約瑟和他的弟兄,並那一代的人,都死了。
7 Ang mga Israelita ay naging mabunga, lubhang dumami ang bilang at naging napakalakas; ang lupain ay napuno nila.
以色列人生養眾多,並且繁茂,極其強盛,滿了那地。
8 Pagkatapos isang bagong hari ang namahala sa Ehipto, na walang pakialam sa alaala ni Jose.
有不認識約瑟的新王起來,治理埃及,
9 Sinabi niya sa kaniyang bayan “Tingnan ninyo ang mga Israelita; mas marami pa sila at malalakas pa kaysa sa atin.
對他的百姓說:「看哪,這以色列民比我們還多,又比我們強盛。
10 Tara na, makipag-ugnayan tayo nang may karunungan sa kanila. Kundi patuloy silang dadami, at kung magkaroon ng digmaan, sasama sila sa ating mga kaaway, makikipaglaban sa atin at aalis sa lupain.”
來吧,我們不如用巧計待他們,恐怕他們多起來,日後若遇甚麼爭戰的事,就連合我們的仇敵攻擊我們,離開這地去了。」
11 Kaya naglagay sila ng mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila para apihin sila ng mabibigat na trabaho. Nagtayo ang mga Israelita ng lungsod imbakan para kay Paraon: Pitom at Rameses.
於是埃及人派督工的轄制他們,加重擔苦害他們。他們為法老建造兩座積貨城,就是比東和蘭塞。
12 Habang inaapi sila ng mga taga-Ehipto, mas dumarami ang bilang ng mga Israelita at kumakalat. Kaya sinimulan ng mga taga-Ehipto para mangamba ang mga Israelita.
只是越發苦害他們,他們越發多起來,越發蔓延;埃及人就因以色列人愁煩。
13 Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
埃及人嚴嚴地使以色列人做工,
14 Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap.
使他們因做苦工覺得命苦;無論是和泥,是做磚,是做田間各樣的工,在一切的工上都嚴嚴地待他們。
15 Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua.
有希伯來的兩個收生婆,一名施弗拉,一名普阿;埃及王對她們說:
16 Sinabi niya, “Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay.”
「你們為希伯來婦人收生,看她們臨盆的時候,若是男孩,就把他殺了;若是女孩,就留她存活。」
17 Pero ang mga hilot ay natakot sa Diyos at hindi nila ginawa ang iniutos ng hari ng Ehipto; sa halip, pinabayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol.
但是收生婆敬畏上帝,不照埃及王的吩咐行,竟存留男孩的性命。
18 Pinatawag ng hari ng Ehipto ang mga komadrona at sinabi sa kanila, “Bakit pinabayaan ninyo na mabuhay ang mga lalaking sanggol?”
埃及王召了收生婆來,說:「你們為甚麼做這事,存留男孩的性命呢?」
19 Sumagot ang mga hilot kay Paraon, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng taga-Ehipto; sila ay masigla at tapos nang manganak bago dumating ang komadrona.”
收生婆對法老說:「因為希伯來婦人與埃及婦人不同;希伯來婦人本是健壯的,收生婆還沒有到,她們已經生產了。」
20 Pinangalagaan ng Diyos ang mga komadrona. Ang mga tao ay dumarami ang bilang at naging napakalakas.
上帝厚待收生婆。以色列人多起來,極其強盛。
21 Dahil may takot ang mga komadrona sa Diyos, binigyan sila ng kanilang sariling pamilya.
收生婆因為敬畏上帝,上帝便叫她們成立家室。
22 Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, “Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae.”
法老吩咐他的眾民說:「以色列人所生的男孩,你們都要丟在河裏;一切的女孩,你們要存留她的性命。」

< Exodo 1 >