< Ester 10 >

1 Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga lupang baybayin sa tabing-dagat si Haring Ahasueros.
King Ahasuerus laid a tribute on the land and on the islands of the sea.
2 Lahat ng mga nagawa ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, kasama ang buong kasaysayan ng kadakilaan ni Mordecai kung saan inangatan siya ng hari, nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Alaala ng mga Hari ng Media at Persia.
Aren’t all the acts of his power and of his might, and the full account of the greatness of Mordecai, to which the king advanced him, written in the book of the chronicles of the kings of Media and Persia?
3 Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.
For Mordecai the Jew was next to King Ahasuerus, and great amongst the Jews and accepted by the multitude of his brothers, seeking the good of his people and speaking peace to all his descendants.

< Ester 10 >