< Ester 2 >

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang humupa ang galit ni Haring Assuero, naisip niya si Vashti at kung ano ang ginawa niya. Inisip din niya ang tungkol sa kautusang ginawa niya laban kay Vashti.
Ezek után lecsillapodott Ahasvéros király haragja, és eszébe jutott Vásti, az is amit tett, és az, amit határoztak róla.
2 Pagkatapos ay sinabi ng mga binatang tauhan ng Hari na naglilingkod sa kanya, “Hayaang magsagawa ng paghahanap sa ngalan ng hari para sa mga magagandang dalagang birhen
A király szolgálatára kirendelt ifjú szolgák ekkor azt mondták: keresni kell a királynak szép termetű szűz lányokat.
3 Hayaang humirang ang hari ng mga opisyal sa lahat ng mga lalawigan ng kanyang kaharian, upang pagsama-samahin ang lahat ng magagandang mga dalagang birhen sa harem sa palasyo ng Susa. Hayaan silang mailagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa mga babae, at hayaang ibigay niya ang kanilang mga pampaganda.
Nevezzen ki a király megbízottakat birodalma minden tartományába, hogy gyűjtsenek össze minden szép termetű szűz lányt Susán városába, az asszonyok palotájába. Bízzák rá őket Hégájra, a király háremőrére, és adjanak nekik szépítőszereket.
4 Hayaan ang sinumang dalagang babaeng makalugod sa hari na maging reyna kapalit ni Vashti.” Naibigan ng hari ang payong ito at ginawa niya ito.
Az a lány legyen Vásti helyett a királyné, akit a király a legszebbnek talál. Tetszett ez a beszéd a királynak és eszerint járt el.
5 Mayroong isang Judio na nakatira sa siyudad ng Susa na nagngangalang Mordecai, anak na lalaki ni Jair na apo ni Simei na anak na lalaki ni Kis na lipi ni Benjamin.
Volt Susán városában egy Mordecháj nevű zsidó ember, Jáir fia, Simei fia, aki Kis fia, és aki benjáminita volt.
6 Kinuha siya palayo mula sa Jerusalem kasama ng mga tinapon pati na mga dinakip na kasama ni Jehoiakin, hari ng Juda, na tinangay ni Nebuchadezzar na hari ng Babilonia.
Jeruzsálemből vitték fogságba azokkal a foglyokkal együtt, akiket Jehonjával, Júdea királyával együtt hurcoltak el, amikor Nebukodnecár, Babilónia királya fogságba vitte őket.
7 Siya ang nag-aalaga kay Hadasa, iyon ay, si Esther, ang anak na babae ng kanyang tiyo, sapagkat wala na siyang ama o ina. Ang dalaga ay may magandang hugis at kaibig-ibig ang panlabas na anyo. Inaruga siya ni Mordecai na parang sariling anak.
Ő volt Hadasszá gyámja, azaz Eszter nagybátyja, mert nem volt neki apja-anyja. A lánynak jó alakja és szép arca volt. Amikor apja és anyja meghaltak, Mordecháj lányává fogadta.
8 Nang pinahayag ang utos at batas ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng Susa. Sila ay inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai. Dinala rin si Esther papuntang palasyo ng hari at inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang siyang tagapangasiwa sa mga dalaga.
És amint meghallatták a király szavát és törvényét, összegyűjtöttek sok lányt Susán fővárosba, és Eszter is elvitetett a király házába, Hégájnak, a nők őrzőjének felügyelete alá.
9 Ang dalaga ay nakapag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga niya sa kanya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, at siya at mga aliping babae ay inilipat niya sa pinakamagandang lugar sa bahay ng mga kababaihan.
És tetszett neki a lány és kegyet nyert előtte, és sürgette, hogy adják neki szépítőszereit és ajándékait, és a hét lányt, akiket szolgálatára adnak a király palotájából, és kivételezett vele meg leányzóival az asszonyok házában.
10 Walang sinumang sinabihan si Esther kung sino ang kanyang lahi o mga kamag-anak, sapagkat sinabihan siya ni Mordecai na huwag sabihin.
Eszter nem mondta meg, melyik népből való, és honnan származik, mert Mordecháj azt parancsolta neki, hogy ne mondja meg.
11 Araw-araw naglalakad si Mordecai papunta at pabalik sa harapan ng patyo sa labas ng bahay ng mga kababaihan, upang malaman ang tungkol sa kapakanan ni Esther, at tungkol sa kung ano ang gagawin sa kanya.
Mordecháj pedig naponta az asszonyok palotája előtti téren forgolódott, hogy megtudja, jól van-e Eszter és mi történik vele.
12 Nang dumating ang pagkakataon para sa bawat dalaga upang pumunta kay Haring Assuero—sa pagsunod ng mga alintuntunin para sa mga babae, ang bawat babae ay kinakailangang tapusin ang labindalawang buwan ng pagpapaganda, anim na buwan na may langis ng mira, at anim na may pabango at pampaganda —
S mikor egy-egy lányra került a sor, hogy bemenjen Áchásvéros királyhoz azután, hogy letelt neki az őt megillető tizenkét hónap – mert így telnek a szépítkezés napjai: hat hónapig mirhaolajjal és hat hónapig illatszerekkel és szépítőszerekkel –
13 Kapag ang dalaga ay pumunta sa hari, anuman ang kagustuhan nito ay ibinibigay sa kanya mula sa bahay ng mga kababaihan, para madala niya sa palasyo.
bemehet a lány a királyhoz, és mindaz, amit kér, hogy elkísérje őt az asszonyok házából a király palotájába, megadatik neki.
14 Sa gabi siya ay papasok, at sa umaga siya ay babalik sa ikalawang tahanan ng mga babae, at sa pangangalaga ni Saasgaz, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa ibang mga asawa. Hindi na siya muling makakabalik sa hari maliban na lamang kung siya ay malugod sa kanya at ipatawag siyang muli.
Este bemegy és reggel visszatér egy másik asszonyok házába, Sáásgáznak, a király udvari tisztjének, az ágyasok őrének felügyelete alá. Nem mehet be többé a királyhoz csak akkor, ha őt a király kívánja és név szerint hívatja.
15 Ngayon nang dumating ang panahon para kay Esther (anak na babae ni Abihail, ang tiyo ni Mordecai, na siyang kumuha sa kanya bilang sariling anak) na pumunta sa hari, hindi siya humingi ng anumang bagay subalit kung ano ang iminungkahi ni Hegai na namamahala sa mga babae. Ngayon naibigan si Esther ng sinumang makakita sa kanya.
És mikor Eszterre került a sor, Ávichájil, Mordecháj nagybátyja leányára, akit Mordecháj lányának fogadott, hogy bemenjen a királyhoz, nem kért semmit, csak azt, amit Hégáj, a király udvari tisztje, az asszonyok őre tanácsolt, és Eszter tetszést nyert azok szemében, akik őt látták.
16 Dinala si Esther kay Haring Asssuero sa maharlikang tirahan sa ika-sampung buwan, ang buwan ng Tebeth, sa ikapitong taon ng kanyang pamumuno.
És Eszter bevitetett Áchásvéros királyhoz, királyi palotájába a tizedik hónapban, Tévét havában, királyságának hetedik évében.
17 Higit na minamahal ng hari si Esther sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan sa harapan niya, higit sa lahat ng ibang mga birhen, kaya ipinatong niya ang maharlikang korona sa ulo nito at ginawa siyang reyna sa halip na si Vasthi.
És a király megszerette Esztert, jobban valamennyi asszonynál, és elnyerte tetszését és kegyét jobban mint bármelyik hajadon, királyi koronát tett a fejére és királynévá tette őt Vásti helyett.
18 Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.
És nagy lakomát rendezett a király mind vezető emberei és szolgái számára, Eszter lakomáját. Engedményeket adott a tartományoknak és ajándékokat a királyi mértékben.
19 Nang tipunin ang mga birhen sa ikalawang pagkakataon, si Mordecai ay naka-upo sa tarangkahan ng Hari.
Amikor másodszor is gyűjtöttek szüzeket, Mordecháj a királyi udvarban volt,
20 Hindi pa sinabi ni Esther ang tungkol sa kanyang mga kamag-anak o kanyang lahi, tulad ng tagubilin ni Mordecai sa kanya. Patuloy niyang sinunod ang payo ni Mordecai tulad ng ginawa niya nang pinapalaki siya nito.
nem mondta meg, kik a rokonai és melyik népből való, mert Mordecháj így parancsolta neki, éppúgy megfogadta Mordecháj szavát, mint mikor még a gyámsága alatt állt.
21 Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero.
Egy ízben, amikor Mordecháj az udvarban tartózkodott, a király küszöbét őrző két háremőr, Bigtán és Teres megharagudott Ahasvéros királyra, és merényletet terveztek ellene.
22 Nang mapag-alaman ni Mordecai ang bagay na ito, sinabihan niya si Reyna Esther, at kinausap ni Esther ang hari sa ngalan ni Mordecai.
Mordecháj azonban megtudta, és elmondta Eszter királynénak, Eszter pedig elmondta a királynak.
23 Ang ulat ay siniyasat at napatunayan, kaya binitay ang dalawang lalaki sa bitayan. Isinulat ang pangyayaring ito sa Aklat ng mga Alaala sa presensya ng hari.
A hír kivizsgáltatott és igaznak bizonyult, ezért a két háremőrt felakasztották. A történetet fel is jegyezték a királyi krónikák könyvében.

< Ester 2 >