< Mga Efeso 6 >

1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang tama.
Filii, obedite parentibus vestris in Domino: hoc enim iustum est.
2 “Igalang mo ang inyong ama at ina” (na siyang unang kautusan na may pangako),
Honora patrem tuum, et matrem tuam. quod est mandatum primum in promissione:
3 “upang maaari itong maging mabuti sa inyo at maaaring mabuhay kayo ng mahaba dito sa mundo.”
ut bene sit tibi, et sis longaevus super terram.
4 At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.
Et vos patres nolite ad iracundiam provocare filios vestros: sed educate illos in disciplina, et correptione Domini.
5 Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.
Servi obedite dominis carnalibus cum timore, et tremore, in simplicitate cordis vestri, sicut Christo:
6 Maging masunurin hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila. Sa halip, maging masunurin kayo gaya ng alipin ni Cristo. Gawin ninyo ang kalooban ng Diyos mula sa inyong puso.
non ad oculum servientes, quasi hominibus placentes, sed ut servi Christi, facientes voluntatem Dei ex animo,
7 Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.
cum bona voluntate servientes, sicut Domino, et non hominibus:
8 Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya.
scientes quoniam unusquisque quodcumque fecerit bonum, hoc recipiet a Domino, sive servus, sive liber.
9 At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi.
Et vos domini eadem facite illis, remittentes minas: scientes quia et illorum, et vester Dominus est in caelis: et personarum acceptio non est apud eum.
10 Sa wakas, magpakatatag kayo sa Panginoon at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan.
De cetero fratres confortamini in Domino, et in potentia virtutis eius.
11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.
Induite vos armaturam Dei, ut possitis stare adversus insidias diaboli.
12 Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo. Sa halip, ito ay laban sa pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng kaharian ng masamang kadiliman, laban sa mga masasamang espiritu sa kalangitan. (aiōn g165)
quoniam non est nobis colluctatio adversus carnem et sanguinem: sed adversus principes, et potestates, adversus mundi rectores tenebrarum harum, contra spiritualia nequitiae, in caelestibus. (aiōn g165)
13 Kaya isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang manatili kayong matatag laban sa masama sa panahong ito ng kasamaan. Pagkatapos ninyong gawin ang lahat ng bagay, magiging matatag kayo.
Propterea accipite armaturam Dei, ut possitis resistere in die malo, et in omnibus perfecti stare.
14 Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran.
State ergo succincti lumbos vestros in veritate, et induti loricam iustitiae,
15 Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong mailagay sa inyong mga paa ang kahandaan sa pagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan.
et calceati pedes in praeparationem Evangelii pacis:
16 Sa lahat ng kalagayan kunin ang kalasag ng pananampalataya, kung saan tutupukin ang lahat ng naglalagablab na pana ng masama.
in omnibus sumentes scutum fidei, in quo possitis omnia tela nequissimi ignea extinguere:
17 At kunin ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang espada ng Espiritu, ang salita ng Diyos.
et galeam salutis assumite: et gladium spiritus (quod est verbum Dei)
18 Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi. Magbantay kayong lagi ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya.
per omnem orationem, et obsecrationem orantes omni tempore in spiritu: et in ipso vigilantes in omni instantia, et obsecratione pro omnibus sanctis:
19 At ipanalangin ninyo ako na maibigay sa akin ang mensahe kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan ang nakatagong katotohanan tungkol sa ebanghelyo.
et pro me, ut detur mihi sermo in apertione oris mei cum fiducia, notum facere mysterium Evangelii:
20 Para ito sa ebanghelyo kaya ako kinatawan na naka-tanikala, upang sa ganito makapagsalita ako nang may katapangan kung ano ang nararapat kong sabihin.
pro quo legatione fungor in catena ista, ita ut in ipso audeam, prout oportet me, loqui.
21 Ngunit upang inyo ding malaman ang aking mga ginagawa at kung ano ang kalagayan ko, si Tiquico, ang minamahal na kapatid at tapat na alipin sa Panginoon ang magpapaunawa sa inyo ng lahat.
Ut autem et vos sciatis quae circa me sunt, quid agam: omnia vobis nota faciet Tychicus, charissimus frater, et fidelis minister in Domino:
22 Pinadala ko siya sa inyo para sa layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang maaliw niya ang inyong mga puso.
quem misi ad vos in hoc ipsum, ut cognoscatis quae circa nos sunt, et consoletur corda vestra.
23 Mapasainyo nawa mga kapatid ang kapayapaan, at pag-ibig na may kasamang pananampalataya mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Pax fratribus, et charitas cum fide a Deo Patre nostro, et Domino Iesu Christo.
24 Mapasainyo nawa ang biyaya sa mga nagmamahal sa ating Panginoong Jesu-Cristo na may pag-ibig na hindi kumukupas.
Gratia cum omnibus, qui diligunt Dominum nostrum Iesum Christum in incorruptione. Amen.

< Mga Efeso 6 >