< Ester 3 >
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, itinaas ni Haring Assuero ang tungkulin ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, at inilagay ang sentro ng kanyang kapangyarihan na mataas sa lahat ng opisyal na kasama niya.
Some time after this, King Xerxes honored Haman, son of Hammedatha, the Agagite, giving him a position higher than all his fellow officials.
2 Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
All the officials in royal employment bowed down and showed respect to Haman, for this is what the king had commanded. But Mordecai would not bow down and show respect to him.
3 Pagkatapos ang mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay sinabihan si Mordecai, “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?”
The king's officials asked Mordecai, “Why are you disobeying the king's command?”
4 Kinausap nila siya araw-araw, ngunit tumanggi siyang sundin ang kanilang kagustuhan. Kaya kinausap nila si Haman upang alamin kung ang usapin tungkol kay Mordecai ay mananatiling ganoon, sapagkat sinabi niya na siya ay isang Judio.
They talked to him about it day after day, but he refused to listen. So they told Haman about it to see if he would put up with what Mordecai was doing, for Mordecai had told them he was a Jew.
5 Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.
Haman was furious when he saw that Mordecai did not bow down and show respect to him.
6 May paghamak na inisip niya ang pagpatay lamang kay Mordecai, sapagkat sinabi ng mga lingkod ng hari kung sino ang lahi ni Mordecai. Gustong lipulin ni Haman lahat ng mga Judio, ang lahi ni Mordecai, na nasa buong kaharian ni Assuero.
Having found out who Mordecai's people were, he dismissed the idea of just killing Mordecai. He decided to kill every Jew in the whole Persian Empire—all of Mordecai's people!
7 Sa unang buwan (iyon ay ang buwan ng Nisan), sa ikalabindalawang taon ni Haring Assuero, nagtapon sila ng Pur—iyon ay, nagpalabunutan sila—sa harapan ni Haman—palabunutan sa bawat araw matapos ang araw at buwan, upang pumili ng araw at buwan— hanggang mapili nila ang ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar).
In the twelfth year of King Xerxes, in the first month, the month of Nisan, “pur” (meaning a “lot”) was cast in Haman's presence to choose a day and month, taking each day and each month one at a time. The lot fell on the twelfth month, the month of Adar.
8 Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, “May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
Haman went to King Xerxes and said, “There's a particular people living among others in many different places throughout the provinces of your empire who cut themselves off from everybody else. They have their own laws which are different to those of any other people, and what's more, they don't obey the king's laws. So it's not a good idea for Your Majesty to ignore them.
9 Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari.”
If it please Your Majesty, issue a decree to destroy them, and I will personally contribute 10,000 silver talents to those who carry out the king's business to be placed in the royal treasury.”
10 Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio.
The king took off his signet ring and handed it to Haman, son of Hammedatha, the Agagite, the enemy of the Jews.
11 Sinabi ng hari kay Haman, “Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito.”
The king told Haman, “You can have the money, and do to the people whatever you want.”
12 Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
On the thirteenth day of the first month the king's secretaries were summoned. A decree was issued in accordance with everything Haman demanded and sent to the king's chief officers, the governors of the different provinces and the nobles of the various peoples in the provinces. It was sent in the script of each province and in the language of every people, with the authorization of King Xerxes and sealed with his signet ring.
13 Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
Letters were sent by messenger to all the provinces in the king's empire with orders to destroy, kill, and annihilate all Jews, young and old, women and children, and confiscate their possessions, all in one day—the thirteenth day of the twelfth month, the month of Adar.
14 Ang kopya ng liham ay ginawang batas sa bawat lalawigan. Sa bawat lalawigan ito ay ipinagbigay-alam sa lahat ng mga tao na dapat silang maghahanda para sa araw na ito.
A copy of the decree was to be issued as law in every province and publicized to the people so that they would be ready for the day.
15 Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.
By order of the king the messengers hurried on their way. The decree was also issued in the fortress of Susa. The king and Haman sat down for a drink while the people in city of Susa were very disturbed.