< Ester 6 >
1 Nang gabing iyon hindi makatulog ang hari. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap ng hari.
Or, cette nuit-là, le Seigneur éloigna du roi le sommeil, et Artaxerxès dit à son serviteur d'apporter le livre de ses archives et de le lui lire.
2 At natagpuang nakatala roon na isinumbong ni Mordecai ang tungkol kina Bigthana at Teres, dalawa sa mga opisyal ng hari na nagbabantay sa pasukan, na siyang sinubukang saktan si Haring Assuero.
Et il tomba sur ce qui était écrit concernant Mardochée, quand il avait fait connaître au roi le complot des deux eunuques qui le gardaient, et qui voulaient porter les mains sur lui.
3 Nagtanong ang hari, “Anong karangalan at pagkilala ang nagawa kay Mordecai sa paggawa nito?” Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, “Walang anumang nagawa para sa kanya.”
Et le roi dit: Quels honneurs, quelle grâce Mardochée a-t-il reçus de moi? Et les serviteurs répondirent: Tu n'as rien fait pour lui.
4 At sinabi ng hari, “Sino ang nasa patyo?” Ngayon si Haman ay pumasok sa panlabas na patyo ng bahay ng hari upang kausapin siya tungkol sa pagbitay kay Mordecai sa bitayang inihanda niya para sa kanya.
Pendant que le roi se rappelait le zèle de Mardochée, Aman entra dans le parvis, et le roi dit: Y a-t-il quelqu'un dans le parvis? Or, Aman arrivait pour demander au roi de pendre Mardochée à la potence qu'il avait dressée.
5 Sinabi ng mga lingkod ng hari sa kanya, “Si Haman ay nakatayo sa patyo.” Sinabi ng hari, “Hayaan siyang pumasok.”
Et les serviteurs du roi répondirent: Voilà Aman dans le parvis. Et le roi dit: Appelez-le.
6 Nang pumasok si Haman, sinabi ng hari sa kanya, “Anong dapat gawin sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari?” Ngayon sinabi ni Haman sa kanyang puso, “Sino ang kinalulugdang parangalan ng hari na higit kaysa sa akin?”
Et le roi dit à Aman: Que ferai-je pour l'homme que je veux glorifier? Et Aman se dit: Qui donc le roi veut-il glorifier, si ce n'est moi?
7 Sinabi ni Haman sa hari, “Sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari,
Et il répondit: Pour l'homme que le roi veut glorifier,
8 hayaang dalhin ang mga maharalikang balabal, mga balabal na isinuot ng hari, at isang kabayong sinakyan ng hari at sa ulo nito ay ang sagisag ng hari.
Que les serviteurs du roi apportent la robe de fin lin dont il se revêt, et le cheval qu'il monte.
9 Pagkatapos payagang ibigay ang mga balabal at ang kabayo sa isa sa pinakamarangal na opisyal ng hari. Hayaan silang bihisan ang lalaking kinalulugdang parangalan ng hari, at hayaang pasakayin siya sa kabayong lilibot sa mga lansangan ng bayan. Hayaang ipahayag nila sa harapan niya, 'Ganito ang ginagawa sa kinalulugdang parangalan ng hari!”'
Que cela soit donné à l'un des amis du roi, parmi ceux du premier rang; qu'il habille l'homme que le roi aime, qu'il le fasse monter à cheval, que dans toutes les places de la ville il proclame ces mots: Ainsi sera-t-il fait à tout homme que le roi honore.
10 Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, “Magmadali, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa tarangkahan ng hari. Huwag mabigo sa isa mang bagay na iyong sinabi.”
Et le roi dit à Aman: Tu as bien parlé; ainsi soit fait par toi au Juif Mardochée qui sert en mon parvis, et que rien ne soit négligé de ce que tu as dit.
11 Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, “Ganito ang ginagawa sa tao na kinalulugdang parangalan ng hari!”
Aman prit donc la robe, et le cheval, et il habilla Mardochée, et il le fit monter à cheval, et il parcourut toutes les rues de la ville, et il proclama ces mots: Ainsi sera-t-il fait à tout homme que le roi voudra honorer.
12 Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
Et Mardochée revint au parvis, et Aman rentra en sa demeure avec un grand mal de tête.
13 Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan, at Zeres na kanyang asawa, “Kapag si Mordecai, ang tao na siyang nagsimula kang bumagsak, ay Judio, hindi mo siya matatalo, ngunit ikaw ay tiyak na babagsak sa harap niya.
Et il fit à Zosara, sa femme, et à ses amis, le récit de ce qui était advenu; et ses amis et sa femme lui dirent: Si Mardochée est de la race des Juifs, tu as commencé à être humilié devant lui; tu tomberas; et tu ne pourras te défendre contre lui; car le Dieu vivant est avec lui.
14 Habang nakikipag-usap sila sa kanya, dumating ang mga opisyal ng hari. Nagmadaling dinala si Haman sa handaang inihanda ni Esther.
Comme ils parlaient encore, les eunuques vinrent presser Aman de se rendre au repas qu'Esther avait préparé.